Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA LIMA

YVES



  'DEATH NOTE?'

Hindi maganda ang kutob ko, pakiramdam ko ay anumang oras ay ako na ang susunod.

Wag kang praning Yves, kumalma ka, kailangan mong mag isip ng paraan kung paano makakaalis sa lugar na ito.

"Kailangan nating maghanap ng daan." Sabi ko at tumayo. "Hindi pwedeng tumanga lang tayo dito." Tumingin ako kay Barb na nakatakip na ng jacket ang mukha. "Baka matulad tayo kay Barb kung wala tayong gagawin."

"Basta dito lang ako." Sabi nung Mark. "Hindi ako aalis dito."

"Tama siya." Sabi ni Kate. "Kung maghihiwa-hiwalay tayo ay baka mapadali ang buhay na'tin."

"Mahirap din kung magkakahiwa-hiwalay tayo." Seryosong sabi ni Jax at isa isa kaming tiningnan. "Malay na'tin na isa sa ating lahat ang pumapatay."

Natigilan naman ako sa sinabi niya, posible ngayon pero ang tanging humiwalay lang naman sa'min kanina ay si Gio...Pero imposible dahil hindi siya ganoong tao, kahit gaano kapikon yan ay hindi nananakit yan.

"Siya lang naman ang nawala kanina bago mamatay si Barb!" Dinuro ng isa pang kasama nila Vance si Gio. "Siguradong siya ang pumatay kay Barb!"

"Hindi nga ako!" Tanggi ni Gio. "Hindi ako! Hindi!"

"Paano ka nga nagkadugo sa pants?" Nginisihan siya nung isa pang kasama nila Vance. "Umamin kana lang!"

"Hindi ko nga magagawa yun!" Tumayo si Gio at sinugod ito. "Hindi ko magagawa yun! Naiintindihan mo ba!?"

"Tama na nga pwede ba!" Inis na inawat sila ni Piper. "Imbis na magtulungan tayo, inuuna n'yo pa ang away!"

"Tulungan!? Hindi ako makikipagtulungan sa killer na yan!" Dinuro nitong kasamahan ni Vance si Gio.

"Tama na!" Ako na ang nagsalita. "Imbis na mag isip kayo ng paraan, inuuna n'yo pa ang away!"

Napahimas na lang ako sa sintido ko.

"Baka naman magkasabwat kayo?" Sabi ni Tim, isa pang kasamahan nila Vance. "Diba galit kayong lahat kay Barb? Siguro pinlano n'yong patayin siya 'no?"

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nito. "Gago kaba? Ayusin mo ang bunganga mong lalaki ka!"

"Aminin n'yo na lang, kayo lang naman ang kaalitan ni Barb di–"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng mamatay ang ilaw kasabay non ang pag ring ng cellphone ng kung sino.

"Natatakot ako." Dinig kong sabi ni Isla.

"Hello?" Base sa boses ng nagsalita, si Mark iyon. "Sino 'to? Magpakita ka sa'min! Wag kang duwag!...Hello? Hello!?"

Bumukas ang ilaw kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Tangina!" Nabigla ako ng itapon ni Mark ang cellphone niya sa gawi ko. "Putek, ano 'to!?"

May hawak itong papel na nakuha niya sa balikat niya. Kung hindi ako nagkakamali ang papel na hawak niya ay kahawig ng nakuha ko sa dibdib ni Barb.

"Death Note." Bulalas ko at agad siyang nilapitan.

Kinuha ko ang papel sa kaniya at tiningnan, may nakasulat na number 2 doon, pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang sariwang dugong talsik sa papel.

"Ako na ang susunod diba?" Tanong ni Mark. "A-Ako na?"

"Mark.."

Napasabunot ito sa buhok niya at tumawa ng malakas na parang nababaliw.

"Mamamatay na tayong lahat dito." Dahan dahang napaluhod si Mark at humagulgol. "Mamamatay na ako."

"Hindi ka mamamatay." Seryosong sabi dito ni Vance. "Maghahanap ako ng daan, dito lang kayo."

"Sasama ako." Sabi ko

"Sasama din ako." Sabi ni Jax at hinarap si Gio. "Dito muna kayo."

"Tara na." Aya ni Vance at naunang lumabas.

Agad naman kaming sumunod ni Jax sa kaniya.

Kailangang may gawin ako, gusto kong makauwi pa ng buhay, gusto kong umuwi kila Mama at kay Quinn.



GIO

    BINALOT kami ng katahimik nang umalis sila Yves.

Napatingin ako sa pants kong puti na ngayon ay naging kulay pula na, sobrang palaisipan pa din sa'kin kung bakit nagkadugo ang pants ko.

Oo, aaminin kong napipikon ako sa gagong yun at masarap siyang bangasan pero hindi ko gagawin yun.

Nabigla ako ng may sumuntok sa'kin, napahiga ako sa lapag at napasapo sa mukha ko.

"Siguro kapag nawala ka, hindi na ako mamamatay!" Nakangising sabi ni Mark

Dumagan ito sa'kin at pinagsasasapak ako.

"Ano ba! Tama na!"

Lumapit na ang iba sa'min at tinulungan ako, agad nilang nilayo si Mark sa'kin.

"Ayos ka lang?" Tinulungan akong makaupo ni Piper. "Gago ka Mark!"

"Kailangan niyang mamatay!" Pilit itong kumakawala sa pagkakahawak sa kaniya ni Tim. "Papatayin kita!"

Biglang namatay ulit ang ilaw kaya nagkagulo sila, ramdam ko ang pagyakap sa'kin ni Piper.

"AHHH!" Dinig naming sigaw ni Mark

"Mark!" Mabilis kong kinapa ang cellphone ko para ilawan ang nangyayari.

Nang makuha ko ito ay agad kong binuksan ang flashlight at inilawan ang gawi ni Mark. Kita ko ang pagkaladkad sa kaniya ng kung sino palabas. Bago ko pa mailawan ang mukha nito ay nakalabas na sila.

"Susundan ko sila." Mabilis akong tumayo

Akmang tatakbo ako pero natigilan ako ng may mga brasong yumakap sa'kin.

"Dito ka lang..." Mahinang sabi ni Piper na umiiyak. "Kapag sinundan mo sila ay baka mamatay ka din, ayokong mangyari yun."

"Piper.."

"Mahalaga ka sa'kin Gio kaya pakiusap, dito ka lang sa tabi ko..."

"Dito lang ako, wag ka ng umiyak." Humarap ako sa kaniya at niyakap siya. "Tahan na.."

Biglang bumukas ang ilaw, sinapo ko ang mukha ni Piper at pinunasan ang mga luha niya.

"Tahan na."

Nilingon ko ang pinanggalingan ni Mark at puro dugo ang sahig.

"Hinila niya si Mark." Sabi ni Tim. "Wala na din si Mark!"

"Kung ganito lang din." Nanlaki ang mga mata ko ng may nilabas na kutsilyo ang isa pa nilang kaibigan. "Papatayin kona lang kayo para hindi n'yo ako mapatay!"

"Teka ibaba mo yan!" Awat sa kaniya ni Tim

"Pasensiyahan tayo, ayoko pang mamatay." Sabi nito at walang habas na sinaksak si Tim. "Pasensiya na Tim."

"Kate, Isla, takbo!" Sabi ko na agad nilang ginawa.

Hinawakan ko naman si Piper sa kamay at agad ding hinila palabas, sinundan namin sila Isla at Kate.

"Saan tayo?" Tanong ni Isla

"Kailangan nating maghiwalay." Huminto ako kaya napahinto rin sila. "Hanapin n'yong tatlo sila Yves."

"Paano ka?" Tanong ni Isla

"Kaya ko ang sarili ko." Nginitian ko sila. "Sige na, alis na."

"Ipangako mong hindi ka mamamatay?" Naiiyak na sabi ni Piper. "Ipangako mo Gio."

"Pangako."

Tumango naman sila bago tumakbo pakanan, napatingin naman ako sa likuran ko at nakita ko doon ang isang kaibigan nila Vance.

"Habulin mo ako Unggoy!"

Agad akong tumakbo sa kaliwang bahagi ng hallway at ramdam ko naman ang paghabol nito sa'kin.

Gagawin ko ang lahat upang makaligtas ako.






A/N: ALREADY KNOW WHO'S THE KILLER?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro