KABANATA ISA
YVES
"NAK, nasa baba ang mga kaibigan mo." Dinig kong sabi ni Mama mula sa labas ng pinto.
"Pababa na po." Tugon ko lang
Bumangon ako mula sa pagkakahiga, pinusod ko ang may kahabaan kong buhok bago lumabas ng kwarto ko.
"Gio, umayos ka nga! Kahit kailan walanghiya ka!"
"Inggit ka lang Piper."
Pababa pa lang ako ng hagdan ay dinig kona ang bunganga nila. Ano pa nga bang bago?
"Ingay n'yo." Sita ko sa mga ito ng makababa ako. "Ano na naman?"
"Aga aga init ng ulo." Hinila ako ni Kate paupo sa tabi niya.
"Ano bang pinunta n'yo dito?" Tanong ko.
"Teka." May kinuha si Gio sa bulsa niya na isang papel. Binuklat niya iyon at hinarap sakin. "Ito ang pinunta namin."
Napataas naman ako ng isang kilay bago basahin ang nakasulat sa papel.
"Join now to our Dance contest and win a prize." Basa ko. "Grand winner will receive one hundred thousand."
"Sali tayo." Sabi ni Isla. "Need kona din ng pambayad ng apartment."
"Oo nga, para matubos mona din kotse ng Kuya mo sa Tita mo." Sabi ni Gio sakin. "Tapos makakadagdag din sa ipon mo pampa-opera kay Quinn."
Napaisip naman ako sa sinabi ni Gio. Anim kami sa Grupo at malaki din naman ang makukuha ko kung sakaling maghahati-hati kami.
Matutubos ko ang pinakamamahal na kotse ni Kuya sa Tita kong matapobre at mayabang, makakadagdag din sa ipon ko ang matitira para sa pampa-opera ni Quinn.
Pangalawa ako sa magkakapatid, ang Kuya ko ay isang security Guard, si Quinn naman ang bunso at may malubha siyang sakit na kailangang agapan. Sobrang kapos kami dahil nalugi ang negosyo namin, si Papa ay nagtatrabaho sa isang Talyer samantalang si Mama naman ang bantay sa bahay at kay Quinn at ako naman ay sumasali sa mga Dance contest para makatulong din.
"Sige." Napatango ako. "One week na din naman nung huli tayong sumayaw."
"Yon." Tinapik ako ni Piper sa balikat. "Aayusin kona agad ang susuotin na'tin."
"Saan ba ang contest?" Takang tanong ko
Tumayo si Gio at ngumiti ng malaki. "Sa isang pinakasikat na Hotel sa Ilocos, may dream come true Hotel."
OA talaga kahit kailan, laki laki na utak bata pa rin.
"Sorry guys I'm late." Sabi ng kapapasok lang na si Jax.
"Hindi na bago sa'min yun." Nakangiwing sabi dito ni Kate. "Sana'y na kami sa late na kagaya mo."
"Wow, minsan lang ako ma-late." Umupo ito sa tabi ni Isla. "Si Gio at Piper ang madalas late sa'tin."
"Saan kaba ga–Teka, bakit may dugo ka?" Hinila ni Isla ang manggas ng damit nito na may dugo nga. "Yuck, ang lansa."
"Ang arte nito." Tinapik nito ang kamay ni Isla na nakahawak sa manggas niya. "Kaya ako na-late kasi nagpatulong pang magkatay ng baboy si Tito."
"Hindi ka man lang nagpalit ng damit." Nakangiwing sabi sa kaniya ni Piper. "Sa bagay salahula ka pala."
"Inamo." Inirapan siya ni Jax
Hindi ko alam kung paano ko natagalan ang mga ka-grupo slash kaibigan kong mga ito. Kung anong ikinatahimik ko, siya namang ikinadaldal nila.
"Yves, mapanis naman laway mo." Baling sakin ni Kate. "Magsalita ka naman."
"Wala naman akong sasabihin." Tumayo ako. "Sige na lumayas na kayo, mag iimpake na ako."
"Sama ng ugali mo talaga." Sabi ni Jax
"Masanay na kayo kay Yves." Tumayo si Isla. "Sige na tara na, mag impake na din tayo."
Hindi kona sila pinansin, umakyat ako ng hagdan at nagtungo sa kwarto ko.
Kinuha ko ang malaking maleta ko na nasa ilalim ng kama ko, binuksan ko ito at pinatong sa ibabaw ng kama ko. Nagtungo ako sa closet ko at kumuha doon ng mga damit na dadalhin ko
Nilagay ko iyon sa maleta ko ng maayos, nasa ganoon akong posisyon ng bumukas ang pinto at iniluwal non si Mama na buhat si Quinn.
"Saan punta mo?" Tanong nito
"May contest po kami sa Ilocos." Tugon ko. "Malaki ang prize kaya sasali kami."
"Sorry Anak ah." Malungkot na sabi nito. "Sorry kung naghihirap din kayo."
"Ma, Pamilya tayo natural na magtulungan tayo." Sinara ko ang maleta ko at nilapitan siya. "Wag mong isipin yun, ang mahalaga ngayon ay gumaling si Quinn."
"Ang swerte namin ng Papa n'yo sa inyo." Nakangiting sabi nito
"Maswerte din naman kami sa inyo." Kinuha ko sa kaniya si Quinn. "Diba Quinn?"
Tumango naman ito at ngumuso. "Matagal ka po doon sa malayo?"
"Sandali lang ako, uuwi agad si Ate." Tugon ko. "Papasalubungan ka ni Ate ng favorite mong Mamon."
"Yung malaki po gusto ko." Nakangiting sabi nito. "Hintay kita po ah? Tapos tabi tayo tutulog."
"Gusto mo mamaya tabi tayo eh." Tumango naman ito. "Pakabait ka kay Mama at Papa."
"Opo."
"Sa iyo muna yan, may gagawin lang ako." Singit ni Mama.
"Opo Ma."
Lumabas ng kwarto ko si Mama, ako naman ay naupo sa kama ko at kinandong si Quinn
"Ate, totoo po gagaling ako tapos makakapag-play na ako sa labas?" Tanong ni Quinn
"Oo." Hinaplos ko ang may kahabaan niyang buhok. "Pati si Ate makikipag-play sa'yo."
"Promise po?"
"Opo."
Sinapo nito ang pisngi ko at hinalikan ako sa labi, napangiti na lang ako dahil ang sweet sweet ng bunso namin.
"Ang sweet naman ng mag ate na yan."
"KUYA!" Sabay na sabi namin ni Quinn
Natawa naman si Kuya bago lumapit sa'min, hinalikan niya kaming dalawa ni Quinn sa noo bago naupo sa tabi ko.
"May contest ka daw?" Kinuha niya sa'kin si Quinn. "Gaano katagal yun?"
"Mga ilang araw lang din." Tugon ko
"Mag iingat ka doon, malayo layo din ang Ilocos dito." Sabi nito. "Kapag isang linggo at wala pa kayo pupuntahan na kita."
"Hindi na kailangan Kuya, kaya ko naman ang sarili ko."
"Yun ang usapan Yves." Pinal na sabi nito. "Kapag hindi kapa nakabalik sa loob ng isang linggo ay pupuntahan kita."
"May magagawa pa ba ako? Kaysa hindi mo ako payagan ede Oo na lang." Nakasimangot na sabi ko.
"Nag aalala lang ako, maraming loko ngayon."
"Oo na Kuya kong pangit.."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro