C28: Deadline
Renz's Point of View.
"Renz, ipasa mo kay Yver!" utos ni Kyn. Ginawa ko naman.
"Yver, magdunk ka. Bakla mo naman eh!" inis na sabi ni coach.
Di talaga kasi gusto ni Yver ang magdunk o anuman. Three-pointer sya at yun ang specialty nya. Ayaw pa kasing lumabas sa sariling comfort zone ng lalaking ito.
"Hoy, Kurt, umayos ka. Wag kang tatanga-tanga," sigaw ni Kyn sa kanya.
"S-Sorry," pinasa niya kay Yoj ang bola.
Eto namang si Yoj, sobrang seryoso. Akala mo naman kakain ng tao.
Pinapractice kami ngayon ni coach nang kung ano-anong basketball style. Paano ba naman kasi? Dapat alam namin ang galaw ng bawat isa. Walang mag-sstay put sa comfort zone. We need to get out of our comfort zone. Buti na lang at MVP ako. I'm good at everything when it comes to this thing.
"Break muna, 5 minutes," si Coach.
Whoo, buti naman at naisipan niya pang bigyan kami ng break. Kanina pa kami napapagod, e. I couldn't even feel my legs because we were running for one hour. Habol dito, habol doon, salo rito, salo roon. Daig pa namin ang nagtriathlon.
Nakita kong nilapitan kaagad ni Lyn si Kyn upang bigyan ng towel at tubig. Aba, hindi pa pala sila nagbrebreak? Haha.
"Ugh, nakakapagod," reklamo ni Kurt na nasa tabi ko lang. Nag-abot siya ng bottle sa akin. "Water?"
"No, thanks. I have gatorade."
Hindi halata pero napakamapili ko sa energy drinks na iniinom ko.
"Oo na. Ikaw na ang mayaman, Renz," pang-aasar niya.
"Palibhasa kasi wala na si Aya upan-" natigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang sumimangot. "S-Sorry, Kurt. Di ko yun sadya."
"Tsk. Okay lang, Renz. Nakamove-on na ako sa kanya. Totoo yun," tinapik nya pa ako sa balikat.
I'm a barbie girl ~
In a barbie world
Imagination life is your creation ~
"Ano ba yan? Kaninong cellphone yan!?" inis na tanong ni Kyn.
Walang umimik sa amin kaya pinakinggan namin kung saan nanggagaling yung tunog. We followed the sound and I felt my phone's vibration in my bag kaya dali-dali ko iyong kinuha.
"Renz, sayo ata yun," seryosong sabi ni Yoj.
Shit! Akin nga yun at may 10 missed calls galing kay Jhanessa. Hindi tumatawag si Jhanessa sa akin. Si Yelo siguro ito.
"What a barbie girl," si Yver na malamig pa rin.
Tangina! Bakit ganito ang ringtone ko? Pinalitan siguro ng babaeng yun nang hiramin niya ang phone ko. Hiniram niya kasi ito noong nakaraan, e. Hindi ko na talaga ito ipapahiram sa kanya!
Tumawag ulit siya kaya sinagot ko kaagad bago pa kumanta iyong Barbie Girl.
"What?!"
📞 "Problema mo, Renz? Kakasagot mo lang, galit ka na," boses ni Jhanessa.
"Ikaw pala. Akala ko si Jen, e."
Lagot talaga sa akin ang babaeng iyon.
📞 "Anyway, she told me she'll meet you at the rooftop... now! Bilisan mo!" saka niya ibinaba ang tawag.
Nagmana yata ito kay Jen, e. Kinuha ko na ang mga gamit ko bago umalis nang tawagin ako ni Yoj.
"Renz, saan ka pupunta?" tanong ni Yoj. "Hindi pa tapos ang practice natin."
"Mabilis lang ako. Rooftop lang," tumakbo ako paalis dahil baka mahuli pa ako ni Coach.
What does she need from me this time? Uutusan niya siguro ako ng kung ano-ano upang mapahirapan kasama ng timer niya at finish line.
Kung ano-ano na ang iniisip ko. Sisigawan ko talaga siya kapag nagkita kami. Palitan ba naman ng Barbie Girl ang ringtone ko? Mabuti na lang talaga at gwapo ako. Hindi nila iisipin na isa akong bakla.
Pagpasok ko dun, nadatnan ko siyang nakahiga habang may takip na panyo ang mukha, tapos ay ginawa niyang unan ang kanyang kamay.
"Tsk. Hoy!" sisigawan ko na sana sya kaso bigla syang gumising. Ayan! "Bakit mo-" papagalitan ko na sana sya kaso.
"You're here," ang lungkot ng mga mata nya.
Okay alam kong malungkutin talaga syang tao at malamig pero kakaiba ngayon kasi naman. Parang may mali sa mga tingin nya!
"A-Anong problema mo? May ipag-uutos ka ba?" tanong ko nang may pag-aalala.
Nakakatakot siya, iba ang awra ni Jen ngayon. Sumenyas sya na maupo raw ako sa kanyang tabi kaya ginawa ko naman. Likas syang tahimik pero bakit ganun, masyado siyang tahimik ngayon.
"Meron."
"So may ipag-uutos ka pala master? Ano yun? Bibili na kita," tatayo na sana ako kaso pinigilan nya ko. Problema nito? "Bakit?"
"Dito ka lang, hanggang mag-uwian. Samahan mo ko," malamig nyang utos habang nakatitig sa kawalan.
"O-Okay," naupo ulit ako sa tabi nya.
Ano kayang problema ni Master ngayong araw? Ang lalim ng iniisip nya e, kasing lalim ng dagat.
Habang tumatagal nawiwirduhan na ako sa crush ko. I sighed. I do like her. Pero bakit ko nga ba siya nagustuhan in the first place?
Lumipas ang limang oras, nakaupo pa rin kami doon, walang ginagawa, ang sakit na nang pwet ko. Gusto ko sanang tumayo at bumili nang makakain kaso hinahawakan nya braso ko sa tuwing tatayo ako. Kahit nga pagccr ay hindi ko nagagawa. Huhu.
"Gutom na ako, master."
"Hanggang sa matapos lang ang last period," mahina nyang sabi.
"Tsk. Bakit hihintayin pa natin yun?" I glanced at my wristwatch.
Ten minutes na lang bago mag-uwian. I skipped practice and ditch class for this. Ni hindi niya man lang ako kinakausap. Hindi sya nagsalita at dahan-dahang binitawan ang pagkakahawak sa braso ko.
"Ilang minuto na lang bago ang uwian?" she asked.
"Five more minutes, Master."
Nakatingin ulit sya sa malayo. Ano bang iniisip nito?
"Kung ganun, umalis ka na," she seriously said. She wrapped her legs around her arms. "Leave me alone, Renz."
Ang sakit naman nun. After all the hours I spent with her, ito lang ang sasabihin niya sa akin? Wag na raw akong bumalik? Hindi ako mag-aabroad, bibili lang ako ng pagkain sa canteen. Mas nag-aalala ako dahil hindi pa siya kumakain dahil kanina pa kami andito.
"H-Hey! Gutom ka ba, master? Ibibili muna kita nang makakain. Teka babalik ako agad," akmang tatakbo na ako palabas kaso dahil sa sinabi nya di ko na natuloy.
"Kahit wag ka nang bumalik, ayos lang. Tutal naman, tapos na."
"Tapos? Tapos ang alin, Master," nalilito kong tanong.
"Don't call me that. I am not your master anymore," galit niyang utas sa akin.
"Ano bang problema mo, mas-"
"Our deal has already ended. Maging masaya ka na dahil tapos na ang Master-Servant relationship natin. You're free to go back where you came from, Renz. Hindi kita pipigilan. The five-month deal is over."
Natigil ako sa kanyang sinabi. They're right, time flies so fast when you're with someone you love. Masyadong mabilis natapos ang limang buwan.
Bumalik sa akin lahat. Lahat ng alaala na nagawa namin sa loob ng panahon na iyon.
"Jen, wait. Itutulak mo ba ako nang ganun-ganun lang dahil sa deal natin?" asik.
"Oo. Ganun lang," nilamigan niya ako ng tingin bago tuluyang umalis kaya naiwan akong tulala sa rooftop.
Alam kong malamig sya, alam kong cold sya, alam kong wala syang pakialam kaso... kaso... bakit parang pinapana niya ang puso ko? Ang sakit ng mga sinabi nya, ganun na lang ba yun? Nang dahil sa deal, naging close kami. Whenever I'm with her, my feelings are real. Lahat nang kabaitan na ipinakita ko sa kanya, hindi iyon peke.
What about her? Is she faking it for the sake of the deal?
"B-Bweset na ice princess," mahina kong sabi.
Umalis ako sa rooftop. Paano ako magiging masaya kung wala na akong rason upang makalapit sa kanya? Ganito pala kasakit maabutan ng deadline.
——
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro