Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C16: First Kiss

First Kiss




Jhanessa.

Inutusan ako ni Kyn na umorder ng tatlong cases ng beer. Actually, si Jen yung inutusan kaso ayaw nya dahil busy sya sa pagtulong sa business ni tita Jennison– mommy nila.

Tatawagan ko muna si Jester, ipapaalam ko na oorder ako ng beer.

"Hello, Jester?"

"Hm. Napatawag ka ata, Assej?"

"Inutusan kasi ako ni Kyn na mag-order ng three cases of beer mula sayo. Magkano ba?"

"1,500 isang case. Ipapadeliver ko ba dyan? Kaso may extrang bayad."

"Huwag na, papunta na rin ako sa bar niyo. Magkita na lang tayo."

Binaba ko na iyong tawag. Buti na lang at P5,000 lang iyong binigay ni Kyn sa 'kin. Akin na etong sukli. Nakarating ako kaagad sa J Bar. Ipinarada ko ang sasakyan bago pumasok.

J Bar.

Tamad daw siyang mag-isip ng magandang pangalan kaya J Bar na lang daw. Sira ulo!

Hinahanap ko lang si Jester nang biglang tumunog ang phone ko.

Jester Lee Calling...

"Nasaan ka ba, ha?"

"Nasa V.I.P section. Nakita ko kasi mula rito ang kotse mo. Pumasok ka lang at sabihin mong gwapo."

Binaba nya iyong tawag. Anong gwapo?

Pumunta ako sa V.I.P section. Mga importanteng bisita lang ang nakakapasok diyan at isa na ako ro'n. Papasok na sana ako pero may bouncer na pumigil sa 'kin. Ang laki pa ng katawan, masculado.

"Bakit, kuya?"

"Password po."

P-Password?

'Sabihin mo gwapo'

Baka iyon ang password.

"Gwapo?"

"Pasok."

Pag-akyat ko ro'n agad kong nakita si Jeste na nakaupo sa malaking upuan mag-isa.

"Oh, you're here. Heto na 'yong order mo."

May nakita akong three cases of beer. May isang case pa na softdrinks lang.

"I didn't order another case?"

"It's a promo. Free yan kapag oorder ka ng three cases of beer, may free one case of softdrinks. Bayad?" nilahad niya ang kanyang palad sa harap ko.

Ah, ganun pala yun? Sorry hindi ko alam na may bago silang promo. Binigay ko na yung bayad, pinabuhat nya sa mga bouncer yung cases. Alangan namang ako ang bumuhat diba?

Pinasok na nila yun sa kotse. Kaso ako nandito pa rin sa loob, iinom muna ako saglit lang naman e. Umupo ako sa isang seat tapos umorder ng juice.

"Ate, juice nga po," sabi ko.

Nanliit ang mga mata ko sa di kalayuan. May nakita akong gwapo pero lampang lalaki na papalapit sa akin.

"Juice lang?!" tanong nya.

Anong ginagawa nito rito?

"Why are you here?"

"Umiinom *hiccup*. Naglalasing."

"Bawal ka rito uy," lumapit ako sa kanya at bumulong. "Bawal underage rito."

"Alam ko! *hiccup*"

Napasinghap ako at binalewala siya. I waited for my drink to finish kasi uhaw na uhaw na talaga ako kaso hindi ko maiwasang mapansin iyong mga bote na nasa kanyang harapan.

Naglalasing nga siya. Confirmed!

"B-break na kami," tumawa siya. Ang pula na nang magkabila nyang pisngi.

"Are you drunk?"

"Hindi! Hindi, ah! Alam mo ba na nagcheat si Aya? Nagcheat siya kaya nagbreak kami. Sa monthsary pa talaga namin," iyong tono niyang lasing na naiiyak.

He's definitely drunk! Iinom pa sana sya kaso agad ko siyang pinigilan at binawi ang baso mula sa kanyang kamay.

"Tara, iuuwi na kita, Kurt. Lasing na lasing ka na yata!"

"Ayoko. Ayoko! Gusto ko si Aya!"

Eto naman parang bata kung umasta. Napasandal siya sa akin dahil sa sobrang kalasingan. Ang bigat grabe! Syempre babae lang naman ako no!

"Kuya, kuya bouncer! Help me with him," utos ko dun sa bouncer. Agad nya akong nilapitan at tinulungan kay Kurt. "Kuya, pakidala po sya sa kotse. Back seat po?"

"Ma'am, heto na po iyong juice nyo," inabot nito sa counter ang inumin ko.

"Salamat, ate," agad ko itong ininom. Isang inuman lang ang akong ginawa.

Ihahatid ko muna sya sa bahay nila.

Pumasok na ako sa kotse. Tiningnan ko siya mula sa salamin. Nakatulog na pala ang prinsipeng lampa. Na-knock out ng beer.

"Hoy... Pst! Hoy!" hay. Tulog na nga, lakas din ng humilik.

"I have... my car over... there... yun na lang paandarin mo!" sabi nya pero nakapikit yung mata.

Sya pa tong may ganang utusan ako ha? Iuuwi ko na lang sasakyan nya pagkatapos.

"Hoy, Lampa! Asan bahay nyo, ha?"

"Retrovolution Subdivision #0295," sagot nya habang tulog. Tulog ba talaga?

Pinaandar ko na yung kotse. Susmaryosep ang baho sa loob, amoy alak! TSK. Binilisan ko agad ang pagddrive, baka magalit sa 'kin yung asungot na ewan na yun.

Buong lakas ko syang hinatak palabas. Nagdoorbell ako mula sa labas! Bilisan nyo, sana may tao. May lumabas naman na dyosa este babae pala.

"Hi, may I help you?" tanong nya. Ang lambing pa ng boses. Napatingin sya kay Kurt at nagbaga kaagad ang malambing niyang boses sa isang galit na leon. "Naglasing ang lampa!"

From anghel to demonyo!

"Um, naglasing po sya."

"Nag-inom ba kayo?"

"Hindi po. Siya lang."

"Hindi ka pala umiinom. Pasensya na kung pinilit ka man ni Kurt," aniya.

"Hindi niya po ako kayang pilitin. Hindi po ako nagpapapilit," tawa ko.

"I'm glad to know that. Monthsary nila ng girlfriend niya a. What happened?" she asked.

"I don't know. I just happened to see him."

Kinuha niya si Kurt mula sa aking balikat. "I'm his sister. Nice to meet you," hindi na ako tumalikod ulit pero alam ko na nakangiti sya habang sinasabi iyon. "Thank you ulit."

Pumasok na ako sa kotse ko. Kapatid nya pala yun? Akala ko mommy nya. De joke. Ang ganda nya kasi.

Bumalik muna ako sa bar upang kunin ang kanyang kotse. Halos pareho lang kami ng kotse kaya mabilis ko itong nakita, magkaiba nga lang ng kulay. Bumalik ako sa bahay nila tapos ibang babae na ang bumungad sa 'kin. Nasa labas sya at may dalang bag ng pagkain.

"Kurt, is that you?" tanong niya. Sumilip sya sa aking harapan kung saan ako nakaupo. "Wait, you're not Kurt. Kotse ba ito ni Kurt?"

"Kaibigan po ako ni Kurt. Andito ako para isauli ang kanyang kotse."

"Naku, bakit ikaw ang may dala nito? Asan ba si Kurt? Yung batang iyon talaga!"

"Naglasing po kasi kanina kaya pinagdrive ko siya pauwi."

"Wait, I thought he's on a date with you!" sigaw nya.

Her face was mesmerizing a while ago, but now she looks like a hungry tiger looking for prey. Kakaiba rin ang pamilyang ito. And as I observed, parang hindi pa nila nakikita si Aya sa buong buhay nila kasi hindi nila ito kilala. Napagkamalan pa akong Aya!

"Are you busy ba, hija? Come inside muna," aniya.

"Naku, huwag na po. Napadaan lang ako para isauli iyong kotse."

Ayokong pumasok. Nakakahiya kaya.

"Ay naku hindi, pumasok ka! Napadaan lang ba yang ganyan? Ikaw pa nga nagdala ng kotse. Pumasok ka muna. Ipapahatid kita kay manong pauwi," pagpupumilit nya.

Napabuntong hininga ako at wala nang nagawa pa. Mahirap tanggihan ang isang magandang babae.

Pumasok ako sa bahay nila. I mean malaking bahay pala. Hindi naman sila mayaman no? Nilagay ng mommy ni Kurt iyong mga karne sa mesa. Ang laki ng bahay pero wala silang katulong.

"Hija, heto oh. Magmeryenda ka muna," nakahain na sa aking harapan ang isang sandwich at baso ng juice.

"Thank you po," nahihiya kong sambit. Hindi naman kami close ni Kurt kaya ang kapal ng mukha kong pumasok dito.

"Teka lang, hija. Puntahan ko muna si Kurt," nagmamadali syang pumasok sa loob ng kwarto.

Kakagat na sana ako nang may narinig akong sigaw. Sigaw na sinisigawan ng mommy nya si Kurt. Hindi ko na lang pinansin. Hindi ako marunong mangialam sa personal problems ng iba.

"Ikaw pala ulit. What are you doing here? Binalikan mo si Kurt?" bumungad sa akin ang kanyang ate.

Nabilaukan ako at dali-daling uminom ng juice. "N-No. Hinatid ko lang po iyong kotse niya. Kaso niyaya ako ng mommy nyo na pumasok muna. Nagpumilit siya kaya heto."

"Hays! Pagpasensyahan mo na iyong kapatid ko, ha. Ganyan talaga yan, lampa!" natawa sya sa kanyang sinabi. Napangiti ako dahil roon.

"By the way, I'm Kurtressa. Kurtress na lang or Ress. Pwede ring ate," pagbibiro nya.

May pagkatopakin din pala ang ate ni Kurt. Pareho naming narinig ang sigaw ng kanyang mommy na pinapagalitan si Kurt.

"Tsk. Ang ingay ni mommy," napakamot siya ng ulo at bumaling sa akin. "Sya nga pala, what's your name?"

"Jhanessa Assej Martinez," sagot ko. Oh ayan, complete name na yan.

Isinauli ko na rin ang susi ng kotse ni Kurt. Naiwan nya kasi sa loob kanina. Bumaba naman ng hagdanan ang mommy ni Kurt kaya napalingon kaming dalawa sa kanya.

"Hay jusko. Kurtressa, ikaw na nga dun. Ayaw makinig, e!" galit na sabi ng kanyang mommy.

"Psh. Hindi yan, mom," tamad nyang tugon. Bigla syang napatingin sa akin habang nakangisi. "Ah, Assej ikaw na lang kaya ang pumunta roon para gumising sya. Bisita ka naman," hinigit nya ako papunta sa kwarto ni Kurt.

Mabilis pa sa isang segundo nang nasa harapan na kami ng kanyang pinto. Jusko, kinakabahan ako sa gagawin ko.

"Hoy! Buksan mo nga itong pintuan, Kurt. May bisita ka!" sigaw nya, kinakatok nang sobrang lakas ang pinto.

Sa pagkakaalala ko, hindi naman ako bumisita. Kayo yong nagpapasok sa'kin rito. Napilitan lang ako.

"Oh, sige. Ikaw na ang bahala dyan. Babush," paalam nya. Mabilis na nakababa ng hagdanan ang kanyang ate na parang isang ninja.

Dinamay pa talaga ako ng mag-ina.

Pinagbuksan nya ako ng pintuan. Bumungad sa akin ang nakatopless na Kurt. Juskolord, ang payaaaattt nya naman. Hindi abs ang nakikita ko kundi ribs!

"Tsk. Wh–" inis nyang tugon.

Nagulat sya nang makita ako. Mukhang inaasahan nya na si ate Ress ang bubungad sa kanya.

"What are you doing here?" he asked.

"Hindi ko rin alam," walang gana kong sagot.

Nagsasabi ako ng totoo no. Hindi ko talaga alam kung bakit ako andito. And he reeks alcohol.

"Tsk. Ano? Sisigawan mo na naman ba ako? Gaya nila? G-Gaya ni Aya?" bigla siyang umiyak.

Hala, wala akong kasalanan dyan ha, di ako marunong mang-away di ako katulad ni Jen. Nambubugbog ako pero nang-aaway.

"S-Si Aya," napaluhod sya sa sahig. Ang OA ng lalaking ito. Nagdududa na ako kay Kurt.

"Ano ba talaga ang nangyari sa inyo, ha?"

"I broke up with her," he replies.

Kasalanan mo rin pala tapos iiyak-iyak ka? Ang hirap sa inyong mga lalaki, masyado nyo kaming sinisisi. Pero sa bagay, alam ko naman talaga na nanlalaki ang girlfriend niyang impakta kaya deserve niyang hiwalayan.

"She cheated on me," mahinahon nyang tugon.

Nalaman na niya iyong totoo, anong magagawa ko? Hindi ako magaling magcomfort ng tao. Hindi ko pa 'yon nagagawa sa aking sarili kaya imposibleng magawa ko rin sa iba.

"Pwede bang malaman ang nangyari?"

Sinenyasan nya ako na maupo sa kanyang tabi.

"Date namin ngayon kasi monthsary. Kaso iyon nga, napansin ko na lagi siyang bored kapag magkasama kami, walang gana kumbaga. Ihahatid ko na sana siya pauwi kaya natanong ko kung niloloko niya ba ako. Bigla ba namang umiyak at nagsorry. She's sorry but it's too hard. Mahal na mahal ko si Aya," unti-unting nabasag ang kanyang boses habang nagkukwento.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla syang umiyak sa harapan ko. Kinuha ko 'yong panyo mula sa bulsa at iniabot sa kanya. Hindi lang ako sanay makakita ng lalaking umiiyak. Madalas kasi, babae ang gumagawa no'n.

Teka! Parang baliktad pa yata ang sitwasyon namin. Pero di bale na. Isa pa, bakit ko nga ba ito ginagawa? Tsk! Sira na ata ulo ko, e.

"Ayos lang yan, ang daming babae dyan sa gilid. Kumuha ka lang tsaka gwapo ka naman kaya papatol sa 'yo kahit pulubi."

Natawa siya ng konti sa aking sinabi. Nakakatawa iyon?

"Seryoso ako."

"Salamat, Assej. Nakakahiya sa 'yo. I'm crying in front of a girl," pinunasan nya ang kanyang pisngi.

"Huwag kang mahiya sa akin. At least, hindi ka umiyak dahil binugbog kita– I mean, dahil sa pisikalan."

"Pero mas masakit pa rin talaga kapag puso iyong nasaktan," seryoso nyang sambit.

Para namang matanda ito.

"Gusto kong makabawi sa 'yo kasi kahit hindi tayo close, nag-abala ka pang ihatid ako pauwi."

"No problem," iniabot ko sa kanya ang kanyang susi. Nagtaka niya iyong tinignan.

How should I explain this? Kahit ako magtataka kung may taong nagdrive sa kotse ko.

"Ako ang nagdala sa kotse mo rito. Lasing ka kasi kaya hinatid ko na rin."

"What? Oh damn! I'm so sorry for all the trouble, Assej. You've done enough. I'll make sure to pay you back whatever means I have."

How? I wanted money because obviously Kurt's family is rich! Pero aanhin ko ang pera kung marami kami no'n?

"Just promise me na hindi ka ulit maglalasing na walang kasama," sabi ko na lang.

"Okay, boss," ngumiti ang lampa.

Ang gwapo talaga nito! Papisil naman ng ilong gaya nang ginagawa ng magjowa. Kaso hindi ko siya type. Mukhang ako pa kasi ang nagiging prinsipe kung magkakaroon kami ng love story. Ako pa iyong tagapagligtas kesa ako iyong ililigtas.

Ang panget ng imaginary picture namin. Nagvibrate ang phone ko. May messsage galing kay Kyn.

Kyn:
Hoy! Yung alak ko!

Tsk. Hindi man lang makapaghintay.

Me:
Oo, andyan na.

Sabay sent...

"Sige, Kurt aalis na ako," tatayo na sana ako nang nakasandal pala ang kanyang kamay sa mahaba kong damit dahilan upang mahila ako pabalik ng sobrang lakas.

The next thing happened was beyond my imagination.

Naglapat ang mga labi namin sa isa't-isa.

Paano ba naman kasi, sa lahat ng parte kung saan ako maglalanding sa labi nya pa. Agad akong kumawala at tumayo kaagad.

"Damn!"

Namumula pa siya habang tinatakpan ng kamay ang kanyang mga labi. Ang gwapo niyang tingnan sa ganyang pwesto.

Ang landi mo Assej, what are you thinking?

"A-A-Alis na ako," pamumula ko. Mabilis kong tinakpan ang aking bibig dahil sa hiya tsaka ako lumabas ng kwarto.

Nadatnan ko pababa ang ate at mommy nya na nanonood ng TV.

"Aalis ka na, hija?" tanong ng kanyang mommy.

"O-Opo."

"Ipapahatid na kita kay manong."

"W-Wag na po!" asik ko.

"Ingat ka, Jhanessa. Gusto kita!" rinig ko pang sabi ng kanyang ate pero binalewala ko rin dahil sa pagmamadali.

Pakshet! That was my first kiss! At... at... sa kanya pa talaga. Agad akong pumara ng taxi at nakita ang namumulang pisngi ko sa salamin. Kinikilig ba ako? No. Baka sa sobrang kahihiyan lang ito. Oo, iyon nga! Bumalik ako sa bar upang balikan ang kotse ko. Ihahatid ko pa iyong beer kahit wala ako sa mood. Grabe, maghahatid na nga lang ako ng inumin ang dami pang nangyari. Tsk! Kahit kailan talaga.

Kurt accidentally stole my first kiss.

——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro