Chapter 01
Chapter 01
Elegante's Point of View.
"Honey, I called your cell yesterday but you're out of coverage. What happened?"
Maaga pa naman siguro para tanungin nya ako tungkol dun. But since she asked, I'll answer her kasi ina ko siya.
"I-I um... I'm with Nicole, mom," I slightly stuttered.
Pagdating kasi kay Nicole ayaw talaga ni mommy'ng pag-usapan. Galit siya sa babaeng yun, which is my friend and I don't know why.
"Really? Tsk, nawalan na tuloy ako nang gana sa pag kain."
"M-Mommy, wait did I make you upset?"
She looked back at me. "Yes, dear ayokong nakikipagkaibigan ka sa kanya. She's a... you know... How can I say this without hurting you? I mean, she's not really a friend material," inis n'yang sabi.
Ano bang pinagsasasabi ni mommy?
"Mommy, paano ko maiintindihan, e hindi niyo po pinaiintindi sa akin yung mga bagay-bagay."
"Honey, she's a booze addict, she wears shorts and high heels. Dear, doesn't she looks like a prostitute to you? I mean, kapag sa kanya ka parating sumasama baka maging katulad ka rin niya!"
Wooah, pinagsasalitaan niya ba nang ganun si Nicole sa likuran ko? Ganyan ba ang tingin n'ya rito?
"M-Mommy, is that how you see my friend... all these years?"
"To be frank, oo. And, guess what I already planned a trip for you, honey. To make you realize na hindi lang s'ya ang kaibigan mo sa mundong ibabaw for pete's sake."
Bakit hindi ko iyon alam?
"You planned something without my permission? Mommy, you are insane! I am not going on that trip!"
"Oh, yes you are. Doon mo marerealize ang mga bagay-bagay. It's not just an ordinary trip but it's a camp, a camp for royalties, at gusto ko na maging simple ka pagbalik mo. With your ordinary friends and ordinary... whatever," she took her phone as she went to her bed.
Ugh. Mommy is always planning something without me knowing it. Anak niya ba talaga ako? Ampon lang ba ako? Daddy, if you are still alive, maybe you could tame her.
Matalino's Point of View.
Lumabas ako ng kwarto ni Niña, ang tutee ko. It's time for me to leave since tapos na ang tutor-tutee session namin. Bumungad sa 'kin si manang Elsie, their kasambahay.
"Out ka na, hija?"
"Yes, I'm done, Manang. Pakisabi kay sir and ma'am na aalis na ako. I will be late for our dinner," sabay tingin sa relo.
"Okay. Ingat ka, hija, salamat."
I gave her a smile. I went inside my car, driving to Odie's Bar. Doon kasi ang sabi niya at pinapapunta pa ako ng loko just because he's brokenhearted. Again! Ang arte naman kasi. Hiniwalayan lang, e. Tsk.
I parked my car right outside the bar. Agad ko siyang nakita. I knew it was him. Favorite niya ang black sando at bagay yun sa masculine niyang pangangatawan. Hay, nakakainis talaga kapag bestfriend ka. Naglakad ako palapit sa kanya.
"Hey, what's up?"
Kita ko naman yung pula niyang mata. Aba, lasing na lasing na ata. How long he's been drinking wines and liquors?
"Ah, ikaw pala."
Oo, oo ako nga. Tsk.
"Tara, I'll take you home," sabay agaw sa baso.
"T-Teka, lash nato promish. Tol, isha pa nga," lasing na talaga. Pananalita pa lang, e.
I heaved a deep sigh. "Uuwi tayo o isusumbong kita sa daddy mong sundalo?"
Nanigas siya sa sinabi ko. Takot niya lang kay tito Jason, akala niya, ha. Hindi niya ako maiisahan, ang talino ko kaya.
"S-Sige, let'sh go home. I'll drive."
"Hoy, anong drive ka riyan? Siraulo ka talaga, paano kung maaksidente tayo?"
"E, di maakshedente. Mamatay na kung mamatay no, lakompake! Lakampake!" tinuro niya pa ako.
"Walangya ka! Tara na nga," inakay ko siya sa balikat.
Ang hirap kasi ng sitwasyon ko. Sitwasyon na isa lang akong bestfriend, maraming expectations mula sa 'yo. Hindi ka pwedeng ma-in love kasi nga bestfriend ka, tapos kapag na-in love ang bestfriend, ine-expect nila na susuportahan mo sila, at kapag na-brokenhearted, ikaw ulit sasalo sa kanila. Alam niyo iyon? Pansamantala. Pero kahit ganun, tanggap ko naman basta hindi lang kami maghiwalay.
Pinagsiksikan ko siya sa backseat. Baka kasi magsuka sa front, ayoko namang mabahuan ang kotse ko. Sayang ang car wash. I turned on the radio and Callalily hits the volume.
🎶 Sya na ang mayaman,
Sya na ang may auto,
Sya na.
Sya na ang meron ng lahat ng bagay na wala ako 🎶
Ah, kainis naman yun kaya pinatay ko din agad... di bale na nga.
Maldita's Point of View.
"Daddy, where's my manicure and pedicure?" I shouted at the top of my lungs ngunit walang sumasagot, "DADDY!"
Lumabas bigla si manang. "Wala po si sir, Miss. Maagang pumasok sa kumpanya."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Tss, did I call you, manang? Hay naku, sige na sige na. Tsupi ka na po,"
Bumalik ako sa kuwarto at naupo sa kama. Tss, what am I going to do now? I am getting hellish bored out of here!
Bigla na lang may nagdoorbell sa labas.
*dingdong dingdong*
Lumabas ako ng kwarto.
"MANANG! MANANG! WHERE THE HELL ARE YOU?"
Bakit wala na naman siya?
"Ugh, manang!"
*ding dong ding dong*
Ugh! Ako na nga lang!
"I will definitely tell daddy about this and then I'll make sure na paaalisin kayong lahat!" pagmamaktol ko habang pababa ng hagdan papuntang pinto.
*ding dong ding dong ding dong*
Eto namang nasa doorbell hindi makapaghintay. Napakaatat masyado!
"MAGHINTAY KA NGA! ANG INIPIN!" sabay bukas ng pinto and saw a mailman. Sus. Siya lang pala. "O, manong? May kailangan ka?"
"Um, kayo po ba si Mr. Reid?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "He's my dad. What do you want from him?"
May kinuha siyang sulat mula sa bag. May sulat si dad? Wow, nauuso pa pala 'tung bagay na 'to ngayon? How pathetic, napakamakaluma ng style. There are other means of communication, such as cell phone and internet.
"Is that..." sabay point sa sulat, "for my dad?"
"Ah, opo para nga po sa kanya. Kayo na lang po mag-sign kung wala siya." dagdag niya.
Nag-sign ako at umalis na si mamang mailman. I checked the letter and thought that it's a love letter from dad's mistress. I would say she's cheap if that's the case. Nilagay ko yung sulat sa ibabaw ng mesa niya pero nacurious lang ako. Kulay brown kasi at parang walang sense of color yung nagpadala ng sulat. Maybe... um, huwag na nga lang siguro.
"Just a peek," kinuha ko iyong sulat and look what I found.
An invitation from a camp?
-x
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro