Chapter 1
"Shiana, Let's go na" Aya sa akin ni Claire dahil nag-aaya na naman mag mall. "Wag mong sasabihin kay dad ah? Pleaassee" Pagpapacute niya pa.
"Kahit hindi ko sabihin kay tito malalaman at malalaman pa din dahil wala pang 1 week ubos na agad allowance mo tapos credit card gagamitin mo kapag naubos na allowance mo" Sermon ko pa sa kanya at hindi na siya umimik.
"May bibilhin ka ba?" Tanong niya sa 'kin
"Meron pero mamaya nalang, hindi ka pa tapos eh"
"Sige na, bilhin mo na yung mga kailangan mong bilhin kasi nag text si dad na pupunta daw siya sa unit ko and di 'ba matutulog ka naman dun?"
"Bukas pa ako pupunta"
"Ngayon nalang kasi pupunta naman si dad" Pairap na sabi niya.
"Sige na, sige na, may magagawa pa ba ako?"
Iniwan ko na s'ya sa department store at pumunta na ako sa book store dahil libro lang naman ang kailangan kong bilhin at wala ng iba. Pagbalik ko kay Claire ay hindi pa din siya tapos mamili at ang mukha niya ay hindi maipinta ng maayos.
"Anyare sa 'yo?" Tanong ko sa kanya
"Nakakainis kasi yung nakabangga ko kanina, hindi ko naman sinasadya na mabangga siya eh sa tutuusin siya naman talaga yung naka bangga sa 'kin tapos sinabihan pa akong spoiled brat" Sabi niya pa.
"Sige na punta ka na cashier" Utos ko sa kanya.
Alam kong ayaw pang umiwi ni Claire kapag dadating si tito dahil kukulitin na naman siya about sa arrange marriage nila nung kung sino man ipakasal sa kanya.
Andito na kami sa unit niya at nag-aayos na siya dahil padating na si tito. Nang may nag door bell ay binuksan ko na agad yung door bell dahil alam kong si tito na yun.
"Tito!" At nag mano ako sa kanya
"Grace! kumusta ka na! Na miss kita" Masayang bati ni tito sa'kin
"Same to you din po tito"
"Dad!" Tawag sa kanya ni Claire.
"Claire how's your study"
"Great." Tipid niyang sabi
"Make sure your always on the top, bakit hindi mo gayahin si Grace?" Ayaw ko na ikinukumpara ako ni tito kay Claire dahil sa tutuusin mas mataas grade sa 'kin ni Claire.
"Ahm tito, sabay po kami lagi ni Claire nag-aaral"
"That's good"
"Wala namang lumalapit na manliligaw dito?" Tanong ni tito sa 'kin. Crush lang po.
"dad" Awat sa kanya ni Claire.
"Wala po tito"
"Okay may tiwala ako sa 'yo" Kay Claire po wala?
habang kumain at mag-kwentuhan kami ay tahimik lang si Claire at walang imik.
"Aalis na ako" Paalam ni tito sa 'amin "Claire, yung sinasabi ko sa 'yo, hihintayin ko yung response mo next month" Naawa ako kay Claire kasi wala siyang magawa.
"Yes" Tipid na sabi niya.
Nasa Intramuros kami ngayon at naglalakad lakad at pansin ko ang isang lalaking matangkad na parang litong lito na.
"Miss?" Tawag sa 'kin na matangkad na lalaki na parang may lahi.
"Yes?" Tanong ko sa kanya
"Do you know where the Starbs is?" Tanong niya na medyo na guluhan ako. Starbs? eh? May gan 'un ba? Wala pa akong naririnig kung san yun.
"Starb? Ano yun mall?" Nalilito kong tanong. Malay mo may starbs mall dito sa Intramuros na hindi ko alam.
"Shia no, Starbs, Starbucks" Pagpapaliwanag sa 'kin ni Claire. Jusmiyo, Starbucks lang pala, akala ko naman mall.
"Starbs starbs" Pabulong kong sabi, pwede naman kasing sabihing Starbucks napaka conyo kasi, silang dalawa lang nagkaintindihan ni Claire.
"May sinasabi po ba kayo miss?" Tanong niya sa 'kin
"Ah wala, ang sabi ko madaming Starbucks dito, meron sa Pandiman building, Mur-" Hindi na niya ako pinatapos.
"Yung sa may Letran po" Sabi niya. Letran, edi sa Letran. Kanina pa ako nag-eexplain sa Letran lang pala.
"Letran, edi sa tabi ng Letran" Sabi ko.
"Where po iyon?" Tanong niya.
"Bago ka ba dito?" Tanong ko sa kanya kasi kung alam niya kung na 'san ang Letran alam niya kung saan ang Starbs.
"Yeah, I'm going to meet my friend kasi" Hindi ko tinatanong.
"Du'n din punta namin, sabay ka nalang" Sabi ni Claire. Napaghahalataang may crush agad kay conyo. Conyo girl, conyo boy.
"Claire" Nilakihan ko siya ng mata.
"Mukhang ayaw ata nung kasama mo miss" Sabi nung Sir Conyo kay Claire.
"Kuyang Conyo este Kuya wala po akong sinasabi, tinatano-" Hindi na natapos yung sasabihin ko dahil naglakad na silang dalawa. "Waitt lang!!" Tawag ko sa kanilang dalawa.
"Hi Liane!" Bati ko sa kanya na makitang nagtatapon ng basura sa likod ng school.
"Hi, ate Liane and ate Claire, Hi" Bati niya sa aming tatlo.
"Sama ka sa 'min?" Tanong sa kanya ni Claire. Hindi ang isasagot ni Liane kasi bawal siyang lumabas. Pwede naman every sunday.
"Hindi ako pwede ngayon eh, kailangan ako sa school" Sabi niya
"Okay. bye! bisita nalang kami ni Shia" Sabi ni Claire
"Bye, ingat" Paalam niya sa 'min
"Mukhang ikaw nalang hinihintay ng mga kasa-" Hindi ko na natuloy sasabihin ko dahil nakita ko na si Johnny yung ka blockmate namin ni Claire.
"Shia! Cleng!" Tawag niya sa 'min. Isa pa itong maingay.
"Hi!"
"Ate Cleng!!"
"Hey, El-" Tawag nung lalaki na hindi na natuloy yung sasabihin dahil sabay lumingon si Cha Cha at Claire. Chanelle, Elle.
Napataas naman ang kilay ni Claire nang makita kung sino ang kaharap niya. Nagliliyab yung mga mata niya. Yung hitsura niya konting konti nalang parang pasasabugin na niya katawan ni kuya pero kawawa naman, sayang.
"You?" Sabay nilang sabi.
"Magkakilala kayo?" Tanong ni Joseph
"Hindi!" Sigaw na sabi nila.
"Kailangan sabay talaga kayo? Edi hindi kayo magkakilala, Kaloka kayo! tinatanong lang naman kayo" Sabi ko sa kanila
"So ingay naman" Sabi ni Conyo
"Pasensya na God Bless" Sabi ko sa kanya
magkakasama na kami dahil kay Cha at Johnny treat daw nila edi G ako at hindi maka-hindi sa 'min si Claire. Marupok. habang wala pa yung mga order namin ay pinakilala na kami nila Cha at Joseph sa mga kasama nila. So Martin pala name niya, bagay sa kanya.
"Wala pa naman di'ba? Laro muna tayo! Ang pinaka corning joke magiging tour guide" Aya ni Joseph.
"Luh, pa 'no yang mga yan? Hindi pa nga nag jo-joke corny na, eh hindi naman nila kabisado 'to noh" Sabi ko sa kanya.
"Edi kapag sila yung talo, edi manlilibre" Sabi niya
Ang rule ng game ay ang magkakapartner ang maglalaro, malas ko, si conyo pinartner sa 'kin ni Joseph, at si Claire naman ay naka partner kay Charles, CC couples. Bagay sila. Kung sino ang pinaka-corny gagawin niya pinapa-dare ng ka partner niya.
Nang matapos ang game ay lumabas na kami sa Starbucks at kasama ko ang mokong, dahil talo siya susundin niya yung dare ko.
Gumawa sila ng group chat para malaman kung nasaan o kung ano na ang ginagawa namin.
"You want spring balls?" Tanong niya sa 'kin
"Spring what?" Nagtatakang tanong ko, natatakot na ako sa kasama ko baka hindi ko alam na may balak sa 'kin 'tong masama.
"quail egg, the tiny egg called Pugo coated with orange" Paliwanag niya pa.
"Kwek-Kwek tawag dun" Sabi ko sa kanya.
"My schoolmates called it quail eggs" Hindi ko tinatanong.
"Sige na, bilhan mo ako worth 1000 pesos" Pabiro kong utos sa kanya.
"Kuya, that one nga po, 1000 pesos" Sabi niya sa nagtitinda. Hanep binibiro lang sineryoso talaga, iba talaga kapag bigatin ang kasama.
"Woi, OA mo ah, niloloko lang kita" Sabi ko pa.
"I thought-" Hinila ko na siya paalis sa tindahan.
"Biro lang, hindi na kita ide-dare pagod na din naman ako"
"Taga san ka talaga?" Tanong ko
"Laguna" Walang gana niyang sagot
"Du 'n ka nag-aral?"
"Yes"
"Du 'n ka lumaki?"
"Yes"
"Sa 'n ka nakatira?"
"I have condo" Hanep
"Alam mo ikaw, Isang tanong isang sagot" Inis kong sagot, napakatipid.
"You're so madaldal" Inis niyang sabi sa 'kin
"You're so Conyo" Banat ko sa kanya.
"You, sa 'n nakatira?" Tanong niya.
"Bawal bumisita" Mapang-asar kong sabi.
"Hindi ko sinabing bibisita ako" Pangbabara niya sa 'kin.
"So Architect ka pala, ikaw magde-design ng bahay ko ah" Sabi ko sa kanya.
"Tss"
"Ayaw mo?"
"Yung course ko"
"Bakit ayaw mo yung course mo?"
"Photography ang gusto ko"
"Ahh per-"
"Nag text na sila, tayo nalang daw wala" Halatang ayaw niyang pag-usapan ang ganung bagay.
"Hi Claire! Musta! Hindi maipinta yung mukha mo ah!" Mapang-asar na bati ko sa kanya dahil yung mukha niya na naman ay hindi maipinta ng maayos, dahil siguro kasama niya si Charles. Bagay sila walang halong charot. Inirapan niya lang ako. "Ay wow, Attitude" Sabi ko pa
"Uwi na tayo" Sabi niya pa
"Yung dalawa dito baka mapa-araw-araw ang pag-punta sa Intramuros para manligawan este para bisitahin ako" Mapang-asar na sabi ni Joseph
"Lagi talaga akong nasa Intramuros noh, pero hindi para bisitahin ka" Pambabara sa kanya ni Mark.
"Edi si Martin nalang" Pero hindi siya pinansin nito
"Claire" Napalingon kaming lahat kay Teo. Pero biglang tumakbo si Claire. "Alis na kami! Thank you sa inyo! Kita nalang tayo ulit!" Paalam ko sa kanila at hinabol si Claire.
Si Teodore ay ex ni Claire, akala ni Claire yung kababata niya, hindi pala pero kahit na ganun ang sitwasyon ay minahal padin naman ni Claire si Teo pero niloko siya nito.
Nang maiwan ko si Claire sa condo niya ay umuwi na ako. Wala akong kasama lagi dahil may trabaho si Mama.
Sa sobrang bored ko ay Inistalk ko si Martin sa IG niya
MartinW
35 Post - 3,015 followers - 475 following
Famous naman pala.
Puro groufie ang post niya yung solo niya lang is yung graduation photo niya lang nung nag s-speech siya.
sana all matalino.
Finollow ko na silang lahat.
Gulat ako biglang may nag pop-up na message sa phone ko at GDM iyon, inadd ako ni Joseph.
Jbryan.Lee: ShiaMury stalker
ShiaMury: Luh?
JMarkGonzales: Sent a photo
Nang makita ko yung sinend niyang photo ay bigla kong nabuga yung iniinom kong kape dahil na-like ko pala yung photo niya at nakatag pala sila Joseph dun.
JBryan.Lee: Wala bang Salamat Josh diyan?
ShiaMury: Wala!
MartinBentlee: So ingay naman
CharlsM: Kilig ka naman
ChanelleLim: Huli na ako sa balita?
ShiaMury: Hindi pa naman pero kasi si ClairellePangilinan ang nahuli :)
ClairellePangilinan: ?
ShiaMury: Antipid mo naman sumagot
ClairellePangilinan: Matutulog na ako.
ShiaMury: Good Night. Sana mapanaginipan mo crush mo
:))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro