Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C1: The President

The President

••••

Jehna.

HAYS, sheteng naman ang daming paperwork kailan ba ito matatapos ha? Sa tuwing natatapos ko ang halos sampung dosenang papeles, tatambakan ulit ako ng bago sa desk. Tsk. Tsk.

"President Jehna, meron pa rito oh," sabay tambak ng basura este papeles sa mesa.

"Tsk. Nanaman? Ano ba!"

"Di bale, last na 'to. Magpahinga ka rin pag may time," sambit ni Joseph, ang secretary ko dito. "Anong gusto mo, juice?"

"Wag na. Kape na lang pwede?"

Nagsalute pa ang loko-loko bilang pag-oo at patakbo syang lumabas sa SC Room.

Buti na lang at tumahimik na kahit papaano. Tatapusin ko na lang ito ngayon. Ganito ba karami ang nagtatransfer sa school namin ha? Lokong principal yun, dapat alam nya kung paano 'to tapusin lahat. Sa akin ba naman ipatambak lahat ng gawain na dapat ay sa kanya.

Narinig kong may kumatok sa pinto. Baka si Joseph na iyan, ang bilis naman ata.

"Pasok! Black Coffee dapat yan," sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.

"What? Black Coffee?" tanong nya.

Nilingon ko sya agad. Akala ko talaga si Joseph pero si ate lang pala.

"Ikaw pala," balik tingin sa papeles.

"Hay naku, kapatid! Pasensya na at iba ang nasa isip mo at hindi ako. Ang busy mo palagi. Mag-enjoy ka nga minsan," pinatong niya ang kanyang dalawang paa sa ibabaw ng desk ko.

Ang bastos talaga at ang sarap niyang batukan. Pasalamat sya at ate ko sya.

"Come with me. May party kila Michael mamaya. Sama ka?" sabay taas baba ng kilay.

"Ayoko nga. Pumunta ka mag-isa!" inis ko.

Ayoko sa mga party-party na yan. Panira nang edukasyon.

"Tsk. KJ! Kaya ka single, e! Hopeless romantic ka pa. Diyan ka na, dumaan lang ako para sabihin iyon," naglakad sya palabas pero bago sya tuluyang umalis ay may sinabi muna sya sa akin. "Think again, lil sis. Bye."

"Psh. Nakakasuka ang mga party, puro inuman tsaka ang ingay ng music." I murmured.

"Ha? Pupunta ka sa party mamaya?" tanong ni Joseph na kanina pa pala sa tapat ng pinto.

"Hindi. Narinig mo ako hindi ba? I don't want to," pagcocorrect ko sa kanyang sinabi.

Tiningnan nya lang ako.

"Where's my coffee?"

"E 'yong bayad mo?"

Bumunot ako ng pera mula sa bulsa at ibinigay iyon sa kanya. Binuksan ko ang canned coffee at uminom. Kailangan ko nang pampagising. May isang dosenang paperworks pa sa mesa ko. Kakayanin ko pa ba? Dapat kayanin ko kasi last na raw sabi ni Joseph, e.

I'm Jehna Amethyst Mendez, kapatid ko iyong kanina pero makikilala nyo rin siya. This is my alalay, Joseph Gonzales, madalas kong kasama sa student council.

Napalingon ako sa hallway. I've noticed that it was so quiet today. Madalas kasing maingay ang hallway tuwing hapon.

"Joseph, asan ang mga estudyante?" tanong ko sabay lagok.

"Nanonood yata ng play-offs sa basketball, pres. Ngayon yun, e!"

Natigilan ako bigla. May laro ang varsity team namin ngayon at hindi ko man lang alam? Ito yung pinakahihintay kong laro nila. Gusto kong manood!

"Ah, ganun ba," tipid kong sagot habang pinipigilan ang sarili. Kaso gusto ko talagang manood. Huwag nyong itanong kung bakit.

Nandoon kasi crush ko.

Ayan! Sinabi ko na!

"I know that you want to see the game, president," ngisi niya. "You can go ahead. Ako na ang tatapos sa ibang paperworks."

"Thank you, Seph. I owe you one today!"

Nabuhayan ako ng dugo dahil dun. Kyah ~ ang bait talaga ng alalay ko. Mabuti na lang at maaasahan ko si Joseph. Tinakbo ko ang gymnasium sa di kalayuan. Unang play offs nila ngayong taon kaya dapat kong makita ang takbo nito.

Ang sabi ni Joseph, baka nasa second game na sila ngayon kaya mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo. Palapit pa lang ako sa court pero rinig na rinig ko na ang mga sigawan nila. Anong school ba kasi ang kalaban ngayon?

Hingal na hingal akong dumating sa gym. Wala nga pala si Joseph upang mautusan kong bumili ng tubig. Ayoko naman siyang istorbohin sa ginagawa nya kasi trabaho ko dapat iyon, e. Naghanap ako nang mauupuan kaso nasa pinakalikuran naman kaya hindi ko masyadong makita ang kabuuan ng laro. At sobrang laki pa ng mga ulo sa harapan!

"Go! Go! Go, Yooj!" sigaw ko with feelings.

Kahit hindi niya ako marinig, ayos lang. Ang mahalaga, nagcheer ako.

"Go, Blue Hawks!" sigaw ng cheering squad.

Ang ganda talaga ng mga babae sa school namin, sila na iyong patunay.

Biglang nagtime-out yung kabilang team, ang Black Mamba. Bagay nga sa kanila ang pangalan ng team kasi sunog lahat ng members. Akala ko ba sa court nagpapraktis ang mga players, bakit sa ilalim sila ng araw?

Umupo ako sa gilid upang hintayin na matapos ang two-minute break.

***

Natapos iyong two-minute break at pinagpatuloy na nila ang laro.

"GO BLUE HAWKS! GO BLUE HAWKS! GO BLUE HAWKS! WE WANT LOVE!" the squad chanted.

Go Sexy Love dapat iyon at binago pa talaga nila ang tono at lyrics.

"Whoo! Go, Yoj!"

Kahit anong gawin niyo, si Yoj talaga ang napapansin ko.

Tiningnan ako ng masama nitong mga babae na nasa harapan ko. Bakit ba? E crush este idol ko siya. Pake niyo?

"Go Blue Hawks! Fighting!" palusot ko na lang kahit labag sya sa kalooban ko.

We all gasped when we saw the opposing team hit one of the guys in our team. Tapos ang malala pa rito ay itong captain pa talaga ang siniko nila, pero nagpatuloy pa rin yung laro na parang walang nangyari.

What the hell? Bulag ba iyong referee at hindi niya nagawang bigyan ng foul iyong Black Mamba? Naka-three points si Kyn kahit papaano. Kaso nang ipasa niya ang bola kay Renz, sinapak nang kabilang team ang napakagwapong mukha ni Renz. Lahat ng babae na nasa gym, mapa-schoolmates man o hindi, ay napasinghap dahil sa nangyari.

Ang daya talaga!

Nakatingin lang ako sa referee, he's literally blind! Hindi nya ba yun nakita ha? Halos matumba na nga si Renz sa ginawa nung panget, e.

Nakita ko naman na nag-aalala ang ibang members kay Renz. Lumapit kasi sa kanya at buti na lang tumango siya. Sign iyon na okay siya kahit papaano. Pero ang daya talaga! Sarap nilang batuhin ng bote kasama na iyong referee tsaka yung members ng Black Mamba!

"Ang daya niyo!" rinig ko pang sigaw ng isang estudyante mula sa school namin.

"Oo nga. Ang papanget nyo na nga, ang panget niyo pang maglaro!" sigaw ng isa pa.

"Ang dudumi niyong maglaro, gaya ng pagmumukha niyo!" at isa pa.

Naghi-hysterical na iyong ibang estudyante dahil sa nangyari at hindi ko sila masisisi.

"Pst, hoy! Hayaan niyo na, wag niyo nang patulan pa," sita ko.

Gustong-gusto ko naman iyong ginagawa nilang pagsisisigaw. Kaso nga lang, ako ang presidente ng school. I need to be a good role model at inaalagaan ko ang reputasyon ko.

"S-Sorry po," dispensa nila.

Naku 'wag kayong magsorry, ituloy nyo lang please.

'Tsk! Sana may bumato ng bote sa pagmumukha nyo! Ang daya kasi!' sabi nang napakagaling kong pag-iisip.

Maya-maya, lumipad ang isang bote ng C2 sa mukha ng black mamba na sumapak kay Renz. Nagkatinginan ang lahat galing sa school namin kaso hindi namin alam kung sino ang nagtapon. Ang dami kasing tao at estudyante rito.

"Teka!" sigaw ko at napatingin sa may exit.

Feeling ko kasi sya yung may gawa, pero hindi naman halata sa mukha nya na naiinis sya. Sa lamig ba naman ng kanyang mga mata walang makakaalam kung ano ang nasa isip nya.

Naupo ako ulit, kahit habulin ko pa sya di ko na yun maaabutan. Nakalabas na sya ng court. Nanood na lang ulit ako dahil malapit ng matapos ang game.

***

Ang daya ng laro but the game ended with a good score. 73-65 panalo ang Claverion High. Hahaha! Buti nga sa kanila.

Pupunta muna ako sa canteen, nauuhaw na talaga ako. Feeling ko naubos na yung boses at laway ko kasisigaw kanina.

"Ate, pabili ng dalawang tubig," nagulat ako sa nagsalita.

I froze and got starstruck because of him.

Si Yoj, te.

Binuksan nya yung takip at... dalawa talaga? Siguro uhaw na uhaw sya. Ikaw ba naman maglaro para sa buong team, ang hirap talaga pag three-pointer.

"Ate, isa pong tubig," sabi ko dun sa babae.

"Naku, miss, wala na yun na yung huli."

Eh? T-Teka? Seryoso ba sya?

"W-Wala na talaga ate? Ate hanapin mo baka naipit lang dyan!" pagpipilit ko.

Tubig! I need water. Gusto kong umiyak kaso andito pa si Yoj, nakakahiya pag nagkataon. Makita nya pa ang dark side kong iyakin.

Nilapitan nya ako ng dahan-dahan tsaka inabot nya sakin yung isa pa nyang tubig na may kalahating laman.

"Sayo na 'yan," sabay abot.

"Ha?" pagtataka ko.

"I said it's yours. Sayo na yan, hati tayo."

Ibibigay nya ba talaga sa akin ang kalahati ng tubig nya? Kaso kalahati na lang, ibig sabihin kapag ininom ko 'to indirect kiss? Waaaahh! Ayoko!

>////////////<

"S-Salamat," sabay tanggap ng bukas sa puso.

Tingnan mo na!

"Don't worry, hindi ko naman talaga tinapat ang labi ko dyan kaya walang IK na mangyayari. Sige," sabi nya sabay alis.

Bakit?

Yoj bakit?

Bakit hindi mo tinapat?

Sayang ang indirect kiss eh! GRRR!

Uminom ako agad, muntik ko na makalimutan na nauuhaw pala ko. Hindi ko itatapon itong bote PROMISE!

"Ate tubig nga po."

Napatingin ako sa nagsalita. Si Renz pala. Ang alam ko Gatorade ang madalas niyang inumin, kaso wala ng tubig kaya Gatorade rin ang patutunguhan nya.

"Naku! Wala na kaming tubig, hijo."

"Po?"

Aba, gulat na gulat ata syang malaman na wala nang tindang tubig sa canteen.

"Patay ako nito!" napakamot siya sa kanyang ulo at tinignan ang kasama niyang babae. "Yelo, wala nang tubig."

She's pretty but emotionless. Sya yung nakita ko kanina sa may exit.

"Tsk. Kumuha ka sa water district or sa nature spring," sabi pa nito. Pati boses walang emosyon.

"Psh. Ikaw na lang, kainis naman!" angal ni Renz.

"Ayaw mo?!"

"Joke lang. Tara, punta tayo sa Ma. Cristina Falls!" sarkastiko niyang sambit.

Napatingin ako sa mineral bottle na hawak ko.

Thank you, Yoj.

----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro