Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA WALO


YVES




   "MAY PAPARATING." Napahinto ako sa paglalakad ng magsalita si Vance.

Humarap ito sa'kin at sumenyas na wag maingay, kinuha niya sa'kin ang baseball bat at dahan dahang sumilip sa pinto.

"Tangina Pare!" Gulat na sabi ni Gio

Oo si Gio kasama niya si Piper.

"Pasensiya na." Natawa si Vance bago ibaba ang baseball bat

"Buti na lang buhay kapa." Napahinga ako ng malalim

"Ako nga muntik patayin niyan dahil sa gulat eh." Hinampas ni Piper si Gio sa dibdib. "May pa-thrill pa kasi ang pagsulpot!"

"Piper, injured ako!" Reklamo ni Gio na ikinatawa lang ni Piper.

"Mabuti pa, tara na kila Jax." Singit ko

Tumango lang sila, naglakad na kami patungong room namin. Kumatok ako ng tatlong beses, bumukas ang pinto at bumungad sa'min si Jax.

"Yves!" Ngumiti ito at niyakap ako na ikinagulat ko. "I'm glad you're okay."

"Ahm.." Tinapik ko ito sa likod. "Ayos lang ako Jax, pwede ka ng bumitaw."

Agad naman itong bumitaw. "Sorry,"

"Pare, hug mo din ako." Sabad ni Vance. "Hindi pwedeng si Yves lang."

"Tsk." Inirapan lang siya ni Jax. "Pasok na kayo."

Niluwagan nito ang pinto, agad naman kaming pumasok sa loob, nadatnan naming nakaupo si Kate at Isla na nakaupo sa sofa, parehas tulala ang dalawa.

"May dala kaming pagkain." Sabi ko at naupo sa kaharap na sofa nung dalawa.

Napakurap naman ng sabay si Kate at Isla at sabay na napatingin sa'kin.

"Yves!" Sabay na bati nito at ngumiti.

"Pagkain." Agad dumampot ng tinapay si Kate sa lamesa ng ilapag ni Vance ang mga pagkain. "Mamon, favorite ko ito eh."

Napangiwi na lang ako dahil sa paraan ng pagkain nito, kulang na lang pati balat isumpak niya.

"Kate, dahan dahan naman." Binuksan ko ang isang bottled water at inabot sa kaniya. "Para namang hindi ka pinapakain."

Kinuha nito ang tubig at ininom, nilapag niya ang bottled water sa lamesa at nagbukas ulit ng isa pang mamon.

"Baka last na kain kona ito ng mamon, sinusulit ko lang.." Natigilan ako ng bumagsak ang mga luha nito. "F-Favorite ko ang mamon tsaka C2 wag n'yong kalimutan yun, si Mama, tuwing huwebes ang dalaw ko sa kaniya, lagi ko siyang dinadalhan ng tulips. L-lagi n'yo akong dalhan ng mamon tsaka C2 sa libingan ko kung sakal–"

"–KATE!" Galit kong sigaw. "Ano bang pinagsasasabi mo!?"

Ngumiti ito habang umiiyak. "N-Nagbibilin–"

"–Itigil mo yan dahil walang mamamatay sa'tin!" Madiing sambit ko. "Makakaalis tayo dito!"

Umiiling na tumayo ito bago tumakbo papasok ng kwarto nila ni Piper, sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa maisara niya ang pinto.

"Nakatanggap siya ng tawag at sulat." Nagsalita si Isla kaya napatingin ako sa kaniya. "Yves, ayokong mawala si Kate.."

"Walang mawawala Isla, hindi pwedeng may mawala." Sabi ko dito. "Lahat tayo makakalabas ng buhay dito."

"Tama si Yves." Ngumiti si Gio. "Walang pwedeng mawala sa'tin, kumpleto tayong pumunta dito kaya dapat ay kumpleto din tayong uuwi."

"Po-protektahan natin si Kate laban sa Killer na yun." Sabi naman ni Piper

"Tama kayo." Ngumiti si Isla. "Dapat ay wag tayong mawalan ng pag asa, sa panahon ngayon kailangan nating lakasan ang loob natin, kailangan nating protektahan ang kaibigan natin."

"Mahirap magsalita ng mga ganiyan kung hindi natin mapapanindigan." Seryosong sabi ni Jax. "Kung palalakasin natin ang loob ni Kate, aasa lang siya. Alam naman nating mamamatay na lang tayo dito."

"Gago ka Jax, kung gusto mo ikaw na lang!" Singhal dito ni Gio. "Kahit kailang paepal ka!"

"Tsk."

"May point si Jax." Sabad ni Vance na prenteng nakaupo. "Pero hindi naman masamang palakasin n'yo ang loob ni Kate, wag lang kayong mangako sa kaniya."

"Tumahimik kayo." Sinamaan ko siya ng tingin, ganun din si Jax. "Kung wala kayong maitutulong takpan n'yo ng tela 'yang mga bunganga n'yo!"

Padabog akong tumayo at umalis doon, naglakad ako patungo sa kwarto ni Kate at Piper.

Kumatok ako ng tatlong beses bago pihitin ang doorknob, laking pasasalamat ko na hindi naka-lock. Pumasok ako sa loob at nadatnan kong nakahiga si Kate at umiiyak.

"Kate." Lumapit ako sa kaniya. "'Wag ka ng umiyak."

"Natatakot ako Yves." Humihikbing saad nito. "Natatakot ako sa kamatayan ko at para na rin kay Mama. Ayoko pang mawala dahil wala ng mag aalaga sa kaniya."

"Sino ba kasing nagsabing mawawala ka huh?"

Hinila ko siya paupo sa kama, hinawi ko ang mga buhok niyang nasa mukha niya, kinuha ko ang kumot at pinunas sa mukha niyang puro luha at sipon.

"Huwag mong isiping mawawala ka, sa tingin mo hahayaan ko yun?" Tanong ko dito. "Kate, alam kong minsan napapansin n'yong parang wala akong pake, pero ekspresyon ko lang yun. Mahalaga kayong lahat sa'kin, hindi lang dahil sa ako ang leader n'yo, mahalaga kayo sa'kin dahil kaibigan ko kayo."

"Tandaan mong ikaw si Kate Joison, huwag kang magpasindak sa tanginang Death Note na yun." Dagdag ko pa

Natawa ito. "Luton ng mura natin ah? Malutong pa sa lechon."

"Seryoso ako dito Kate, huwag mo akong tawanan."

"Alam ko namang seryoso ka, nagmura kana eh." Hinawakan nito ang dalawang kamay ko. "Maraming salamat Yves ah? Susubukan kong tatagan ang loob ko at ipaglaban ang buhay ko laban sa Death Note na yun."

"Tutulungan ka namin Kate, hindi ka namin pababayaan." Binawi ko ang mga kamay kong hawak niya at inakbayan siya. "Hindi bagay sa'kin maging sweet, nandidiri ako sa sarili ko."

"Hindi rin ako sanay." Natawa ito. "Pero Yves may isa akong hiling kung sakali mang hindi talaga ako palarin." Lumingon ito sa'kin. "Pwede bang ikaw ng bahala kay Mama?"

"Pwede bang dalawin mo siya tuwing huwebes at dalhan ng tulips? Hindi man ako naaalala ni Mama pero Mahal na Mahal ko siya." Ngumiti ito ng malungkot. "Alam kong hate mo ang Manika pero pwede bang makipaglaro ka sa kaniya ng manika? Pwede ba Yves?"

"Kahit hindi mo hilingin, gagawin ko yun. Dadalawin ko ang Mama mo at dadalhan ng bulaklak, makikipaglaro din ako sa kaniya." Tugon ko. "Pakakainin ko din siya ng Mamon at C2, lahat yun ay gagawin ko pangako yan."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro