Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C11: Hopeless Romantic

Hopeless Romantic

••••


Jehna.

'May trabaho tayo bukas sa student council kaya dapat lahat ng officers present ha'

Yan lang yung naririnig ko habang nagsasalita ang moderator namin.

"Okay dismissed!" sabi pa nya.

Nakatulala pa rin ako, di ko alam bakit. Siguro, siguro! Ay ewan.

"Pst, prez, uwian na po," sabi ni Joseph na nasa gilid ko lang. Uwian na ba? Ilang oras ba akong wala sa sarili?

"H-Ha? Ah, oo sige." pa rin ako hanggang ngayon.

"Prez, hindi ako makakasabay pauwi ngayon," paalam nya.

Tinitigan ko sya. "Bakit?"

"Kasama ko kasi sa pag-uwi ang bestfriend ko."

Bestfriend?

"Aah, si Jester ba?" tanong ko.

Yung mayaman, diba?

"Um, hindi siya. Childhood bestfriend ko pong babae. Sige una na ako, pres. Mag-iingat ka."

Buti pa sila may lovelife, ako wala. Kahit bestfriend nya lang yun, at least di ba may inspirasyon sya.

Nag-ayos muna ako ng mga gamit sa room. Kukunin ko lang yung mga notebook at libro ko saka ako mag-aaral sa bahay.

"Ang bigat naman!" angal ko nang makalabas ng student council room dala-dala ang malalaki at makakapal na libro.

Asan na ba si ate? I need help. Pero kahit makita ko pa siya, hindi nya rin ako tutulungan. Ayaw na ayaw nun na may ibang dala maliban sa purse niyang kulay baby blue.

*Bumps*

Nakabangga ba ako? Wala akong makita sa dami ng libro sa harapan.

"Oops. Sorry po," dispensa ko.

"Ayos lang, miss. Sorry!" he glanced at his watch. "Patay ako nito. Baka naghihintay na sya sa 'kin sa may gate. Sabay pa naman kaming uuwi," ani niya saka tumakbo ng mabilis.

Ang cute naman nun.

Bumalik ako sa paglalakad papuntang labasan nang may narinig akong footsteps. Malalaki at mabibigat. Hindi pambabae. At ang mas malala pa nito ay sumusunod siya sa akin. Wag naman po. Kahit ano na lang basta't huwag lang multo. Kung multo ito, huwag sanang magpakita sa akin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may humawak bigla sa balikat ko.

"Gyah!" hindi ko na napigilang sumigaw. Nawalan ako ng lakas at napaupo sa sahig dahilan upang magkalat ang libro ko. I'm terribly shaking!

"H-Hey, Jehna. Jehna, ayos ka lang?" tanong ng stalker.

Nag-angat ako ng tingin. Akala ko talaga multo. Kaso, ang gwapong multo naman nito.

"Y-Yoj?" sabay tingin sa kanya. "You freaking scared me."

"I'm sorry, I didn't mean to scare you," pinantayan niya ang tangkad ko sa sahig at isa-isang pinulot ang librong nagkalat. "Here, let me help you."

Isang notebook na lang sana ang kukunin ko nang magtama ang kamay namin.

"Sorry," sabay naming sabi kahit ako yung kumuha ng notebook.

"Ang dami mong dala. Let me help you carry your books," he took my books at iniwan niya sa akin ang maliliit kong notebooks.

"You don't have to do that. Sapat na sa akin na tinulungan mo akong pulutin ang libro ko," nahihiya kong sabi.

"I told you tutulungan kita. Let's go? Palabas na rin ako ng campus dahil katatapos lang din ng practice."

Lihim akong napangiti sa kanyang sinabi. Ihahatid ako ni Yoj sa may gate, sasabayan niya ako palabas. Waah! Enebe yen.

Habang naglalakad kami di ko maiwasang mapaisip. Paano ba naman kasi, ang alam ko girl hater to simula nung hiniwalayan. Kaso, mali pala sila. Sana di na lang ako naniwala noon pa, ang saya ko pa ngayon kasi kasama ko yung crush ko.

"Thanks, Yoj ha."

"No problem, Jehna. If you need help, just ask me, okay?" he smiles.

Ang gwapo niya talagang ngumiti. Papasok na sana ako sa loob nang madatnan ko si ate na nakasandal sa kotse.

"Who's that?" pinilit niyang tignan si Yoj na hindi niya nahagilap kanina.

"Akala ko nauna ka na. Bakit hindi ka pa umuuwi, ate?"

"Well, obviously, I waited for you, little sis. Sino nga pala yun?" tanong niya ulit.

"S-Si ano- si Yoj lang, ate."

"Lang? Crush mo yun, e. Tsk! Tara na nga," pumasok si ate sa loob ng kotse.

Inilagay ko muna sa harap ang aking gamit bago naupo sa backseat katabi ni ate. Hindi pa rin nawala-wala ang ngiti ko dahil sa nangyari kanina.

"Ngiting-ngiti ka dyan?" tanong nya.

"Ate naman, tanong nang tanong!"

"Curious ako, ano bang nangyari sa inyo ni Yoj ha?" Akala mo naman talaga may mahalagang nangyari.

"Wala nga," Hala sige magdeny ka lang Jehna dyan ka magaling.

"Psh, kita sa mukha mo yung ngiti."

Halata ba? Napahawak naman ako pisngi ko. Di ako ngumiti no.

"Wala nga, e."

"Hala sige ideny mo pa, dyan ka magaling Jehna! Alam mo ba basketball player, yun?" Oo naman, idol ko nga sya e. Haha!

"Oo," nakangiti ko pa ring sabi. Bakit ba, di maalis ang ngiti ko pag si Yoj pinag-uusapan?

"At girl hater rin sya!" Dagdag pa ni ate.

Hindi ko alam pero nawala bigla ang ngiti ko sa sinabi niya.

"Alam ko," ngumiti ako ng pilit.

Sino ba kasi yang walang kwentang tao na nakipaghiwalay sa kanya?

Kung iisipin mo, ang swerte nya kay Yoj kasi heartthrob sya ng school tsaka gwapo pa kaso.. Aish! Sino ba kasi ha?

"Jehna, let me tell you something," sabi ni ate. Nakinig naman ako, let me tell you something raw e.

"Ano ba yun ate?"

"Girl hater ba talaga sya? Eh kasi, nilalapitan ka nya. Ikaw nga lang," seryoso nyang sabi.

Oo nga no? Bakit kaya, baka naman.. de jke. Imposibleng gustuhin ka nya Jehna. Malay mo sayo lang sya friendly diba?

"Oo nga no. Hahaa! Baka hindi naman, ano lang dun lang sa babaeng yun sya may ganang maghate!" sagot ko kay ate.

"Sana nga," dumungaw sya sa bintana.

Ako naman nakatingin lang din sa labas ng bintana iniisip yung sinabi ni ate. Isa akong hopeless romantic, buong buhay ko di ko alam kung may nagkakagusto pa ba sakin. Kaya wala na ring pag-asa kung tutuusin, ayoko ring umasa baka matulad lang ako kay ate na nasaktan dahil sa pag-ibig. Tsk! Bakit ba kasi ang sakit magmahal ha? Jusko kung bibigyan nyo ko ng lalaki sana po matino, gwapo, heartthrob sa basketball tsaka girl hater. Ay pakshet, Lord alam nyo naman ata kung sino diba? Hehehe.

Pero gusto ko lang naman ng lalaking makakasama ko habang buhay. That's all.

"Jehna Jehna, baba na. We're home," sabi ni ate.

Hindi ko namalayan nakauwi na pala kami. Haha, ang dami ko atang iniisip ngayon ha? Bumaba na ako ng kotse tsaka kinuha yung mga notes.

"Lil sis, ano ka ba, ipakuha na lang natin yan kay manang," sabi ni ate.

"Ha? Ah okay," nahihirapan na rin naman ako sa pagdala.

Iniwan ko na lang yung mga notes at pumasok na ako ng kwarto. Humiga ako habang nakatingin sa kesame.

"Girl hater?" bulong ko.

Bakit ganun? Even though I know na girl hater sya, I still like him. Walang pag-asang nawawala sa 'kin, pakshet oh.

"AAAAHHH. ANO BAAA!!!!" I shouted, not knowing why.

Bigla namang pumasok si ate, di man lang kumatok.

"Anyare?!" tanong nya. Ano bang nangyari?

"Ha? Bakit?"

"You just shouted," ako? Sumigaw? Talaga? Wala nga pala ako sa sarili.

"M-May daga ate, p-pero wala na kasi umalis na" palusot ko. Sana kagatin nya.

"Ah, okay sasabihan ko si manang na linisin yang kwarto mo!" sabay alis. Buti naman, sumigaw ba ko? Di ko namalayan!

Ang lalim na ata ng iniisip ko rito. May kumatok naman sa pintuan, sure ako di to si ate.

"Jehna, heto na yung books mo, hija," si manang naman pala.

"Pasok po," sagot ko. Pumasok naman sya at nilagay sa desk ko yung mga books.

"Sige. Alis na ako, ha," bago pa umalis si yaya. May tinanong muna ako sa kanya, mukhang eksperyensyado sya sa mga ganito.

"Manang, n-n-nainlove ka na ba?" di ata sya nagulat sa tanong ko sa halip ngumiti pa ng sobrang sweet. Bakit manang, masaya ba talaga mainlove?

"Oo naman, Jehna, ang saya sa feeling nun. Haha"

"Talaga? Hmm, sa asawa nyo po ba?"

"Haha. Depende yun. Pero sa lagay mo ngayon, parang may crush ka ata," si manang naman, e. Pinapakilig mo ko! Haha!

"Ah, o-opo. Hihi!"

"Minsan kasi, hija, hindi yan nagtatagal. Pero pag tumagal na, mahal mo na yan. Magluluto pa ako ng hapunan," sabay alis.

"Sige po."

Depende raw. Bakit naman depende? Eh sabi nga nya, masaya ma-in love. I'm confused.

'Eeehhh, gaano ba kakumplikado ang LOVE ha?' Tapos gaano ba katagal sinasabi ni manang? 3 years? 2 years? Ano? 5 months? Haaay naku!

Kinuha ko muna ang mga notes tsaka nag-aral. Matagal pa ang quarters pero gusto ko lang mag-aral hangga't gusto ko.

Jester Calling...

Why is he calling at this hour?

"Hello?"

📞 Hindi ko macontact ang ate mo. Nakauwi na ba sya dyan?

"Oo, nandito na kami sa bahay."

📞 "Buti naman, pakisabi sa kanya ang tungkol sa bag.

Binaba ko ang tawag. Bahala sya sa buhay nya, tumawag sya kay ate hangga't gusto nya basta wag sa phone ko.

Pumasok bigla si ate.

"Who's that?"

"Si Jester, asan ba phone mo, ate?"

"Psh, n-nasira. Basta nasira, don't ask why."

Wala naman akong sinasabi. Ano ba talaga ang nangyari sa cellphone nya?

"Oo na. Tell mommy na kailangan mong bumili ng bago! Nakakainis si Jester sa akin tumatawag para kumustahin ka. Ok?"

"Yeah sure," lumabas sya ng kwarto. Ang sama talaga nito.

Bumalik ulit ako sa pag-aaral.

--


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro