Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10


Kian's Point of View.

Hanggang ngayon, nakadikit pa din sya sa aking dibdiban. And me? I froze, parang naging yelo ang buo kong katawan dahil naninigas pa rin ako sa aking kinatatayuan. Maghunusdili ka Kian, nakatulog lang yan. Di ka nya niyayakap.



Jona's Point of View.

Kainan na pero hindi pa din nagpapakita si Sam. "Where is she?"

"Nasa kwarto, mukhang may lagnat ata," napatingin s'ya kay Ki. "Kian, dalhan mo sya ng pagkain ah," paalala ni Jessie.

"Ano? Bakit ako?" protesta nito.

"Bakit ayaw mo? Dalhan lang, e," si Ajay.

Oo nga. Bakit ang defensive naman nito masyado? Hindi namin sya pinipilit.

"Guys, ako muna ang mauunang maligo ngayon. Natapos ko nang pakainin ang baboy. Jona, pakainin mo daw si Mallow, tapos Ajay magsibak ka pa ng maraming kahoy. Kian, tulungan natin sya. At Jessie, ikaw ang maghugas ng pinggan ngayon tsaka magwalis ka na din," tuloy-tuloy na sambit ni Ronier.

Anooo raw? At kailan pa sya naging si Samantha the second? At ako pa ang magpapakain sa aso? Naman e, gusto kong magwalis at maghugas ngayong araw.

"T-Teka, sinong nagsabi sa 'yo na pwede mo kaming utusan ha?" protesta ni Kian.

May nilabas na isang pirasong papel si Ronie mula sa kanyang bulsa.

"Um, sabi dito at si Sam ang nagsulat nito hindi ako."

Aaahhh, kaya pala. "Akala ko si Sam the second ka na," pagbibiro ko.

"Aba, kakaiba din ang babaeng 'yon ah? Parang alam n'yang lalagnatin sya ngayong araw kasi nakaplano na agad ang mga gawain." - Kian.

Eto ata ang sinusulat nya kagabi habang hingal na hingal. Yan siguro yun. Pero...

"Wala ba s'yang tinira na tao para at least man lang may mag-alaga sa kanya?" curious na tanong ni Ajay.

Ganun rin ang gusto kong itanong. Kaso wag na lang pala, naunahan ako e. Chineck ni Ronie ang papel sa likod. "Wala e."

"Psh, ang selfish talaga ng babaeng iyon. Tirhan nyo ako ng makakain ha," utos ni Kian na may dala-dalang bowl of soup. Sinabawang isda kasi ang putahe ngayon.

"At saan ka? May dala ka pang sabaw dyan?" - Ajay.

"Wala kang pake. Tss," sabay layas.

Napangiti ako dun. Kung alam ko lang na pupuntahan nya ang babaeng may lagnat.





Kian's Point of View.

*tok tok*

Lagot talaga sya sa 'kin ngayon. Lalagnat-lagnatin para makaiwas sa mga gawaing bahay. Di pa naman masarap magluto si Jona sa totoo lang. Kaya lang, hindi ko masabi-sabi kasi... basta. Baka suntukin n'ya rin ako gaya ni Amazona.

"Hoy, buksan mo nga ito," sabi ko nang hindi n'ya man lang binuksan ang pintuan.

"Wala naman yang lock, tanga!"

At nakakasigaw pa sya sa lagay na yan? Amazona talaga. Pumasok ako at nakita s'yang nakahiga lang sa kanyang kama.

"Bumaba ka," utos ko.

"Ayoko," sabay takip ng kumot. "Ano bang ginagawa mo dito? Istorbo, dun ka kumain sa kusina."

Mas tanga pa pala s'ya kesa sa akin. "Hindi naman ito para sa 'kin, para ito sayo. Sabi nila, d-d-dalhan daw kita. Kaya ayan," sabay lapag nang mangkok sa study table nila. "Kumain ka ha tsaka may gamot na d'yan, inumin mo. Nag-aalala ang iba para sa 'yo kaya magpagaling ka."

"...." hindi man lang s'ya sumagot.

Hindi man lang nakapag thank you? Ano pa ba kasing ineexpect mo sa amazonang yun ha? Hindi nga marunong magsorry sa iba, mag thank you pa kaya sayo Kian?

Lumabas ako ng kwarto nila na may ngiting lugi sa labi. Bwisit, sisingilin ko iyon kapag gumaling na sya.






Samantha's Point of View.

Ang sabihin nya, sinadya n'yang dalhan ako ng makakain, hindi yung andami nya pang sinasabi. Kantahan ko sya dyan e. Tsk.

Bumaba ako mula sa aking kama at kumain pagkatapos, humigop rin ako ng sabaw at uminom ng gamot. Bakit ba kasi ako nilagnat, anong oras ba ako nakatulog kagabi?

**

Halos limang oras ang naging tulog ko, at medyo umaayos na rin ang aking pakiramdam ngayon. I took the thermometer to check my body temperature, and great news. 36.3 na. Ang laki ng binaba, salamat sa paracetamol na bigay ni Jessie at pagkain na luto ni Jona. Hindi ko masyadong malasahan yung luto nya dahil masama ang pakiramdam ko kanina pero di bale na nga lang.

Pumunta ako sa kusina at wala akong nadatnan niisang tao. Mukhang nagtatrabaho pa sila ngayon. Maybe, I'll cook for them again.





Ajay's Point of View.

Aggghh. Sa sobrang lakas ko halos mabali na pati ang muscles at biceps ko kakasibak ng kahoy. Sa gwapo kong 'to, ito lang ang kaya kong gawin dito. Sana pala nagkargador na lang ako at hindi editor. Tsk.

"Oy, tapos ka na ba dyan?" Tanong ni Jona.

"Malapit na, boss Jona," pabiro kong sagot.

"Buti naman. Ako muna maliligo, tapos si Jessie, Ronier at Kian. Last ka na kasi matagal ka pa pala d'yan, byeeee," nang-iinis n'yang pahayag.

Aish, naiinitan na nga ako dito e. Tapos hindi n'yo pa ako pauunahin maligo? Ang babait nyo naman pala. Nagpatuloy na lang ako sa pagsisibak. Mag-iigib pa kami ng tubig mamaya.





Ronier's Point of View.

Ang tagal ni Kian, akala ko ba tutulungan nya ako sa baboy na ito? Ang bigaaaatt! Nakita ko s'yang papalapit sa aking pwesto.

"Hoy, Kian. Ano ba, kanina pa kita hinahanap. Tulungan mo nga ako rito!!" pagtawag ko sa kanya.

Tumakbo sya agad palapit sa akin. "Ano bang—uuuggh pota ang baho mo. Naligo ka na ba ha?"

"Hindi pa, ikaw naligo ka na?"

"Hindi din."

"Pareho lang pala tayo walang ligo. Tulungan mo muna akong paliguan 'tung baboy," kaya ako mabaho dahil sa tae ng baboy na 'to.

Tinulungan nya akong buhatin si King.

"Bakit ba kasi natin kailangang alagaan itong baboy? E wala naman tayong mapapala. Patayin na lang natin tsaka ulamin," suhestyun n'ya na parang iyon ang pinaka-magandang gawin sa baboy na ito.

Binatukan ko sya agad. "Ano ka ba, pwede nga nating ibenta pero bawal kainin. Umayos ka nga, mga mayayaman nga naman."

Pinaliguan na ulit namin ang baboy. Ang bigat nga e, gumugulong kasi papunta sa kung saan. Limang baboy pa naman ang andito, tss. Isang inahin at apat na maliliit. Maliligo talaga ako pagkatapos promise.





Jessie's Point of View.

Ahm... Gulay raw, nakakain ba itong lahat? Tapos ko ng hugasan ang mga pinggan at walisan ang kabuuan ng bahay. Kaso wala na akong ibang magawa. Kaya naman andito ako ngayon sa kakahuyan at kumukuha ng iba't-ibang gulay, mushrooms at prutas. Limang hectares kasi 'to at may mga puno. Gaya ng niyog, mangga, durian at iba pa.

Kung tutuusin, ang ganda dito sa camp. Kaso nga lang, camp lang 'to at hindi bahay. Feel at home kami kaso di namin alam kung paano. "Ah, ayun." May nakita akong mushroom kaya kinuha ko yun agad, malapit lang sa kinatatayuan ko.

Waaaa, I hope they'll like this.





Jona's Point of View.

Ang bagal ni Mallow. "Mallow, come here boy," pagtawag ko sa kanya.

"Aw, aw, ha, ha, aw!"

Nilapag ko yung dog bowl na may lamang dog food. Buti naman at kumain sya, ang dami kasing tira sa niluto ko. Bakit ayaw nila nung sabaw? Masama ba ang lasa? Sana naman gumaling na si Sam.

Tinitingnan ko lang si Mallow habang kumakain. "You know what, Mallow. Ang hirap sabihin na may gusto ka sa isang tao no? Paano ba magconfess?" tanong ko sabay hagod sa kanya. "Mallow, explain. Sagutin mo ko."

"Wow. You're smart, but you can't explain your own feelings?"

Napalingon ako agad dahil sa gulat. Akala ko si ano e. Si Samantha lang pala.

"M-Magaling ka na?"

"Sino bang hindi?" pareho na kaming nakatitig kay Mallow habang kumakain. "Tss, hindi sasagot ang asong iyan sa tanong mo."

"Hm."

"You like Ajay, right?" Nagulat ako sa kanyang tanong. Does she know about it? "Well, if I'm wrong then punch me."

Taeeee I can't punch her without any reasons. Hindi ako baliw para gawin iyon.

"Waaahh, oo na oo na. Nahuli mo na ako pero paano mo naman nalaman?"

"So totoo nga? It was just a hint, matalinong tanga," sarkastiko n'yang sabi.

Natameme ako agad, hindi ko alam kung anong dapat kung sabihin. Wala na akong lusot.

"Please, don't tell anyone about this."

No reaction, no response. Lagot na!

"Kailan pa?" She asked.

"Ha?"

"I mean, kailan ka pa nagkagusto sa kanya? Bestfriends kayo diba? Therefore, you have been secretly in love with him for years, watching him fall in love with other girls," hagod sya ng hagod kay Mallow.

"Aw! Aw!!!"

"Matagal na din siguro, since elementary."

Hindi man lang s'ya nagulat sa sagot ko. Oo, ganun katagal, sa murang edad umibig na ang inosente kong puso. Bigla n'yang kinarga si Mallow at sa'n nya yan dadalhin?

"Wow, ang tibay mo naman pala kung ganun. May alam ka din pala sa pagmamahal."

"Ano ba sa tingin mo? Hindi naman ako kagaya mo na- nevermind." Baka magriot ulit kaming dalawa.

Nakatitig lang s'ya sa aso habang hinahaplos pa rin ang ulo nito.

"Psh, I don't want to be in love. Hindi naman sa takot akong masaktan. Kaya lang hindi ko kasi ikakayaman yan," sinabi n'ya yun na parang isang business ang pinag-uusapan namin. "Isa pa, true love waits kaya maghintay ka. Baka may darating pang bago sa buhay mo, yung tipong hindi manhid at gago."

"Salamat sa advice na parang hindi advice." Para nya kasing sinisiraan si Ajay. Pero natutuwa ako sa kanya. "Oo nga pala, how did you know that I like him?"

She smirked at me. "Maldita instinct."

-x

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro