Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA PITO

YVES

    NAKAKAILANG floor na kami pero hindi pa rin namin nakikita sila Gio.

"Nagugutom na ako." Sabi ni Kate. "Maghanap muna kaya tayo ng pagkain?"

"Ako na ang kukuha ng pagkain." Presinta ko. "Jax, magtungo kayong tatlo sa hotel room natin, doon ko kayo pupuntahan."

"Masyadong delikado Yves, ako n–"

"–Kaya ko ang sarili." Nginitian ko sila. "Sige na."

"Mag iingat ka." Sabi ni Jax at inabot sa'kin ang baseball bat. "Sandata mo."

Natawa naman ako bago kuhanin yun, tinalikuran kona sila at agad tumakbo patungong Fire Exit

Hindi gumagana ang Elevator kaya no choice kami kung hindi gamitin ang hagdan.

Nagtungo ako sa Ground Floor kung nasaan ang mga pagkain, maingat ang bawat lakad ko para hindi makagawa ng ingay.

Dahil may kaunting liwanag naman ay pinatay kona ang flashlight ng cellphone ko.

Binaba ko muna ang baseball bat ang cellphone ko sa isang lamesa, kinuha ko ang isang telang nakasapin sa lamesa, tinali ko iyon para maging bag.

Nanguha ako ng mga pagkain na nakalagay sa lalagyan, kumuha din ako ng mga inumin.

*SQUISH*

Mabilis kong dinampot ang baseball bat ko ng makarinig ako ng kaluskos, dahan dahan akong naglakad patungo sa isang pinto kung saan ko narinig ang kaluskos.

Binuksan ko iyon at pumasok, hinanda kona ang baseball bat ko para manghampas pero napahinga na lang ako ng malalim ng makita ang isang daga.

Ang tibay ng pinto pero may daga? Hayop na hotel ito

"Yve–"

"–HAYOP!" Gulat kong siga ng bigla na lang may humawak sa balikat ko.

Nilingon ko naman ito at bumungad sakin si Vance na natatawa.

"Anong ginagawa mo dito?" Mapanuring tanong ko dito. "Akala koba nagtungo ka sa Power Room?"

"Galing na ako doon." Tugon nito. "Sira na ang mga wire ng kuryente, sinubukan ko din ang emergency light nila pero sira na rin."

Mapanuri ko lang siyang tiningnan dahil baka nagsisinungaling siya. Sa ngayon kasi ay wala pa akong gaanong tiwala sa kaniya dahil bago ko pa lang siyang kakilala.

Paano na lang kung siya ang Killer? Tapos bigla na lang niya akong saksakin–

"I know that look." Mahinahong sabi nito. "I'm not the Killer Yves."

"Hindi mo ako masisisi." Seryosong sabi ko

"Mabuti pa balikan na natin ang mga kasama mo." Sabi nito at tumalikod. "Let's go."

Nauna itong lumabas kaya sumunod na lang ako. Dumiretso ito sa mga pagkaing kinuha ko na nakalagay sa ginawa kong bag at binuhat.

Tahimik lang kaming nagtungo sa fire exit at umakyat patungong 11th Floor kung nasaan ang Hotel room namin.

"Patay na si Tim." Basag ko sa katahimikan. "P-Pinatay siya nung isa n'yong kaibigan na nakatanggap ng tawag at Death Note.."

Natigilan naman ito saglit bago nagpatuloy ulit sa paglalakad.

"Sinugod niya din kami kanina." Dagdag ko pa. "Nabaliw na ata."

"Overthinker kasi si James." Sabi nito. "Medyo may tama sa utak yun."

Wala na ulit nagsalita, nagpatuloy na lang kami sa pag-akyat sa hagdan.

Kakapagod amp!


KATE


    NANDITO na kami sa Hotel room at kasalukuyang naghihintay kay Yves at kila Gio kung sakali.

"C.R lang ako." Paalam ni Isla. "Wag kayong aalis ah?"

Natawa ako. "Oo, masyado kang matatakutin, kakabasa mo yan ng kung ano ano."

Ngumuso lang ito bago pumasok ng C.R

"Sa tingin mo makakalabas pa tayo ng buhay dito?" Tanong ko kay Jax. "Makakauwi pa kaya ako?"

"Makakalabas tayo dito Kate." Ngumiti ito. "Magtiwala ka lang."

"Magtiwala? Mahirap ngayon yun." Natawa ako ng pagak. "Paano na lang kung isa sa ating magkakaibigan ang Killer?"

"Imposible yan Kate, ang tagal na nating magkakaibigang lahat."

"Sapat naba yun? Kilala na nga ba natin ang isa't isa?"

"Kate, wag kang mag isip ng ganyan."

Napahinga na lang ako ng malalim bago tumayo, nagtungo ako sa kwarto namin ni Piper at naupo sa kama.

Nasa ganoon akong posisyon ng bigla na lang tumunog ang cellphone ko.

Nagsimula ng gumapang sa sistema ko ang takot, nanginginig na kinuha ko ito at sinagot.

"H-Hello?"

"Wala pa man din, natatakot kana." Tumawa ito. "I love your voice Kate."

"S-Sino kaba? Bakit mo ginagawa ito?"  Tanong ko dito

"Killing is exciting." Masayang sagog nito. "Btw, I have a letter for you my dear. Pakitingnan na lang diyan sa drawer mo."

"Please, wag mo akong patayin." Tumulo ang mga luha ko. "Kailangan pa ako ng Pamilya ko, ayoko pang mamatay!"

"Shhh, Hush now my dear. Tsaka kana magmakaawa kapag pinapatay na kita, hindi kasi exciting ngayon...Bye."

Bago pa ako makapagsalita ay namatay na ang tawag. Tumayo naman ako at binuksan ang drawer na nasa gilid ko

Kinalkal ko ito hanggang sa makita ko ang isang papel na may tuyong dugo at may nakatatak na 'DEATH NOTE'. Lumuluhang kinuha ko ito at binuksan.

'YOU'RE NEXT MY DEAR KATE'

[J]

-DEATH NOTE

Nabitawan ko naman ito at napaupo na lang sa kama ko. Hindi pwedeng mamatay ako, hindi pwedeng sumunod ako! Ayoko!

Lumabas ako ng kwarto ko dala ang sulat, nadatnan kong nag uusap si Isla at Jax doon.

"Anong nangyari?" Alalang tanong ni Isla at nilapitan ako. "Kate."

Agad ko siyang niyakap. "Sunod na ako, ako na ang Sunod Isla."

"Kate.."

Humiwalay ako sa yakap at pinakita sa kaniya ang Papel. "Tumawag siya sa'kin at sinabi niyang ako na ang susunod!"

"Hindi mangyayari yun." Galit nitong pinunit ang papel. "Huhulihin natin siya Kate, hindi ka niya mapapatay."

"Pero paano kung–"

"–Kate, tama si Isla." Tumayo si Jax at niyakap ako. "Kumalma ka muna, hindi namin hahayang masaktan ka niya."

Niyakap ko siya at tumango.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro