Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 06

Chapter 06

Kian's Point of View.

Bakit ba ang kukulit ng mga babae? Tanong sila ng tanong at kapag hindi sasagutin, magmamaktol. Hindi kasi namin alam ang isasagot tapos magwawalk-out.

"Required ba talaga ang mag-walk out nang mag-walk out?" inis kong tanong.

"Pre, mga babae sila. Normal lang na maging OA nang walang sapat na dahilan," sagot ni Ajay.

Napabuntong hininga kaming tatlo. Wala kaming magagawa sa kaOAhan ng girls maliban na lang kung... naaaahh. There is no big way na tutulungan ko silang hanapin ang malditang yun lalo na't tinapunan nya ako ng sandok. Muntikan na akong magka heart attack.

"Uy Kian. Tirahin mo si Sam ha," sabi ni Ronier.

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi.

"Anong tirahin?"

"TIRAHAN! Tirhan mo si Sam," pagdidiin n'ya sa kanyang sinabi.

Nabingi pala ako!

Dun ko namalayan na patuloy pa din pala ako sa paghigop ng sabaw. Ang sarap kasi ng chopsuy n'ya. Nakakapanibago lang.

"Ha? Kailangan pa ba? Baka busog na yun," pagmamaang maangan ko.

"Pre, tirhan mo yun. Baka magalit yun sayo,c si Ajay.

Isa pa itong si Ajay. Akala ko ba kakampi ko sya dito? Patuloy pa rin ako sa pagkain at pag-ubos ng sabaw.

"Bahala kayo, gutom ako. At kabayaran na din 'to sa pagtangka nya sa buhay ko."

"Pagtangka? Tol, sandok lang yun. Ang gaan sa mukha," si Ajay.

"Oo nga naman, Kian. Isa pa, kung hindi mo sya pinakialaman sa pagluluto kanina hindi nya naman yun gagawin kaya hindi mo sya masisisi."

Uugghh.

Sige, kampihan nyo ang babaeng yun. Pero huli na ang lahat kasi naubos ko na yung sabaw! Huh! Tingnan lang natin kung gaano sya katinding magalit *evil smile*




Samantha's Point of View.

~ groooowwlsss ~

Gutom na ako at niisa sa kanila ay hindi pumunta sa 'kin sa kakahuyan. Tsk, sunduin nyo ako mga tang*ina kayo. But since this is my fault, babalik ako mag-isa. Bakit ba kasi ang daming punong kahoy sa lugar na 'to? Wala pang signs. Maglagay kaya ako? Tss, ang daming lamok!

Hindi din nagtagal ng nakarating ako sa bahay. Ako ang nagluto ng chopsuy tapos hindi ako makakakain? It's too unfair diba?

"Bakit ngayon ka lang?" si Jona

Dumating sa buhay ko...

"Bakit ba? Tsk, kumain na ba kayo?"

"Oo at mukhang wala ng natira."

"What? At hindi niyo man lang ako tinirhan?!" I shouted.

Aaahhh! Papatayin ko talaga kayong lahat, e. Kainis, mamamatay na siguro ako sa gutom dahil rito.

"Tinirhan ka namin, kaso kinain ni-" I cut Jona's words off.

"MALLOW? Kinain ng aso?" inis na inis na talaga ako. Hindi nyo dapat ako ginugutom ng ganito, malalagot kayong lahat sa 'kin.

"Hindi. Hindi si Mallow, mas masahol pa sa aso."

>///////////< Namumula na ko. "SINO NGA SABI?"

Biglang sumulpot yung boney guy, si Kian.

"Chill ka lang, nawawala ang ganda mo, e. Namumula pa ang ilong at tenga mo sa galit," ngisi n'ya.

At natutuwa syang galit ako? Abaaaa! Labanan na ito at hinding-hindi ko sya uurungan.

"Hoy!? Hindi hinihingi ang opinyon mo dito kaya wag kang mangialam. Andito lang yung conversation line oh!" nagsign pa ako ng pagkataas taas na linya sa pagitan namin.

"Si Kian," malamig n'yang sabi. "Sige, una na ako. Baka kasi mag-alburuto kayong dalawa d'yan. Ayoko pa namang madamay," nagwalk out agad si Jona.

Sinamaan ko sya ng tingin. "IKAW? You ate all the food? The course? My exquisite delicacy? Ikaw ang kumain? Ang siba mo naman masyado sa lagay mong yan ah!"

Oo na ako na ang masungit, mataray at maldita.

"E sa nagutom ako, e. May magagawa ka?" ksmid niya.

"Ha! Ang sabihin mo nasarapan ka kaya mo naubos pati pinggan!" presko kong sabi.

"Ano? Pinagtyagaan ko nga lang ang lasa tapos ganyan ka pa. Pasalamat ka nga at may kumain pa sa basura mo."

B-Basura? Did he just call my specialty na basura? Okay, that's it. Nakakababae na 'to. Uupakan ko na sya.

*booogssh*

At hindi na nga ako nakapag-pigil pa. Ayun, dumugo ang kanyang ilong at ngipin habang nakaupo ang pwetan sahig. "Sabihin mo yan sa mukha mo. Specialty iyon ng mommy ko at tinuro n'ya yun sa 'kin. Kaya pwede ba, don't you dare call my Chopseuy a basura!" sabay pasok sa kwarto. Iniwan ko lang syang nakabulagta.

"Uh, Sam-" boses ni Ronier pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Inis na inis akong naglakad palayo sa kanya. Nakakabwisit, ayoko na dito. Lalo na sa lalaking 'yon.




Kian's Point of View.

Ouchie! Hindi lang sya basta babae, napaka amazona nya pa! Nilapitan ako ni Ronier matapos makapasok si Sam sa loob ng kanyang kuwarto.

"You okay?" paglahad nito sa kanyang kamay.

Tsaka ko iyon tinanggap. "Sa tingin mo?"

Pinilit kong tumayo habang iniinda ang sumasakit kong nguso.

"Tomboy ba yun?"

"Hindi. Hahahaha. Bakit kaya hindi ako pinansin nun? ^~^"

Alam nyo, kanina pa sya tawa nang tawa. Mapunit sana bibig nito.

"Thanks?"

Lumabas mula ng kwarto si Jessie kasabay nun ang kanyang pagkagulat nang makita ako. Ay hindi, malaki na talaga ang kanyang mata.

"W-What happened? Bakit ka duguan?!"

Natataranta n'yang tanong habang nakatingin sa gwapo kong mukha. Dugo? I wiped my mouth at oo masakit nga. Ngayon ko lang nalasahan ang sarili kong dugo.

"It's just a scratch."

"N-Nagsuntukan ba kayo, Ronier? Bakit mo yun ginawa ha? Tell me?" si Jessie na medyo praning din.

"Hindi ako ah. Why would I punch him for no good reason? Oy, Kian, sino ba kasing nagpatumba sayo?"

"Yung amazonang si Samantha," sagot ko at nagpatuloy sa pagpupunas.

Both of them glanced at each other.

"Did I hear it right?" paninigurado ni Ronier.

"Oo. May gamot ba kayo? Hindi ko akalain na sya pa ang unang makakagalos sa gwapo kong mukha."

"S-Sa kuwarto, may first aid kit kami dun," ani Jessie.

"Ay naku wag dun! May amazona sa kwarto nyo!"

Ayaw ko talaga dun. Nakakatakot ang babaeng yun, e. Sirain nya pa ng tuluyan ang napakagwapo kong mukha.

~ Kwarto ng Boys ~

"Napaka-kalat naman ng kwarto nyo," unang komento ni Jessie ng makapasok sa room namin.

"Sensya na. Gusto nyo nga pala pink," I said, sarcastically.

Pero napakalinis ng higaan ni Ronier kumpara sa amin ni Ajay. Bakla kasi yan kaya ganyan.

"Psh, hindi lahat ng babae pink ang gusto." napatingin kami sa nagsalita. "What happened to you?"

"Ikaw pala, Jona. Napaaway sya kay Sam kaya ayan," paliwanag ni Jessie.

Heto namang si Ronier gamot lang ng gamot sa sugat sa bibig ko. Sumasakit palagi kapag nilalagyan n'ya ng cotton but I would never shout. I'm a guy, not a gay.

"Maybe she has her reasons. She won't kick your ass if you haven't done anything to her," komento ni Jona, stating the obvious.

Tss. Ayan na naman ang matalino.

"Ano ba kasi ang ginawa ko? What exactly did I do to her?"

"You know exactly what I mean, Kian. Ang manhid mo naman. Ikaw kaya ang umubos sa lahat ng ulam na tinira namin para sa kanya. Sya ang nagluto kaya deserve nya na matirhan but look at what you did. Inubos mo lahat -_-," paliwanag nya.

Hindi ko yun alam.

"Dahil lang dun? Ang babaw niya masyado," sabi ko pa.

"D-Di naman kasi yan pababawan ng rason. Mom always says that you should treat a girl right. Their hearts are too fragile even if they're as tough as diamonds. Malay mo, may nasabi kang masama sa kanya kanina at hindi mo lang 'yon narealize," si Jessie.

Ang corny talaga ng babaeng 'to.

May nasabi ako na hindi n'ya nagustuhan? I watched my words all the time and think before I speak.

"Gaya ng ano? Psh," hindi pa rin mawala-wala sa mukha ko ang inis sa babaeng iyon.

"Gaya ng pagdedescribe as basura sa chopsuy nya," sulpot ni Ajay na pawis na pawis pa.

At saan sya nanggaling? Agad n'yang nilapitan si Jona.

"A-Ang baho mo, lumayo ka nga. Maligo ka!" iritableng sabi nito habang nagtatakip ng ilong.

"Ewan ko sayo. Mabaho na kung mabaho basta gwapo pa rin," binalik nya ang kanyang tingin sa 'kin. "Pre, wala ka talagang sensitive hormones. Ang sarap kaya ng chopsuy. Ikaw nga ang nakaubos kaso tinawag mong basura. Ganyan ba ang masarap sayo? Basura?"

Napapailing pa s'ya na parang dismayadong-dismayado sa ginawa ko. Totoo ba yun? Parang ang labo. Napaka-liit na bagay pina-palaki nya pa.

"Ano ba ang gusto nyang gawin ko? Lumuhod sa kanyang harapan?"

Inakbayan ako ni AJay. ANG BAHO NAMAN PUTSPA!

"Pre, alam ko na wala kang sweet hormones sa katawan pero kasi babae pa rin si Sam kahit tomboy s'ya. Kaya kung ako sayo, lulutuan ko sya," suhestyun niya.

"Agree!" they all responded.

I sighed deeply, edi ako na ang masama at manhid na lalaki. Naku, nagkautang na loob pa ako sa amazonang yun. Tumayo ako at umalis ng kwarto.

"Sa'n ka?" tanong ni Ronier.

"Kusina," tipid kong sagot.

Narinig ko pa ang impit nilang tawanan. Kabago-bago pa lang namin rito at pinagtatawanan na nila ako agad. Ang sasama talaga ng mga yun. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pagdating sa kusina pero may bacon sa ref kahit wala naman ito kanina.

"Oh well. I must try."




Samantha's Point of View.

~ sniff sniff ~

Correct me if I'm wrong pero bacon ba yung naaamoy ko? Saan yun nanggagaling gayung wala naman kaming bacon sa fridge? My imagination always goes wild kapag gutom ako.

~ groowlllss ~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro