C20: Fever
Fever
Jennifer.
Ang lamig, sobrang lamig, ang sakit ng ulo ko pati na rin katawan ko. Asan ba ko? Ba't ang lambot na ng kama sa clinic?
Minulat ko ng unti-unti ang mga mata ko. Nasa kwarto nako, t-teka? KWARTO KO?
"What!" tumingin ako sa paligid.
This is my room. Huli kong naalala ay nasa detention pa ako kasama si Tanga. Biglang pumasok si mommy na may dalang tray.
"O anak you're awake. Kain ka muna, nagluto ako ng arozcaldo, paborito mo," sabay lapag.
"Thanks, mommy," kakain na sana ako nang naisip ko kung sinong naghatid sa akin dito. "Sino po pala nagdala sa 'kin dito?"
"Si kuya mo, bakit?"
"W-Wala po."
"Anak, bakit ka ba nagkasakit ha? Anong kinain mo sa canteen? Anong ginawa mo? Nagpaulan ka ba?" sunod-sunod nyang tanong.
"Opo," sabi ko upang matapos na. "Naambunan po. Sorry."
"Haay, hindi talaga natin yan maiiwasan. O sige, magpagaling ka muna," malambing nyang tugon.
"Opo," lumabas si mommy ng kwarto.
Si kuya pala naghatid sakin, akala ko si Tanga, buti na lang talaga at nadetention siya kasama ko dahil baka yung guard sa detention ang nagbuhat sakin! Tsk, hay kung ano-ano nang iniisip ko.
"Arozcaldo," bulong ko.
"WAAAAH!"
Natapon ko ang kinakain ko nang may sumigaw. Hindi man lang kumatok sa pinto ko.
"JEN! AYOS KA LANG? ANO? MAINIT KA PA BA? ANO NA? SAGOT!"
"Calm down, Assej para naman akong may cancer sa ginagawa mo." naupo sya at huminahon.
"So ano na ba," sabay hawak sa noo ko. "Hindi ka na masyadong mainit pero kailangan mo pa ring magpahinga."
"Ewan."
"Heto, I brought fruits for you," tsaka nya nilagay yung basket sa mesa ko. Ang dami, iba't-ibang klase. "Mom said na ibigay ko raw sayo to lahat para mabilis ang paggaling mo."
"Thanks."
"Babalatan ko na tong mansanas para sayo, kainin mo pag naubos mo na yang arozcaldo" ani nya habang kumukuha ng kutsilyo tsaka nya ito binalatan.
Oo nga pala may nakalimutan akong itanong sa kanya.
"Hey, Assej. Alam mo ba ang nangyari tungkol kay Kurt at Aya?" napatigil sya sa pagbabalat. Alam nya kaya?
"Ang alin?"
"Nalaman na kasi ni Kurt na nagcheat sa kanya si Aya, sinabi mo ba?"
"Oo," hala. Sinabi nya ba? "Oo, nalaman ko ang tungkol doon pero hindi ko sinabi. Yun kasi ang sabi mo, wag na wag kong sasabihin sa kanya at hayaang sya ang makaalam."
She always follows my orders that's why I trust her.
"May nakwento ba sya?"
"Meron. He found out."
"Nahuli nya?"
"Hindi, sinabi sa kanya ni Aya. Lumuhod pa nga raw at nagmakaawa."
Ang hilig nya atang lumuhod? Sana nga lang sa pagdarasal niya yan ginagamit.
"BH si Kurt ngayon."
"Hmm," hindi ko sasabihin na inaway ako ni Tanga dahil dun. Kung sasabihin ko man, susugurin nya si Tanga pag nagkataon.
"Bakit mo naman natanong, insan?"
"Wala lang," natapos na nyang balatan yung mansanas.
"Eat up."
"Thanks."
Hindi nagtagal nang umalis na rin si Assej at nagpaalam kay mommy. Kailangan pa raw nyang pumunta sa klase upang makahabol sa lessons dahil excuse sya nang sumakit ang kanyang tiyan. Sasabihin na lang daw nya sakin ang mga lessons para sa next quarter. Sira talaga!
May kumatok naman sa pinto. Si mommy ba yan?
"Pasok."
Nagulat ako nang makita si kuya. "K-Kuya?"
"O ba't parang gulat na gulat ka dyan, Yelo? Hindi naman kita ginulat ha, baliktad ka talaga!"
"Did you just... knock?"
"Oo. Ba't ba kasi gulat na gulat ka ha? Kumatok lang naman ako e!" inis yung mukha nya pero halatang nahihiya. "O-Okay ka na ba? Tanga mo kasi. Akala ko pa naman hindi nilalagnat ang mga YELO!"
Sus, ang halata mo kuya. Just tell me kung nag-aalala ka, ganun ba yun kahirap?
"Ewan."
"Heto, gamot. Inumin mo raw yan sabi ni mommy," nilapag nya yung biogesic sa mesa. "INUMIN MO YAN HA!"
"Oo, amin amin din pag may time, kuya" malamig kong sabi.
"Hoy hindi ako nag-aalala. Sira ka talaga!"
HULI KA!
"Wala naman akong sinasabi a."
"Tsk. Bahala ka, dapat pagbalik ko magaling ka na," tsaka sya lumabas at umalis.
"Ayaw pang aminin na nag-aalala sya sakin. Ang sweet talaga ni kuya," sabi ko sa sarili.
Uminom ako ng gamot saka ako natulog.
Magpapahinga muna ako, pagod lang to.
Renz.
Nasa garden kami ngayon pinapalinis ni mang Wil ang mga paso. Tsk, bakit ba kasi may CAT pa kami?
"Absent si Jen? Bakit?"
"Siguro naging yelo na."
"Natuluyan!"
Rinig kong chismis nila. Lahat kasi ng third years andito, tiningnan nila ko tsaka ningitian, ako naman, plastic na smile lang.
'Absent si Jen?' tanong ng isip ko.
"Oo absent sya, hindi mo alam?" si Yver.
"Hindi naman sya nagtext."
"Sa tingin mo ba ibibigay nya ang number nya sa kahit na sino? Sira ka."
Kahit slave nya ako, ibang phone pa rin ang ginagamit nya upang tawagan ako.
"Bakit kaya?" tanong ni Yver.
"Bakit ang alin?" pagtataka ko.
Bakit absent sya? O bakit ayaw nyang ibigay number nya.
"Bakit kaya ayaw nyang ibigay ang number nya no?"
Hindi ako nagsalita, wala rin akong matinong sagot e. Tsk! Nakita ko sila Kyn, papalapit, may dalang walis. Ahaha!
"Ang aga nyo naman dito," bungad niya.
"Nagtext si Jhanessa, hindi raw sya maglilinis kasi allergic sya sa alikabok!" ani Jester.
May alikabok ba rito sa garden?
"Palusot," bulong ni Kurt.
"Oo nga pala, Kyn. Bakit absent si mas- Jen pala," muntikan na yun ha. Hehe magtataka talaga sila kung bakit master ang tawag ko.
"Alam mo namang may lagnat sya diba?"
"Ha? Hindi pa pala gumagaling? Akala ko kasi hindi nilalagnat ang ice princess, pwede ba kong bumisita?" nag-aalala kasi ako. Bigla bigla na lang nahihimatay sa harap ko! Akala ko kung ano na, lagnat lang pala.
"WAG! NAGPAPAHINGA YUN!" sigaw nya. Ano ba yan! I'm just concerned.
"OA mo rin, Kyn nag-aalala lang yung tao para sa kapatid mo. Payagan mo na!" singit ni Michael.
"Tumahimik ka, Michael"
"Ok sige. Kung ayaw mong bumisita si Renz, edi bibisita kaming lahat," ngisi ni Yoj.
"H-Ha?!" naiinis na mukha nya. Hahaha, sige ayan kasi.
"Bibisita ako mamaya, Renz sumama ka na," sabi ni Joseph.
"H-HOY! Ano ba, pinagtutulungan nyo ba ko?" asik ni Kyn.
"Niel, tawagan mo nga si tita Jendi para malaman nya na bibisita tayo mamaya pag-uwi," utos ni Al sa kanya.
Teka? Silang lahat, kilala si Jen? Hindi nakapagtataka, famous ang kuya nya sa campus. Magbabarkada nga talaga ang mga ito. Puro sikat.
"Oo, tita agreed. Wala ka nang magagawa, Kyn bibisita kami sa gusto mo o sa gusto mo," ngisi ni Niel.
"K-Kayooo talaga! Kainis, lagot kayo sakin pag hindi pa gumaling kapatid ko bukas dahil sa inyo," umalis sya ng padabog dala-dala ang walis.
"AHAHAHAHAAAAA!!" nagtatawanan sila. Tingnan mo to oh, sama-sama ng ugali.
"N-N-Nakita nyo yung expression nya? Nakakatawa talaga!" si Joseph.
Si Yoj at Jester tahimik lang. Barkada nila yung pinagtawanan.
"Tsk. Ba't nyo naman yun ginawa?"
"Pasalamat ka nga tinulungan ka namin, Renz," si Al.
"Oo nga salamat kaso ginalit nyo naman yun!"
"Hindi yun galit. Promise, we know him," sure na sagot ni Niel.
"Paano ka naman nakakasiguro?"
"Gusto lang naman namin syang paaminin na nag-aalala sya sa kapatid nya!" si Michael. "Al, Niel, balik na tayo"
Sumunod naman sila. Ganun pala? Bakit hindi nya ba kayang aminin na nag-alala sya kay Jen? Kapatid nya naman yun.
"Sakit na ng likod ko. O ano bang nangyari?" kararating lang ni Yver.
"Bumalik na tayo sa classroom," sabi ni Kurt. Sumunod naman kami, malapit na rin namang mag-uwian.
****
Nagtaxi ako papunta kina Jen, hindi na raw sasama yung iba kasi may gagawin pa sila. Tingnan mo, ang rami pa nilang ginawa upang makapunta tapos hindi naman pala tutuloy!
"A-Ang laki ng bahay este mansyon nila," komento ko bago nagdoorbell.
Hindi nagtagal nang may nagbukas ng gate, katulong nila.
"Sino po sila?"
"K-Kaibigan po ako ni Jen, nabalitaan ko kasi na may lagnat sya kaya bumisita po ako."
"Ay buti naman, kayo po ba yung tumawag kanina?"
"O-Opo," pinapasok nya ako. Ang laki ng bahay at may garden pa.
Pumasok ako sa loob at sinalubong ako ng isang magandang babae. Ate nya?
"Oh hijo, ngayon lang kita nakita ha? Asan na sila Niel? Michael?"
"A-Ah, h-hindi po sumama. I'm Renz, kaibigan ni Jen."
"May kaibigan ang anak ko?" gulat nyang sabi. Bakit wala ba syang kaibigan, kung si Assej naman, ay oo nga pala pinsan nya yun. "Ah. S-Sige, puntahan mo na lang sya sa kwarto nya. Natutulog ata yun."
Umakyat ako sa second floor. Ang haba ng hagdan jusko, parang great wall of china. Halatang-halata ang kwarto nya dahil kulay red ang pinto saka may pangalan din. Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto. Natutulog nga sya. Lumapit ako tsaka kumuha ng upuan at naupo sa gilid.
'Ang himbing nyang matulog. Parang walang kasalanan sa mundo -__-'
Hinawakan ko ang kanyang noo. Hindi na sya masyadong mainit.
-Flashback-
"MASTER! MASTER!" tsk. Nag-alala ako kasi di na nya dinidilat mata nya. Ang init nya pa! "Manong! Manong detention tulungan mo nga po ako rito"
"Anong nangyari?" nilagay nya si Jen sa likod ko.
"May lagnat po sya nahimatay agad!" binuhat ko naman si Jen.
"Saan ka pupunta ijo, di pa tapos detention nyo!"
"MANONG! AKO NA LANG PO TUTUBOS NG ORAS NYA, KAILANGAN KO SYANG MADALA SA CLINIC!" tsaka ako tumakbo.
Sabi ni miss konting lagnat lang naman raw yun at di na ako kailangang mag-alala pa. Buti na lang sinundo sya ni Kyn sa clinic kaso di pa rin sya nagigising.
END~
'Buti naman maganda na temperature nya'
Kinuha ko naman yung puting towel na pinahiram nya, ang tagal ko pa naman tong nasauli. I put it on the desk!
"Sa susunod wag mo kong pinag-aalala. Matulog ka na muna, master," sabi ko sabay alis.
Ang himbing nyang matulog ayoko syang gisingin. Nagpaalam na ko kay tita Jendi, ang sabi pa nya. Ang gwapo ko raw! Ahaha.
Third Person.
Gumising si Jen pagkatapos ng pagbisita ni Renz sa kanya. Di naman talaga sya tulog, kanina pa kasi sya gising.
Napansin nya naman ang towel sa gilid.
"Sinauli na nya" bulong nya sa sarili.
Bumalik sya sa pagkakahiga at natulog ulit.
——
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro