Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C17: Guilty

Guilty







Jennifer.

"Kunin mo nga ang libro ko sa locker," utos ko kay Tanga.

"Okay," tapos agad syang tumakbo upang sundi ang aking utos.

Nakakapanibago. Okay lang sya nang okay ngayon. Ano ba naman yan, gusto ko siyang pahirapan kasi paborito ko iyong earphones na kanyang sinira!

Nilapitan ako ni Assej na nakatingin sa tumatakbong si Renz.

"Oy, kawawa na si Renz. Hindi ka man lang ba naaawa?" she said looking so concerned.

Nilamigan ko lang sya ng tingin, anong akala niya?

"Sa bagay, ice princess ka naman," tsaka n'ya ako tinalikuran. Buti naman at hindi nya ako kinulit pa.

"O, mga libro mo," sambit n'ya pagkatapos iyong kunin.

He took all my books in the locker. Hindi ko kasi sinabihan kung anong libro lang ang kukunin.

"Ano?" he asked when he realizes that I was staring at the books.

"Math lang, return the other books," hindi naman siya nagreklamo.

Hindi ba siya naaasar o naiinis man lang?

Namalayan ko ang dalawang babae na nakatingin sa akin, si Jam at si Jhanny, so I stared back at them. Sila rin ang unang umiwas. My eyes were always been cold. Hindi ko sila masisisi if mag-iiwas agad sila ng tingin sa akin. And, I know every names of my classmates. I remember people who didn't do bad to me.

Pagkatapos ko s'yang utusan, bumalik din sya kaagad.

"May ipag-uutos ka pa, Master?" tanong niya.

"Wala na," I did not dare to glance at him. Nakita ko na nakatayo pa rin sya sa aking harapan. Anong hinihintay niya? "You can go now."

Hindi pa rin sya umaalis. Mas lalo ko lang napapansin ang mga matang nakatitig kay Tanga ngayon.

"I said you can go now."

"Before I leave, I have to ask you something," seryoso nitong sambit.

"Ano iyon?"

"Tungkol kay Kurt–" Assej cuts his words off.

"Tsk! Talk about it later, andyan na si ma'am. Renz, bumalik ka na sa klase mo," she said. Parang nabossy sya bigla.

Lumingon muna sa akin si Tanga bago umalis. "I'll talk to you later."

Ano naman kaya ang pag-uusapan namin at ganun na siya kaseryoso? If it is about Kurt, I have nothing against him.

Natapos ang first subject namin kaya agad akong nagpunta sa canteen. Hindi muna sumama si Assej at nagpaalam na susunod sya mamaya. Mula sa aking nilalakaran, nakita ko si Tanga na nakaupo sa malaking table kaya agad ko siyang nilapitan.

"What is it that we need to talk about?"

"Upo ka muna, master," utos niya.

His aura was serious. I am not used to it.

"Alam mo ba ang nangyari kay Kurt kahapon?"

I took my book while he's discussing something for me.

"Hm?"

"Naglasing s'ya kasi brokenhearted."

"O tapos?" binasa ko ang libro nang hindi nakatingin sa kanya.

"About iyon kay Aya. Nalaman niya na nagcheat ito sa kanya."

"Paano mo nalaman?"

"Absent si Kurt ngayon pati si Aya. Tapos iyon yung sabi ni Kurt sa akin kagabi sa phone call."

"Tapos?" I turn the page.

"Why did you tell him?!" he raised his voice against me.

I haven't even told Kurt na nagchecheat si Aya. Oo, nalaman ko lang nang basta-basta because I saw her cheating with a guy. But meddling with other people's business was never my idea. Hindi iyan pumapasok sa isipan ko kahit kailan.

"So you're saying that I told Kurt about Aya's cheating session?" I asked directly into his eyes.

He took my book away from me. "Hindi ba? Tayo lang naman iyong andun, e?"

"Assej was there too," pagpupuna ko.

"Alam na alam ko na hindi iyon magagawa ni Assej. Pero ikaw, oo, kayang-kaya mo," galit na galit n'yang pahayag.

"Give me back my book," malamig kong sabi.

"Answer me, Jen. Ikaw ba?"

Tinitigan ko lang siya. If I tell him the truth, he will not believe me because he already believed that I did it.

"Kung ako man ang nagsabi tama lang iyong ginawa ko. Yun naman ang totoo, e. He deserves to know the truth but–" he cuts me off.

"Okay, I get it now. You did it!" he concluded without even hearing my full stor.

Bahala sya sa buhay niya!

"Akin na ang libro ko."

"Ganyan ka naman talaga! Umiiwas ka sa topic. At dahil sa ginawa mo, sirang-sira na si Aya kay Kurt." binalik nya ng padabog ang libro ko sa mesa.

Wala pa rin akong imik, hindi naman kasi ako ang nagsabi. Inutusan ko nga siya na huwag sabihin sa iba tapos ako pa ang magsusumbong? Ano ako? Sira? I'm a woman with one word!

"You know what, alam kong ice princess ka. Alam kong manhid iyang puso mo, but could you stop pretending na wala kang pake? I really thought na may bait ka rin dahil sinabi mo na 'wag kong sabihin. Hindi ko alam na ikaw pala ang magsasabi!" tsaka s'ya umalis.

No matter how hard I try to convince people, they keep pushing me away dahilan para hindi ko magawang sabihin ang gusto kong sabihin.

Sinabi ko na, hindi ako ang nagsuplong pero ayaw n'ya namang makinig sa akin. Ang sarap niyang upakan. Is he mad? Well, I'm furious! He's accusing me of something I didn't do.

Napatuloy ako sa pagbabasa ng libro. Ang ganda kasi. John Green's The Fault in our Stars

"Sira," bulong ko sa sarili.







Renz.

Ugh, sana sinabi ko na lang agad sa kanya. I should've warned Kurt earlier! Nakakainis, hindi ko naman alam na si Jen pa ang magsasabi. Baka sinabi nya ito sa masakit na paraan. Hays! Kahit anu-ano na lang ang naiisip ko tungkol dun.

"Dude, what happened to you?" biglang tumabi sa akin si Yver na parang kabute. "You look depressed."

"Tsk. Absent si Kurt," sabi ko habang nakatanaw sa malayo.

"I know that, but I'm not referring to Kurt."

Napatingin kaagad ako sa kanya. "E ano?"

"Bakit ka mukhang naiinis d'yan?" asar n'ya.

Mukha ba akong naiinis? Teka, halata ba?

"Bakit?" tanong niya ulit habang nakatingin sa malayo.

"Si Jen kasi. Sinabi niya kay Kurt na nagchecheat si Aya sa kanya," mahinahon kong sambit.

"O tapos?" malamig n'yang tugon.

Alam n'yo, pareho lang sila ni Jen kung sumagot! Palaging tapos nang tapos.

"Ayun, nasigawan ko kanina. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa sobrang galit," I sighed.

"And what makes you think that she did it? Do you have proof?"

Umiling ako. "W-Wala."

Kung iisipin, wala nga talaga akong ebidensya para idiin sya sa inakusa ko sa kanya kanina. Naunahan kasi ako ng galit bago ko s'ya hinayaang magpaliwanag.

"I know Jen as being the most cold-hearted woman I know. But I don't think that she'll betray her friends. Do you feel guilty?"

"Ewan. Psh, ewan, ewan. Hindi naman ako kagaya niyo na mga ice tsaka malamig! Naguguilty rin ako."

"Edi guilty ka nga," diin niya. "You know what, you did a bad thing to her, Renz."

Mali san? Sa'ng parte?

"Mali? Ako?"

"Oo. Maling-mali ka!" kahit mukha s'yang galit. Malamig pa rin ang kanyang boses, naaalala ko lang sa kanya si Jen. "Bakit ka ba nagagalit sa kanya? Kung totoo naman pala iyong sinabi niya kay Kurt?"

E kasi nga diba truth hurts. Nasaktan ang bestfriend ko dahil sa katotohanan.

"Tsaka, nasasaktan lang si Kurt ngayon kaya ganun. Brokenhearted muna iyan pero makakamove-on rin," dagdag niya. Yver has a point.

"May point ka, Yver," mahina kong sabi.

"Matalino ako, e. And, another thing," he said seriously.

"What is it?"

"Malamig nga si Jen pero hindi lahat ng malamig, manhid. They can feel pain, hurt, betrayal, and other emotions. Hindi bato si Jen para hindi iyon maramdaman. Baka naguguilty na siya ngayon dahil sa mga pinagsasasabi mo sa kanya kanina, Renz."

He's freaking right. Tao din si Jen kaso... kaso, hay! Napansin ko na nakatingin si Yver sa malayo. Tiningnan ko kung asan siya nakatingin.

I did not expect the view that he's been looking at.

It was Jen! Oo si Jen, may nakabangga sa kanya at pareho silang natapunan ng juice. Nagsorry nang nagsorry 'yong babae pero nakatitig lang si Jen kanya.

"Sabi na nga ba at lalamigan na naman nya iyan."

"Just watch," he said.

Gaya nang kanyang sabi, nanood lang ako.

Hindi ko inaasahan ang kanyang ginawa. May kinuha siyang panyo mula sa kanyang bulsa at saka ibinigay dun sa babae. Kahit pareho silang natapunan, mas inuna nya iyon kesa sa kanyang sarili. Nagpaalam na iyong babae nang nakangiti kaso si Jen, gaya nang dati, walang pake.

"See? What did I tell you?" si Yver na proud na proud.

Oo na, Yver. Ikaw na ang magaling.

"Tsk. Oo na, tatanungin ko muna sya kung guilty sya! Baka mali na naman ang akala ko," sagot ko.

"Go and don't forget to send her my regards."

Pinuntahan ko kaagad si Jen sa classroom nila, Class 3-A, kaso wala daw sya ro'n sabi ni Assej. Nasa library at gustong mapag-isa. Feeling ko tuloy ako iyong dahilan kung bakit.

Nagpunta ako sa library upang hanapin si Jen. Nagtanong-tanong ako sa iba kung may nakapansin sa kanya kaso wala rin. Pati librarian, hindi nakapansin sa kanya.

'Pati ba naman librarian hindi nakapansin dahil sa sobrang lamig nya?'

Nakita ko siya na nakasuksok doon sa pinakasulok na parte ng shelf habang may binabasang libro. Nagdadalawang-isip ako kung lalapitan ko ba s'ya o hindi, but I did.

She didn't notice me or she doesn't want to notice my presence.

"H-Hey," I greeted.

Ni hindi n'ya ako nagawang lingunin kaya naupo ako sa kaharap n'yang pwesto.

"Hey, Jen!" ulit ko, but she refused to say a word. Napansin ko ang earphones na nakasuksok sa kanyang tenga. "Hoy!"

I removed it and finally she talk to me. Kaya naman pala hindi n'ya ako napansin kanina.

"Bakit?" nakatingin pa rin sya sa libro niya.

"S-Sorry, master"

"Sorry sa'n?"

"Sa mga sinabi ko sayo kanina. Sorry talaga, hindi ko iyon sinasadya," I apologized.

Nagawa n'ya rin akong tignan ngayon. Her eyes were cold and too dark to even stare at. Para kang nilalamon ng kadiliman.

"Okay," tipid n'yang sagot.

Wait what? Is that all she has to say?

"Tsk. Jen naman, nagsorry na nga ako. Sabihin mo naman na 'okay, I forgive you."

"Tsk. Okay na nga, hindi ba? Huwag ka ngang choosy."

Choosy ako? Kailan pa?

"Besides, you did not let me explain my side and that triggered me. I hate it. Masyadong bastos," dagdag niya pa.

Nanlumo ako, sad to say that she has a point of what she just said against me. Akala ko hindi na siya magsasalita kaso...

"Hindi ko sinabi kay Kurt ang tungkol kay Aya. Hindi dahil may pake ako, kung hindi dahil alam ko ang pakiramdam ng nasasaktan dahil dun," tsaka nya isinuksok ulit ang headset sa kanyang tenga.

She was reading the book 'The Fault in Our Stars'.

"I know that. Thank you, Jen" I whispered and kissed her forehead.

Hindi man lang s'ya kumibo o nagtaka sa ginawa ko.

Kahit ganun n'ya ako patawarin, masaya pa rin ako kasi napatawad na n'ya ako... even though she was so damn cold.







Kurt.

Achoo!

"Kanina ka pa umaatsing, ha. Pinag-uusapan ka siguro kasi lampa ka," si ate na very supportive.

"Tseh!"

"Paano ba 'yan, step brother! Tama ako, mali ka. Wahaha!" tawa niya.

Bruha talaga!

"Kurtressa, hindi ampon ang kapatid mo!" si Mama na kanina pa nakamasid sa amin kasi alam niya na mag-aaway talaga kami.

"Deserve niya 'yan kasi ayaw niyang maniwala sa akin na walang kwenta ang cheerleaders," umusog siya palapit sa mukha ko. "Believe me from now on, beloved brother. Mas malakas ang instinct ko kesa sa 'yo. Isa kang ampon."

"Shut up, ate! Wala kang naitutulong sa pagmo-move on ko," inis ko.

She does this every single time. At kung may pagkakataon siyang asarin ako, ginagawa niya. Kaya nasanay na rin ako. Hindi niya ako mauuto na ampon ako kasi nakita ko na ang birth certificate ko. But she was right when she told me about Aya.

"Gusto mo bang maka-move on, beloved brother?" ngumuya siya ng almonds na nasa platito.

Parang namumulutan lang.

"Siyempre."

"Kung ganun, tawagan mo si Jhanessa tapos papuntahin mo rito. Gusto ko siyang makilala," ngisi niya.

"Anong kinalaman ni Assej sa usapan natin?"

I felt my blood rushing to my face. Nag-iinit ang pisngi ko nang banggitin niya si Assej. Damn!

"Bakit ba?"

"Bakit nga, ate?"

"Bakit ba?"

"Bakit nga sabi, e!"

"E mas bet ko siya kesa kay Aya na imaginary girlfriend mo."

"Hindi siya imaginary!" nasapok ko ang sariling noo. Bwiset talaga itong si ate!

"Magandang pakisamahan ang gaya ni Jhanessa," tumayo siya at tinapik ako sa balikat. "Maganda siya maging first kiss. Yieee!"

How did she–

"ATEEE!"

Tawa lang siya nang tawa paalis ng sala. How did she know that she was my first kiss?

——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro