Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA TATLO


YVES



     "PRACTICE NA!" Pumalakpak ako para agawin ang pansin nila. "Kilos!"

Tumayo naman sila at nag-formation. Nang maayos na sila ay nagtungo na ako sa pwesto ko, sa tabi ni Jax.

"One, two, three, four." Pagbibilang ko kasabay nang paggalaw ng aming katawan. "Five, six, seven, eight."

Nag-focus lang kami sa pag-pa-practice hanggang sa ma-satisfied ako. Pagod na pagod silang naupo sa sofa.

"Let's eat." Aya ni Gio

"Magpalit muna tayo." Sabi ni Piper. "I smell bad."

"Arte nito." Hinila patayo ni Gio si Piper. "Tara na, gutom na gutom na ako."

Kinaladkad nito palabas si Piper, napailing na lang kami bago sundan ang dalawa.

"Punyeta ka!" Hinampas ni Piper si Gio nang makasakay kami ng Elevator.

"Ang arte mo kasi."

"Here." Inabot sa'kin ni Jax ang isang towel. "Pawis na pawis ka."

"Salamat." Kinuha ko iyon bago punasan ang katawan kong puro pawis.

Nang bumukas ang Elevator ay lumabas kami at nagtungo sa dulo ng lobby kung saan kumakain kaming mga guest.

Kumuha kami ng plato bago pumila sa mga nagbibigay ng pagkain.

"Aray puta!" Daing ko ng may tumulak sa'kin.

Masamang tingin naman ang pinukol ko sa kasunod ko. Si Boy Kulot.

"Sorry, hindi kita nakita." Nakangising sabi nito

"Hanggang dito ba naman dinadala mo 'yang katangahan mo!?" Inis kong tanong.

"You know what." Lumapit ito sa'kin. "Nagugustuhan kona ang pagiging mayabang mo." Tinaasan ko lang siya ng isang Kilay. "Want to have hang out with me? Mayor ang Tatay ko dito sa Ilocos just accept my offer and I can give whatever you want."

"Isa lang naman ang hiling ko." Nginitian ko siya ng matamis. "Yun ay mawala ka sa paningin ko at hindi na makita pa kahit na kailan."

Akmang hahawakan ako nito pero hindi natuloy dahil may humampas sa kamay niya.

"Isa pa Barb, tatanggalin kita sa Grupo ko at ibabalik sa Tatay mo." Malamig na sabi dito ng isa niyang kasama na sa pagkakatanda ko ay Vance ang pangalan.

"Ang hilig mong makielam!" Tinulak ni Barb si Vance sa dibdib.

"Dahil mali na ang ginagawa mo." Tugon dito ni Vance. "Hindi porke't Anak ka ng Mayor sasantuhin kita, Isa pa talaga Barb."

"Tsk." Masamang tingin muna ang pinukol sa'kin nito bago umalis kasunod ang iba pa nilang kasama.

"Are you okay?" Baling sa'kin ni Vance. "Sorry for his attitude."

"I'm okay." Nginitian ko siya.

"Pagsabihan mo sa susunod ang kaibigan mo." Sulpot bigla ni Jax. "Halika na Yves."

"Salamat." Sabi ko muna kay Vance bago sumunod kay Jax

Nagpatuloy kami sa pagkuha ng pagkain bago naupo sa isang table.

"Mukang type ka ni Poging singkit." Sabi sa'kin ni Kate. "Bagay naman kayo."

"Tumahimik ka." Masungit kong sabi dito

"Ang sungit sungit kahit kailan." Dinig kong bulong nito pero hindi kona lang pinansin.

Tahimik lang kaming kumain hanggang sa matapos kami, bumalik kami sa room namin at nagtungo sa kaniya-kaniyang kwarto.

"May gusto sa'yo si Jax." Sabi ni Isla habang nagpapahid ng lotion. "Nararamdaman mo din diba?"

"Oum." Tumango ako. "Hindi kona lang pinapansin, kaibigan lang naman ang tingin ko kay Jax."

"Wala talagang pag asa?" Tumango ako. "Para naman talagang wala kang interes sa lalaki."

"Wala lang akong time sa mga ganiyan, gusto ko munang mag-focus sa Pamilya ko lalo na kay Quinn."

"Sa bagay mahirap naman talaga minsan ang may lovelife." Nagkibit balikat ito.

"Matulog kana lang at maaga pa bukas." Sabi ko at nahiga. "Sige na tulog na."

"Opo." Humiga ito at sumiksik sa'kin. "Wala namang hihila sa paa ko dito diba?"

"Kung ano ano na pumapasok sa isip mo, itigil mo yan."




KATE


    I WOKE UP when I heard noise, galing iyon sa sala. Napatingin ako kay Piper pero ang himbing ng tulog nito.

Tumayo naman ako at lumabas ng kwarto pero walang tao.

"Baka daga lang.." Bulong ko at nagkamot ng ulo

Akmang papasok na ulit ako sa kwarto pero natigilan ako nang makarinig ako ng yabag mula sa labas ng room namin.

Nakaramdam ako ng takot pero nangibabaw ang pagiging chismosa ko, dahan dahan akong lumapit sa pinto at binuksan ito.

Sumilip ako sa labas, may nakita akong anino na naglakad patungong fire exit. Lumabas naman ako ng Hotel room namin at sinundan ito

Walang ingay ko itong sinundan, pumasok ito sa isang pinto sa 3rd floor. Hinawakan ko naman ang doorknob at akmang pipihitan na.

"What are you doing here in the middle of the night?" Napatalon ako sa gulat ng may humawak sa balikat ko at may nagsalita.

Nakahawak sa dibdib ko itong nilingon, bumungad sa'kin ang mukha ni Gio na salubong ang kilay

"Tanginamo!" Hinampas ko ito sa braso. "Papatayin mo pa ako sa gulat!"

"Nakita kitang lumabas ng Hotel room kaya sinundan kita." Sabi nito. "Ano bang ginagawa mo dito?"

"May tao kasi kanina, sinundan ko." Tugon ko. "Curious lang ako eh."

"Sira ka." Inakbayan ako nito. "Bumalik na tayo sa Hotel Room baka mamaya multo lang ang nakita mo."

"Namo!" Napahawak ako sa bewang nito ng mahigpit

Natawa naman ito bago ako hinila paalis doon. Bago kami tuluyang makalayo sa pinto ay muli ko itong nilingon

Nakita kong may taong nakasilip doon, nakaramdam ako ng takot kaya nagmadali na ako.

"Wag kana ulit lalabas mag isa." Bilin ni Gio. "Sige na tulog na."

"May tao talaga Gio." Mahinang sabi ko dito. "Liningon ko ulit yun kanina at nakita kong may taong nakatingin sa'tin."

"Antok ka lang niyan." Sabi nito at ginulo ang buhok ko. "Wala naman akong nakita kanina eh."

Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal non si Jax.

"Saan ka galing?" Tanong dito ni Gio. "Nung nagising ako kanina wala ka."

"Hindi ako makatulog kaya nag-yosi ako." Tugon nito

Baka siya yung narinig kong ingay kanina, tsaka yung yabag.

"Ikaw ba yung nasa fire exit?" Tanong ko

Kumunot ang noo nito. "Nasa gilid lang ako kanina. Bakit?"

"May sinundan kasi ako kaninang tao, sa fire exit pumunta."

"Wala naman akong nakita."

"Sabi ko sa'yo Antok ka lang eh." Sabi ni Gio. "Sige na tulog na, maaga pa tayo bukas."

Tumango na lang ako bago pumasok sa kwarto namin ni Piper.

Ang weird, siguradong may nakita akong tao kanina, atsaka bakit hindi ko nakita si Jax nung lumabas ako?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro