C24: The Reason Why
Jennifer's Point of View.
Naglalakad ako papuntang classroom nang mapansin kong nakatitig lang sa akin ang ibang estudyante. It looks like they're shooting daggers at me following my presence in this hallway.
Maybe because of what Assej and I said yesterday. It feels like a threat to them.
"Good morning, Jen," bati ni Jhanny.
"Mornin'," I greeted back.
Parang puputok na ata ang pantog ko dahil sa tubig. I need to go to the restroom immediately.
"Jhanny, I have to go to the restroom," paalam ko sa kanya.
Tumakbo ako papuntang cr, they keep staring at me. Mabuti na lang at hindi nakamamatay ang titig. If that's the case, then I will be found dead. I entered the second cubicle when I heard a group of girls entering after me.
"Did you hear Jen's announcement yesterday? She was really scary, tumindig balahibo ko sa takot," someone said.
So they're talking behind my back when I don't even know them. Aaminin ko, nakakuha rin kami ng maraming atensyon kahapon.
"You bet, akala mo naman kaya n'ya tayong saktan," the other girl commented.
"Girl, wag ka, marami sila. Bigatin grupo nila, may Jennifer lang, e."
"Ayoko ring makipag-basag ulo o pumatol sa kanila. Hindi ko kakayanin, I don't want to take a risk and ruin my reputation as Queen Bee!"
"Ay oo nga pala. Kuya niya bf mo, hindi ka niya masasaktan dahil kay Kyn, diba?"
Queen bee? May queen bee ba sa campus namin? Wala naman ata, a. I decided to banged the door. Their eyes widen in shock when they saw me coming out of the cubicle. They have nothing to hide anymore, I already heard them talking behind shits.
"J-Jen. Jen, ikaw pala," kabadong sambit ng nakapulang headban.
"Who's the Queen Bee?" malamig kong tanong.
They all pointed to the girl who was being nervous just by staring at me. Her face looks familiar, I think she's the captain of the cheering squad.
"B-Bakit?" she stuttered. "What do you want from me?"
My eyes were as cold as north pole when I looked at her. "Who told you that I can't hurt people?"
"S-sorry, I thought you can't because of your brother," yumuko pa siya.
"You're right. I don't hurt people, I hate fights but my cousin Assej does love it. Kaya wala kang karapatan na sabihin na hindi ko kayang manakit sa inyo just because of my brother," they stayed silent and listened to me. "I can hurt you if I want to but I choose not to."
Iniwan ko silang nakatulala, bahala sila sa buhay nila. I just heard shits about me. Do you think I'll let it slipped in my hands? Nadatnan ko si Assej at Jam na nag-uusap. Natingin sila sa akin nung pumasok ako.
"Where have you been?" Assej asked.
"Buti andito ka na. Good morning, Jen," Jam smiled.
Umupo muna ako bago nagsalita. "Sa CR lang," I replied, putting my earphones on. Masanay na sila sa ganito kong ugali.
Nag-uusap lang silang tatlo habang nakatitig naman ako sa playground. I want to play there. I was just staring when I saw two guys starting to punch each other. Mga sira, wala silang mapapala sa ganyan. Dumating si sir at nagklase about Physics, which was too easy for me. Even a fifth grader can understand the basic properties and formulas. Bigla ko tuloy naalala na may tutor session pa ako bukas.
"Class dismissed," he cued. "Ms. Ramirez, sundan mo muna ako sa faculty," sabi ni sir habang nag-aayos ng gamit.
"Opo, sir," lalabas na sana sya nang agad siyang natigilan sa aking sinabi. Did I say something wrong?
"S-Sige, Ms. Ramirez," he smiled. Nakakapanibago ba kapag nag-opo ako?
Nagpaalam muna ako sa kanila. Sa canteen na lang daw muna sila tatambay kasi gutom na mga bituka nila. I couldn't blame them. Pagdating ko dun sa faculty, kinausap agad ako ni sir.
"Ms. Ramirez, nag-iimprove na ang mga grades ni Kurt dahil sayo. Thank you for all the efforts," he said.
"No problem."
"Gaya nang pangako ko. May plus points ka sa grades mo, salamat ulit."
Lumabas ako ng faculty at pupunta na sana sa canteen nang marinig ko ang sigaw ng isang napakapamilyar na boses. I saw Assej... nakikipagsuntukan!
"Ba't mo yun ginawa?!" sigaw nya dun sa lalaki.
Pero mas nagulat ako nang malaman kung sino ang kanyang sinusuntok.
Assej, what are you doing to him?
Jhanessa's Point of View.
"Ba't mo yun ginawa?!" hinawakan ko ang kwelyo nya. Kainis s'ya ang panget nya at ang kapal pa ng mukha.
"K-Kasalanan mo. Bitawan mo ko!" impit nyang sabi pero mas lalo ko lang hinigpitan ang hawak sa kwelyo.
"ASSEJ!" napalingon kaming dalawa sa nagsalita.
It was Jen. Papalapit sya sa pwesto namin pero hindi ko pa rin nagawang bitawan ang kwelyo ni Niel.
"Bitawan mo sya, Assej," she damands.
"P-Pero..."
"I said it so do it."
I'm always scared of that kind of tone. Wala na akong nagawa. Mahal ko ang pinsan ko kaya ko ito ginagawa para sa kanya. Binitiwan ko sya ngunit may pahabol na banta.
"Don't you dare," panlilisik ko.
"Let's go," malamig n'yang sabi.
Hindi ko alam kung galit ba sya o hindi basta't sinusundan ko lang ang bawat lakad n'ya.
Iniwan namin si Niel pero umalis din s'ya agad. Di ko alam kung ano ang nasa isip ng lalaking iyon. She stopped walking and looked at me. I closed my eyes and waited for her to scold me. Heto na heto. Humanda ka na, Jhanessa sesermonan ka na!
"Anong nangyari?" She asked, surprisingly calm.
"E-Eh kasi.." baka di nya ko paniwalaan.
"Assej!" malamig pero galit na tono.
"Oo na, binigay kasi ni Niel number mo kay Michael. Eh ayaw mo sa mga ganun diba? Kaya ayun..." ang babaw ng dahilan ko no?
"Kaya ano?"
"Kaya, sinuntok ko sya para matauhan. Pero promise mahina lang yung punch ko," mahina nga kumpara sa suntok ni Jen.
"Ganun ba, salamat. Pero sa susunod, ako na ang bahala. Ok lang sa akin yun since it's Michael, he's an aquaintance. But if it's someone else like William then..." naaalala na naman nya ba yun?
"Sorry"
-Flashback-
Tinext ako ni William nun, gusto nyang hingin ang number ni Jen because he was in love with her. And so I did.
"Bakit, Assej?!" tanong ni Jen na nasa tabi ko lang.
"H-Ha? Ah wala naman," I answered, replying his text message.
To: William Serrano
#0948******* kay Jen yan.
Sabay sent. Kumain lang ako ng popcorn habang nanood ng tv nung biglang nagvibrate ang cp ni Jen. Si William na siguro yan. Mabait naman kasi si William sa amin kaya okay lang siguro na binigay ko.
"Unknown?" bulong nya. Nag-iisip pa rin sya nun kung kaninong number ang nagtext.
"Bakit, Jen?" I asked, I always had the thought na nagpakilala na si William through text.
"W-Wala," hindi nya talaga gustong sabihin. Gusto nyang pasanin ang mundo slash sikreto slash problema.
Mga 1 week na rin ang nakalipas simula nung nagtetext sila ni William pero hindi pa rin alam ni Jen kung kanino ang numerong iyon.
Isang araw habang nasa room kami, bigla syang nairita. Wala sa mukha nya pero sa kinikilos nya meron. Nilagay nya lang cp nya sa desk at hinahayaang magvibrate nang magvibrate.
"Ang dami mong messages a? Don't you want to read that?"
"Those are useless spam messages."
"B-Bakit?" Napansin kong nag-iba ang tono ng kanyang boses. Parang may mali. "Jen?"
"Nanligaw sya pero binasted ko na. Kaso ayaw nya akong tigilan hanggang ngayon. Ayaw nya akong tigilan, Assej!"
Kinabahan ako bigla. Alam nya kaya na si William yan? Since I gave him the number, I felt the responsibility if confronting him. Tumayo ako bigla, kakausapin ko si William na tigilan na nya si Jen.
"San ka?" she asked.
"S-Sa kabilang section," walang patumpik-tumpik akong naglakad papunta dun.
Pinapunta ko sya sa garden at kinausap! Obsessed na sya masyado sa pinsan ko.
"WILLIAM! Tigilan mo na ang pinsan ko pwede ba?!"
"Ano? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya, Jhanessa," sumbat n'ya.
"Hindi pa ba masama yang ginagawa mo? Pinapahirapan mo sya, nagagalit na sya William. Ayaw na nya kaya tumigil ka na!"
Nginitian nya lang ako ng sobrang nakakaloko. "It's your fault. Binigay mo sa akin ang number nya diba?"
"Oo kasi gusto mo sya. Sabi mo gusto mo lang s'ya! Binasted ka na nga nag-eexpect ka pa rin. Tigilan mo na ang pinsan ko!" galit na ko. Sumigaw nako, buti nasa garden kami dahil pag nagkataon naprefect na kami.
"Psh. Give me a break, Jhanessa. I don't like her."
Ano? Hindi nya gusto? Nilagawan nya nga diba?
"I'm obsessed with her. You can't do anything about it."
"Aba! Gago ka pala!" sinuntok ko sya sa mukha. "Tigilan mo na nga sabi, e!"
"Sh*t, ang mukha ko!" he cussed.
"Don't worry, walang maganda sa mukha mo. Inayos ko lang ng konti!" pang-aasar ko. Bweset talaga tong lalaking na 'to, pahamak!
"Ikaaaww!" hinawakan nya ng mahigpit ang aking leeg. "Wala ka na ngang magagawa diba? Diba?" sa bawat salita nya mas hinihigpitan nya pa ang pagkakasakal sa akin.
'Tulong! Tulong!'
Umuubo na ako nun, hirap na akong huminga. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses mula sa lalamunan ko. I felt helpless.
I don't know what exactly happened. In one fluid motion, nawala na si William sa harapan ko. Nabitawan na n'ya ako pero ubo ako nang ubo.
"Are you alright?" ang boses na yun. I slowly lift my head.
"S-Sorry... sorry, Jen!" umiyak ako sa harap nya. I almost die, almost, if it wasn't for her.
"Stand up. A gangster shouldn't look helpless," inabot nya kamay nya sa akin.
Nakita ko si William na natumba pero tumayo din agad. Mukhang hindi pa iyon ang pinakamalakas na suntok ni insan.
"J-Jen!" sabay turo kay William.
Nilapitan siya ni Jen.
"Be careful insan!"
Inangat nya si William mula sa lupa. Oo, inangat niya, nagawa niya, ganun kalakas si Jen.
"You're as ugly as your ass," she said, tsaka n'ya binalibag sa lupa. "Ikaw pala yung text nang text, binalaan na kita sa text. Kapag hindi mo ako tinigilan, papatayin kita," galit n'yang sabi pero nanatiling blanko ang kanyang ekspresyon.
"P-Patayin mo ko. Sige! Hahaha, gustong-gusto kita, Jennifer!" sa halip na sagot suntok sa sikmura ang inabot ni William mula kay Jen.
"That's for my cousin. Ang kapal ng mukha mong hawakan ang blouse n'ya," she said, gritting her teeth.
She took her phone inside her pocket. Nakakaawa si William pero kasalanan nya yan. He's damn insane about my cousin.
I saw Jen taking out her sim card. "Kung gusto mo akong itext, heto sim ko sayo na. Mabaliw ka kakatext sa sim ko!" tinapon nya yun sa mukha ni William including her expensive phone.
"You will all pay for this. Tandaan nyo yan, lalong-lalo ka na, Jennifer!" Galit na galit ang kanyang itsura. Mukhang tigre na kakain ng tao.
We left him rot there. Habang inalalayan naman ako ni Jen palabas ng garden. Grabe, ngayon ko lang nakita si Jen na ganun kagalit sa buong buhay ko at kasalanan ko pa!
"J-Jen, sorry. I'm really sorry," dispensa ko.
Lumapit sya sa akin. I thought she's gonna scold me or punch me but I was wrong. Pinunasan nya ang aking mukha na puro luha at lupa.
"You're so dirty, Assej," malamig n'yang tugon.
"J-Jen-" she cuts me off.
"It's fine, wala kang kasalanan. Di mo naman alam diba?"
"Sorry talaga, sorry!"
-End-
It's been a year but I couldn't forget that. I just can't let go of the past.
"Nagsosorry ka na naman, Assej," she reminded.
"Eh kasi..."
"I already moved on. Nakalimutan ko na iyon matagal na. Tara pumunta na tayo sa canteen," hinawakan nya ang kamay ko tsaka hinila papuntang canteen.
Simula nun, hindi ko na binibigay ang number n'ya at mahigpit na rin si Kyn pagdating dun. Naging warfreak nga si Kyn matapos malaman ang nangyari, at susugurin nya raw si William tsaka susuntukin. Kaso binatukan sya ni Jen at sinabing ayos lang.
Oo nga. Dapat ganun din ako, kakalimutan ko na rin yun. I hope that I can... and I will try.
-----
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro