Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C21: Princesses Clash

Princesses Clash







Jennifer.

Maayos-ayos na ang pakiramdam ko. Buti na lang talaga at nakapagpahinga ako kahapon, ang aga ko pa lang pumasok kasi wala pa masyadong tao.

Nilagay ko naman ang bag ko sa upuan tsaka umupo, tumitig na naman ako dun sa playground. Habang nakatingin, napansin ko si Yver dun. Anong ginagawa nya dyan?

Parang may hinahanap sya.

"Nevermind," sabi ko sa sarili. Pupunta muna akong garden, baka may mapala pa ko.

Naglakad lang ako papunta dun, tahimik nga. 6:36 AM pa naman. Umupo ako sa isa sa mga benches at nilanghap ang sariwang hangin. Pansin ko lang ha, there is someone sleeping on the other bench nagtatakip kasi sya ng panyo, kaya hindi ko makita yung mukha. Pero alam ko namang babae sya dahil sa mahaban n'yang buhok.

"A-aggh, sakit ng katawan ko," reklamo nito.  Bumangon sya bigla tsaka napatingin sa akin. "Ha! I-Ikaw? It's you!" She said, pointing at me.

"Don't point at me," malamig kong sabi.

"S-Sorry," dispensa n'ya, sabay baba ng hintuturo.

Sya pala yung babae sa party na umiiyak.

"Hi, kumusta ka? Di ko pa rin alam name mo hanggang ngayon," nakangiti nyang sabi. Tumitig lang ako sa kanya. "Ano ngang pangalan mo?"

"Hmm.."

"Eeh, sabihin mo na kasi. Sige na!"

"Hmm."

"Sige na, sige na, sige na! Tell meee," pangungulit niya.

Ay ang kulit.

"Jen."

"Ha?"

"Jen."

"Complete name mo, ano ba yan," nagkamot pa sya ng ulo.

"Tsk. Jennifer Alegna Ramirez," natigilan sya sa sinabi ko. May mali ba sa pangalan ko?

"R-Ramirez? Ramirez ka?"

"Oo," tipid kong sagot.

"D-Do you know Kyn?"

Paano nya nakilala kuya ko? Oh yeah, that's right, he's famous when it comes to girls.

"Oo. He's my brother."

"Magkapatid kayo?!" nagkamot na nga sya ng ulo. Ano bang problema kay kuya? Gusto nya ba si kuya Kyn? "Akala ko kasi gf ka nya," dismayado n'yang pahayag.

"Kadiri," I said.

"Grabe ka naman. Haha," she chuckled.

Paano naman nangyari yun? Ang pangit ng kuya ko.

"May gusto ka ba sa kuya ko?"

"Hindi! N-Not that, hindi mo ba talaga alam?"

"May dapat ba akong malaman?"

Wala kasing sinasabi si kuya sa akin.

"Ako ang ex girlfriend nya."

Nilamigan ko lang sya ng tingin. Ah okay, so napaglaruan rin sya ni kuya? Ganun?

"P-Pero past na yun promise. Wala na akong gusto sa kanya"

"Sya ba yung iniyakan mo?" nakatingin lang ako sa malayo. Umayos naman sya ng upo.

"Oo. Hehe! Tama ka, pathetic nga ako! By the way, I'm Jiemie. Jiemie Jhean Mendez," pakilala nya.

"Walang nakwekwento masyado si kuya tungkol sa'yo o sa mga naging girlfriends nya."

"Sabagay. Wala naman syang pake sa 'kin."

"Hindi yun, hindi masyado, pero meron syang nakukwento tungkol sayo pero sa akin n'ya lang sinasabi."

Hindi kasi mahilig si kuya na pag-usapan ang mga ganyang bagay.

"A-Anong mga sinasabi nya?" atat nyang tanong.

Sasabihin ko ba? Hmm, sige na nga lang, tutal, sinimulan ko na.

"Mga bagay na iba ka sa lahat, di ka nya type, plaything ka lang nya, partygirl ka, gusto mo ng alak, lasinggera ka saka playgirl..." natigilan sya sinabi ko. Mukhang naiiyak na ata, hindi pa nga ako tapos.

"G-Ganun ba?"

"Pero binago mo sya kaya kahit ganun, mahal ka nya."

Naalala ko pa ang kaOAhan ng kuya ko habang nagkwekwento, di ko alam na sya pala ang tinutukoy nya. Di ko kasi sya kilala at never pa syang pumunta sa bahay at hindi kailan man pinakilala.

Bigla syang umiyak sa harapan ko pero hindi isang hagulhol kundi impit lang. Parang pinipigilan nya ang kanyang iyak.

"Okay ka lang?"

"D-Di ko naman alam na lasinggera ako, di ko alam na plaything lang ako.." she said in between her sobs. Iyakin ba talaga sya? "M-Minahal nya ba talaga ako?"

"Oo. Di ko nga alam na nagbreak na pala kayo," I said in a monotonous voice. Wala naman kasi akong paki pagdating sa pag-ibig. "Punasan mo na luha mo. Ang aga-aga pa masyado para magdrama."

"S-Sorry," sabi nya sabay punas. "Jen, parang narinig ko na ang pangalan mo. Ikaw ba yung sinasabi nila na ice princess?"

'Oo, ako nga kaya matakot ka'

Kung pwede ko lang yang sabihin sa kanya.

"Totoo nga pala talaga ang sabi nila," she said, wiping her tears.

Oo alam ko, na ice ako? Na ang lamig ko? Na lahat ng lumalabas sa bibig ko ay galing kay Satanas? Psh!

"Ang ganda mo tsaka ang lamig ng mga mata mo katulad ng boses mo," nakangiti nyang sambit.

Why is she smiling? Ano ang nakakatuwa dun?

"Hm."

"Cold ka nga ba talaga? Sabi kasi nila, snob ka tsaka palaging seryoso."

"Ikaw? Ano sa tingin mo?" I asked, directly looking in her eyes.

Nag-isip muna sya bago tuluyang sumagot.

"Hmm. Mabait ka, prangka nga lang. Nakakatakot boses mo pero honest ka naman. First time pa lang tayong nagkakilala pero I feel so comfortable around you," sabi nya sabay stretched ng kamay.

"Is it just because of my brother kaya ka nagbabait-baitan sa akin?"

Frankly, I used to get bullied but my brother's always been my savior.

"Oy. Hindi ah!" ang bilis nyang nakadefend. Kita mo na! "Hindi talaga. Hahaha!"

"Ganun ba."

"Alam mo, Jen, mas maganda ka kapag nakangiti. Ngumiti ka nga."

Ayoko nga, ayoko. Sa lahat ng pwedeng gawin wag lang yan.

"I forgot how to smile," natulala sya sa sinabi ko. Nagpaalam na rin ako pagkatapos. "Alis na ko."

Naglakad ako papuntang room, papasok pa lang sana ako kaso may binigay sa akin si sir na card. Ibigay ko raw sa student council president nitong school.

I have no choice but to follow orders. Nagpunta ako agad sa Student Council Room at nakaharap ang malaking pinto na may tatak na SCR. Nakatayo lang ako, nagdadalawang isip sa pagkatok.

Seems like no one's here

*tok tok tok*

"Joseph, buksan mo nga!" boses ng isang babae mula sa loob.

Bumungad sa akin ang isang lalaki na nakangiti. Mukhang s'ya ata yung Joseph.

"O, Jen, anong ginagawa mo rito?" bungad n'yang tanong sa akin.

I tried scanning his very familiar face and found out that she's one of my brother's friends.

"Ano yan?" Joseph asked.

Hindi ko sya sinagot sa halip pumasok na ako sa room. Hindi naman kasi si Joseph pinunta ko kundi yung president.

"Pinabibigay," sabay latag sa kanyang desk.

"C-Card?" kinuha nya iyon. "Para saan?"

"Di ko alam. Sige," aalis na sana ako nung tinawag n'ya ako.

"T-Teka lang, Ms. Ramirez!" she exclaimed, approaching me. "Sinong nagpabigay nito?"

"Si sir Lexper," matabang kong sagot.

"Tsk. Pwede mo ba akong samahan sa kanya? Di kasi 'to pwedeng pumasa kasi may red mark na. Lika!"

"T-Teka," papalag pa sana ako but she was already pulling my wrist.

Hinila nya kasi ako bigla papuntang faculty at hinarap si sir.

"Excuse me po, sir. Bawal po tong pumasa," pinakita nya naman kay sir yung card.

"Ay oo nga teka," may kinuha si sir na pang-erase. Anong ginagawa nya? Bawal yan. "Sorry ha. Wala kasi akong ibang ballpen kundi pula, hehe. Pinabigay ko yan para mapalitan mo ng black, Ms. Mendez. Sorry hindi ko pala nasabi kay Ms. Ramirez ang tungkol dun."

Nakahinga ng maluwag ang katabi ko. Anong papel ko dito sa faculty? Tagaturo ng teacher? -___-

"Buti na lang. Sige, sir, thanks po," umalis na kami dun. Pero sunod sya ng sunod sa akin hanggang sa nakalabas na kami.

"What do you want?" I asked.

"Hmm. Haha, malamig kasi kapag malapit ka sa akin," she said, casually.

Alam ko na yan, hindi na bago sa pandinig ko. Kaso walang kwenta, sinusundan nya pa rin ako.

"Ano ba? Layuan mo ko, Ms-" I paused when I realized that don't know her name.

But she knows me so it's a bit unfair on my part.

Napansin n'ya ata ang malamig kong ekspresyon kaya nagpakilala na s'ya agad.

"Jehna Amethyst Mendez. Nice to meet you, Jen," she smiled.

"Ewan," and then I walked fast.

"Tsk. Jen, hintay!" Tawag n'ya ulit. "Close ba kayo ni Yoj? May number ka ba nya?"

"We're not close, girl hater yun."

"Sige na naman, oh, please!"

Huminto ako at tsaka sya nilingon. "Tsk. Kahit tingnan mo pa phone ko, mommy, daddy, kuya, at pinsan lang ang nasa contacts, okay? Kaya umalis ka na."

"Eeh. Sabihan mo ko kapag nakuha mo, ha. Teka, heto number ko, oh," hinabol na naman nya ko at binigay ang kanyang calling card. "Ha? Bigay mo ha? Hehe."

Ang kulit niya. Parang si Jiemie!

"Tsk. Kapatid mo ba yung Jiemie? Pareho kayo, e, napakakulit!"

"Oo. Paano mo nalaman?" Gulat n'yang tanong. So she really is her sister. "Thank you, Jen, byeee. I'm counting on yah," tsaka sya tumakbo palayo sa akin.

Sira pala yun, tiningnan ko ang calling card na binigay n'ya. Kahit kailan, hindi ko binibigay ang number ko sa kahit na sino. Wala akong ibang tinatawagan kundi silang apat lang. Ayoko ng sagabal.

Jehna Mendez. Magkapatid nga sila nung Jiemie.

Bumalik ako sa classroom, nalate raw ako ng 15 minutes kaya detention ko 30 minutes. Tsk! Kainis naman, palagi na lang akong nadedetention.

Naalala ko pa yung nadetention kami ni Tanga tapos nahimatay ako. Psh! Pagpasok ko sa detention room nakita ko si Jam.

"Waah. Jen, nadetention ka rin? Bakit? Late ka rin?" sunod-sunod n'yang tanong.

"Obviously," naupo ako sa dulo.

"Oy, tabi tayo. Kilala mo pa rin ba ko? Tayo lang naman dito, classmates naman tayo. Dali tabihan mo na ko!" aya nya. Napakakulit rin ng isang ito.

Bakit ang daming makukulit na tao ngayong araw?

"Jen, Jen, Jen!" tawag nya.

Ang ingay.

"Kung tatabi ako sayo, tatahimik ka na ba?"

"Oo. Siguro," she smiled.

Lumipat ako ng upuan but one seat apart kami. Ayokong dumikit, baka may masabi na naman akong mali.

"Ayan," she chuckled a bit.

Nagheadset ako pero mahina lang ang volume.

"Hey, Jen. Do you know Joseph?" nanahimik lang ako kahit naririnig ko naman talaga sya. "He's my bestfriend kaya di ko sya pwedeng gustuhin. Friendship is way more important than love right?"

"Oo nga pala may headset ka," dagdag nya pa.

Tinanggal ko ang headset at tsaka ako nakinig sa kanyang pathetic love story about bff.

"Ikuwento mo. Makikinig ako," I said, habang nakatingin sa iPad.

"J-Jen..." napansin kong naiiyak sya. Ang daming iyakin sa mundo! "S-Sorry. Eh kasi, di ko naman alam na mabait ka," at dahil sa sinabi nya binalik ko na lang ang headset ko.

Wala rin masama pa rin tingin nila sa akin, ice nga diba? Kinatatakutan pa rin ako.

"JOKE! JOKE! JOKE LANG IKAW NAMAN OH," pingilan nya akong isuot ang aking earphones.

"Umayos ka ha," malamig kong sabi.

"Oo. Natuwa lang ako sayo. Ikaw ba, Jen, kaya mo bang isakripisyo ang pagkakaibigan para sa pagmamahal?"

"Wala akong alam sa mga ganyan."

"Sabi ko nga."

"Pero..." Tutok na tutok pa ata to sa sasabihin ko. "Pero kung di ka naman sigurado sa nararamdaman mo, wala kang dapat isakripisyo."

"You're right," nakangiti nyang sabi. "I don't need to sacrifice anything for now. Hihintayin ko na lang na magkagusto sya sa 'kin."

Bumukas ang pinto at bumungad si manong na nagbabantay dito sa detention room.

"30 minute detention labas na raw," lalabas na sana ako kaso napatingin ulit ako kay Jam.

"You know, friendship is more important but the bond between friendship is called love," sabi ko bago tuluyang lumabas ng room.

Ayoko nang madetention ulit, nagiging guidance counselor ako sa ginagawa ko. Naglalakad lang ako pabalik nung may bumangga sa akin. Oo ako yung binangga promise.

"Sorry, Jen," dispensa nito.

She knows me, tiningnan ko ang kanyang mukha. It was Jhanny.

Hindi ako umimik habang pinagpag ang aking palda.

"Nasa detention pa rin ba si Jam?"

"Oo."

"Thank you," papunta sya doon. May dalang pagkain. Grabe, bestfriends nga talaga. Speaking of pagkain, gutom na ako.

Naglakad ako papuntang canteen, recess naman namin kaya ayos lang. Pumila na ako kaso ang haba ng pilang nadatnan ko, tsk. Di ako sanay kapag ganito kasi si Assej ang palaging pumipila para sa akin o di kaya ay si Tanga.

Kinuha ko agad ang aking phone para sana tawagan s'ya kaso naalala ko na wala akong numero n'ya. Nasa pinakadulo pa naman ako ng pila. Kainis! Mukhang matatagalan ako dahil dito kaso gutom na talaga ako.

May biglang kumalabit sa aking blouse. Inalis ko na lang yun at hindi pinansin, pumipila ako rito tapos iistorbohin nya pa.

*kalabit*

*alis*

*kalabit*

*alis*

*kalabit*

Ay ano ba kanina pa yan, ah!

"Ahaha, kumusta master?" nakangiti nyang tanong.

"What are you doing here?"

"Kagagaling ko lang sa practice, bakit ka pumipila dyan?"

"Oorder ako," sagot ko nang hindi sya tinitingnan.

"Tsk. Alam mo, ang OA mo. Tara, dun tayo sa mesa," hinawakan nya ang aking kamay.

"Bakit? Wala pa akong order"

"Nag-order na ko para sayo. Pinuntahan kita sa detention room tapos dinaya ko yung manong na tapos na ang 30 minutes. Hehe, lika na," pumunta naman kami dun sa table.

Nandun sila kuya tsaka teammates nya. Pati si Assej.

"Hi, insan"

"Andito ka na pala."

"Hehe."

"Heto!" binigay nya sakin footlong, spaghetti, water! Ito yung mga order ko na di nya binigay ha.

"P-Pwede?" tanong ko. Baka kasi dinadaya nya lang ako.

"O-Oo," utal nyang sagot. Nagkamot pa sya ng ulo, hala natauhan.

"Alam mo kasi, Jen, naguilty sya kasi feeling nya sya yung dahilan ng pagkakasakit mo. Di nya kasi binigay yang gusto mo," si Kurt.

Heh? G-Guilty. Kita ko naman tinago nya mukha nya at lumingon sa gilid.

"Salamat," bulong ko tsaka kumain.

Habang kumakain ako kita ko naman na napatigil sila sa ginagawa nila. Anong meron? May dumi ba ko?

"What?" My brows arched.

"NOTHING!" sabay nilang sabi.

AKO NA BA ANG TANGA NGAYON?


——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro