KABANATA DALAWAMPU'T ISA
YVES
"YVES, kumusta na?" Tanong ni Mama
Hanggang ngayon hindi pa rin mag sink in sa utak ko ang mga nangyari. Isang buwan na din magmula ng mangyari ang trahedya at bangungot na iyon. Isang buwan na din akong nalalagi dito sa Hospital dahil sa matagal na paghilom ng mga sugat ko. Ginagamot din ako ng isang therapist dahil sa mga trauma na hindi ko malimutan
"Nailibing na po ba sila?" Tanong ko dito. "Nailibing na po ba sila ng maayos?"
"Oo, Anak." Sagot nito at hinaplos ang buhok ko. "Maayos ang naging libing nila. Pinagtabi-tabi lang namin ang libingan nila."
Tumango lang ako bago muling tumulala sa binata. Nanumbalik muli sa aking mga alaala ang nangyari sa Hotel na iyon
Kung saan natagpuan ko ang mga traydor sa paligid ko, kung saan unti unti akong nalagasan ng mga totoong kaibigan. Pakiramdam ko nga parang kahapon lang nangyari iyon at pakiramdam ko din anumang oras ay may papatay sa akin.
"Anak may bisita ka." Napatingin ako kay Mama. "Maiwan ko muna kayo."
Tumango lang ako at tiningnan ang sinasabi niyang bisita ko. Lumabas si Mama ng kuwarto samantalang umupo naman sa tabi ko ang bisita ko.
"Maayos kana ba?" Tanong nito
Umiling ako. "Hindi kopa kayang tanggapin ang lahat Vance. Nawala si Kate sa akin, nawala si Gio sa akin, nawala si Jax sa akin. Paano ko haharapin ang realidad ngayon kung yung tatlong taong naging kasama ko sa matagal na panahon ay wala na?"
"Pero mas mahihirapan ka kung magkukulong ka sa nakaraan." Pinunasan nito ang luha ko. "Yves, alam kong mahirap tanggapin at mahirap gawin pero unti unti mong kalimutan ang mga nangyari. Isipin mo ang mga taong nandiyan pa para sa iyo. Yves you need to fight okay? Nandito lang ako, sasamahan kita."
Tumango ako bago siya yakapin. "Salamat dahil palagi kang nandito para sa akin."
"Nangako ako kay Jax eh." Sabi nito. "At kahit hindi ako nangako sa kaniya, sasamahan pa rin kita hanggang sa huli."
Dinama ko lang ang init ng pagyayakap namin. Nang magsawa ako ay humiwalay ako at ngumiti sa kaniya
"Nagdala ako ng pagkain sa iyo." Sabi nito at inilabas ang dalawang tupprware. "Luto ni Mama."
Binuksan niya ang tupperware. Kanin at sinigang
"Matitikman kona naman ang luto ni Tita." Nakangiting sabi ko. "Baka masanay na ako niyan ah?"
"Ayos nga yun eh." Sagot nito bago ako subuan
Natawa naman ako at kinain iyon.
**************
OO, hindi madaling kalimutan ang lahat ng nangyari pero tama si Vance. Kailangan kong mag-move forward para sa mga taong nandiyan para sa akin.
Masakit mang tanggapin na wala na ang mga taong naging sandigan ko noo pero kailangan kong tanggapin. Wala man sila sa piling ko pero nananatili sila sa puso ko.
"PSYCHO MENTAL HOSPITAL." Basa ko sa nakasulat na logo sa labas ng gate
"Let's go?" Aya ni Vance na bitbit ang mga dala namin
Tumango naman ako at naunanh pumasok sa loob. Napatingin na lang ako sa mga taong may problema sa isip. May ibang nagsasalita mag isa, may mga parang bata umasta at may mga mukhang bumubuti na ang lagay.
Pumasok kami sa loob at dumiretso sa receptionist.
"Kay Kyla Joison po." Sabi ko dito
"Sumunod po kayo sa akin." Nakangiting sabi nito
Nauna itong naglakad kaya sinundan namin siya. Na-triggered ako dahil may mga sumisigaw. Naaalala ko na naman ang mga sigaw nila–
"Relax." Bulong ni Vance at inakbayan ko
Napatingin ako kay Vance bago tumango. Huminto ang Nurse sa isang pinto. Binuksan niya ito at pumasok, sumunod naman kami ni Vance sa kaniya
Nakita namin siya ni Vance na nasa isang sulok at naglalaro ng barbie mag isa.
"Mabait siya." May itinuro ito. Isang butoon na kulay asul. "Pindutin niyo lang yun kung may problema."
Tumango lang ako. Lumabas ang babae at isinara ang pinto. Nilapag ni Vance ang mga dala namin bago nilapitan ang Mama ni Kate.
"Hi." Nakangiting bati dito ni Vance. "May pasalubong ako, gusto mo ba?"
"Papa!" Masayang tumayo ito at yumakap kay Vance. "Mamon ay C2 po?"
"Oo." Nakangiting sagot ni Vance bago ito alalayan palapit sa amin
"Hi Mama." Kumaway ito sa akin. "Nasaan po si Ate Kate?"
Nagkatinginan naman kami ni Vance.
"Nag-school si Ate mo." Sabi dito ni Kate. "Upo kana para makakain kana."
Parang batang umupo naman habang naghihintay ng pagkain. Kinuha ko naman ang mamon at C2 atsaka ibinigay sa kaniya
"Open po." Sabi nito at inabot sa akin ang Mamon
Kinuha ko naman iyon at binuksan bago iabot sa kaniya, umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan niya
"Sorry po Tita Kyla." Sabi ko dito. "Don't worry ako po munang bahala sa iyo, ako muna po ang mag aalaga sa iyo at makikipaglaro."
"Mama, may barbie po akong bago?" Parang batang tanong nito
"Oo, bumili kami." Kinuha ko yung mga barbie
"Thank you po." Napaluha na lang ako ng yakapin niya ako
Sorry po Tita Kyla. Sorry Kate
Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko nang humiwalay ito sa yakap. "Thank you po Mama ko."
"Gusto mo ba maglaro?" Tanong dito ni Vance. "Maglalaro tayo ng Mama mo."
"Yehey!" Masayang sabi nito
Nauna itong pumunta sa sulok kung saan siya naglalaro kanina.
Inakbayan naman ako ni Vance at dinala sa tabi ni Tita Kyla. Nakipaglaro kami sa kaniya ng barbie kagaya ng hiling ni Kate sa akin.
"I'm sure is proud of you." Sabi nito habang hinahaplos ang buhok ni Tita Kyla na ngayon ay natutulog na
"At masaya din..." Dagdag ko. "Aalagaan ko si Tita Kyla hanggang sa huling hininga ko."
"Katulong mo ako doon." Sabi nito. "Nandito lang ako lagi sa tabi mo Yves."
"Maraming salamat Vance." Ngumiti lang ito
Saglit pa kaming nagtagal doon bago kami umalis. Nag iwan kami ng maraming C2 at mamon kay Tita Kyla para kung sakaling magutom siya ay may kakainin siya.
"Uwi na kita?..." Tanong ni Vance habang nagda-drive. "Kailangan mo pang magpahinga, bukas na lang natin puntahan sila Jax."
Tumango ako. "Feeling ko pagod na pagod din ako ngayong araw kahit wala naman akong ginawa.."
"Normal lang yan." Sabi nito. "Hindi kapa masyadong nag-re-recover kaya ganiyan."
Hindi na ako kumibo hanggang sa huminto kami sa tapat ng gate ng bahay namin.
"Halika nga dito." Tinanggal nito ang seatbelt ko at inilapit ako sa kaniya
"Bakit?" Tanong ko dito
Ngumiti lang ito bago ako yakapin. "You're the most braviest woman that I met Yves."
"Salamat." Tanging naituran ko
Humiwalay ito sa yakap at tinitigan ako. "Ang ganda mo talaga. Liligawan kita."
"Sira." Natatawang hinampas ko siya sa braso
"Seryoso ako, kapag okay kana at nakapag-move forward kana, liligawan kita." Sabi nito. "Sige na, pahinga kana."
"Salamat para sa araw na ito Vance." Nakangiting sabi ko
Ngumiti lang ito bago ako halikan sa noo. "Sige na, baka sa lips pa kita mahalikan."
Natawa lang ako bago bumaba. Bumusina muna si Vance bago mag-drive paalis
Pumasok naman ako sa bahay namin. Agad akong sinalubong ng bunso kong kapatid
Magaling na si Quinn, naoperahan na siya sa tulong ni Vance. I'm so lucky to have him
"Miss kita." Malambing na sabi nito
"Miss din kita." Tugon ko at naupo. Kinandong ko siya. "Nag play kaba?"
"Opo." Tugon nito
Dumating sila Mama. Naupo din ang mga ito at nakangiting tumingin sa akin
"Masaya akong unti unti ka ng bumabalik." Nakangiting sabi ni Kuya
"Thank you po sa inyo." Nakangiting sabi ko
Tumayo kami ni Quinn at niyakap sila. Tama kailangan kong mag-move forward dahil may Pamilya pa akong nagmamahal sa akin..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro