Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA LABING SIYAM


YVES

     NAKAKA-WALANG GANA na ang lahat. Unti unti na kaming nalalagas. Wala na si Gio

"Lalaban pa ba tayo?" Tulalang tanong ni Piper. "Makakalabas pa ba talaga tayo?"

"Piper wag kang mawalan ng pag asa." Hinawakan ko ito sa kamay. "Lalabas tayo dito. Wag nating sayangin ang pagsasakripisyo ni Gio."

Dahan dahan naman itong tumango bago ako yakapin.

"We need to move now." Sabi ni Vance at iika ikang tumayo

"Kaya mona ba?" Tanong ko dito. "Bukas na lang kaya? Pagabi na din."

Umiling ito. "Iisa isahin tayo ni Kate. Kailangan nating kumilos ngayon."

"Pero–"

"–He's right." Tumayo si Jax. "Aalis na tayo dito."

Tumango na lang ako. "Kaya mo ba Piper?"

Humiwalay ito ng yakap sa akin bago magpunas ng luha. "Kaya ko. Para kay Gio lalabas ako dito."

Tumayo na din kami ni Piper. Lumabas kami ng Hotel room na iyon.

"Alalayan mo kaya si Vance." Sabi ko kay Jax

Labag sa loob naman niya itong inalalayan.

Pinakiramdaman ko ang paligid namin habang naglalakad kami. Sobrang tahimik at pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda

"Basta walang hihiwalay." Seryosong sabi ni Jax

Paakyat na kami sa rooftoop pero napahinto kami sa paglalakad nang bigla na lang sumigaw si Piper

"GIO!" Sigaw nito at pumasok sa pinto ng 7th floor

"PIPER!" Hinabol ko ito

Shit!



JAX

    MABILIS kong binitawan si Vance nang bigla na lang sundan ni Yves si Piper.

Akmang papasok na ako pero naka-lock na ang pinto. Umatras naman ako at sinipa ito pero balewala.

"YVES!" Kinatok ko ito ng malakas. "YVES!"

Tangina!

"This is not good." Sabi ni Vance kaya napatingin ako sa kaniya. "Sa 6th floor muna tayo. Baka gumagana na ang elevator."

Labag man sa loob ko pero lumapit ako sa kaniya at tinulungan siya. Bumaba kami sa sixth floor at pumasok

"Dapat pinagpabukas na natin kagaya ng sabi ni Yves." Sabi ko dito. "Mag-gagabi na at delikado para sa kanila."

"Sumang ayon ka din sa akin kaya wag mo akong sisihin." Tugon nito. "At isa pa wag mong minamaliit si Yves."

"I'm not! Nag aalala lang ako!" Inis ko siyang tiningnan. "Iwan na lang kaya kita dito? Ang yabang mo palpak ka naman."

Lumayo ito sa akin. "Atlis ako may nagawa, eh ikaw? Isang beses lang akong pumalpak. Actually hindi yun pag palpak dahil napatay ko si Isla–ang isa sa mga killer."

Napayukom ang kamao ko. Huminga na lang ako ng malalim bago siya talikuran

"Mauna kana, ako na ang hahanap kila Yves." Sabi ko

"Tayo ang hahanap kay Yves." Sabi nito kaya napahinto ako. "Hindi puwedeng ikaw lang ang superhero ni Yves."

"May gusto kaba kay Yves?" Kunot noong tanong ko

Ngumisi ito at iika ikang nilapitan ang Elevator bago pindutin. Hindi naman ito bumukas, mukhang sira pa rin.

"Ano naman ngayon kung may gusto ako kay Yves?" Nakangising tanong nito

"Wag kang umasa." Ngisi ko dito. "Hindi ka papatulan ni Yves."

"Bakit? Ako ba ikaw?" Nawala ang ngisi ko sa sinabi nito. "Mukhang crush nga ako ni Yves eh."

Hindi kona napigilan ang sarili ko. Kinuwelyuhan ko siya at inis na isinandal sa gilid ng elevator

"Mayabangan mo pa ba ako kapag tinapos na kita dito?" Banta ko dito

"Hindi mo kaya." Nakangising sabi lang nito

Akmang susuntukin ko ito pero napatigil ako nang biglang bumukas ang elevator. May bangkay na nabuwal kaya nabitawan ko si Vance

Nakadapa ang bangkay at pira piraso ang katawan pero alam ko kung sino siya

"This can't be." I murmured

Binaliktad ni Vance ang bangkay. Nagkatingin kaming dalawa at alam kong parehas na ang nasa isip namin

"I'm right." Seryosong sabi nito. "Plano na niya lahat."

"We need to be hurry." Sabi ko. "Baka may gawin siya kay Yves."

Sumakay kaming dalawa sa elevator.

Tangina! Wala sanang mangyaring masama kay Yves



YVES

     "PIPER!" Sigaw ko dito

Pumasok ito sa isang room kaya sinundan ko siya. Nakita ko siyang nakatayo at nakaharap sa isang painting

"You know that I don't have parents right?" Lumingon ito sa akin at umiiyak na siya. "I don't have anything in my life."

"Piper.."

"And now Gio is gone." Dagdag pa nito. "Hindi kona alam kung sino pa ang dadamay sa akin at mag aalaga sa akin. Alam mo Yves, naiinggit ako sa inyo dahil kaya may Pamilya na mag aaruga sa inyo, may Nanay kayo na mag aalaga sa inyo. Buong buhay ko nag iisa lang ako. Deserve kopa bag mabuhay?"

"Piper nandiyan pa ang Tita at Tito mo." Sabi ko dito. "Nandito pa kami ni Jax para sa iyo."

"But you don't have trust on me." Umiling ito

Nanlaki ang mga mata ko nang maglabas ito ng kutsilyo. "Piper don't do that!"

"Don't come near me!" Pigil nito sa akin nang akmang lalapit ako sa kaniya. "Inggit na inggit ako sa iyo Yves."

"Wala ka dapat ika-inggit." Sabi ko dito. "Piper!"

Napatulala na lang ako nang hiwain niya ang pulsuhan niya

"Piper! Please stop!" Pigil ko dito

"I have a sister." Sabi nito. "Nakilala kona siya at kailan ko lang siya nakasama. Nagkaroon kami ng bonding at tinuruan ko siya ng mga hobby ko."

"See? You have a sister." Sabi ko dito. "Kailangan kapa niya Piper kaya lumaban ka okay? Lalabas tayo dito. Now put that knife down."

"For what? She's dead now." Bigla itong tumawa nang malakas na animo'y nababaliw na. "She's dead."

"I'm sorr–"

"–Vance killed her." Natigilan ako sa sinabi niya. "Isla is my sister Yves. Surprise."

Ang pagtawa niya ay nauwi sa ngisi. Napaatras na lang ako nang dilaan niya ang dugo na bumabalot sa pulsuhan niya

"Kailan ko lang din siya nakilala." Sabi nito. "I teached her to kill even she don't want but in the end hobby niya na din yun. Naging libangan namin ni Isla ang pagpatay. At alam mo ang mas masaya doon? Lahat ng naging kaibigan namin ay pinapatay namin dahil gustong gusto naming pinanonood ang mga magulang na nangungulila sa kanilang mga Anak."

"T-That's not true." Sabi ko dito na may kasamang iling

"Ang tatanga niyo." Humalkhak ito. "Sa tingin niyo mabubuhay pa yung Kate na iyon? Tinadtad na ni Isla yun at siyempre para lituhin kayo tinago ko ang bangkay ni Kate."

"At alam mo? Ikaw na ang isusunod ko." Dagdag pa nito at unti unting lumapit sa akin na ikinaatras ko. "Pero may twist ako para sa pagkamatay niyong tatlo."

Kung ganoon ay siya nga. Kaya pala yung hand written sa death note ay kamukha ng kaniya at yung flute. Ibig sabihin ng flute ay flute ni Pied Piper. Bakit hindi ko naisip yun?

Tatakbo na sana ako pero kusa na lang bumagsak ang mga katawan ko nang may matigas na bagay ang tumama sa ulo ko.

Nakangising mukha na lang ni Piper ang huli kong nakita bago ako tuluyang mawalan ng malay..




A/N: GRABE ITO

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro