Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C18: Meet

Meet



Jhanny.

"Jhanny, tapos ka na ba sa assignment natin?" tanong ni Jam sa akin.

"Assignment sa'n?" pagkaklaro ko.

We have tons of assignments, so I was wondering which one.

"Sa Science."

"Oo naman, kokopya ka?"

"Hindi, ganun rin ako, tapos na."

Eto talaga napakatino kausap, akala ko naman ano na.

"Ang seryoso mo talaga, Jhanny," tawa niya at lumapit sa akin.

Umupo sya sa katapat kong upuan. Looks like she's doing it again. Pustahan tayo, magkukwento na naman ito tungkol kay Joseph.

"Ano ang nangyari? Ang saya mo ata?"

"Ha? Halata ba? Hindi ako masaya no."

Ang obvious na nga, nagdedeny pa.

Ako pa talaga ang niloko niya? Oo magbestfriends kami, pero hindi kami mag-childhood bestfriends. Mas matagal ang pinagsamahan nila ni Joseph kesa sa akin.

"Joker ka rin, Jam," asar ko. "Ano ngang nangyari?"

"Wala nga, nagpaturo lang sya sa akin kahapon tungkol sa Science. Yun lang!" ang lapad pa ng ngiti nya habang sinasabi yun.

"Aah..." yan na lang yung nasabi ko.

Ang halata niya masyado. Malakas ang pakiramdam ko na may gusto siya kay Joseph, kaso hindi niya maamin-amin.

Nagpatuloy sya sa pagkukwento nang may tumawag sa kanya. Ipinatawag siya upang maging floor manager since isa siya sa mga class representative.

"Sige, Jhanny, alis muna ako," paalam nito sa akin.

Naiwan akong nakatulala. Gusto ko ring lumabas.

'Aalis muna ko'

Tumayo ako at umalis. Maglalakad-lakad lang muna ako, kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. At dinala ako ng mga ito sa basketball court ng campus namin. Sobrang tahimik, magandang magpahinga kaya pumasok na ako sa loob.

'So quiet.'

Umupo ako sa isa sa mga benches. I want to rest since I didn't get enough sleep last night. Napagod ako kagagawa ng assignments. Humiga ako at natingin sa kisame hanggang sa makatulog.

***

"Ugh, kapagod!"

Naalimpungatan ako nang makarinig ng ingay. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ang captain ng team na naglalaro. Kuya yata ito ni Jen.

Kyn?

Umupo ako ng maayos upang manood. Siya lang mag-isa ang nagpapraktis. Asan na ang iba niyang members? He was just wearing a sando that's why his baby muscles are visible. Siguro may abs ito!

Waah, ang landi ko rin!

Tinitigan ko sya habang naglalaro. Hindi ko maiwasang hindi mapansin ang malalagkit niyang pawis. Sana man lang ay pinupunasan nya yan. Kaso ang hot niya sa ganyang lagay! Nagdribble sya saka shinoot yung bola kahit nasa malayong line. No wonder he's the captain ball of the team, he's really good. Nagtaka ako nang nahinto sya at napatingin sa akin.

I swallowed. Bakit sya nakatingin dito?

And he smiled at me.

Why did he do that?

Bumalik siya sa paglalaro. Upang makasigurado na hindi ako nananaginip, mabilis kong kinurot ang aking hita.

"Aray!" ang sakit ng kurot, tsk. Totoo nga.

Lalabas na sana ako ng court kaso nag 'psst' sya sa akin. Hindi naman Pst ang pangalan ko ah!

"Psst!" he calls.

Lumingon ako sa kanya. Problema nito?

"Bakit?"

"Haha, bakit ka andito? Bawal kasi pumasok dito maliban sa aming players," paliwanag nya.

Aba! May ganun pa lang rule?

"I'm sorry, I didn't know."

"Don't worry, hindi kita isusumbong," he smirked.

Hindi ko naman sinabi na isumbong mo ako.

"Okay. Thanks?"

Should I thank him? I'm really bad at communicating with guys like him.

"By the way, my name's Kyn Patricio Ramirez. What's yours?" pakilala niya sa akin.

"Jhanny Nishey Alvarez."

Nagtaka ako nang ngumiti siya ng malapad.

"You have a nice name, panlalaki," he chuckled. "Nice to meet you. But I do prefer calling you Nishey. Mas bagay sayo."

Namula ako dahil sa hiya. My cheeks are burning. Someone calls me Nishey before, too.

"I-Ikaw bahala. Call me whatever you want."

"Haha. Ang cute."

Lumapit siya sa akin, as in sobrang lapit. Tapos, tapos... he took something from behind me, a towel and a tumbler.

"Why is it so freaking hot in here," reklamo niya.

Nakakahiya! Ang assuming ko masyado! Akala ko may gagawin siyang hindi maganda sa akin. He looked at me and taps the space beside him.

"Why not sit down, Nishey?"

"I need to go now."

"Don't be like that, Nishey. May one hour pa tayo no. Isa pa, gusto mong magpahinga, hindi ba? Nagising ka lang dahil sa ingay ko," he insists.

May point sya kahit papaano kaya tumabi na ako sa kanya.

"You're sweating," puna ko.

"Tsk. I know. Do I smell? I'm sorry, hold on," he quickly removes his sando in front of me.

And now, he's topless! I knew it, may abs nga siya!

Napalunok ako.

"Bakit? Haha! Don't tell me-" I cut his words off.

"Monay," bulong ko.

"Ano? Pandesal kaya ito, bulag ka ba, Nishey?" he boasts at pinitik niya pa ang kanyang abs. "Matibay ito."

"Oo na oo na. Haha, para kang bata."

Pinunasan niya ang kanyang pawis. He looks so hot doing that. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kanyang abs. Ang macho niya pero hindi siya maskulado.

"Stop staring, Nishey," he smirks.

Nag-iwas kaagad ako ng tingin.

"I'm not even looking."

Magpatay malisya ka lang, Jhanny. Dyan ka magaling. I saw how he drunk two bottles of gatorade without even blinking. Grabe naman!

"Ganyan ka ba kauhaw?"

"Hindi naman. My body needs to generate it's energy kaya nakasanayan ko na dalawang bote ang iniinom ko."

Inis niyang kinuha ang kanyang phone nang magvibrate ito.

"Tsk. Pinapatawag na nila ako," niligpit niya ang kanyang gamit. "Nishey, I'm going. You wanna come?"

Akala ko iiwan niya ako rito. Kanina ko pa kasi gustong umalis pero ayaw niya akong paalisin. Tumango ako at sumama sa kanya palabas. Bumalik ako sa classroom at nadatnan si Jam na nakatulog sa kanyang desk.

"Jam, lika recess tayo."

Sumama sya sakin pero sobrang daming second years.

"Jhanny, hahanap lang ako ng table, ha."

"Okay."

Umalis si Jam at naghanap ng mauupuan. Baka nga maubusan kami ng upuan dahil sa dami ng estudyante. Ang haba pa naman ng pila, sana makaabot ako sa oorderin ko at hindi ako maubusan. Nung turn ko na, burger at ice tea lang ang inorder ko saka fries at coke para kay Jam. I searched for Jam and saw her staring at Jen's table.

"Umorder din ako para sayo," ibinigay ko sa kanya ang fries at coke.

"Oy, thank you ha. Hehe."

I was busy munching my foods when Jam was still staring at Jen. Why does she keep doing that? I decided to snap my fingers in front of her.

"Hoy! Are you okay?"

"Ha? Ah, oo," saka siya kumain ulit pero nakatingin ulit kila Jen.

Lumingon ako sa likuran at napansin na andito pala sila Kyn kasama ang team.

"Jam, titig na titig ka dyan?"

"Jhanny, gwapo ni Kyn, no?" aniya.

Well yeah. We can't deny that. Tama sila, sobrang lakas ng sex appeal nya. Mala-Daniel Padilla.

"O-Oo, sabi mo, e."

Ano ba ang nangyayari? Totoo namang gwapo sya ba't hindi ko masabi-sabi? Parang hindi maganda ang pakiramdam ko rito.

"Hm!"

My eyes widen when Kyn averted his eyes at me. Ngumiti siya at kumaway sa akin. "Hi, Nishey."

"H-Hello," medyo nag-aalinlangan kong bati pabalik.

Jam gave me the side eye look.

"I'll explain later."

"You know her, kuya?" tanong ni Jen.

"We just met a while ago."

"She's my classmate," Jen coldly said.

Naalala ko bigla ang mukha ni Kyn kanina habang nakangiti.

"Maybe he is handsome," bulong ko sa hangin.

Nice to meet you too, Kyn Patricio Ramirez.

——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro