Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C2: The Love Seeker

The Love Seeker

••••

Jam.

INIWAN ULIT ako ng walang kwentang lalaki na iyon. Bweset na buhay to, palagi na lang ako ang nagagamit. Kailan ba ako pwedeng gumanti?

Nasa rooftop pa naman ako ngayon. Chance ko na ito upang magpakamatay. Char lang! Ayoko, sayang ang aking kacute-an.

Iyak lang ako nang iyak nang may biglang nagsalita sa gilid.

"Ay, ang ingay naman!"

Napatingin ako sa kanyang direksyon. May natutulog pala rito. Akala ko kasi walang tao.

"Sino ka ba?" pagsusungit ko.

Kagigising niya lang pero in fairness, may itsura siya dahil sa mapupungay niyang mga mata. Kaso hindi ko siya type!

"Ako? Ako si..." bumaba muna siya mula sa itaas kung saan siya natulog. "Ako si Michael, ikaw?"

"Pake mo? Nakikita mo na ngang umiiyak iyong tao, iniistorbo mo!"

Pagsusungitan ko siya hanggang sa gusto ko kasi hindi niya naman alam ang dahilan ng pag-iiyak ko rito. Sana isipin niya na bagsak ako sa exam para hindi ako mapahiya. Mas nakakahiya kapag nalaman ng iba na umiiyak ka kasi hiniwalayan ka.

"Brokenhearted ka no?" nakangisi nyang sambit.

Damn it! Paano niya nalaman iyon?

"Bingo! Did I hit the spot? Klarong-klaro naman sa basag mong mukha na tama ang hinala ko," ngisi niya.

Panira talaga ng moment ang mga lalaking kagaya niya.

"Oo na, basag na ang mukha ko."

Pero mas basag yung puso ko. Tsarot! -^-

"Pwede ka bang umalis muna rito? Mag-eemote pa kasi ako, pwede ba iyon?" I crossed my arms.

"Whatever. Hahayaan na muna kita. Lahat naman talaga ng panget nabrobroken at umiiyak nang dahil sa pag-ibig. Thank God, I'm not one of those ugly guys," presko niyang sabi sabay halakhak.

Ang kapal, ah! Akala mo naman ang gwapo-gwapo nya, e hindi nga siya nangangalahati sa kuko ni Jungkook!

"Tse!" inis ko.

We are not close but I already hate this guy's guts and he is getting on my nerves. Akala ko aalis na sya nang may itanong pa ang hambog sa akin.

"Do you know a pretty girl named Jhanessa?"

"Wala! Wala akong kilalang maganda. Lahat ng kilala ko ay panget!" pasigaw kong sagot.

Biro lang. She is my gangster classmate, but we are not friends.

"Mabuti na lang pala at hindi tayo magkaibigan," tumawa sya.

"Kasali ka na dun ulol. Michael nga ang pangalan mo, diba?" sabay irap. May point naman kasi ako no!

"What? Shut up! What about, Jennifer? Maganda rin iyon."

I know them both, Jennifer and Jhanessa. They're both my classmates, but we are not friends. No one dares to befriend them, especially Jennifer. She's as cold as ice, and Jhanessa is the only one who gets near her.

Teka nga muna! Bakit niya ba sa akin tinatanong? Kung maka-stalk naman sya, hindi pa pasikreto. May nakakaalam pa.

"Wala nga! Umalis ka na nga," sigaw ko sa kanya matapos ituro ang pintuan.

He stared at me from head-to-toe tsaka umalis. Mabuti naman at lumabas na siya. Baka dito ko pa sya mapatay, e. May dala pa naman akong ballpen sa bulsa ko.

I couldn't cry anymore. Pinutol pa kasi yung pag-eemote ko kanina. Pumunta ako sa may hawakan. Maglalakad-lakad muna ako sa gutter, sana hindi ako mahulog sa ginagawa ko. Ang taas pala nitong rooftop namin. Isa pa kapag nahulog ako, mauuna siguro ang bungo tapos boom, wala na ang cute kong mukha.

Naglalakad-lakad lang ako ng dahan-dahan sa gilid nang biglang bumukas ang pinto. Muntikan na nga akong mahulog dahil sa gulat. I thought binalikan ako ni Michael pero si Joseph pala.

"What are you doing here?"

"Jam, don't do this please. Get down from there! Simula bata pa tayo, palagi na tayong magkasama. Bakit mo 'yan gagawin ha? Because your ex broke up with you? Who is he 'cause I will break his face for you! Hindi pa ba ako sapat na dahilan? Bumaba ka na diyan!" pagmamakaawa niya.

Speaking of overreacting, Joseph wins.

Bumaba naman ako ng dahan-dahan at tsaka ko sya nilapitan. Nakangiti pa ang mokong.

"Ang O.A mo ha!" binatukan ko sya agad sa ulo dahilan ng paghawak nya dito.

"Ouch!"

"Spell O.A? Ikaw yun, naglalakad lang ako, naglalaro kumbaga. Hindi ako magpapakamatay. Sira ka talaga, Joseph," pinagkrus ko ang aking braso.

"Ganun ba. Sige ipagpatuloy mo lang yan," bigla ba naman akong tinalikuran.

"Kahit kailan ka talaga, Joseph. Ang OA mo kanina tapos hahayaan mo ako ngayon? Tatalon talaga ako!" bumalik ako sa gutter.

"Hoy, biro lang! Hindi ka naman mabiro, e. Halika, bumaba ka diyan bilis!"

Nakakatawa siyang tignan habang nagmamakaawa. Minsan lang ako maggalit-galitan kaya lulubus-lubusin ko na ang pagkakataong ito. Bwahaha!

"Tatalon na ako. Wala namang kwenta ang buhay ko. My boyfriends are always leaving me," drama ko.

"Don't be serious."

"Joseph, bago ako tumalon, pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit ako kapalit-palit?" sabi ko.

I'm not going to jump. I just want to tease his nerves.

"Then, get off the gutter, Jam. Sasabihin ko sa 'yo ang mga bagay na gusto mong marinig."

Akala niya siguro maiisahan niya ako.

"Do you think the same way as how other guys see me?"

"N-No. You're my bestfriend. I know you better than anyone else. Kaya bumaba ka na diyan!"

"Tsk. Ayaw mong sabihin- kyah!" magsasalita pa sana ako nang hawakan niya kaagad ang aking kamay at hinila pababa ng gutter.

Nakababa kami pareho habang niyayakap niya ako.

Sira! Loko-loko! Ano ba, biro lang naman iyon. Napakauto-uto mo talaga kahit kailan, Joseph!

"I told you to come down, did I? I said it, so you must do it, Jam," he seriously said.

At kailan ka pa naging boss ko?

"Bakit naman kita susundin?" pagtataray ko.

"Dahil kailangan. Dahil ayokong mawala ka sa 'kin. Pwede na ba iyong dahilan?" mahinahon niyang sabi.

Natouch naman ako ro'n. Pwedeng umiyak? Tse!

"Oo na po, beshy. Pwede mo na ba akong bitawan, nahihirapan na akong huminga, e?"

Kumawala rin siya agad matapos kong sabihin iyon. I still want his warmth, though.

"Sorry, nadala lang, bestfriend," ngiti niya.

"Thanks, Joseph. Pinaramdam mo sa akin na may tao pang gusto akong makasama."

"It's my job as your bestfriend to protect you. Pero next time, Jam sa tulay ka tumalon. Huwag dito sa school kasi magkakalat ka pa tapos iyong student council ulit ang maglilinis sa kalat mo. Nakakahiya!" naiiling niyang sabi.

Napakamao ang aking kamay at mabilis siyang binatukan nang napakalakas sa ulo.

"Ah ganun!"

"Joke lang! Eto naman, hindi mabiro."

Nagtawanan kami pagkatapos. Sana ganito kami palagi. Napatitig ako sa kanya. Even though I don't have a boyfriend, I still have Joseph beside me.

"Paulit-ulit kitang sasaluhin, Jam kung mahuhulog ka ulit dahil hindi ko hahayaan na mabasag ka ulit," bulong niya.

Dugdug dugdug.

Namula ako sa hiya at napalunok. I need to change the topic asap!

"Oo nga pala, Seph. Paano iyong paperworks na sinasabi mo? Natapos mo na ba?"

Pinagawa kasi sa kanya iyong sandamakmak na paperworks kanina. Pinarusahan siguro ito.

"Of course I did. You know me. I never let a paperwork disturb my peace," mahangin niyang sagot.

Tumahimik kami at pinagmasdan ang ulap. It seems so peaceful and calm. Ang tanging naririnig ko lang ay ang huni ng mga ibon at ingay ng mga estudyante sa ibaba nitong building. Para akong nasa ulap.

Anong oras na ba? Makatulog nga muna.

I closed my eyes as everything went dark.

***

"Jam, gising!" sigaw ni Joseph.

"Mamaya na. Gusto ko pang matulog," hinila ko naman ang kumot ngunit wala akong nahila. Baka nalaglag mula sa kama.

"Tsk. Jam, gumising ka na nga! Kanina pa nagsiuwian," niyugyog niya ang aking balikat.

Napatayo tuloy ako dahil sa kanyang sinabi. Halos magising ang buong diwa ko pati nerves ko sa katawan.

"Seryoso ka ba? Uwian na talaga?" tanong ko habang pinandidilatan sya ng mata.

Agad akong lumingon sa kanya. Hindi ko namalayan na ang lapit-lapit ng kanyang mukha sa akin, sobrang lapit. It's only inches away and our lips will definitely do its thing. I distant myself a little. Dahil na rin siguro sa sobrang kaba at mabilis na pintig nitong puso ko.

"Kanina pa. Napakatagal mo kasing magising," iritado niyang sabi.

Aba! At mukhang ako pa ngayon ang may kasalanan dito.

"Bakit ba kasi hindi mo ako niyugyog hanggang sa magising ako?" asik ko kasi hindi ako marunong magpatalo.

Kasalanan nya ang lahat ng ito, no! I have my faults but it's only one-fourth, and his fault portion is one whole. You do the Math!

"Oo na," niyugyog nya ulit ako. "Oh, ayan! Wake up!" sarkastiko nyang sabi.

Winakli ko kaagad ang kanyang kamay na nakalagay sa balikat ko. Ang sama niya talaga, masyadong pilosopo.

"Huwag na, tapos na! Huli na ang lahat," galit-galitan kong utas.

Bigla ba namang sumeryoso ang itsura.

"Well, you can't blame me."

"At bakit?" galit ko siyang nilingon.

"E kasi ang himbing ng tulog mo. And to tell you the truth, ang... ang... ano kasi..."

Nakakainis naman, binibitin nya ako masyado.

"Ano nga?!"

"Angcutemongmatulog!" pagra-rap niya.

Natigilan kami pareho. Oo kaming dalawa. Pati siya nagulat sa kanyang sinabi. Ano yun, nagsasalita sya nang hindi nag-iisip?

"A-Ako, cute?" sabay turo sa sarili.

This is my first time hearing him praised my looks. We've been bestfriends since birth, but this is a big news for me.

"That's why you can't blame me, okay?"

Oo nga naman, hindi ko nga sya masisisi. Ang cute ko kasi.

"So tinititigan mo pala ako, Seph?" pang-aasar ko.

"Ewan. Halika na, Jam. Umuwi na tayo," hinila nya ako patayo.

I could see his red cheeks from this view. Hindi pa rin ako gumagalaw mula sa aking kinauupuan. Then, he looked at me.

"Ano na?" tumayo siya at nilahad ang kanyang sa akin.

"Oo na. Wait naman!" tatayo na sana ako nang bigla akong matumba. Hindi ko namalayan na naaapakan ni Joseph yung palda ko.

I accidentally pulled him with me and we landed on the ground together. Nauna ang pwet ko sa sahig, but that's not the point. He's above me. Nagkatinginan kami. Ang awkward naman. Is it just me or... Joseph is good-looking?

Dugdug...

Ay walang kwentang puso, huminahon ka nga!

"J-Joseph, ang bigat mo, a!" inis ko siyang tinulak.

"Ay sorry!" tumayo din sya kaagad. "Tayo na nga!"

Sa pagkakataong ito, hindi na nya ako tinulungang tumayo. Ang gentleman talaga nito kahit kailan. Umalis kami pareho ng rooftop, sinusundan ko lang sya pababa habang nakatingin ako sa kanyang likod.

Dugdug...

Bakit mas lalong bumilis ang pagtibok ng dibdib ko? Ayaw ko na. Para akong magkakasakit. Should I tell Jhanny about this kind of feeling? Maiintindihan niya ba ako kapag kinuwento ko ito sa kanya? I bet she won't because she's NBSB and she's kinda slow.

--

Don't forget to vote, comment, and share this story!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro