KABANATA LABING ISA
PIPER
KAMI LANG ni Isla ang naiwan dito sa Hotel room, lumabas si Jax at Gio dahil bigla na lang nawala si Kate.
"Ang dilim na." Napayakap ako sa sarili ko
Kahit pa parehas ng bukas ang ilaw ng flashlight namin ay medyo madilim pa din sa loob ng Hotel room.
"What if may humila sa paa natin?" Pananakot ni Isla. "What if nandito yung Killer?"
"Tumigil ka nga!" Hinampas ko si Isla. "Lakas mong manakot eh duwag ka din naman."
"Kaya nga nananakot ako para hindi ako matakot." Tugon nito. "Ang tagal naman nilang bumalik."
Biglang bumukas ang pinto, Iniluwal non si Vance na buhat si Yves
"Teka, Anong nangyari kay Yves?" Tumayo ako at lumapit sa kanila
"Nawalan siya ng malay." Tugon nito. "Saan ang room niya?"
"Dito." Si Isla ang sumagot
Iginaya ni Isla si Vance patungo sa kuwarto nila ni Yves, sumunod naman ako sa kanila.
"Ano bang nangyari?" Tanong ko kay Vance.
Napahinga ito ng malalim bago lingunin si Yves na nakahiga sa kama.
"Kate is dead." Para akong nabingi sa sinabi nito. "She's with us, tapos bigla na lang may humila sa kaniya."
"W-What?" Utal kong tanong dito. "P-Paano?"
"Piper." Yumakap sa'kin ang umiiyak na si Isla. "Si Kate.."
"Paanong nangyaring kasama ninyo si Kate?" Nanggigilid ang luhang tanong ko dito
"Hinabol kami ng Killer tapos bigla na lang lumitaw si Kate mula sa isang room, kagaya ni Gio ay sinet-up din siya ng Killer." Sagot nito. "Nasa Clinic ang katawan niya, nakabitin siya ng madatnan namin siya sa Clinic, binaba ko siya at maayos na inihiga sa bed bago umalis."
"Wala na si Kate." Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. "Kung ganon ay may susunod na naman sa'tin."
"Dapat kumilos na tayo." Humiwalay sa yakap si Isla. "Kailangan na nating mahuli yung Killer, ayoko pang mamatay!"
"Kumalma ka Isla." Pinunasan ko ang luha ko at hinawakan siya sa kamay.
Nasa ganoon kaming posisyon ng bigla na lamang may pumasok. Si Jax at Gio
Bago pa ako makapagsalita ay bigla na lamang tumalsik si Vance dahil sa suntok ni Jax.
"Ikaw yung Killer diba!?" Dinakot nito ang kwelyo ni Vance. "Ikaw ang Killer sigurado ako doon!"
"Wala kang pruweba pre." Tinulak siya ni Vance.
"Ikaw na lang ang taong hindi namin kilala dito." Madiing sabi ni Jax. "Imposibleng isa sa amin yun Vance."
"Diyan ka hindi sigurado." Nginisihan siya ni Vance. "I'm not the Killer here."
"Jax, imposible talagang si Vance ang Killer." Pakikisali ko sa kanila. "Magkasama sila ni Yves, kung siya ang Killer dapat pinatay na niya si Yves."
Hindi kumibo si Jax, masama lang ang tingin nito kay Vance.
"Patay na si Kate." Sabi ni Gio. "Nakita namin siya ni Jax sa Clinic kanina."
"Nasabi na sa amin ni Vance." Malungkot kong sabi. "Wala na si Kate natin."
Lumapit sa akin si Gio at inakbayan ako. "Wag kang mag alala, ipaghihiganti natin si Kate, kailangang wala ng mamatay sa atin."
"KATE!" Bigla na lang bumalikwas ng bangon si Yves. "Kate, nasaan si Kate!?"
"Calm down." Nilapitan ito ni Vance at hinawakan sa kamay
"Vance, si Kate." Bigla na lang itong humagulgol at yumakap kay Vance. "Yung kaibigan ko, wala na si Kate.."
"Magiging maayos lang lahat Yves, kalma ka muna baka mapano ka pa." Malambing na sabi dito ni Vance.
"Yves." Pinaghiwalay ni Jax si Yves at Vance, tinulak niya palayo si Vance at umupo sa tabi ni Yves. "You will be okay Yves, I'm always here for you."
"Makatulak ampucha." Dinig kong sabi ni Vance. "Maghahanda na akong hapunan natin, lalagyan ko ng maraming asukal pagkain ni Pareng Jax para hindi bitter."
Lumabas ito ng kuwarto kaya kami na lang ang naiwan.
YVES
WALA NA SI KATE, dapat wala ng sumunod, ayokong may mawala ulit, ayokong mawalan ulit ng kaibigan.
Isa isa ko silang tiningnan.
Wala namang kakaiba sa kanilang lahat, walang nakakatakot sa kanila, ang hirap paniwalaan na isa sa kanila ang Killer. Pero kung isa man sa kanila, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kaniya o mapapatawad ko ba siya.
"May nakatanggap ba ulit sa inyo ng tawag?" Tanong ko sa kanila. "Pakiusap, magsabi kayo ng totoo, ayokong may mawala ulit."
"Ako." Si Gio ang sumagot. "Kanina lang. Pero huwag kayong mag alala dahil pangako kong mabubuhay ako."
"Wala na talagang dapat mamatay." Seryosong sabi ko. "Huhulihin na natin ang Killer, papatayin natin siya kahit pa isa siya sa atin."
"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ni Isla. "Posibleng isa sa atin ang Killer? Ganon?"
"Yun ang sabi ni Vance." Tugon ko. "Posibleng isa sa atin dahil wala na namang ibang tao dito sa loob maliban sa atin."
"And you believe to that guy?" Hindi makapaniwalang tanong dito ni Jax. "Yves, kakakilala mo pa lang sa lalaking yun, tayong lahat ay matagal ng magkakakilala kaya imposible na isa sa atin yun."
"Pero paano nga kung totoo ang sinabi ni Vance–"
"–Fvck! I can't believe you!" Napatayo si Jax. "Mas papabor kapa sa lalaking yun na kakakilala mo pa lang huh!?"
"Jax, kumalma ka, huwag mong pairalin ang init ng ulo mo." Saway dito ni Gio. "Nakakalimutan mong si Yves ang kausap mo."
Napahinga ito ng malalim. "I'm sorry Yves.."
"Kung isa nga sa atin ang Killer, ano namang dahilan niya para pumatay?" Tanong ni Isla
"Yan din ang kailangan nating alamin." Seryosong sabi ko
Napatingin kami sa pinto ng may kumatok doon. Si Vance
"Handa na ang pagkain." Sabi nito. "Kumain na tayo, hintayin ko kayo."
Umalis ito, sumunod naman sa kaniya ang tatlo kaya kami na lang ni Jax ang naiwan.
"Yves, are you really trusting that guy?" Seryosong tanong ni Jax. "I don't have trust to that guy."
"Sa totoo lang ay wala akong pinagkakatiwalaan dito ngayon." Seryosong sagot ko. "Sana ganoon din kayo, hindi kona alam ngayon kung sino ba ang totoo sa akin."
"Yves." Hinawakan nito ang kamay ko. "Just always remember that I'm here for you, hindi kita iiwan at pababayaan."
"Just focus on your self Jax." Binawi ko ang kamay ko sa kaniya. "I can handle myself."
"I know how strong you are pero po-protektahan pa din kita, I don't want to lose you Yves. You know how much I like you right? I'm willing to sacrifice my life for you."
"I appreciated your feelings Jax." Nginitian ko siya ng tipid. "Pero mas isipin mo ang sarili mo, sa sitwasyong ito, sarili mo lamang ang mapagkakatiwalaan mo, sarili mo lamang ang dapat mong asahan dahil hindi mona alam kung ang nasa paligid mo ay kaibigan mo ba talaga o kikitil ng iyong buhay."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro