KABANATA LABING TATLO
YVES
HANGGANG NGAYON ay bumabagabag pa din sa isip ko ang nakita ko kagabi.
"Yves, may problema ba sa mukha ko?" Tanong ni Piper. "Kanina kapa nakatitig sa akin,"
Inilingan ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
Tama si Vance, mukhang kailangan na naming kumilos dahil kung hindi ay may mamamatay na naman.
SOMEONE'S POV
NAKATINGIN ako ngayon sa taong isusunod ko, sayang naman siya, napaka-masiyahin pa naman niyang tao.
"Ano ng sunod nating plano? Paano natin mahuhuli ang killer?" Tanong ni Jax
"Ako ng bahala doon." Tugon ni Vance. "Sa ngayon, umpisahan muna nating maghanap ng daan palabas."
Grabe sila magplano, pero tingnan ko lang kung makatakas sila dito ng buhay.
"Tayo na." Aya ni Yves at agad tumayo. "Walang maghihiwa-hiwalay sa atin."
Tumango lang kami.
Kahit kailan talaga nagmamagaling itong Yves na ito, masyadong pasikat at mayabang.
Humanda ka sa akin dahil ikaw ang mas pahihirapan ko sa kanila.
YVES
LUMABAS kami ng Hotel room para humanap ng daan palabas, sikat ang hotel na ito at siguradong daan pa palabas dito para sa emergency.
"Subukan natin sa basement." Suggest ni Gio. "Sa mga movie kasi ay ganoon."
"Wala tayo sa movie Gio." Sinamaan siya ng tingin ni Jax. "Pwede ba, wag mo munang gawing biro ito."
"Jax." Saway ko dito. "Mabuti pa, subukan natin sa basement."
Sumang ayon na lang din sila.
Pumasok kami ng fire exit pero hindi pa nakakapasok ang iba ay kusang sumarado ang pinto.
"YVES!" Kinalabog ni Piper ang pinto. "VANCE!"
"Tabi." Sabi ni Vance at hinawakan ang doorknob. "Shit!"
Tinadyakan nito abg doorknob pero balewala.
Ako at si Vance lang ang magkasama, yung apat naman ang magkakasama.
"May isa pang fire exit diyan." Sabi ni Vance sa kanila. "Magkita tayong lahat sa third floor."
"Sige." Si Isla ang sumagot. "Mag iingat kayo."
"Kayo din."
Nakarinig kami ng mga yabag papalayo kaya nagsimula na kaming bumaba ni Vance ng hagdan.
"Kasama nila si Gio." Sabi ko kay Vance. "Magiging ayos lang naman siya diba?"
"I'm not sure of that," Tugon nito. "Bilisan na lang natin."
Tumango na lang ako at binilisan ang paglalakad.
THIRD PERSON POV
PAPASOK na sana sa fire exit si Gio pero may kung anong sumabit sa leeg niya at hinila siya.
"GIO!" Sigaw ni Piper ng makita siya.
Akmang susundan niya ito pero sumara ang pinto ng fire exit.
"GIO!"
"PIPER!" Sigaw ni Isla na naiwan sa labas. "Natatakot ako! Kinuha niya si Gio."
"Isla, sundan mo sila." Sabi ni Piper. "Bilis na!"
"S-sige.."
SA KABILANG banda naman ay pilit nilalabanan ni Gio ang taong humihila sa kaniya.
Kinuha niya ang isang kutsilyong maliit na nasa bulsa niya at hiniwa ang tali na nakakawit sa leeg niya.
Natanggal naman ito, napaluhod si Gio at napahawak sa leeg niya habang umuubo.
"Magaling, magaling." Napalingon siya sa nagsalita.
"Tama ang hula ko." Nginisihan siya ni Gio. "Sinasabi kona nga ba at ikaw ang Killer."
"Very good." Pumalakpak ito at pinulupot ang barb wire sa kaniyang kamay. "So, paano mo natuklasan?"
"Kalkula ko lang." Nagkibit balikat si Gio. "Masyado kana din kasing obvious."
"Ang daldal mo talaga." Tumawa ito. "Kailangan mo ng manahimik, kailangan pa nilang ma-thrill, ayokong mabunyag agad ako."
"Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa ito, naging mabuti kami sa iyo, naging mabuti si Kate sa iyo." Sabi ni Gio. "Buong buhay ko hindi kita pinagdudahan tapos biglang ganito? Ano bang motibo mo?"
"Hobby ko lang." Parang balewalang sagot nito.
Tinanggal nito ang pagkakapulupot ng barb wire sa kamay niya at hinagis kay Gio, pumulupot naman agad ito sa kamay ni Gio.
Napadaing si Gio ng bumaon ang matulis na alambre sa kaniyang braso.
"Type na type kita alam mo ba yun?" Tumawa ito at lumapit sa kaniya. "Ang pogi mo kasi."
Pinalibot nito ang barb wire sa katawan niya, hinila nito ang buhok niya at inangkin ang mga labi niya.
Inuntog naman ito ni Gio sa ulo kaya napalayo ito sa kaniya.
"Kadiri amputa!" Dumura si Gio. "Hindi mo ba alam na para lang sa babaeng mahal ko ang labi ko?"
Nginisihan lang siya nito bago diinan ang barb wire sa katawan niya, hindi sumigaw o nagmakaawa si Gio dahil alam niyang masisiyahan lang ito
"Matigas ka." Hinawakan ng killer ang dulo ng barb wire at kinaladkad si Gio
Sobrang daming dugo ang kumakalat sa sahig at lalong bumabaon ang barb wire sa kaniyang katawan.
"Arghh!" Pabulong na daing ni Gio ng bumaon ang barb wire sa kaniyang lalamunan.
"GIO!"
Natigil ang killer ng marinig nila ang boses ng mga kaibigan nila
"Mahuhuli kana?" Nginisihan siya ni Gio na puro dugo ang bunganga
"Yun ang akala mo."
Kinaladkad siya nito patungong elevator, may kung anong pinindot ito sa elevator na agad bumukas.
"Ingat sa biyahe." Tinulak siya nito papasok ng Elevator.
Napapikit na lang sa sakit si Gio ng bumaon ang barb wire sa kanang mata niya. Samantalang ang Killer ay napangiti na lang bago gumawa ng kaniyang dahilan.
YVES
"GIO!" Napatigil kami ng makita si Piper na kinakalampag ang Elevator. "GIO! GIO!"
Nilapitan namin ito
"Piper.."
"Yves, nakita ko si Gio, pinasok siya sa loob ng Elevator." Tugon nito habang umiiyak. "Yves, si Gio."
"Nasaan yung Killer?" Tanong ko dito. "Nakita mo ba?"
"Umalis siya, sinubukan kong habulin pero bigla na lang siyang nawala." Tugon nito. "Yves, ang mahalaga ngayon ay si Gio."
"Gagawa tayo ng para–"
Hindi kona naituloy ang sasabihin ko nang bigla na lang tumunog ang cellphone naming lahat.
Nagkatinginan kaming lahat at sabay sabay itong sinagot.
"One down again." Sabi sa kabilang linya. "Nag enjoy ba kayo?"
"IBALIK MO SI GIO!" Sigaw ni Piper.
"Patay na eh." Tumawa ang nasa kabilang linya. "Sige na."
Namatay ang tawag, kasabay non ay ang pagtama ng matigas na bagay sa ulo ko.
May nakita akong papel sa talampakan ko na agad kong pinulot.
"HI YVES
[A]
-DEATH NOTE
A
"Mukhang lalo tayong ginugulo ng Killer." Sabi ni Vance na may hawak ding papel
Lahat kami ay may hawak ng papel.
"Siguro, ikaw talaga yun?" Kinwelyuhan ni Jax si Vance. "Tangina Pare umamin kana!"
"Masyado akong guwapo para pumatay." Tinulak siya ni Vance. "Ang init ng dugo mo sa akin, type mo ba ako?"
"J,A,Z,I,I,R,A?" Jaziira? Zariija? Rajazi?
Wala sa sariling nabaling ang tingin ko sa isang painting na puro letra, may mga dugo dito kaya agad ko itong nilapitan.
Arabic Word?
"Yves, may problema ba?" Tanong ni Piper pero hindi ko siya pinansin.
May dugo ang letrang J,A,Z,I,R,A
Jazira? Pero may isa pang letter I
Hinanap ko ang ibig sabihin ng Jazira at natigilan ako sa nabasa ko. Dahan dahan kong nilingon ang isang tao na ngayon ay nakangisi na sa akin.
"Surprise.."
"Ikaw.."
A/N: SURPRISE
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro