KABANATA DALAWA
YVES
"MAG IINGAT ka doon." Bilin ni Papa. "Tumawag ka din kung nakarating na kayo."
"Opo Papa." Tugon ko. "Mag ingat din ho kayo dito, pati na rin sa trabaho mo."
"Yung usapan natin Yves." Paalala ni Kuya Yvo. "Sige na."
"Opo, sige na." Nilapitan ko si Quinn na tulog at hinalikan sa pisngi. "Hintayin mo ako Quinn."
"Mag iingat ka Anak." Naluluhang sabi ni Mama. "Ngayon pa lang proud na ako sa'yo."
Nginitian ko lang si Mama, tinalikuran ko sila at agad pumasok sa Van na sasakyan namin.
"Oh right, driver Gio lez go!" Hyper na sabi ni Piper na nasa front seat. "Bilis!"
"Ang ingay mong babae ka!" Iritang sabi dito ni Gio bago paandarin ang sasakyan.
Sana manalo kami, o kaya kahit man lang mag-second kami. Malaki na din naman ang prize
"Wag kang mag alala, mananalo tayo." Nakangiting sabi ni Jax na katabi ko. "Tiwala lang."
Hinawakan nito ang kamay ko pero agad ko iyong binawi.
"Ang creepy mo, tumitira kaba?" Seryosong tanong ko dito. "Tigilan mo yan, ipapatokhang kita."
"Napaka-suplada mo." Nakasimangot na sabi nito. "Ang hirap mong pormahan."
"Tsk."
Sumandal ako sa kinauupuan ko at pumikit, natulog lang ako buong biyahe dahil wala naman akong gagawin.
"Yves." Nagising ako dahil sa yugyog ng kung sino. "Nandito na tayo."
Nilibot ko ang paningin ko at kaming dalawa na lang ni Jax ang nasa loob ng Van.
Tahimik lang akong tumayo, kinuha ko ang gamit ko sa paahan at lumabas ng Van.
Napatingala ako sa isang magandang Hotel na nasa harapan ko.
'GO HOTEL'
"Nasa loob na sila." Sabi ni Jax na kabababa lang ng Van. "Halika na."
Nauna itong maglakad, sumunod na lang habang hila ang maleta ko. Malapit na ako sa Entrance pero may kung sinong bumunggo sa'kin.
"The fvck!? Are you fvcking blind!?" Iritang tanong nito
Napaangat naman ang tingin ko dito, isang matangkad na lalaking kulot ang buhok at moreno ang kulay
"Look, you ruined my phone!" Galit na sabi nito.
"Ikaw na ang bumangga tapos ikaw pa ang galit." Sita ko dito. "Ang bobo mo."
"Hindi mo ba ako kilala?" Maangas na tanong nito
Pinaling ko naman ang ulo ko at sinuri ang muka niya. "Hindi."
Binangga ko ang balikat niya at nilagpasan siya, malamig na hangin galing sa aircon agad ang sumalubong sa'kin nang makapasok ako sa loob ng Hotel.
"Ang tagal mo naman." Bungad sakin ni Kate
"May nangyari lang sa labas." Sagot ko. "Ano ng gagawin na'tin?"
"Wait na lang na'tin si Gio at Piper, kinuha nila ang susi ng tutuluyan na'tin." Sagot nito
Tumango lang ako bago ilinga ang paningin ko, huminto ang paningin ko sa isang Grupo ng kalalakihan na medyo malapit sa'min, kabilang sa kanila yung Kulot na mayabang.
Tumingin sa'kin yung Kulot, ngumisi ito bago naglakad palapit sa gawi namin, sumunod naman sa kaniya ang mga kasama niya.
"Ikaw yung mayabang na babae kanina." Nakangising sabi nito.
"At ikaw yung tangang lalaki." Walang emosyong sabi ko
"You know what bayaran mo ako." Naglahad ito ng kamay. "Nabasag ang cellphone ko dahil sa'yo kaya bayaran mo ako."
"Hindi ko alam na pwede ng isisi ang katangahan sa ibang tao." Tinaasan ko siya ng isang kilay. "O baka modus mona yan?"
Napatiim bagang naman ito.
"Barb." May tumapik sa balikat niya. "Enough."
"No Vance, ang yabang ng babae na yan eh." Dinuro ako nitong si Barb.
"Wag mong dinuduro ang kaibigan ko!" Hinuli ni Jax ang daliri nito at kinwelyuhan itong si Barb. "Tangina Pre, anong gusto mong mangyari?"
"Jax." Saway ko dito. "Bitawan mona."
Gigil naman nitong binitawan si Barb.
"Sorry." Sabi nitong Vance
Matangkad ito, singkit ang mga mata at halatang may lahi.
"What's happening here?" Napalingon kaming lahat sa nagsalita.
"Nakuha n'yo na ang susi?" Tanong ko kay Piper. Tumango naman ito. "Halika na."
"May araw ka din sa'kin." Banta nung Barb.
Akmang papatulan pa ito ni Jax pero agad kona itong hinila palayo doon.
"Anong ganap doon?" Tanong ni Gio ng makasay kami ng elevator. "Away?"
"Ang yabang nung kulot na yun eh." Pikong sagot ni Jax. "Balak pa atang banatan si Yves."
"Mukang mananayaw din sila." Sabi ni Isla. "Talunin na lang na'tin para mabawasan ang kayabangan."
"Ilalampaso ko talaga ang mayabang na yun." Sabi ni Jax
"Nandito tayo para sa contest okay? Wag n'yo ng patulan." Singit ko sa usapan nila. "Mag-focus tayo sa contest."
Hindi sila kumibo.
Bumukas ang Elevator kaya lumabas na kami, naunang maglakad si Piper at Gio na agad naman naming sinundan.
Room 307
"Yayamanin!" Agad tumalon paupo si Kate sa upuan. "Gosh!"
"My dream hotel." OA na sabi ni Gio. "Dito na lang ako forever."
"Sige, ibabaon kana namin dito." Sabi sa kaniya ni Jax.
"Ilang kwarto ang mayroon dito?" Tanong ko
"Tatlo, bale tigda-dalawa bawat kwarto." Sagot ni Piper. "Si Jax at Gio ang magkatabi, ang katabi ko naman ay si Kate, samantalang kayo ni Isla sa isang kwarto."
Napatango ako. "Yung competition kailan?"
"Bukas ay simula na kaso mamimili pa lang sila ng sampong grupo na papasok sa Grand Finals then yung hindi mapipili ay uuwi na." Si Kate ang sumagot.
"Galingan na'tin, ayoko pang umuwi." Sabi ni Gio
"Ang Unang sayaw na'tin ay yung remix na ginawa ko." Sabi ni Jax. "Sigurado namang mapapasok tayo doon kasi nanalo tayo sa sayaw natin na yun."
"Pero hindi dapat tayo pakampante, siguradong magagaling ang mga makakalaban na'tin." Sabi ni Isla.
"Tama si Isla." Sambit ko. "Sige, magpahinga muna kayo at mamaya ay practice na'tin."
"Anong pahinga?" Ngumisi si Gio bago tumayo. "Lilibutin ko itong Hotel, bahala kayo diyan."
Dali dali itong lumabas ng Hotel.
"Yosi lang ako." Sabi ni Jax at lumabas din ng Hotel
"Sa kwarto muna ako." Paalam ko at tumayo
Dumiretso ako sa magiging kwarto namin ni Isla dala ang gamit ko. Nagtungo ako sa malaking bintana ng kwarto at sumilip sa labas.
Hapon na at kita dito ang paglubog ng araw.
Kinuha ko ang cellphone ko at agad tinawagan si Mama.
"Hello Anak? Kamusta?" Tanong agad nito
"Nakarating na po kami." Sagot ko dito. "Wag na po kayong mag alala."
"Sig–tinggggg."
Nailayo ko ang cellphone ko sa tenga dahil sa matinis na tunog bigla na lang tumunog, kasabay non ay ang pagkapatay ng tawag.
Sinubukan ko ulit tawagan ang number ni Mama pero wala ng signal.
"Anong nangyari?" Takang tanong ko
Tinaas ko pa ang cellphone ko para maghagilap ng signal pero wala talaga.
"Badtrip amp!"
Tinago kona lang ang cellphone ko, binuksan ko ang bintana ng kaunti at sumilip sa ibaba.
Nakakalula..
Tumingin lang ako sa araw na palubog pero napalinga linga ako sa labas dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa'kin.
Nagtaasan ang mga balahibo ko kaya mabilis kong sinara ang bintana at naupo sa kama ko.
Saktong bumukas ang pinto at iniluwal non si Isla.
"Anong nangyari?" Tanong nito. "Btw, nawalan ng signal, lumabas na din ako pero wala pa rin."
"Oo nga, naputol yung tawag ni Mama." Tugon ko
"Sinabi kona naman sa Staff at aayusin naman daw nila."
Tumango na lang ako bago nahiga sa kama.
"You know what, hindi maganda ang pakiramdam ko sa Hotel na ito." Sabi ni Isla at naupo sa tabi ko. "Parang ang creepy."
"Kababasa mo yan ng kung ano ano." Sambit ko ito
"May kwento kasi dito, last year daw ay may pinatay ditong magbabarkada." Kwento nito. "At hindi nahuli ang Killer, tanging Papel lang ang iniwan nito. Papel na may nakasulat na 'DEATH NOTE."
"Last year pa yun kaya wala na yun." Sabi ko dito. "Kung ano anong sinasabi mo, bahala ka kapag minulto ka."
"Wala namang ganyanan!" Hinampas nito ang braso ko na ikinatawa ko lang.
Pero ang totoo ay hindi ako mapalagay sa sinabi niya, parang biglang bumigat ang loob ko at pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi kanais nais dito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro