C12: Cellphone
Cellphone
••••
Jiemie.
Haay, kanina pako rito wala pa rin yung ka-fling ko este yung boyfriend ko pala.
"Sorry, I'm late," dispensa nya sabay bukas ng pinto.
Mabuti naman at dumating na ang panget na ito.
"Okay lang, honey."
Ew! Tbh, I really hate this guy. Nandidiri ako sa kanya, super.
"Really? I'm very sorry ha, forgive me." ikikiss niya sana yung lips ko, mabuti at nakaiwas ako kaagad.
"Haha, yeah, well sure. Bakit ka ba kasi nalate?" pag-iiwas ko sa topic. Umupo sya sa gilid ko, buti naman.
"I-I-I was with Michael kanina, naglaro kami ng pingpong."
Akala niya siguro hindi ko mababasa sa itsura niya na nagpapalusot siya. Huli ka na, boy! I know you have other women, ayaw pang sabihin.
"Ganun? Alam mo ba kanina nakita ko si Michael na dumaan mismo sa harap ko. At alam mo ba kung saan siya galing?" I smile evily.
I know you're cheating on me, honey. Don't get cocky.
"H-Hindi?"
"Okay, dahil hindi mo alam... let's break up," tumayo ako at aalis na sana nang hinila niya ako pabalik.
"What? No! Seriously, Jiemie, agad-agad? Wala pa tayong two days, ha?"
Psh. Hindi nya talaga ako magets no?
"Why not? I saw you kissing with someone else, William, doon sa likod ng gym kanina. What's up with that?"
"T-That's just ano..." yumuko siya, halatang magpapalusot na naman.
"Ano ka ba, playgirl ako. I know someone's face if he's cheating kaya..." napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin at nagbanta. "Get your filthy hands off me kung ayaw mong sampalin kita ng apat na beses."
Binitawan niya ako. Bahala siya sa buhay nya, aalis na ko rito. Pinapunta ko lang sya para makipag break. Pupunta lang sana ako ng classroom nang may nadatnan akong asungot! Nagkatinginan nga kami saka siya biglang huminto.
"Tch," he scoffed.
Napairap ako. Dinaanan lang namin ang isa't-isa. Ayokong lumingon ulit, maiinis lang ako sa mukha nya. Maaalala ko lang yung masakit na part.
Hindi na nga ako iiyak, diba? Because someone told me how pathetic it is to cry over a guy. She's right though. Pumasok ako sa loob ng classroom.
"Saan ka galing?" bungad ni Al, ang classmate ko at isa rin sa mga close friends ko.
"Sa Music Room lang, bakit?"
"Nagpunta yung ex mo rito kanina. Hinahanap ka."
Dito galing si Kyn?
"Bakit daw?"
"Ewan, wala siyang sinabi. Nung nalamang wala ka, umalis agad."
How? We bumped each other at the hallway pero wala naman siyang sinasabi sa akin. He just glared at me. Siraulo ba yun?
"Hayaan mo siya, Al," inis ko.
I sat on my chair and slumped my face on my desk. Gusto kong matulog kaso sa tuwing pumipikit ako, naaalala ko ang mukha ng ex ko.
"Aaggh!" sigaw ko na naging dahilan nang paglingon ng classmates ko sa kin. "S-Sorry"
"Ayos ka lang ba, Jiemie?" tanong ni Niel.
"O-Oo naman. Haha!"
Naiinis lang ng konti.
"Good afternoon class."
"Good afternoon, sir," bati namin.
Umupo kami ng maayos, terror kasi to. Naglecture lang siya tungkol sa History kaya ang boring talaga. Tsk, sasalute talaga ako sa mga tao na paborito ang subject na ito.
One hour later...
"Class dismissed."
Kung titingnan mo ang classmates ko ngayon, halos lahat ng classmates ko tulog! Tsk tsk, buti natulog sila pag-alis ni sir.
Pumunta muna ako ng restroom dahil sa pantog kong sasabog na. Dali-dali kong binuksan ang second cubicle. Nagpalit na rin ako ng pads.
"Ang lakas pala ng red tide ko ngayon," I sighed.
Lalabas na sana ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. I also heard na marami sila kaya nagtago muna ako sa loob hanggang sa umalis sila.
"I agree, nakakainis nga siya. Muntikan ko na siyang masampal kanina dahil nawala ako sa sarili ko," sabi ng isa.
Alam kong bawal makichismis pero masisisi niyo ba ko? Ang lalakas kasi ng boses nila. Gusto ko pang makinig pero ayoko ring malate sa klase. Sana naman umalis na sila kaagad. Let me get more info.
"Aya, ano ka ba? You're way prettier than her," sabi ng isa pa.
Anong way prettier? Who are they referring to?
"I fucking know that, Lyn. Kaya nga lang, itong si William, nakipaglandi pa sa akin kaya nahuli kami ni Renz nang dahil sa ice princess na yun! Sh*t!"
So one of these girls is William's sidechick. Gustuhin ko mang lumabas ay ayaw gumalaw ng mga paa ko. Natanim na ata sa lupa.
"Jen is really something, don't you think?" she sounds happy.
"Shut up, Cheska. You don't know her. Malakas lang ang loob niyan because of Kyn," boses ni Lyn.
"Don't worry, girls. I'd better get my revenge on Jennifer bago pa malaman ni Kurt na nagcheat ako," pagbabanta nung Aya.
"Baka magalit sayo si Kyn," I heard one of them said.
Why am I hearing Kyn's name throughout their conversation? And who is this Jennifer? Is she Kyn's new girlfriend? Lumabas ako ng cubicle na lugi ang mukha and finally saw those three girls' innocent faces na parang walang pinag-usapan sa loob kanina.
They're not that pretty either. But Jennifer... who the hell is Jennifer? Aish. Bakit ko ba sila iniisip ha? Pake ko sa kanila no. Haha! Long time ago na yun saka nakamove-on na ako.
Nilabas ko ang phone ko at nagscroll sa Instagram. One hour na lang kasi at mag-uuwian na. Nawalan na rin ako ng ganang pumasok for last subject. Mabilis ang lakad ko habang tinetext si Jester na kunin ang bag ko at ihatid sa bahay.
Bumps!
"I'm sorry, miss!" dispensa niya.
"Tangina. Ang sakit nun, a! Ho-" bubugahan ko na sana ng apoy nang makita ko ang kanyang mukha.
"Jiemie, I'm-"
Tumayo ako agad at kinuha ang cellphone na nalaglag sa sahig. Ayoko siyang tignan. Ni anino niya, ayaw kong makita o maramdaman.
"Jiemie, wait!" hinawakan niya ako sa kamay. "Your phone is-"
"Kyn, let me go!" inis kong hinatak ang kamay ko mula sa kanyang pagkakahawak.
At dahil sa ginawa ko, lumipad papuntang kabilang seksyon iyong kaisa-isa kong cellphone. Nagkalat pa ang battery nito at basag na basag pa ang screen.
"Yung cellphone mo," natulala sya nang makita ang kaawa-awang kalagayan ng phone ko.
"S-Sira na! Sinira mo ang phone ko, hayop ka talaga, Kyn!" asik ko at pinulot ang mga nagkalat na parte.
Bwiset. Ang malas-malas ko talaga sa tuwing nagkikita kami.
"And you think it's my fault? I was trying to return your damn phone tapos ngayon, kasalanan ko pa?" idiin ba naman ang salitang yun?
Oo nga naman, Jiemie, isasauli lang nung tao, e. Ikaw lang naman itong nag-assume na gusto niyang magsorry sa 'yo sa lahat ng ginawa niyang kasalanan.
"Ewan ko sayo!"
"If you want to, papalitan ko na lang phone mo," aniya.
Huwag mo ngang ipamukha sa akin na ang yaman-yaman mo.
"Don't bother, Kyn. I can buy my own phone. My pera rin kami kung hindi mo nakakalimutan," iniwan ko siyang nakatayo matapos pulutin ang parts.
"Oh, hi there, Jiemie. What are you doing here?" tiningnan niya ako from head to toe.
Kapal ng mukha nito. Eh siya naman itong mukhang paa.
"Yeah, and you're also here?" tinaasan ko sya ng kilay at tiningnan mula ulo hanggang paa tingin sa mata sabay irap. Tiningnan ko naman si Kyn na nasa likod ko lang. "Bye, ex-boyfriend!"
Hindi ko alam ang reaksyon nang Lyn na yun basta ang alam ko nainis sya sa ginawa ko. Buti nga! Magsama silang dalawa sa hallway.
Sa sabado na lang ako bibili ng bagong phone. Marami naman kaming ipon sa bangko dahil sinusuportahan kami ni papa kahit nasa kabilang bahay na siya. Bahala siya sa buhay niya, wapakels nako dun.
'Jiemie, wait'
Akala ko talaga magsosorry sya sa akin kanina nun. Hindi pala.
Buti pa yung cellphone kaya nyang palitan, e yung puso ko? Paano yun? Mas masakit pa yung ginawa nya sakin kesa dun sa phone ko. Kaso, hindi ako bagay na kayang palitan at bilhin.
Hays. Ano bang hugot ang sinasabi mo dyan, Jiemie? Wake up, okay? Break na kayo, yun yung totoo.
Tiningnan ko ang cellphone kong pinagkaitan ng buhay. Sirang-sira na.
Gaya nang relasyon namin, sirang-sira na.
Sa totoo lang, gusto kong malaman ang tunay na dahilan nang break up namin. Nakalimutan ko na nga kung sino ang nakipagbreak-up sa aming dalawa, ako ba o sya. I don't get it. Sobrang tagal na pala ng dalawang taon.
Ang sama pa rin ng ugali niya hanggang ngayon, pero yun ang nagustuhan ko sa kanya. Ang mala-sea urchin niyang buhok, ang gwapo niyang mukha. I don't want to lose him, but now... wala na. Wala na ang asungot ko.
——
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro