C19: My Master
My Master
Jennifer.
"Bilhan mo ako ng pagkain sa canteen in 2 minutes. Be sure it's footlong, salad and WATER!"
"Ha? May timer pa?"
"Oo..."
"Grabe ka naman hindi ba pwedeng-" hindi niya natapos ang kanyang sasabihin nang magsimula akong magbilang.
"1, 2, 3, 4..."
"Oo na oo na!" naglakad sya paalis.
Natutuwa talaga ako sa bawat reaksyon nya. Naiinis at naaasar. Sana pwede kong picturan or mag-video kaso hindi ko magawa-gawa. Hindi ako makahanap ng tiyempo.
'Asan ba si Assej?'
Hindi ko kasi sya nakikita ngayong araw, hindi naman sya absent diba? Hindi rin kasi sya nagtetext.
*Making my way downtown walking fast-*
Tumunog phone ko at nakita ang isang message na galing kay pinsan.
From: Cousin Assej
Nasa clinic ako ngaun, stomachache. Please tell miss na excuse ako.
Kaya pala hindi ko s'ya mahagilap kahit saan, nasa clinic pala sya ngayon. Ang rami nya kasing kinain na bacon sa bahay tsaka ang daming juice na ininom. She also ate bread with peanut butter, and egg. Obviously, she'll get what she doesn't want.
Ok!
Sent...
I waited for Renz to arrive but as expected, he's always late as usual. Gutom na akoooo! Bakit ba ang tagal n'yang dumating?
After a minute and 30 seconds. Wala pa rin, 30 seconds na lang natitira. Lagot sya sa akin kapag lumampas sa pinag-usapan naming oras ang kanyang pagdating.
Maya-maya nagtinginan ang classmates ko sa labas. Why? Ang laki ng tray na kinuha nya, tapos may tatlong bowls pa. Bakit may BOWLS? Pumasok sya sa classroom namin. Pinagtinginan nga sya ng mga classmates ko e. Yung iba namangha, habang ang iba ay nagwagwapuhan sa kanya.
"O ayan. Here's your food master," sabi nya sabay lapag ng tray.
Napatingin ako sa tray, p-puro may malagkit, champorado, arozcaldo tsaka tubig.
"What's that?" I asked with a cold expression.
"Food," nakangiti nyang sagot.
"Alam ko. But I didn't order that. Sinusuway mo na ba ko o tanga ka lang talaga?"
Napapansin ko ang iilang mga mata na nakatitig sa aming dalawa. Psh, hindi ko hilig ang mag-eskandalo.
"Kaya nga. Hindi kita sinusuway, diba allergic ka sa dairies kaya yan na lang ang kainin mo, master!" He said, emohasizing the last phrases.
Psh! Akala mo naman ang galing nyang slave.
"Eat."
"Tsk. Ayoko," malamig kong tugon.
But something unexpected happen. My stomach made a weird sound.
*growls*
Natawa sya ng mahina, pakshet. Ba't ngayon pa? Pinapahiya ako ng sarili kong tiyan.
"Ano? Suko ka na?" tanong nya habang may nakakalokong ngiti. Tinitigan ko lang s'ya ng sobrang lamig, "O baka naman gusto mo pa na ako ang magsubo sayo, Master?" he draws his face closer to me while staring directly at my eyes.
Nakikita ko mula sa aking peripheral view ang mga chismosa kong classmates na sikretong kinikilig.
"Get away from me," I said, pushing him away. "I will eat all of this but I'm gonna kill you later," mahina lang ang pagkakasabi ko sa huling part.
Kumain lang ako ng kumain. Kaya ko namang ubusin itong lahat. Ganyan kami kababoy ni insan, mas baboy nga lang sya kasi vaccuum eater ang kanyang bibig-kahit ano kinakain.
"Ayan! Good girl, napakamasunurin at napakabait talaga ng master ko," sabi nya sa napakaasar na boses, na parang gustong-gusto mo na syang sakalin ano mang oras.
Pagkatapos kong kumain uminom na ako ng tubig. Nabusog ako dun infairness, hindi katulad nung dati na footlong at fries ang palaging inoorder ni Assej. Bibili lang s'ya ng burger kapag gusto ko paminsan-minsan.
"O ano na? Busog ka?" he asked after seeing me finished the food.
"Hindi."
"Gusto mo pa pala ng ganyan, sana sinabi mo."
Nananadya ba sya o nang-aasar? Kasi naaasar na talaga ako kaso pinipigilan ko lang.
"Hindi ako nabusog kasi hindi naman sya kabusog-busog," I lied.
"Ganun? Naubos mo asdfghjkl," may sinabi pa sya sa huli kaso masyadong mahina kaya hindi ko na marinig.
Pinagsasasabi nito? Siraulo!
"Hoy, Tanga, anong oras next subject mo?"
"Bakit? Makikipagdate ka sa akin, master?" nag evil smile sya. Sira talaga.
"Hindi."
"Hmm. May 30 minutes pa ako, bakit?" masyadong konti. Pero kaya na rin siguro.
"Kung ganun, magbasketball tayo," I said.
Matagal-tagal na rin simula nung natigil ako sa paglalaro nito. Kahit captain si kuya, ayaw kong makipaglaro sa kanya. Ang lakas ng angas akala mo matatalo n'ya ako. I'm not Kyn's little sister for nothing.
"Marunong ka!?" gulat nyang tanong.
Hindi nya ba alam na MVP ako sa girls' basketball? Sa bagay, aksidente lang naman yung pagkikita namin dito sa school. If it wasn't fate that brought us together, it's a coincidence. Either way, I don't believe in both.
"Tara," sabi ko.
"T-Teka, marunong ka ba talaga?" he asked again, mukhang may pagdadalawang isip sa kanyang pananalita.
"Oo. Tara nga," naglakad ako paalis.
Nagkamot lang sya ng ulo at sumunod sa akin pagkatapos. Jusko ang tigas ng ulo n'ya at ang kulit pa. Nagpunta kami agad sa court.
"Bawal tresspassers dito master," sabi nya. "Tanging players lang ang nakakapasok."
"I know that," I replied, still walking straight.
Alam ko yun kasi si kuya ang nagsabi sa akin nung minsan ko s'yang inaya para maglaro, kahit na mahangin s'ya at pabibo.
"E bakit pa tayo nandito?" Pumasok na rin s'ya gaya ko.
Kumuha ako ng bola. Napakanerbyoso naman nitong si Renz, ang daming satsat.
"Player ka diba? Ikaw ang entrance card ko," I threw the ball at him. "Game!"
Hindi sya sigurado sa gagawin, he was still scratching his head not knowing what to do. Ano ba? You just have to go with the flow!
"Ayaw mo?" tanong ko.
"Hindi naman sa ganun kaya lang..."
"You're just my slave, I'm your master. Follow my orders and now my order, is for you to follow me. So let's play basketball," tumakbo ako sa kanya at inagaw ang bola tsaka shinoot.
"Oy ang daya," inis n'yang tugon.
Ako pa ngayon ang madaya?
"You're being slow so I got the chance," I said. Hinagis ko ulit sa kanya ang bola.
"Oo na. I'm gonna be serious, master!" seryoso nyang sabi.
Tumakbo sya bigla papunta sa ring para magshoot kaso tumalon ako ng mataas kaya nahawi ko mula sa kanyang kamay ang bola.
Kumunot ang kanyang noo. "Tsk. Ano ba!"
Kinuha ko yun agad for rebound, attempting to make a shot.
"I won't let you do things whatever you like."
"Joke..." bulong ko.
Di ko talaga ishoshoot, ididribble ko lang naman sya at kapag nakatalon na si Tanga tsaka ko ishoshot.
"Aagh! Tsk, naisahan mo ko dun a," he smirked.
"Ang sabihin mo magaling talaga ako," malamig kong utas.
"Psh, we're just getting started," nagdribble sya and then shinoot yung bola. Hindi ko maabot kasi ang tangkad nya masyado. Mas mataas pa ang talon nya ngayon kesa kanina. "AYOS!" He made the shot and he looks so happy about his two points.
2-6 yung labanan.
Naglaro lang kami ng naglaro, ang ganda ng score ko kumpara sa kanya. Pinilit n'yang tablahin kaso hindi nya kaya, ahahaha. Nakakatawa sya, knowing he keeps trying to make it.
20-25 yung score. Ako ang 25, nagpahinga na kami dahil sa pagod. Humiga kami sa sahig, ang lamig ng sahig dito sa basketball court.
"Ahahaha " tumawa na lang s'ya bigla. Hala baliw, may baliw rito.
"Why are you laughing?"
"Eh kasi, kasi naman kahit nakakatawa na yung lagay natin di ka pa rin ngumingiti o tumatawa. Ahahaha!"
Yun lang? Psh, binura ko na sa vocabulary ko ang salitang 'SMILE'
"Ganun ba?" napalingon ako sa kanan kung asan sya nandun. Nabigla na lang ako kasi nakatitig na pala s'ya sa akin.
"Oo. Oo ganun na nga," he said, smiling at me.
Ang lapad ng ngisi! Ang gwapo nyang tingnan, takte bakit? Waaahh, NO! PANGET SYA TSAKA TANGA!
Nilayo ko ang mukha ko. Kainis! Naiinis ako sa mukha nya, napakatanga kasi. Napabalikwas ako nung marealize na may klase pa pala kami ngayon.
"Oy, anong oras na ba ha?" tanong ko pero sa halip na sagutin n'ya ang tanong ko, hinawakan nya ang aking kamay para matingnan yung oras.
I forgot that I'm currently wearing a watch right now.
*Dugdug dugdug*
Ha? What was that?
"1:30, late na tayo," sabi nya. Sabay bitaw.
"G-Ganun ba," matabang kong sambit.
Pagkatapos n'yang bitawan ang kamay ko, hinawakan ko agad ang aking dibdib. Ano bang nangyayari?
Napatingin sya sa akin nung napansin n'yang hindi pa ako gumagalaw mula kanina.
"Gusto mo bang umalis na tayo master?"
"O-Oo sige. Tara."
Sinauli nya ang bola sa lalagyan. Pagkatapos nun ay naglakad kami palabas ng court. Takte. Akala ko ano na yung kanina, siguro bumilis lang yung tibok ng puso ko dahil na rin sa physical activity na basketball.
"Oy? Ayos ka lang master?"
"Oo naman," nakatingin lang ako ng diretso sa daanan.
"S-Sabi ko nga eh -___-"
"Go back to your classroom," utos ko.
"Tsk, kahit bumalik pa ako dun late na rin ako. Detention ang aabutin ko," reklamo n'ya.
Oo nga pala may detention slip, pagagalitan ako ni mommy nito pag nagkataon. Tsk.
"Basta ako papasok, bahala ka na dyan," umalis na ako dun at naglakad palayo.
Pagdating ko nang classroom pinagtinginan nila ako. Ngayon lang ba kayo nakakita nang taong late?
"Ms. Ramirez, why are you late?" tanong ni miss.
I opened my palm, "Detention slip ko."
Let's get down to business na. Detention rin ang aabutin ko because this is a common punishment here.
"Ha? A-Ah," dali-dali naman syang kumuha ng DS. "1 hour lang," umalis na ako dun ng hindi nagpapaalam, nagbago bigla ang isip ko. Ayoko munang pumasok kasi biglang sumama ang pakiramdam ko ngayon.
-Detention Room-
Gaya nang inaasahan, andito rin sya.
"M-Master!" he calls and laughs.
Umupo ako sa dulo, malayong-malayo sa kanya.
"Master, dito ka na lang kaya sa tabi ko?" he insists.
"Ha?"
"Dito ka na tumabi sa gilid ko," pag-uulit niya.
Iba kasi ang pagkarinig ko dun or mali lang talaga ang interpretation ko?
"No, thanks."
"Master, masama ba ang pakiramdam mo?"
"Konti."
Oo. Masama talaga ang pakiramdam ko. Ano bang nangyayari sa akin? Para akong mahihilo.
Tumayo siya at lumapit sa inuupuan ko. He puts his hand on my forehead. "Let me check your temperature."
Ano bang ginagawa nito? Wala akong lagnat. Hindi nilalagnat ang isang ice princess.
"May lagnat ka!"
"That can't be. Paano mangyayari 'yon?"
"You're burning, ihahatid na kita sa clinic."
Tumayo ako at agad na nanghina. Hindi ko kayang maglakad dahil sa sobrang pagod ng mga binti ko. Namamanhid ako. Biglang nagdilim ang aking paningin, hanggang sa nawalan ako ng malay.
"Jen Jen!"
——
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro