Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA LABING WALO


YVES

   DUMATING ang kinabukasan at lahat kami ay naghahanda para sa gagawin naming kung anong misyon

"Mag iingat kayo." Sabi ko kila Vance. "Vance pakiingatan sana si Gio."

"Ako ng bahala sa kaniya." Tugon nito. "Makakaasa ka sa akin Yves."

Tinapik nito ang balikat ko bago naunang lumabas. Lumapit naman sa akin si Gio bago ako yakapin.

"Wag kang mag alala." Sabi nito. "I can take care myself."

"Mag iingat ka." Humiwalay ako sa yakap. "Sige na."

Tumango ito bago lapitan si Piper at halikan sa noo. "Ingat ka, wag tatanga-tanga."

"Suntukin kaya kita?" Banta dito ni Piper

Natawa lang si Gio bago sumunod kay Vance. Dinampot ko ang baseball bat na ibinagay sa akin ni Vance. Nang matapos kami sa pag aayos ay lumabas na din kami

"Sa Clinic tayo." Mahinang sabi ni Jax

"Yves, sorry." Napatingin ako kay Piper na sinasabayan na ang lakad ko.  "Naiintindihan na kita."

"It's okay." Ngumiti ako sa kaniya. "Masyado din akong naging harsh. Don't worry babawi ako sa iyo."

Ngumiti ito bago yumakap sa braso ko. Napangiti na lang ako sa inasta niya. Piper is back

Nagpatuloy kami sa pagbaba ng mga hagdan hanggang sa matukoy na namin ang floor ng clinic

Binuksan nito ang pinto. Dahan dahan kaming pumasok sa loob at pinuntahan ang lugar kung saan namin nakita ang katawan ni Kate pero wala na ito doon

"Kung ganun si Kate nga." Dinig kong sabi ni Piper

Siya nga talaga..



VANCE


     MAY NARARAMDAMAN akong hindi magandang mangyayari. Pakiramdam ko may mali sa paligid namin ni Gio

"We'll go back now." Seryosong sabi ko dito

"Bakit?" Tanong nito. "Malapit na tayo Vance."

"There's something wrong here." Seryosong saad ko dito. "Let's go."

"Saan naman kayo pupunta?" Sabay kaming napalingon sa nagsalita

She's here. But how did it happen? I know she's not here

"Isla." Gio murmured. "Umalis kana Vance, ako ng bahala dito."

"No." Umiling ito bago ngumisi. "Kailangan niyo ng tapusing dalawa. Masyado kayong may alam."

"GO! GIO RUN!" Sigaw ko dito bago balibagin ng kutsilyo si Isla

Walang kahirap hirap na iniwasan ito ni Isla. Agad ko namang sinundan ang tumatakbong si Gio

"Argh!" Daing ko nang may kung anong pumulupot sa paa ko kaya nadapa ako

May humila sa akin at sa isang iglap ay nakatihaya na ako habang nakapatong sa akin si Isla

"Pogi ka sana." She punched my face. "Alam mo bang alam ng Tatay mo na nandito ka? But he doesn't care. Mga lalaki nga naman."

"I don't care about him!" Mabilis kong hinawakan ang balikat niya at tinulak siya

Napahiga naman siya kaya mabilis akong tumayo at inalis ang kadenang may talim sa paa ko

"Alam mo bang ayaw ni Yves ng lalaking nananakit?" Mabilis itong tumayo at sinipa ako sa tiyan. "Pero malandi naman siya baka nag iba na taste niya."

Napaluhod ako at napaubo ng dugo nang hampasin niya ako ng matigas na bago sa likuran ko

"Tapusin na kita kailangan ko pang tuluyan si Gio." She said before kicked me on my head

Nanghina ako at napahiga na lang. Nararamdaman ko ang pag ikot ng paligid ko dahi sa hilo.

"Ang hina mo naman." Nakangising sabi nito habang unti unting lumalapit sa akin

Humawak naman ako sa isang matigas na tubo bago dahan dahang tumayo sapo ang tagiliran ko

"Nakakaawa ka!" Tumawa ito bago ilabas ang isang palakol. "Let me taste the blood of yours."

Hinanda kona ang pagtama ng palakol sa akin pero natigilan ako nang humarang ang isang tao sa harapan ko

Natigilan ako at napatitig na lang kung paano tumama ang palakol sa ulo niya. Nahati ito at dahan dahan siyang bumagsak

Gio...

Kinuha ko naman ang isang tubo na nasa gilid ko. Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Isla.

"Mamatay ka!" Galit kong sabi dito bago itarak ang tubo sa tiyan niya

Lumabas ang dugo sa bibig niya. Bumagsak ang palakol na hawak niya sa sahig

"T-The game i-is not over." Huling sabi nito bago bumagsak

Napatingin na lang ako kay Gio na ngayon ay wala ng buhay. Napaupo na lang ako sa sahig at napasuntok sa sahig dahil sa sobrang galit.

Fvck this Hotel! Tangina!

Napatigil ako nang makita ang hawak ni Gio. Kinuha ko iyon. Isang Papel. Dahan dahan ko iyong binuklat at bumungad sa akin ang litrato nilang magkakaibigan

I'm sorry Yves..

Hinubad ko ang damit ko at itinakip sa walang buhay na si Gio. Dinampot ko ang palakol na pinang patay niya kay Gio

"Kita tayo sa impyerno."

Buong lakas kong ibinaon ang palakol na iyon sa mukha ni Isla na wala ng buhay.  Nang matapos kong gawin yun ay iika ika akong umalis doon



YVES

    ANG tagal nila Vance. Ewan koba pero kinakabahan ako dahil pakiramdam ko may nangyaring hindi maganda.

Natigil ako sa pag iisip nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal non si Vance na walang damit pang itaas, puro dugo at may mga sugat

"Vance!" Tumayo ako at nilapitan ito

Bumagsak naman ang katawan nito payakap sa akin

"Anong nangyari? Nasaan si Gio?" Sunod sunod kong tanong dito

"Isla is dead." Mahinang sabi nito. Pero hindi ko inasahan ang susunod niyang sinabi. "Gio is dead too."

Gio..

"Ano?" Humiwalay ito sa akin. "Ano bang sinasabi mo!?"

"I failed." He said. "Na-trap kami ni Gio sa patibong ni Isla at nung isa pang killer. Hindi totoo ang dalawang araw na palugit niya."

"Pero diba wala siya dito? Yan ang sinabi mo!" Hindi ko napigilan na hindi tumaas ang boses ko.

"I'm wrong." Yumuko ito. "Pinatay ni Isla si Gio. Wala akong nagawa. I'm sorry."

"Nagmamagaling ka kasi!" Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi kona napigilan si Jax na suntukin si Vance. "Paano maibabalik ng pagmamarunong mo ang buhay ni Gio huh!?"

Hindi lumaban si Vance at hinayaan lang na suntukin siya ni Jax. Nang makabawi ako ay agad ko silang nilapitan

Inilayo ko si Jax kay Vance.

"Si Gio? Malabo yun." Napatingin ako kay Piper na puno na ng luha ang mukha. "Malakas kaya si Gio. Puntahan ko lang siya ah?"

"Piper." Hinawakan ko ito sa kamay at inilingan.

"HINDI PUWEDE!" Sigaw nito. "N-Nawala yung tao na hindi ko man lang nasasabi sa kaniya kung gaano siya ka-importante sa akin at kung gaano ko siya kamahal. Y-Yves alam kong mahal na mahal ko si Gio diba?" Niyakap ko ito. "Buhay si Gio alam ko! Hindi puwedeng iwan niya ako!"

"Sorry Piper." Tumulo na din ang mga luha ko

Sana pala hindi muna kami nagmadaling kumilos at nanigurado muna kami.

"Gusto kong mapag isa." Sabi ni Piper at dire diretsong pumasok sa kuwarto niya

Natigilan ako nang magawi ang tingin ko kay Vance na nakahiga at umiiyak.

"I failed again." Dinig kong sabi niya. "He saved me. Gio sacrifice his life because he have trust on me. I'm sorry Yves."

Pinunasan ko ang mga luha ko bago siya lapitan. "Gagamutin ko ang sugat mo, magpahinga kana Vance."

Bumangon ito at yumakap sa akin. "I promise I will kill my father."

Sorry Gio. Pangako igaganti ka namin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro