Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA LABING DALAWA

KILLER


     NAPANGISI na lang ako ng palihim habang nakatingin sa mga natitira kong biktima na kasama ko.

Kailangan kong mag ingat lalo na dito kay Vance, masyadong matalino at matinik, hindi ko naman siya pwedeng unahin dahil hindi na exciting yun.

Kusang pumasok sa isip ko kung paano ko pinatay si Kate..

FLASHBACK

"Pakiusap, huwag mo akong patayin!" Pagmamakaawa nito na ikinahalakhak ko. "Kailangan pa ako ng Mama ko, please huwag,"

"Shhh." Tinutok ko ang kutsilyo sa bunganga niya. "Quiet."

Hindi ito nakinig at patuloy lang sa pag iyak ng malakas na sobrang nakakarindi.

"Ang ingay mo!" Hinawakan ko ito ng madiin sa panga at binutas ang lalamunan niya.

Napangiti ako ng sumirit ang dugo niya.

"Ah..ackkk." Sinapo nito ang lalamunan niya

"Want to meet me my friend?" Tinanggal ko ang suot kong hoodie at maskara sa mukha ko. "Surprise.."

"ackk.." Nanlalaki ang mga matang tinuro niya ako habang sapo ang lalamunan niya. "Ackkkk."

"Papunta na si Yves dito, ayokong makita niya ako kaagad kaya bibilisan kona ah?" Hinagis ko ang dulo ng kadena sa bakal sa kisame. "Nag-enjoy akong maging kaibigan mo."

Hinawakan ko ang buhok niya, tinusok ko ng kutsilyo ang isang mata niya at hinila.

"ACCKKKK!" Sigaw nito

Hiniwa ko ang kamay niya at tinali sa isa pang kadena, nang matapos ako ay hinila ko ang dulo ng kadena at hinila. Agad namang bumitin ang katawan nito sa ere, pinanood ko lang siya hanggang sa mawalan siya ng hininga.

"Hindi ako satisfied sa design mo." Tumungtong ako sa isang upuan at sinugatan ang dalawang paa niya. "Perfect obra!"

"KATE!"

"Nandito na siya." Tumalon ako pababa ng upuan na siguradong nakagawa ng ingay. "Goodbye Kate.."

Lumabas ako sa isang sikretong pinto, hinubad ko ang mga ginamit ko at naglinis ng katawan bago bumalik sa Hotel room namin.




YVES


    "PIPER, lalim ng iniisip mo." Siniko ni Isla si Piper na tulala. "Kasama ba kami diyan?"

"Wala 'to." Ngumiti ito ng tipid. "Ano ng plano natin?"

"Kikilos tayo bukas." Seryosong sabi ni Vance. "Kailangan nating mahuli ang Killer bago dumilim bukas."

"Paano natin gagawin yun?" Tanong ni Jax. "Paano din kung ikaw yun?"

"Ako talaga trip mo 'no?" Nginisihan ni Vance si Jax. "Baka naman talaga ikaw ang Killer?"

"Anong sabi mo?"

"Jax!" Saway ko dito ng akmang susugirin niya si Vance.

"Gio, Anong nakalagay sa sulat sa iyo ng Killer?" Tanong ko dito

"Ako na daw yung sunod tapos may Letter A na nakalagay." Tugon nito. "A tapos G umpisa ng Name ko, Bobo amp!"

"A?" Napakunot noo ako bago balingan si Jax. "May letrang nakalagay din ba sa sulat na binigay kay Kate?"

"Meron." Si Isla ang sumagot. "Letter J."

"J tapos A."

"Baka X sunod." Sabad ni Vance. "Paano ba yan Pareng Jax? Ikaw talaga ang tinutukoy?"

"Tarantado k–"

"Tumigil kayo!" Sinamaan ko sila parehas ng tingin. "Mukhang may ibig sabihin ang mga letra sa sulat. J dahil Joson ang apelyido ni Kate tapos ngayon ay A dahil Avison ang apelyido ni Gio."

"Kung ganoon ay umpisa ng letra ng apelyido ang tinatarget ng Killer." Sabi ni Piper. "Pero bakit at para saan?"

"J at A." Napahawak sa baba si Gio. "JA? Para saan yung letter? Binibigyan tayo ng clue?"

Clue?

"Tama ka." Napatayo ako. "Posibleng may binubuo siyang salita sa pamamagitan ng Apelyido natin."

"Kung meron man..." Napatingin kami kay Vance. "Anong salita iyon?"

"Iyon ang dapat natin alamin." Seryosong sabi ko. "Dahil posibleng ang salitang mabubuo ay may kinalaman sa pagkakakilanlan ng Killer."

Joison at Avila, J at A, kung ganon sino ang susunod? Lima na lang kaming hindi nakakatanggap ng tawag at posibleng isa sa amin ang Killer.

Kung ganon ay sino ang pumapatay at anong rason niya para pumatay?

"Maupo ka muna." Hinila ako paupo ni Vance. "Detective na Detective ang datingan mo."

"Minsan iniisip ko kung normal ba ang pag iisip mo o sadyang may saltik ka." Inirapan ko siya. "Iba iba mood mo."

"Depende yun sa kausap ko." Tugon nito. "Kapag ikaw na maganda ang kausap ko ay maamo ako, tingnan mo hindi pa tayo pero under na ako sa'yo."

"Hinding hindi magiging Tayo." Nginitian ko siya ng peke

"Hindi mo sure." Kinindatan ako nito pero inirapan ko lang siya.

"Magsitulog na kayo." Nagsalita si Jax. "Magbabantay ako dito."

"Magbabantay na lang din ako." Sabi ni Vance. "Sige na matulog na kayo."

"Tabi kami ni Yves." Lumapit sa akin si Isla. "Piper, tabihan mona si Gio, bantayan mo siya."

"Sige, ako ng bahala kay Gio."

Nagtungo na kami ni Isla sa kuwarto namin at agad nahiga, dala na rin siguro ng pagod ay agad akong nakatulog.

"Yves.." Napalingon ako sa tumawag sa akin. "Yves."

"Kate.." Bulalas ko

Puro dugo ito at umiiyak

"Bakit hindi mo ako iniligtas?" Unti unti itong lumapit sa akin. "Nangako ka diba?"

"Kate, sorry." Tanging nasabi ko. "Kate sabihin mo, sino ang pumatay sa'yo? Bibigyan kita ng hustisya."

"Hindi ko kailangan yun." Bumangis ang itsura nito. "Kailangan mong mamatay din!"

"K-Kate.." Napahawak ako sa kamay nitong nakasakal na sa leeg ko. "K-Kate.."

"MAMATAY KANA! MAMATAY KA!!"

"Yves!" Napabalikwas ako ng bangon

Habol hininga ako habang nakahawak sa dibdib ko, ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Napalinga linga ako sa loob ng kuwarto.

"Yves, ayos ka lang?" Alalang tanong ni Isla

"Si Kate.." Tanging nasabi ko.

"Kumalma ka." Inabutan ako nito ng tubig. "Uminom ka muna."

Agad ko namang kinuha iyon at ininom..

"Si Kate nandito siya." Sabi ko dito

"Binabangungot ka lang." Kinuha nito sa akin ang baso. "Wala si Kate dito."

Tumango lang ako bago tumayo. "C.R lang ako."

Lumabas ako ng kuwarto namin dahil  nasa labas ang C.R, nadatnan ko sa sala si Jax at Vance na parehas natutulog.

Akmang didiretso na ako sa C.R pero napahinto ako at mabilis na nagtago nang bumukas ang pinto ng Hotel room namin, iniluwal non si Piper na naka-hoodie.

Dumiretso ito sa kuwarto nila ni Gio.

Anong ginagawa niya sa labas ng ganitong oras? Napakunot noo na lang ako at napaseryoso ng mukha.

Siguradong may hindi tamang nangyayari at may kakaiba na talaga sa mga kaibigan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro