Chapter 13
Ronier's Point of View.
Natapos ko nang pakainin ang baboy, pati manok, tapos tinali ko na yung mga panggatong na kahoy. Maliligo muna siguro ako. Pumunta ako sa banyo dala-dala ang towel at sabon. Hindi na ako kumatok pa kasi sa pagkakaalam ko may ginagawa yung lima ngayon kaya binuksan ko na kaagad ang pinto.
"AAHH!!!"
"GYAAAHH!! S-SORRY!!!!!" sabay sarado.
Shit, shit, shit, shit. Hindi ko sinasadya, malay ko bang naliligo pala si... si Jessie! Akala ko kasi... akala ko lang pala talaga!
Lumipas ang ilang minuto bago s'ya tuluyang lumabasa ng banyo nang nakabihis na. May damit sya sa loob ng CR?
"Ah. Jessie, s-sorry nga pa-"
Hindi n'ya ako nagawang harapin. "O-Okay lang. Okay lang talaga promise."
Dahan-dahan ko s'yang pinaharap sa 'kin.
"Talaga ba? Mukha ka kasing galit..."
Ang pulaaaaaaa nyaaaaa!
"O-okay ka lang ba? Gusto mo ng gamot? May lagnat ka ba?"
"Ha? W-wala, ganito talaga ako kapag... nahihiya," tapos iniwas na naman nya ang kanyang tingin sa 'kin.
"Hindi ko naman sadya na ano... ba't ba kasi walang lock itong pinto ng CR?"
Bigla na lang syang tumakbo paalis. Ang laki ng kasalanan ko, feeling ko tuloy nilabag ko ang sarili kong rule sa buhay. No peeking of ladies. Pero hindi ko naman talaga iyon sinasadya at wala akong balak na bosohan s'ya. Promise, mamatay man si Darna.
Pumasok na ako sa banyo at agad naligo.
Jessie's Point of View.
*blaaaggg*
Sinarado ko agad ang pinto pagkarating ko ng kwarto. Aggghhh, sa lahat ba naman ng makakakita sa 'king nakahubad. Si Ronier pa? Bakit ba kasi walang lock yung CR!? Ang bilis ng tibok ng puso ko ng nalaman kong sya iyon. Hindi ko pa naman inaasahan ang buong pangyayari. Biglang pumasok si Sam sa room na sobrang dumi ng damit. Saan eto galing?
"Oh bakit? May problema ka sa itsura ko?" taas kilay nyang pagtatanong.
"W-Where did you-" naku, baka magalit to sa 'kin pag nagtanong ako. Curious kasi ako, sorry na.
"Tss, sa kakahuyan. May tumulak na patpat sa 'kin. Akala ko ahas," sabi nya sabay kuha nung sabon at shampoo.
Teka? Maliligo ba sya?
"Ahm Sam, naliligo pa kasi Ronier."
"Eh ano naman? Paaalisin ko sya sa CR, ang baho ko na. I want to take a peaceful bath." ang taray talaga.
Magsasalita pa sana ako kaso inunahan ako ni Kian na kakapasok lang din.
"Naliligo pa nga raw, e. Kababae mong tao, bobosohan mo sya? Tsk," may palingo lingo pa syang ginawa.
Waaaa. Naaalala ko tuloy yung nangyari kanina, bigla tuloy akong namula. Namumula na tuloy ako mula ulo hanggang paa.
"At sinong may sabi sayo na maaari kang pumasok dito? Dun ka nga sa kwarto nyong amoy tae!" tinulak sya ni Sam palabas kaso mas malakas talaga si Kian.
"Ikaw nga dyan ang amoy tae. Hahahaha, gusto mo bang bumalik dun ha?"
"At gusto mo bang masipa ulit ha?! Madali naman akong kausap e, sabihin mo lang."
So si Kian pala ang dahilan sa maduming damit ni Samantha. Sya ba yung tinutukoy nyang patpat? Kung mag-away itong dalawa, parang wala ng bukas. Haaay naku!
"LABAAASS!!" at tinulak n'ya nga si Kian palabas ng pintuan.
Hindi nagtagumpay si Sam sa kanyang ginawa kasi ang lakas-lakas ni Kian sa lagay nyang iyan.
"Ayoko, tayong dalawa ang lumabas!" tapos hinila nya rin palabas si Sam.
Tsk, tsk, magkakatuluyan talaga ang dalawang yun, e.
Kian's Point of View.
Hila-hila ko pa rin sya hanggang ngayon. Akalain nyo yun? Ang payat nya pala? Ang gaan din tsaka ang sarap-sarap nyang kulitin. Ang bilis kasing mainis.
"Hoy! Bitawan mo nga akong manyak ka!" at pwersahan n'yang hinila ang kanyang kamay.
I looked at her immediately. "Psh. Ikaw naman kasi, kung hinayaan mo lang ako na tulungan ka edi sana hindi ka nadumihan."
"Tulong? Hiningi ko ba yun mula sayo? Hindi diba? Walang pakealamanan, okay? Nagdadala ka lang ng disgrasya dyan!" sabi nya habang hinahaplos ang kanyang pulso. Masyado bang mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya?
"Patingin nga," sabay kuha ng kanyang kamay.
"Wag na! Tss, tulong ka ng tulong hindi ka naman nakakatulong." kinuha nya yung sabon at shampoo at tsaka nagpunta sa CR.
Akala ko ba narinig nya yung sinabi ni Jessie kanina na naliligo pa si Ronier? Ang tigas ng ulo ni amazona.
Jona's Point of View.
Kitang-kita ko mula dito sa kinatatayuan ko ang dalawang iyon. Haaayy, mukhang nag-aaway na naman.
"Hindi ba matatapos ang araw na di sila nag-aaway?" haayyy, nagsasalita na ako sa sarili ko nang mag-isa. Baliw na ba ko no'n?
"Hoy, anong ginagawa mo dyan sa itaas ng puno?" tanong ng magaling kong bestie.
Binelatan ko lang sya, "Pake mo? Umakyat ka kung gusto mo!" balik ang tingin sa view.
Did I forget to mention that I am standing on a branch of this rambutan tree? Ngayon alam nyo na, hindi naman eto masyadong mataas. Parang matatalon ko lang pababa pero challenge kung paakyat. Sumunod sa pag-akyat si Ajay.
"Tabi, pwesto ko yan," protesta nya.
Hala. Ako kaya ang nauna dito. "Akin ito, first come first serve!"
"I put my name on it, yesterday!"
Inusog ko ng konti ang paa ko sa kanyang tinuro.
"Asan? Hindi ko makita."
Kasi wala naman talaga.
"Ayan oh!" tapos bigla nya akong tinulak.
Mabuti na lang at nakakapit ako sa isa pang branch. Putek, muntikan na akong mahulog dun ah.
"Sabi ko naman sayo usog," tawa n'ya.
Hinampas ko sya ng malakas sa braso. "Wala ka talagang kwentang bestfriend no? Papatayin mo ako para lang sa isang pwesto?"
Inagaw mo na nga ang pwesto ko riyan.
"Hindi kaya. Ayokong mamatay ka ng maaga, isa pa, may space naman ako dyan sa puso mo," ngumiti pa sya ng nakakaloko.
*dug dug dug dug dug*
Takte, kinilig ako dun ah. Kapag s'ya na bumabanat, wala e, tunaw ako, pati kaluluwa ko, tunaw na rin.
"Sino sabi?"
Hala sige, deny pa more, panggap pa more.
Lumapit sya sa 'kin ng konti. *gulp* "Bakit? Hindi ba totoo?"
Lumingo lang ako. Hindi ko kasi mabuka ang aking bibig, bweset. Huhuhu. Tinulak ko sya palayo sa 'kin.
"Ang baho mo, maligo ka na nga!" pag-iiwas ko sa topic.
"Tss. Samantha is taking her bath right now. I can't just pop up in front of her, baka sabihin nya na may pagnanasa ako sa kanya."
"Bakit, wala ba?"
Ngayon ako naman ang nagtanong nang may paloko effect ang ngiti. Kaya lang hindi nya ako sinagot agad.
Don't tell me...
"Hoy, sagutin mo nga 'ko," pabiro kong sabi.
Nakatingin lang sya straight dun sa CR at ganun din ako. Then, Sam went out at mukhang sinasaway na naman sya ni Kian.
"Ewan." pabalang n'yang sagot
Ouchiieeeee. Ang shaket besh, ano ba. Sa lahat lahat ng makakarinig no'n, ako pa talaga?
"M-May gusto ka kay Sam?" I stutter? Sht, hindi na ito tama. Mali na itong nararamdaman ko, mukhang naiinis yata ako kay Sam.
Hindi, hindi. Bakit Ajay!?
This time, I'm just wishing that he'll answer me the way I wanted to. Kaso...
"Siguro," nakatingin pa rin sya ng seryoso doon sa dalawa.
Uwaaa. Parang binasag ng paulit-ulit puso ko, basag na nga babasagin pa. Binasag na nga, inapakan pa ng iba. Double pain and hurt na 'to Ajay, wag ka namang ganyan!!
Ajay looked at me, mabuti naman at naalala n'ya pa ako. "Oy, okay ka lang?"
"Ha? Um... oo," I want to ask him. "K-Kailan pa?" tanong ko ng hindi nakatingin sa kanya. Ang sakit kasing tignan ng taong mahal mo habang may minamahal na iba.
"Noong first week natin sa camp. She's so different and so interesting."
While he said those words to me, he just broke my heart into Jona pieces.
Jessie's Point of View.
I need to wash the dishes. Nakatulog ako kaiisip sa nangyari kaninang umaga. Tumatakbo lang ako papuntang kusina nang...
*bumps*
"Aray!" sabay naming sabi.
Nauna ang pwet ko sa paglanding, huhuhu. Mas lalo pa tuloy lumiit pwet ang ko, bwisit naman.
"Sorry, ayos ka lang?" nilahad n'ya ang kanyang kamay sa akin.
I grabbed it quick. "Thank you, sorry din. Di ko kasi namalayan."
"Ako nga itong tumatakbo ng mabilis."
"Ah... tinatakbuhan mo na naman ba ang trabaho mo?" tanong ko.
"H-Hindi ah, yung amazo-"
"KIAAAAANNN!! GET BACK HERE, TATADTARIN PA KITAAA!!" sigaw ni Sam mula sa labas.
"S-Sige, dun muna ko! Don't tell her you saw me!" sabay takbo na parang si Flash.
Napaface palm na lang ako sa awayan nang dalawa. Ayy, oo nga pala yung mga hugasin.
-x
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro