Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C10: The Slave

The Slave

••••

Renz.

Umagang-umaga at pinapatawag na niya ako kaagad, ano bang bago? Pupunta ako sa classroom nila ngayon. Pagdating ko roon, hinanap agad sya ng mga mata ko at ayun nga sya nakaupo lang sa gilid. Nakita niya ata ako kasi sumenyas siya ng 'pasok ka, Gwapo'. Nakakahiya, hindi ko pa naman ito teritoryo. At isa pa, lahat ng babae ay nakatingin sa akin.

Tengene ang gwapo ko talaga!

"Pst. What's up with you?" tanong ko habang umuupo sa kaharap nyang silya.

May kinuha syang something sa ilalim ng kanyang desk. Isang box ng mamahaling panyo. Jacob Alexander pa ang brand! Halatang galing ibang bansa, may ribbon pa at ang ayos nang pagkakatali.

"A-Ano naman 'to?" pagtataka ko.

"Panyo," matipid nyang sagot.

Binara pa talaga ako.

"Alam kong panyo 'to pero bakit nga? Saan ko 'to ibibigay?"

Uutusan nya lang akong ibigay ito sa kung sino man ang gustuhin nya. Alam nyo na diba, utusan lang ako rito.

"For you, tanganaman!" malamig nyang sambit.

Aba't! nagalit pa ang maganda, oh. Huh! Akala niya hindi ko siya papatulan. Tss, naku, pasalamat sya kasi boss ko sya... sa ngayon!

"Para sa akin? Para saan?" tanong ko ulit.

Bakit ba? Nakakapanibago lang kasi. Tsaka, isa itong miraglo kung magbibigay siya sa akin nang ganito.

Tinitigan niya lang ako. Shete, nakamamatay ang kanyang mga titig sa tuwing nagtatagal ito. Iyong maiitim niyang mga mata ay mas lalo lang umiitim. Pati isip mo, nabrabrainwash na rin.

"Para sa paghatid mo sa notebook ko kahapon," sabi niya habang hindi nakatingin ng diretso sa 'kin.

"Alalay mo nga ako kaya dapat lang iyon," sabay kamot ng ulo.

Bakit ba kasi ako nagdeal sa sinabi nya? E wala naman iyong kwenta. Isa pa, tss. Oo na. Gusto ko rin kasi syang makasama at mas lalong kilalanin.

"Ayaw mo? Akin na," kukunin na nya sana iyong box pero inilayo ko kaagad. "Akin na!" matigas niyang tugon pero wala pa ring emosyon ang bawat salita na kanyang binibitiwan.

"No way. Binigay mo na ito tapos babawiin mo lang? Huwag ganun, master. Thank you rito, a." nasabi ko na lang sabay labas sa kanilang classroom. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga classmates nya ro'n sa loob.

Napatingin ako sa box. Binigay nya ito sa akin kaya wala siyang karapatang bawiin. Sa mundong ito, may tinatawag tayong Give and Take. Hindi ka pwedeng magtake lang nang magtake, dapat ka ring mag-Give. Maybe she realized it kaya niya ako binibigyan bilang ganti sa mga mabubuting gawain na ginawa ko para sa kanya.

Habang nagmumuni-muni ako, bigla kong naalala iyong towel na pinahiram nya sa akin. Hindi ko pa pala iyon nasasauli sa kanya. Ang linis ng towel niya. Kulay puti at napakabango pa.

I checked the box from front to back. Baka kasi may naka-implant na bomba. Baka lang naman! You guys can't blame me. My master is the ice princess, and she is a huge ball of craziness. May pagkatopakin kasi siya minsan.

Bumungad sa harapan ko si Michael na nakatingin lang sa akin habang inuusisa ang box.

"Oy, Renz! Saan ka galing?" tanong nito.

"Sa Class 3-A, bakit?"

"Aah, wala naman," napatingin sya sa hawak kong box. "What's that? That's the most expensive handkerchief in the U.S. Where'd you get that?"

Halos malaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. Ano daw? Most Expensive Handkerchief? Seryoso ba iyon?

"Are you joking, Mike? M-Mahal ito?"

"I'm pretty sure I'm not blind. Kita mo iyang logo na 'yan? That's Jacob Alexander."

"Anong logo, e wala naman 'yang logo. Nababasa ko iyong nakasulat na Jacob! Binigay ito ni Jen sa akin kanina."

Hindi ako makapaniwala na napakamahal nito. Nabalutan ng pagtataka ang kanyang mukha at mas nilapitan nya pa ako.

"She gave you one?" pagtataka ni Michael.

"Klarong-klaro ang sinabi niya kanina. She's giving this to me."

Sinundan nya iyon ng mahinang tawa. "Hindi iyon marunong magbigay. Baka may nag-utos lang sa kanya."

Anyare ro'n? Ang bitter-bitter niya masyado upang pakealaman itong panyo! Pake niya ba kung binigyan ako ni Jen nito? They're friends so malamang binigyan na rin sya nang mga ganito ni ice princess.

Bumalik kaagad ako sa classroom . Baka malate pa ako mamaya. May detention pa namang parusa pag nagkataon. Nilagay ko agad iyong box sa ilalim ng desk. Kung sino man ang magtangkang kumuha nito, pasasabugin ko talaga ang bungo.

Pumasok na si Ma'am at mabuti na lang mas nauna ako kesa sa kanya. Phew, nakaligtas din sa wakas.

"Good morning, class," nakangiti niyang tugon.

"Good morning, ma'am."

Naupo na rin ang lahat at nagsimula na siyang magturo. Nasa kalagitnaan lang kami ng lesson nang biglang tumunog ang cell phone ko.

Ay shete! Bakit ngayon pa? Sino ba ito'ng tumatawag sa 'kin.

Mabilis kong hinugot ang aking cell phone sa bulsa. Halos malaglag na nga ako sa upuan dahil sa sobrang taranta, may vibration kasing kasali kaya nakakakiliti.

Napatingin ako sa contact name.

Captain Kyn Calling...

Ano ba ang kailangan ni Kyn sa ganitong oras? Ang malas-malas kung makatawag.

"Mr. Guevarra, is that your phone?" sigaw ni ma'am habang pinandidilatan ako ng kanyang malalaking mata.

"S-Sorry po, ma'am. May I take this call?" nagpuppy eyes ako sa kanya.

"G-Go on."

Mabuti na lang at gwapo ako. Nakukuha ko ang simpatya ng mga tao maliban sa isa diyan!

Lumabas muna ako ng classroom at sinagot ang tawag. Eto namang mga classmates ko, todo tingin sa kagwapuhan kong mala-Park Ji Ho habang palabas ako. Hindi ako ulzzang, no. Gwapo lang talaga ako.

"Hello, Kyn?"

"Buy me a juice. Siguraduhin mong dalawa, ha. Ihatid mo rito sa canteen. Bilisan mo."

Toot toot toot...

Huh? Tinawagan niya ako, inistorbo ang klase ni ma'am, tsaka ako napagalitan, sinagot ko iyong tawag, tapos iyon lang ang kanyang sasabihin. Tapos, ako pa iyong binabaan niya? Binabaan niya ang kagwapuhan ko! Walang hiya talaga.

Pero...

Kilala ko na kung sino. Bumalik muna ako sa loob ng classroom at nagpaalam kay ma'am na pupunta ako sa clinic sapagkat hindi maganda ang pakiramdam ko. Palusot ko lang iyon pero naniwala naman si ma'am sa akting ko.

Tumakbo ako papunta sa canteen. Juice raw. Bakit juice? Ayaw niya ba ng softdrinks?

"Ate, dalawa po," mabilis na utos ko ro'n sa tindera. Ngiting-ngiti pa talaga siya habang binibigay sa akin ang juice.

Hindi ko na kailangan pang hanapin ang mesa kung saan siya nakaupo. Paano ba naman kasi, doon sila palaging tumatambay sa malaki at mahabang mesa kasama si Assej at Kurt.

Napatingin sa akin si Assej habang unti-unti akong lumalapit papunta sa kanilang pwesto.

"O ayan na si Renz! Hi, Renz," bati niya sabay turo sa akin na parang bata.

Napatingin ako kay Jen, same as before, binalewala niya lang ang presensya ko. Lakas din nang topak ng babaeng ito no? Number pa ni Kyn ang kanyang ginamit. Wala ba siyang phone?

"Heto na ang juice niyo," sabay lahad.

Akala ko ibibigay niya kay Assej iyong isang juice kaso inangkin nya iyong dalawa. Ang siba naman pala ng babaeng ito. Ang ganda-ganda kaso may tinatagong amoy sa loob.

"T-Teka," utas ko pero hindi rin umepekto. Ang tatalim kasi ng mga titig nya sa 'kin.

"Hmph!" sabay titig sakin ng napakatalas.

Hindi na ako umimik, baka bugahan nya pa ako ng yelo sa mukha.

Binaling niya ang kanyang atensyon kay Assej.

"Assej, siya nga pala iyong sumira ng regalo mo sa 'kin," tsaka nya ako tinignan ng nakakaloko.

Gyah! Kainis din ang babaeng 'to, e. Nasa loob talaga ang kulo nya sa mga gwapong gaya ko.

"E ikaw pala, Renz?"

Kahit ako nga rin nagulat! Sya pala iyong nagbigay ng headphone na nasira. Hindi ko akalain na ganito lang kaliit ang mundo. Sa bagay, magpinsan naman kasi sila.

"Naku! Pasensya na, Assej. Hindi ko naman iyon sinasadya," pagmamakaawa ko.

Baka ipatapon ako nito sa bangin mamaya. Gangster pa naman daw sya sabi nang iba at bali-balita rin ito sa campus. Ang dami kayang nagkalat na chismosa sa panahon ngayon.

"Ok lang no! At least, ito iyong kabayaran," tumawa siya.

Ayos lang daw? Masaya ba sya kasi naging alalay ako ng ice princess? Magpinsan nga talaga sila. Ang sasama! Pero mas mabait pa rin si Assej kesa kay Jen.

"Oorder muna ako, pre," paalam ni Kurt sa 'kin at nagmamadaling umalis.

Asus, kahit kailan ka talaga, Kurt napakamang-iiwan mo. Jusmeyo! Nabanggit ko ba na marami kami ngayon sa table?

Nakatingin lang ako kay Jen habang ginagawa ang paghihiwalay sa cheese at burger. Bakit niya naman yan ginagawa? Ayaw nya ba sa cheese?

Tinignan ako ni Assej, mukhang napansin nya ata na nakatingin ako sa ginagawa ni Jen kanina.

"She's allergic to dairies," bulong nito.

"T-Talaga?" paninigurado ko.

Tumango-tango sya. "Oo, kaya hayaan mo na kung ayaw nya sa mga ganyan. Ang arte naman kasi ng sistema nya, no?"

Allergic sya sa dairies. Ang hirap ata siguro nang kalagayan nya kung aksidente syang makakakain ng ganyan. Ano kaya ang mangyayari?

Maybe I should be mindful of what I'm buying next time.

"Hoy, Tanga papuntahin mo nga si kuya rito," utos na naman nya nang walang please. Tsk.

Tinawagan ko kaagad si Kyn. Kinakabahan nga ako kasi baka nakikipaglandian pa iyon ngayon. Ang alam ko, mahilig iyong makipag-flirt kahit may girlfriend.

It's just ringing pero may sumagot din pagkatapos ng ilang minuto.

"What?!" inis niya.

"Busy ka ba?"

"N-No well not really... babe kiss mo ko... Aish, lumayo ka tangina. Bakit ba?"

I told you he's flirting. Well, he is a flirt!

"E, kasi si Je-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang agawin ni Jen ang phone ko.

"We're here at the canteen right now. Come here in 30 seconds kung ayaw mong ipagkalat ko sa buong school ang mga pictures mo habang natutulog!" banta nito.

"Don't you dare, Jennifer! I'll be there in 10 seconds!"

Kakaiba rin ang babaeng ito. Kyn is obviously older, but she can manipulate him like that. Ibinalik kaagad ni Jen ang aking cell phone nang hindi man lang nagpapasalamat.

"Thank you ha," pagpaparinig ko.

"Okay," sabi niya.

Bwiset! Kahit gaano pa siya kaganda, hindi ko talaga maatim ang kanyang pag-uugali. Reincarnation ka ba ni Satanas, Jen!

"Si Kyn ba iyon?" tanong ni Assej.

"Oo," matipid nyang sagot.

Alam nyo, kung kausap nyo siguro si Jen, ang dami niyong mapag-uusapan dahil sa mga monosyllables niyang sagot. Ang layo siguro nang mararating ng topics niyo!

Hindi na kami nagtanong pa ulit at nanahimik na lang. Napatingin kami kay Kyn na hingal na hingal ang itsura, hinahabol pa rin ang kanyang paghinga. Wala pa sa ayos ang kanyang necktie at uniform, gusot-gusot pa. Nakabukas pa ang una at ikalawang butones! Landi neto! Halata galing gyera.

"Ha! Ha! B-Bakit ba?" hingal nyang tanong kay Jen.

Sakto nang dumating si Kurt na may dalang pagkain at tubig. Nakita iyon ni Kyn kaya't mabilis niyang kinuha iyong tubig, wala na ring nagawa si Kurt sa bilis ng kanyang kamay.

"Ano ba 'yon, refrigerator?" pag-uulit niya kay Jen.

R-R-Refrigerator? Gusto kong tumawa kaso baka magalit ulit sya sa 'kin. Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang namumuong hagakhak sa loob ng sistema ko. Napansin ko rin na halos kinakagat nila ang kanilang mga labi. Halos kaming lahat rito gustong tumawa.

"Don't you dare call me that!" inis nyang sambit ngunit malamig pa rin ang boses.

"Edi lamig."

"Kuya!"

"Okay, okay. Yelo na lang," hindi pa rin sumusuko si Kyn.

Bwiset! Kami itong mabibiktima kapag hindi siya tumigil! Wala na ring nagawa si Jen, hindi kasi tumitigil si Kyn sa pang-aasar.

"Bastard. Asshole. Pathetic, dumb, stupid brother who doesn't know how to keep a woman's heart in a good relationship for the past two years that's why woman doesn't want to be with you and leave you for other men because they know they deserve better," mabilis niyang sabi.

Napakaraming arrow ang natusok sa parte ng katawan ni Kyn ngayon dahilan nang kanyang paninigas.

"Grab Kyn's soul!" asik ni Kurt nang makita ang lumilipad niyang kaluluwa.

"That's why you don't mess with your sister, Kyn," si Assej.

Jen snapped her fingers in front of her brother. Bumalik siya sa kanyang sarili. May binigay si Jen sa kanyang maliit na papel.

"Para saan ito?" si Kyn.

"Pakibigay do'n kay Jester, hindi kami close," tsaka siya bumalik sa pagkain.

Iyon na 'yon? Ang galing mo talaga, ice princess. Pinapunta mo rito si Kyn para lang sa isang pirasong papel.

"Heto lang ba ang dahilan ng pagtakbo ko? What is this anyway?"

"It's a death certificate," seryoso nyang sambit kaya natigilan kami.

Death Certificate?

"Just joking," pahabol niya. "Mga uto-uto. It's a note about our next topic in Math," sabay balik sa kanyang ginagawa.

"Ah okay. Sige mamaya!" yun na lang yung nasabi ni Kyn. "Hoy kayong dalawa, a. May practice tayo mamaya," pahabol niya bago tuluyang umalis.

May practice na naman?

"Hindi ata ako makakapunta mamaya," tugon ni Kurt habang sumusubo ng spaghetti sa bibig.

"Bakit?"

Hindi naman nag-eexcuse si Kurt ng basta-basta. Saka practice? Andun kaya ang girlfriend niya kaya hindi nya yun palalampasin no!

"Kasi monthsary namin ni Aya, may date kami," matipid niyang sambit.

Aah. Kasama niya pa rin pala si Aya kahit saan. Aso at buntot pala ang relasyon ng dalawang ito. Masyado nang inaagaw ni Aya si Kurt mula sa akin, hindi na ako natutuwa. Pero alam ko na maghihiwalay pa rin sila balang araw.

Ang sama ko talagang kaibigan.

"Okay, I get it," tugon ko.

"Mas importante pala ang date kesa basketball," natawang sabi ni Assej.

Nakikinig pala siya sa usapan namin kanina. Ang chismosa talaga ng mga babae. But actually, she has a point. Lovelife over basketball? No way!

"I-It's not that. I love basketball pero hindi ko kayang paglaruan si Aya. I'm not playing here."

Kung babae lang ako, kanina pa ako kinilig kaso ang korni ni Kurt.

"Naku, naku! Nakakatuwa ka talaga Kurt!" pabirong sabi ni Assej saka bumalik sa pagkain.

Eto namang katabi ko, kung saan-saan nakatingin. What is she looking at anyway?

"Renz, stand up. We're going somewhere," utos nito.

Nakatingin ako sa kanya, saan naman kami pupunta?

"Where are we going?" tanong ko.

"Just come with me," matigas nyang utos at napatingin sa kanyang pinsan. "Assej, mauna ka na muna sa classroom ha."

"Okay, sige, pero saan ka pupunta?"

"Oo nga, saan ba tay- aray!" hindi ko natapos ang aking sasabihin nang higitin niya ang tenga ko paalis.

"We'll be fast. Mauna ka na sabi."

Hindi na rin nakatanggi si Assej at sumunod sa kanyang utos. Umalis kami ng canteen. Saan ba kami pupunta ni Yelo? Kung sasabihin nya lang sana, hindi ako magdadalawang isip na sumama. Feeling ko tuloy, kinikidnap niya ako. Pinipilit sa hindi ko gusto.

"Oy, saan ba tayo pupunta?" tanong ko ulit.

Kanina ko pa sya kinukulit pero ayaw niya namang sagutin. Paano ko siya mapagkakatiwalaan nyan? Naglalakad lang kami nang mapadpad kami sa likod ng gym.

"Anong ginagawa natin rito?" tanong ko ulit.

Nakatayo siya sa harap ko habang nanatili ako sa kanyang likuran. Hindi ko makita ang kanyang tinitignan kasi nakaharang sya sa paningin ko. Lumapit ako ng konti, mas matangkad naman ako kesa sa kanya no.

"Oy, Ye-" my eyes widen in shock when I saw her with someone else. "A-Aya, what are you doing here?"

Napatingin ako sa kasama niyang lalaki. Si Aya, may kasamang ibang lalaki? Tinignan ko yung dalawa from head to foot. Jusmeyo! May nangyari ba sa kanila? Judging from the looks of their uniforms, they both done something before we came. Gusot ang uniform nila at wala sa tamang ayos ang butones ni Aya.

"You've been cheating all this time," malamig na sabi ni Jen.

And she knows this all this time? How did she even know!

"I-Ikaw... I know you very well," asik niya kay Jen. Mas nagulat naman siya nang makita ako na nakatayo sa likuran. "R-Renz?"

Nagmamadali niyang inayos ang kanyang uniform at tumakbo papunta sa 'kin.

"A-Aya? B-Ba't mo 'to nagawa, ha?" tanong ko na may halong pagtataka ang mukha.

Punung-puno na nang katanungan ang utak ko dahil sa aking nasaksihan ngayon. Nakatingin lang ako sa lalaki, at ang panget niya. Hindi ko maatim tignan. Yuck, Aya! Ang panget-panget pala ng taste mo sa lalaki. Ang gwapo-gwapo ni Kurt tapos diyan mo lang pala ipagpapalit? Ang sagwa naman.

"R-Renz, please don't tell Kurt about this, I'm begging you!" pagmamakaawa niya at halos mapaluhod sa aking harapan.

"William, you asshole. Will you stop cheating again and again?" malamig nyang sambit.

Grabe ang babaeng ito, ang lakas makatomboy! Walang kinatatakutan.

"Your face look like a giraffe's ass," tsaka siya napatingin kay Aya. "You do have a weird and ugly taste for a guy."

Naasar ata yung William kaya nilapitan niya si Jen at hinawakan ito ng mahigpit sa balikat.

"Ulitin mo nga yung sinabi mo, Jen!"

"Get your filthy hands off of me or else ikaw ang masasaktan ko," she coldly said.

"Mabuti na nga to, e. Kasi ako, ilang beses mo nang sinaktan, Jennifer! Alam mo, sana mawala ka na lang! Dahil sa pagiging pusong bato mo, hindi mo namamalayan na may nasasaktan ka na!"

Ang sakit niyang magsalita kay Jen, pero sa itsura niya parang sanay na siyang sabihan ng ganun. I clenched my fist in anger.

"Shut up. Shut the fuck up! Don't you dare speak to her like that. Wala kang alam sa tunay niyang pagkatao!" I pushed William away and pulled Jen with me.

"Aba, gago ito, ha!" mabilis siyang nagpakawala ng isang suntok.

Muntikan niya akong matamaan. Mabuti na lang at gwapo ako, I mean nakailag ako. Susuntukin ko na sana siya pabalik nang mabilis na natumba si William sa lupa. I didn't see what happened but he flew away. I'm not exagerating, he actually did!

It's not Jen who did it, not Aya, mas lalong hindi ako! It was...

"Hays, she's done it again," nasamo ni Jen ang sariling noo.

"Shit! Huwag mo ngang mahawak-hawakan ang pinsan ko!" asik niya.

Yup, we know who it is. Si Assej yung sumuntok! Ayan, umandar na naman ang pagkagangster. Nung naging kalmado na ang lahat, naupo si Aya at William. Umalis naman si Assej upang i-excuse si Jen sa klase.

"Aya, ano bang ginawa ni Kurt at nagawa mo pang magcheat sa kanya?" tanong ko.

"I'm sorry, feeling ko kasi, lumalamig na si Kurt sa' kin. I'm sorry, Renz, another chance please. Wag mong sabihin kay Kurt, please," iyak niya.

I feel pity for her, but I'm more worried about my bestfriend. He doesn't deserve this kind of situation.

"Ayos lang sa akin. I won't tell Kurt just to give you another chance. But Jen..."

Narinig ata ni Jen ang sinabi ko dahil napatingin siya sa amin. Aya immediately kneel before Jen without hesitation. But knowing Jen, wala pa rin siyang pake sa kanyang nakikita. Ni wala siyang emosyon.

"A-Alam kong ice princess ka pero please, huwag mo munang sabihin kay Kurt ang tungkol dito please," pagmamakaawa niya.

"Who are you to tell me what to do? If I want tell him, then I will," she responds. "Renz, let's get out of here."

"Teka! Please, Jen! H-Huwag muna, please! I beg you!" sigaw niya.

"It's your fault for cheating not mine," ssaka kami umalis. Ang cold nya talaga!

Tahimik lang kami habang pabalik sa kanya-kanyang classroom.

"H-Hey, Jen."

Huminto siya sa paglalakad kaya nahinto na rin ako.

"Don't tell Kurt about it," paalala niya bago pumasok sa classroom nila.

Sabi ko na nga ba may kabaitan ito. Pero, bakit niya kaya nalaman ang tungkol dun? At sa monthsary pa talaga.

"Thank you, Master," I sincerely smiled. "Kita na lang tayo mamaya."

Aalis na sana ako nang...

"By the way, stop taking orders from someone else. Ako lang ang sundin mo hanggang kamatayan because you are my slave after all."

——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro