KABANATA APAT
YVES
"AYOS NA BA ANG LAHAT?" Tanong ko nang makalabas ako ng kwarto.
Suot namin ang lagi naming sinusuot tuwing may competiton kaming sasalihin. Isang pulang longsleeves na croptop ang suot naming mga babae at cargo black pants naman sa ibaba. Sila Jax at Gio naman ay naka-sando na pula at cargo pants na put.
"Ready na kami." Sabi ni Isla at ngumiti. "Halika na."
Lumabas kami ng Hotel room at nagtungo sa Elevator. Pinindot ni Jax ang second floor kung saan gaganapin ang competition
"Galingan na'tin." Sabi ni Isla
"Yes." Pumalakpak si Gio. "Para sa'ting lahat at para kay Quinn!"
"Kahit hindi tayo manalo ang mahlaga binigay natin ang best natin." Sabi ko. "Enjoy lang tayo."
"Tama."
Bumukas ang Elevator kaya lumabas na kami, nagtungo kami sa isang pinto at pumasok doon. Bumungad sa'min ang maraming grupo ng mananayaw, may stage din sa harap.
"Umuwi na lang kayo, siguradong matatalo lang kayo." Nandito na naman siya, ang bobong mayabang na si Boy Kulot
"Barb." Sita dito ni Vance
"Easy Leader." Tinaas nito ang dalawang kamay niya na animong sumusuko. "Nagsasabi lang ako ng totoo."
"Wag kang mayabang, baka ilampaso ka lang namin." Maangas na sabi dito ni Gio
"Gio, tama na." Saway ko dito. "At ikaw na kulot ka, tigilan mona kami."
"What a loser." Sabi lang nito bago umalis.
"Pasensiya na ulit." Sabi ni Vance
Tumango lang ako sa kaniya, sinundan nito ang mga kasamahan niyang nauna na.
"ATTENTION EVERYONE." Nabaling sa stage ang paningin namin ng may magsalita. "FIRST OF ALL THANK YOU FOR COMING HERE AND FOR JOINING TO OUR CONTEST, LALO NA SA MGA NANGGALING PA SA MALAYO."
"HINDI KONA PATATAGALIN PA, WE WILL CHOOSE TEN PARTICIPANTS ONLY FOR GRAND FINALS, KAYA GALINGAN N'YO. SA MGA HINDI MAPIPILI NAMAN AY MAKAKATANGGAP PA DIN KAYO NG CONSOLATION PRICE KAYA DON'T WORRY." Dagdag pa nito. "OKAY LET'S START. FOR OUR FIRST GROUP PLEASE WELCOME, THE DIAMOND KING."
Pumalakpak ang mga tao kasabay non ang pag akyat ng grupo nila Vance sa stage.
Diamond King huh?
Lima silang lalaki at lahat naman ay may itsura pero iba pa rin ang datingan ni Vance, mas malakas ang dating niya at siya lang ata ang mabait sa kanila.
Nagsimula ng tumugtog at kasabay non ang paggalaw ng katawan nila. Sabay sabay silang lima at masasabi kong para silang professional.
Tumingin sa gawi ko si Barb at ngumisi ng mayabang, nginisihan ko siya pabalik bago taasan ng gitnang daliri.
Ang yabang yabang!
Nagpalakpakan ang lahat nang matapos sila.
"THAT WAS INTENSE." Sabi ng Emcee. "OKAY FOR OUR SECOND PARTICIPANT, PLEASE WELCOME EVES GROUP."
Kami na yun
Umakyat kami sa stage at pumwesto.
"BOO!! TALO LANG KAYO!" Sigaw ni Barb pero hindi na lang namin pinansin.
Nagsimula ng tumugtog ang kanta, agad kaming gumalaw na ikinapalakpak ng mga tao.
Tiningnan ko si Barb at nginisihan, kita ko naman ang pagkapikon nito bago mag-walk out.
Nang matapos ang sayaw namin ay bumaba kami ng stage.
"Ang galing n'yo." Puri ni Vance. "Solid ang galawan."
"Salamat." Tugon ko lang
"C.R lang ako." Paalam ni Gio na ikinatango ko lang
Nanood lang kami ng mga contestants pa, kung ako ang magiging judges ay mahihirapan akong pumili.
Nag-focus lang ako sa panonood pero hindi ko–namin inaasahan ang sumunod na nangyari.
"KYAHHH!!!" Takot na sigaw ni Isla at yumakap sa'kin.
May bumagsak galing sa itaas at kung hindi ako nagkakamali ay si Barb yun.
Nagkagulo ang mga tao at nagkaniya-kaniya ng takbo palabas samantalang kami ay naestatwa na lang at hindi alam ang gagawin.
"BARB!" Sigaw ni Vance ng makabawi sa pagkagulat
Nilapitan nila si Barb na nakahandusay sa gitna ng stage.
"Kate, ikaw na munang bahala kay Isla." Sabi ko
Hiniwalay ko si Isla sa'kin at lumapit kila Vance. Napahawak ako sa bibig ko ng makita ang wakwak na lalamunan ni Barb, dilat ang mga mata nito at nakalawit ang dila.
"Patay na siya." Sabi ng isang kasamahan nila. "Patay na si Barb!"
Tumayo ito at agad ding tumakbo palabas.
May napansin akong papel na nakaipit sa dibdib nito, agad ko naman iyong kinuha at binuklat
'DEATH NOTE'
VICTIM NUMBER ONE
Wala sa sariling napalinga linga ako. Bakit may ganito? Anong Death Note?
"Anong meron? Bakit nagkakagulo ang mga tao?" Tanong ng kadadating lang na si Gio
"Gio, bakit may dugo ang pants mo?" Tanong dito ni Piper. "Wag mong sabihing..."
Napalayo sila kay Gio na takang taka namang napatingin sa Cargo pants niyang puti na nababalutan na ng dugo.
"Teka, hindi ko alam." Sabi nito. "Tangina, bakit ako may dugo!?"
"Pinatay mo si Barb!" Galit siyang sinugod ni Vance at sinapak. "Pinatay mo siya!"
"Teka!" Tinulak nito si Vance. "Anong pinatay? Wala akong pinapatay!"
"Wag ka ng magmaang-maangan." Tinuro ni Vance si Barb na wala ng buhay. "Ikaw ang pumatay sa kaniya."
Nanlaki naman ang mga mata ni Gio at napapaatras na tinuro ang katawan ni Barb
"May patay!" Tarantang sabi nito. "Bakit may patay diyan?"
"Gio, saan ka galing?" Mariing tanong ko dito
"Nag-CR." Sagot nito. "Yun lang talaga, maniwala kayo wala akong pinapatay."
"Bakit may dugo ang pants mo?" Tanong naman dito ni Kate
"Hindi ko alam, basta wala akong alam." Tugon nito. "Pero kanina nakita ko si Barb, paakyat ng third floor sa fire exit."
"Wag ka ng magkaila, kitang kita na ang ebidensiya." Nilapitan ito ni Vance at hinila sa kwelyo. "Mark, tumawag ka ng Pulis."
"Teka!" Tumingin sa'kin si Gio. "Yves, kilala mo ako mula pagkabata. Wala akong kasalanan."
"Sandali lang." Nilapitan ko sila. "Vance, baka nagkakamali lang tayo. Hintayin muna natin ang mga Pulis."
"Vance, walang signal hindi ako makatawag." Sabi nung Mark. "Mabuti pa lumabas na tayo ng Ho–"
"–Vance!" Biglang pumasok ang kasama nilang tumakbo kanina. "Naka-lock ang Hotel, tiningnan ko lahat ng labasan pero ayaw bumukas ng mga pinto."
Hindi na tama ang mga nangyayari.
"Normal pa ba ito?" Tanong ni Jax. "May hindi magandang nangyayari, parang sinadya ang lahat."
Magsasalita pa sana ako pero tumunog ang cellphone ko–cellphone naming lahat.
Nagkatinginan naman kami, kinuha ko ang cellphone ko at agad sinagot ang tawag.
"H-Hello?"
"I will start my game now." Hindi ko alam kung lalaki siya o babae dahil parang gumagamit siya ng voice changer. "Just ready your phone my dear, ang matatawagan ang susunod."
"Susunod? Sino 'to?"
"Just call me Death Note.."
Namatay ang tawag at kasabay non ang pagkawala ng signal.
Death Note....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro