KABANATA LABING APAT
YVES
"IKAW!?"
Pero bakit hindi ko man lang nahalata? Napakabait niya at ni minsan ay hindi siya nanakit
"Epal talaga ang Gio na yan." May inilabas ito sa bulsa niya. Kutsilyo. "Wala na, maglalaro na lang tayo ng taguan."
"Hindi kana makakatakas!" Sabi ni Vance
Nilapitan niya ito pero eksperto itong umikot at hiniwa ang braso nito.
"Bye for now." Mabilis itong tumakbo at sa isang iglap ay nawala na siya sa paningin namin
Napaupo na lang ako habang sapo ang ulo ko, hindi, ayokong tanggapin na siya nga, hindi pwede.
"Yves, si Gio." Sabi ni Piper. "Sigurado akong buhay pa siya."
Nakatingin lang ako dito. Until now ay hindi kopa rin ma-process sa utak ko ang mga nangyayari.
"Are you okay Yves?" Wala sa sariling niyakap ko si Jax. "Yves."
"Jax, bakit siya pa?" Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko. "Alam mo kung gaano ka-importante sa akin si Isla diba? P-Pero bakit?"
"Stop crying Yves. Wala na tayong magagawa." Naramdaman ko ang paghaplos nito sa buhok ko. "Kailangan natin siyang patayin bago pa niya tayo maunahan."
"Hindi ko kaya." Umiling ako
"Hindi namin kailangan ng Yves na duwag ngayon." Malamig na sambit ni Vance. "Kung hindi mo gagawin binibigyan mo siya ng pagkakataong patayin ka. Wag kang duwag."
"Shut up!" Inis na saad dito ni Jax. "Siguro kasabwat ka ni Isla kaya pine-pressure mo si Yves?"
"Kung kasabwat niya ako, kauna-unahan kitang pinatay." Nakangising sabi ni Vance
Tuluyan nang nawalan ng pasensiya si Jax at sinugod si Vance. Pero bago pa sila magsuntukan ay agad ng pumagitna si Piper
"Puwede ba tama na!" Galit na saad nito. "Tayo tayo na lang ang magkakakampi tapos magpapatayan din tayo!? Alam niyo siguradong tuwang tuwa na si Isla habang pinanonood tayo dahil sa ginagawa niyo!"
"Wag kang mayabang, may araw ka din sa akin." Banta ni Jax kay Vance bago ako nilapitan
Tinulungan ako nitong makatayo pero dahil sa sobrang panlalata ay bumagsak ako. Hindi na nakatiis si Jax at binuhat ako ng bridal style
"Be strong okay? Nandito lang ako para sa iyo." Malambing na sabi nito
"Bumalik kayo sa hotel room." Malamig na sabi ni Vance at tinalikuran kami. "Nararamdaman kong buhay pa ang isa niyong kaibigan. Hahanapin ko siya."
"Vance." Nahinto ito sa tangkang paglalakad at malamig akong hinarap. "Mag iingat ka."
"Wag mo akong alalahanin. Ikaw ang mag ingat." Ngumisi ito kay Jax. "Bibilisan kona din baka kasi hindi kayang ipagtanggol ng isang iyan."
Tuluyan ng umalis si Vance.
"Piper, tara na." Aya ko dito
Tulalang sumunod naman ito sa amin.
PIPER
PARANG may mali. Pakiramdam ko may isang bagay pa kaming kailangang tuklasin. Pakiramdam ko may hindi magandang nangyayari
Pero si Gio. Sana ay buhay siya at nasa maayos na kalagayan. Sana ay makita siya ni Vance
Pero mag isa lang si Isla. Paano niya nagawa ng lahat ng iyon? Posible kayang higit pa sa isa ang killer na kasama namin? Pero sino?
Napatingin ko kay Yves. Imposibleng siya. Hindi rin puwedeng si Jax dahil kahit gaano kasama ang ugali niya ay hindi niya magagawa iyon. Posible kayang si Vance? Pero kung siya nga dapat pinatay na niya kami o baka may plano pa sila?–
Mabilis akong napalingon sa likuran ko dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin.
Paglingon ko ay wala naman. Mabilis akong napatakbo palapit kila Jax at napahawak sa damit nito dahil bigla na lang tumugtog ang kantang Hide and Seek.
"Ding dong
I know you can hear me
Open up the door
I only want to play a little
Ding dong
You can't keep me waiting
It's already too late
For you to try and run away."
Hindi lang basta kumanta dahil tatlo ang boses ng kumakanta. Parang may sumasabay sa kanta na hindi ko alam kung babae o lalaki
"I see you through the window
Our eyes are locked together
I can sense your horror
Though I'd like to see it closer."
"Jax." Humigpit ang hawak ko dito
"Dalawa sila." Mahinang sabi nito. "Tama ako. Si Kate at Isla ang killer."
"Si Kate?" Napakunot noo ako. "Jax, paano? Patay na si Kate."
"Hindi ko rin maipaliwanag pero nakita ko si Kate." Sabi nito. "Bilisan na natin."
"Ding dong
Here I come to find you
Hurry up and run
Let's play a little game and have fun
Ding dong
Where is it you've gone to?
Do you think you've won?
Our game of hide and seek has just begun."
unti unting lumalakas ang tugtog. Lalo akong nakaramdam ng takot.
"I hear your footsteps
Thumping loudly through the hallways
I can hear your sharp breaths
You're not very good at hiding."
Nang hindi kona makayanan ay napabitaw ako kay Jax. Napahawak ako sa laylayan ng damit ko habang paikot ikot na inililibot ang paningin ko sa Hotel
Narinig ko ang pag ring ng cellphone ko. Nanginginig kong sinagot ang tawag at sinagot ang tawag.
"Just wait, you can't hide from me
(I'm coming)
Just wait, you can't hide from me
(I'm coming)
Just wait, you can't hide from me
(I'm coming)
Just wait, you can't hide from me." May kumakanta sa kabilang linya
Para akong nahihilo sa mga nangyayari, pakiramdam ko ay may kumukuha ng hininga ko.
"PIPER!" May umagaw ng cellphone ko at binalibag ito. "Look at me!"
Tumingin ako kay Jax na seryoso ang mukha. "Wala kang naririnig okay? Binabaliw ka nila Piper kaya wala kang naririnig."
"Ayoko pang mamatay Jax." Umiiyak na umiling ako dito. "G-Gusto ko pang makauwi."
"I know that's why you need to be brave." Sabi nito. "Let's go."
Inakbayan ako nito. Napatingin ako kay Yves na nakatingin lang sa amin.
"Kailangan nating maging matapang okay?" Sabi nito. "Tama si Vance hindi tayo puwedeng maging duwag ngayon. Pangako lalabas tayo dito ng buhay."
Pinunasan ko ang mga luha ko ag huminga ng malalim bago sunod sunod sunod na tumango.
"L-lalabas tayo dito. Kasama natin si Gio." Sabi ko. "Hindi tayo mamamatay dahil may Pamilya pa tayo."
Tama yan Piper. Magpakatatag ka
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro