KABANATA DALAWAMPU
YVES
NANG magising ako ay malawak na liwanag ang bumungad sa akin. Sobrang sakit sa mata kaya pumikit pikit pa ako para makapag adjust
Nang maayos kona ang paningin ko ay inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Nasa rooftop ako
Akmang gagalaw ako pero hindi natuloy dahil napagtanto kong nakatali ako sa upuan na naka-puwesto sa dulo ng rooftop.
"Gising na pala ang Prinsesa." Napalingon ako sa nagsalita
Si Piper. May hawak itong kutsilyo. Tama si Piper ang killer.
"Baka hinahanap mo ang mga Prinsipe mo." Tumuro ito gamit ang kutsilyo niya. "Ayon sila. Naghihingalo na."
Napatingin ako sa gilid ko. Nakita ko doon si Jax at Vance na nakatali din sa upuan sa dulo ng rooftop
"Piper wag mong gawin ito." Sabi ko dito. "Puwede ka pang magbago, pakawalan mona kami."
"Wag kang magpatawa." Tumawa ito ng sobrang lakas habang naglalakad palapit sa akin. "I'm born to be like this kaya hindi ako magbabago. Killing is fun Yves. Blood is the most yummiest drink in the world."
"Baliw kana talaga." Sabi ko dito
Nililibang ko siya dahil sinusubukan kong kumawala sa lubid na nakatali sa akin.
"Yes, I'm crazy." Nakangising sabi nito
Halos takasan ako ng kaluluwa ko nang hawakan niya ako sa kuwelyo at i-bend ang upuan ko. Kapag binitawan niya ako ay tuluyan na akong malalaglag
"Nasa baba ang Pamilya mo." Nakangising sabi nito. "Ano kayang reaksiyon nila kapag pinanood ko sa kanila kung paano ka lumipad?"
Tinagilid ko ang ulo ko at sumilip sa ibaba. Halos malula ako dahil sa sobrang taas. May natatanaw din akong mga tao at mga ilaw na siguradong sa police car nanggagaling.
"AHHHH!" Napasigaw ako sa takot nang pabiro niya akong bitawan
Kumabog ang puso ko at pakiramdam ko ay tinakasan na ako ng dugo sa katawan
"Just kidding." Tumawa ito bago iayos ulit ang puwesto ko. "Before you die, watch me first to fvck that two prince of yours."
Lumayo ito sa akin at naglakad palapit kila Jax na wala pa ring malay. Lalo ko namang pinilit tanggalin ang tali sa kamay ko
Hindi puwedeng tumunganga lang ako dito.
Nilapitan ni Piper si Jax at Vance, parehas niya itong hinalikan sa labi. Lumingon ito sa akin at ngumisi.
Lumuhod ito at akmang tatanggalin ang pants ni Vance pero hindi natuloy dahil bigla siyang tumalsik
"VANCE!" Sigaw ko dahil bigla na lang siyang tumayo sapo ang tagiliran niyang nagdurugo
"Hindi ako papayag na ikaw ang kumuha ng Virginity ko!" Singhal nito kay Isla bago pulutin ang kutsilyong naibagsak ni Piper
Pinutol niya ang tali ni Jax na sakto namang nagising. Iika ika itong tumayo bago lumingon sa akin
Ang dami nilang sugat, mukhang nakipaglaban sila kay Piper bago humantong sa ganito
"Nice." Nakangising tumayo si Piper. "Yan ang gusto ko sa mga lalaki. Mga palaban, buti na lang ako ang natira sa amin ni Isla. Tanga pa naman yun."
"Jax, kunin mo si Yves, ako ng bahala sa kaniya." Utos ni Vance kay Jax. "Bilis!"
"Bawal!" Humarang ito sa daraanan ni Jax. "Manonood lang siya sa atin."
Mabilis na sinipa ni Piper si Jax sa dibdib na agad tumalsik. Napahiga naman ito at napaubo, hindi ito nakatayo dahil siguro sa panghihina.
Sunod niyang binalingan si Vance. Eksperti itong yumuki at piniga ang sugat ni Vance. Napahiga naman si Vance at napahiyaw sa sakit
"Weak." Sabi ni Piper at tinapakan ang sugat ni Vance
Napaigting na lang ako ng panga nang matanggal ang tali ko. Mabilis kong dinampot ang tubo na nakita ko at lumapit sa kanila
Akmang hahampasin ko si Piper pero bigla itong lumingon. Hinawakan nito ang tubong ihahampas ko sa kaniya at inagaw. Hinampas niya ito sa tiyan ko kaya napahiga ako at sinapo ang tiyan ko
Napasuka din ako ng dugo dahil sa lakas ng pagkakahampas niya.
Hinawakan ni Piper ang buhok ki at hinila ako patayo. "SABI KO PANOORIN MO LANG KAMI DIBA!?"
Galit na sinipa niya ako tagiliran. Napapikit na lang ako sa sakit. Hinila ulit nito ang buhok ko patayo bago ako kaladkarin
Napatingin na lang ako kila Vance na pinipipit tumayo. Napaluha na lang ako dahil mukhang hindi na talaga kami makakauwi sa Pamilya namin.
"IPAPANOOD KO SA LAHAT KUNG PAANO KA LUMIPAD!" Galit na sigaw ni Piper at inilagay ako sa dulo ng building
"Parehas na lang tayong mamatay!" Itinusok ko sa tagiliran niya ang kutsilyong napulot ko
Pinagpalit ko ang pumwesto namin at siya ang itinulak pero nahagip niya ang paa ko kaya pareho kaming nahulog. Mabuti na lamang ay nakakapit ako para hindi tuluyang mahulog kaso nga lang ay nakakapit din si Piper sa paa ko
"Isasama kita." Nakangising sabi nito
Napatingin na lang ako sa kamay ko na pabitaw na dahil hindi kona makayanan ang bigat namin.
Sinubukan kong sipain siya pero lalo lang humigpit ang pagkakakapit niya sa paa ko.
Napapikit na lang ako kasabay nang pagtulo ng mga luha ko nang tuluyan ng bumigay ang mga kamay ko.
Ngunit hindi ko inaasahan na may hahawak doon. Pagtingin ko ay nakita ko si Vance na halatang hirap na hirap na hawakan ako.
Nasa paanan ko pa rin si Isla na pilit akong hinihila para malaglag sa building.
"Kumapit ka lang Yves." Hirap na hirap na sabi nito
Napatingin ako sa gilid niya nang biglang lumitaw si Jax.
"Thank you for everything Yves." Nakangiting sabi nito. "You need to survive. I love you."
Bago pa ako maka-react ay nakatalon na siya. Parang slow mo lahat ng nangyari. Hinampas niya ang mga kamay ni Piper na nakahawak sa paanan ko at isinama ito sa pagbagsak niya
"JAX!" Umiiyak kong sigaw. "HINDI! JAX!"
Naramdaman ko ang paghila sa akin ni Vance. Nang maiakyat niya ako ay muli akong tumingin sa ibaba. Kita dito na nagkakagulo ang mga tao
"JAX!" Umiiyak kong sigaw. "HINDI PUWEDE!"
"Yves." Naramdaman kong may yumakap sa akin. "Shhhh."
"Si Jax." Umiiyak na sambit ko
"He's your hero." Sabi nito.
Hindi kona alam pa ang mga sumunod na nangyari dahil unti unti na akong nilamon ng kadiliman
Kate, Gio, Jax...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro