KABANATA SAMPU
YVES
"KATE!" Gulat kong sambit ng makilala ko kung sino ang humila sa'min ni Jax.
Sumenyas ito ng wag maingay bago lumapit sa pinto, itinapat niya ang tainga dito na tila may pinapakinggan.
"Wala na siya." Maya maya ay sabi nito
"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko
"Hindi ko din alam." Tugon nito. "Nagising na lang ako dahil sa ingay sa labas tapos nagulat ako nandito na lang ako."
Napakunot noo ako sa sinabi niya.
"Sila Ja–" Napatigil ako ng makita ang hoodie na suot niya.
Yun yung suot na hoodie ng taong pumatay kay James.
"Saan mo nakuha ang hoodie na yan?" Kunot noong tanong ko dito
"Hoodie?" Napatingin siya sa suot niya. "Teka, wala akong suot na hoodie kanina."
Mabilis nitong hinubad ang hoodie na suot niya, napaatras ako ng bumungad sa'min ang suot niyang dilaw na t-shirt na nababahiran na ng maraming dugo.
"Dito ka Yves." Hinila ako ni Vance at tinago sa likuran niya.
"Teka, bakit ang daming dugo." Tarantang tanong ni Kate. "Saan ko nakuha 'to?"
Napatingin ako sa gilid ng kama at nanlaki ang mga mata ko ng makita doon ang katawan ni James na walang buhay.
"B-Bakit nandito ang katawan ni James?"
Napalingon sila sa tinitingnan ko.
"B-Bakit may patay diyan!?" Takot na napaatras si Kate bago lumingon sakin. "Yves, wala akong alam."
"Set up 'to Vance." Seryosong sabi ko kay Vance. "Parang yung kay Gio at Barb."
"Tama ka." Tugon nito. "Dahil kung siya ang pumatay kay James, sino naman ang humahabol sa'tin?"
"Kate." Nilapitan ko si Kate. "Kumalma ka muna."
"Yves, maniwala ka wala akong ginawa." Mangiyak ngiyak na sabi nito. "Nasa kwarto lang ako kanina eh."
"Naniniwala ako." Tugon ko
"Jax, Gio, Piper, Isla.." Kinuha ni Vance ang kumot at tinakip sa katawan ni James. "Isa sa kanila ang Killer o posibleng ikaw rin Kate."
"Teka, wag mo naman silang pagbintangan!" Inis kong sabi dito. "Hindi nila magagawa yun, kaibigan ko sila kaya kilala ko sila."
"Kung ganoon paano napunta dito si Kate?" Natigilan ako sa tanong nito. "Imposible naman na isa sa'tin yun dahil magkasama tayo." Tumingin ito kay Kate. "Posibleng ikaw mismo ang nagdala ng sarili mo dito at pumatay kay James o.." Tumingin ito sa'kin. "Isa sa mga kaibigan n'yo ang may gawa.."
Napaisip ako sa sinabi niya, pero imposible talaga. "Malay na'tin baka may ibang tao pa na nandito at siya ang killer."
"Pero paano kung tama siya?" Tanong ni Kate. "Paano kung isa nga sa'tin ang Killer? Paano kung isa sa mga kaibigan natin ang papatay sa'kin?"
"Kate, hindi nila magagawa yun." Matigas kong sambit. "Wala namang may galit sa'yo diba–"
"–Si Piper, may alitan kami." Putol nito sa sasabihin ko. "Galit siya sa'kin dahil nagkagusto sa'kin si Gio dati."
"Pero dati pa yun Kate, Imposible yun."
"Alam kong mahirap tanggapin Yves pero kailangan nating mag ingat." Seryosong sabi ni Vance. "Kung ayaw mong tanggapin, mag ingat kana lang."
"Dahil dito sa lugar na ito ngayon ay wala ka dapat pagkatiwalaan maliban sa sarili mo.." Dagdag pa nito
"Bumalik na tayo sa Hotel room." Tugon ko lang sa sinasabi nito.
Napahinga na lang ng malalim si Vance, binuksan niya ang isang emrgency light dahil madilim na. Nauna siyang lumapit sa pinto at dahan dahan itong binuksan.
Nauna itong lumabas kaya sumunod na kami ni Kate.
Nasa gitna kami ng paglalakad ng bigla na lang umangat si Kate, nanlaki ang mga mata ng makita ang kadena sa leeg nito na nakasabit sa kisame.
"VANCE!" Hiyaw ko dito kaya napalingon siya sa'min.
"Shit!" Agad itong lumapit sa'min.
Tangina bakit may kadena? Saan galing yun?
"Y-Yves." Hirap na sabi ni Kate
Hindi pa ako nakakapagsalita ay bigla itong bumagsak sa sahig, akmang lalapitan ko siya pero may kung sinong humila sa kaniya sa malayo gamit ang kadenang nasa leeg niya
"KATE!" Hiyaw ko at hinabol ito. "KATE!"
Dumiretso sila sa Fire exit, inilawan ko ang sahig gamit ang cellphone ko, kita ko ang bakas ng mga dugo na pababa ng hagdan kaya agad ko iyong sinundan.
"KATE!" Huminto ang dugo sa pinto papasok ng second floor
Agad kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob, sinundan ko ang bakas ng dugo at huminto ito isang pinto na may nakasulat na 'CLINIC' sa labas.
Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang doorknob at binuksan ang pinto.
"K-Kate.." Inilawan ko ang sahig pero wala ng bakas ng dugo.
"YVES!" Napalingon ako sa likuran ko ng may sumigaw
"Vance.."
Lumapit ito sa'kin at hinawakan ako sa balikat. "Iniwan mo ako bigla, paano na lang kung ginalaw ka din nung Killer?"
"Si Kate." Tanging sabi ko lang dito. "Vance si Kate."
"Shhh.." Hinimas nito ang likod ko
Hinawi namin ang mga kurtinang nakatakip sa mga kama pero walang Kate ang bumungad sa'min.
Napalingon sa isang pinto ng may narinig kaming kalabog doon, pumasok kami sa loob at hindi ko inaasahan ang nakita ko.
Nakabitin si Kate gamit ang kadena, luwa ang isang mata nito, putol ang isang kamay na nakabitin din gamit ang kadena sa tabi niya, butas ang lalamunan nito at may hiwa ang mga paa.
"K-Kate.." Nanginginig na nilapitan ko ito. "KATE!"
Napaupo na lang ako kasabay ng sunod sunod na pagpatak ng aking mga luha.
"Kate!" Napahawak ako sa hita ko at napayukom ng kamao. "I'm sorry Kate, hindi kita natulungan, Sorry kung pinaasa kita. Kate patawarin mo ako."
"Yves.." Naramdaman ko ang pagyakap sa'kin ni Vance. "Shhh."
"Tama ka, dapat hindi na lang ako nangako." Napahagulgol ako ng malakas. "Tangina, bakit ba nangyayari 'to!?"
"Magiging maayos din ang lahat, huwag kang panghinaan ng loob Yves."
Hindi kona alam ang sumunod nangyari dahil bigla na lang bumigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa lamunin ako ng dilim.
GIO
"NASAAN na ba kasi si Kate?"
Bigla na lang siyang nawala sa kuwarto niya, hindi namin alam kung saan nagpunta kaya nagdesisyon kami ni Jax na hanapin siya.
"Putek!" Napahawak ako sa sugat ko ng kumirot ito. "Kate, nasaan kana ba!?"
May narinig akong kalabog malapit sa isang basurahan kaya agad ko itong inilawan gamit ang flashlight sa cellphone ko pero wala namang tao.
"Wag naman sana multo." Bulong ko bago mabilis na umalis doon.
Pumasok ako ng fire exit at bumaba patungong second floor, nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello?" Kunot noong tanong ko dito. "Sino 'to?"
"My first special target is now gone." Tumawa ito. "You better hide now Gio Avila because you're my next target."
"Hindi mo ako mapapatay." Napayukom ako ng kamao. "Bakit ba hindi ka magpakilala sa'min huh!? Ganyan kaba kaduwag putangina ka!?"
Tumawa lang ito bago patayin ang tawag, malakas ko namang hinampas ng kamay ko ang cellphone ko.
"Humanda ka sa'kin, gagong Killer k–ARAY!" May bigla na lang bumato sa'kin.
Inilawan ko naman ang bumagsak sa sahig, isang papel na nakabilot. Binuklat ko naman ito at bumungad sa'kin ang sulat sa itaas na 'DEATH NOTE'
May bahid din ng dugo ang papel na mukhang sariwa pa dahil malansa. Tiningnan ko ang ibaba ng papel.
'Special Target number 2
[A]
-DEATH NOTE
Death Note pala huh? Sorry ka ako si Kamatayan, patayan tayong dalawa!
A/N: HMMM?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro