Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C14: Classmates

Classmates



Kyn.

Pupuntahan ko si Jenny sa kwarto nya, ang aga pa kasi kaya gigisingin ko na.

Gaya nang dati, hindi ako kumatok. She always leaves her door open. Pagpasok ko, ayan tulog mantika pa rin. Agad ko s'yang nilapitan at nakita ang kahindik hindik n'yang itsura.

Bakit hindi tulo laway ang kapatid ko? Mapicturan nga nang may pamblack mail ako.

Kinuha ko ang ang cellphone mula sa bulsa, naalala ko tuloy yung nasirang phone ni Jiemie. Tsk, bahala sya. Isasauli ko lang naman, s'ya pa itong galit. It's her fault.

Pipicturan ko na sana ang kapatid ko nang bigla syang dumilat kaya't nabitawan ko ang cellphone ko.

"Susmaryosep, Jennifer!" sabay kuha ng phone na nalaglag sa sahig.

"Don't you dare, kuya. I'll kill you."

Siya nga itong pinang-black mail ang pictures ko na natutulog.

"Take a bath. Maaga dapat tayo ngayon kasi monday at may flag ceremony," paalala ko.

"Get out," she demands.

Ice as ever. Kaso hindi ako tinatablan, hot ako e. Lumabas ako ng kwarto. Hindi ko na s'ya hinintay matapos maligo at agad na akong bumaba papuntang kusina upang kumain.

"Hijo, kumain ka na rito," si manang.

"Sige po," sagot ko at naupo agad.

Hindi ako mahilig sa bacon, pero si Jen gusto niya ng bacon araw-araw kaya madalas ito ang niluluto ni manang tuwing agahan.

Makalipas ang ilang minuto, natapos s'yang maligo at agad na bumaba para kumain. She's happy because it's bacon. Kahit nung mga bata pa kami paborito nya yan. Psh!

"Aalis tayo in 10 minutes," malamig nyang sabi.

"Teka, kulang pa yun para sa pagkain ha?!" angal ko. "Tsaka masyado pang maaga."

"You dare woke me up early kaya dapat may dahilan yun."


Kainis! Sinenyasan ako ni manang ng 'sige-na-Kyn-pagbigyan-mo-na' look. Eto naman si manang kamping-kampi kay Jen.

Pagkatapos kumain, pumasok kami ng kotse at nagdrive papuntang school. Baka nga tulog pa si mommy hanggang ngayon. Marami kaming business but si Jen ang tumutulong sa kanya. Wala ako masyadong alam tungkol sa ganyan.


Pagdating namin sa school binati ako ng mga babae. Ang gwapo ko kasi.

"Good morning, Kyn, J-Jen," kabadong pagbati ng isang cute na sophomore.

I can't blame them if they feel nervous around my sister. Everyone does. Ikaw ba naman ang lamigin sa kanyang mga mata?

"Good morning ladies, hope you're having a nice day," saka ko sila kinindatan.

Halos mahimatay na yung iba sa katiting na sentence ko.


As usual, walang pake si Jen, parang araw-araw s'yang may dalaw. I went to my class na may inip sa mukha. Gusto ko na maglaro ng basketball.

Pagpasok ko sa classroom, nadatnan ko si Jester na text nang text. Wala ba syang ibang magawa sa buhay nya?

"Mornin', dude," bati nya habang nagce-cellphone. Buti at napansin nya pa ako.

"Yah, morning."

Dumating din si Joseph. Siya ang kabaliktaran ni Jester. Joseph is conservative, he's sweet. While Jester is more of a rule breaker. They're bestfriends who have opposite attitudes.

"Good morning sa inyo," ngiti ni Joseph.

"Morning!"

Pumasok si Yoj kasama si Jehna. Madalas kong mapansin na palaging sinusundan ng tingin at ng mga babae si Yoj araw-araw. Kaya pala walang sumunod-sunod sa kanya ngayon kasi kasama n'ya ang campus president.

Naupo si Jehna sa kanyang upuan, ganun din si Yoj na nasa likuran ko lang.

"Good morning," bati ni Yoj. Sinamaan nga namin ng tingin e, painosente kasi. "What?"

"What's that? Bakit kayo magkasama ni president?" tanong ni Joseph.

"Yoj, may sikreto ka ba sa amin?" si Jester.

"Is she your girlfriend?" tanong ko.

"No, sabay lang pumasok girlfriend na agad, hindi ba pwedeng friends muna?" pamimilosopo niya.

"Where's your girl hater era, Yoj? If you're dating a girl, it's fine. But Jehna? Really?" tumaas ang kilay ko.

Kunot noo niya akong tinignan. "What's wrong with dating Jehna, Kyn?"

"She's the fucking campus president. She's studious, grade conscious, at nagtotop sa klase. Masisira mo lang buhay niya."

"Kyn, you asshole. Mabait naman si Yoj kumpara sayo," Jester smirked.

Hahablutin ko na sana ang kwelyo ng hambog nang paghiwalayin kami agad ni Joseph.

"Stop it, guys. Nasa classroom tayo."

Yoj sighed at inirapan kami. "I'm not dating her so chill the fuck up."


He better be not. Jehna is my ex's younger sister. Nakakadistract isipin.

'Walang kwenta'



-after one hour-

Agad kaming nagpunta sa canteen. Andun sila Kurt, Renz, saka Yver. Magkaklase kasi sila. They were sitting at the table but I haven't seen my sister and my cousin.

"Where's Jen and Jhanessa?" tanong ko nang makalapit sa kanila.


"Did you text them to come here? Kita mo nang wala," pilosopo talaga si Kurt.


"Tsk, Yver. Can you text Jen?"

Agad n'yang kinuha ang kanyang phone at nahinto sa pagscroll ng contacts.

"I don't have her number," malamig niyang sabi. Lamig ng boses ni Yver, nakakainggit.

Hindi gusto ng kapatid ko na may ibang makaalam sa kanyang numero.

"Then use my cell," ani ko at binigay sa kanya ang phone.

Kaso...

"Then you should call her," aniya.

"What, no! Psh, ayoko ikaw na! Katapat mo naman yun diba?" pagkasabi ko nun, agad n'yang kinuha ang cp at tinawagan si Jen.

I know that Yver likes my sister. He answered the call and returned the phone to me. Ilang segundo lang iyon kaya nagtaka ako kung bakit ganun kabilis.

"She's coming."

Perks of being an ice prince.

"Bakit mo ba pinapapunta ang kapatid mo rito?" si Renz.

"Gusto ko siyang asarin e," I scoffed.

"Hindi ka naman papatulan nun," si Kurt.

"TSE!"

Iritado ang mukha ni Jen nang dumating sa mesa. Parang nagback out ang dibdib ko dahil sa reaksyon niya.

"What do you want?" malamig nyang tanong.

"Samahan mo kami rito. Manglilibre ako," palusot ko. I have no choice. Nilamigan nya ako ng tingin, nagdududa ba ito sakin? "I'm serious."

"Umupo na tayo insan," yaya ni Jhanessa, buti na lang at nandito rin sya.

"Ano gusto n'yong order?" tanong ko sa iba.

Sinamaan nila ako ng tingin. Mga gago talaga, read the damn room! Ang mamanhid talaga ng mga ito.

"You can't fool me," si Jen na nabasa ang itsura ko.

"Anong nakain mo, Kyn?" Jhanessa asked.

"Seryoso? Libre?" si Renz.

"Pinaglololoko mo ba kami?" si Kurt.

"Baka may kapalit yang hindi maganda." duda ni Jester.

"Crema de lite for me," ani Yoj.

We glared at him. Siya lang kasi ang may tapang na umorder. Mabuti pa ito at may tiwala sa akin. Samantala yung iba halos ipagkait sa akin ang tiwala nila. Mukha ba akong manloloko guys? Sa gwapo kong ito?

"Ano ba, minsan na nga lang ako manlibre ganyan pa kayo. Wag na nga lang," tumayo ako at akmang aalis nang hawakan ako ni Joseph. Kung nasa isang telenovela kami, kikiligin ako kaso... lalaki sya. Babae gusto namin! "What?!"

"Dali order ka na, kahit ano," he smiled.

Akala ko ba hindi sila naniniwala? Ngumisi ako at nagtanong. "nong or-" kaso biglang nagbell para sa next subject. Kapag sinuswerte ka nga naman oh! "S-Sige after basketball practice na lang pala."

"Mauna na muna kami," paalam ni Assej.


Kasama kong umalis sila Jester, Joseph, at Yoj. Naghiwa-hiwalay kami ng daan nila Kurt, Renz, at Yver, classmates sila.

Hindi ko maiwasang isipin kung bakit naging kaibigan ko ang mga ito. I mean, siguro nga dahil kaklase ko sila pero wala kasi kaming pagkakatulad kung ugali ang basehan.

A girl hater that likes a certain girl.

The rich scumbag who likes my ex.

And a campus secretary who's dense as fuck.

While me, I'm just a handsome captain who has an ice sister.

We do balance each other. Ganito talaga siguro ang tropa.

——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro