KABANATA ANIM
GIO
PUMASOK AKO sa isang room para magtago dahil hinihingal na ako. Ayaw akong tantanan ng gagong Unggoy na yun
Napatakip ako sa bibig ko ng marinig ko ang pagpasok nito sa kwarto.
Nakatago ako dito sa isang kurtina, kailangan mag ingat ako dahil siguradong isang galaw ko lang ay patay na ako.
Pinakiramdaman ko pa ang galaw nito, maya maya pa ay narinig kong sumara ang pinto. Agad naman akong napahinga ng malalim at agad lumabas sa pinagtataguan ko.
Akmang hahawakan kona ang doorknob ng pinto para makalabas pero natigilan ako ng may kutsilyong bumaon sa balikat ko mula sa likuran.
"Papatayin kita!" Nakangising sabi ni Unggoy bago hugutin ang kutsilyo.
"Gago!" Sinipa ko ito sa tiyan
Kinuha ko ang lampshade sa gilid at hinampas sa kaniya pero mabilis siyang nakailag. Sinuntok ako nito sa mukha kaya napahiga ako
Akmang tatayo ako per may kung anong matigas na tumama sa ulo ko, nandilim ang paningin ko hanggang sa tuluyan akong lamunin ng dilim
YVES
"NAKA-LOCK DIN." Sabi ni Jax matapos buksan ang pinto sa likuran.
"Sirain kaya natin?" Suggest ko
"Bomba ang kailangan para masira ang pinto sa Hotel na ito." Sabi ni Vance. "Hindi basta basta ang mga gamit dito kaya hindi natin masisira ang pinto gamit lang ang kung ano."
"Tanginang Hotel 'to." Banas na sabi ko.
"Mabuti pa balikan na natin sila." Sabi ni Jax.
Tumango na lang kami bago maglakad paalis doon. Nasa kalagitnaan kami ng hallway nang biglang mamatay ang ilaw
Napakapit ako sa kung sino dahil wala akong makita.
Kinapa ko ang cellphone ko at nang makita ko ito ay agad kong binuksan ang flashlight nito.
"Saan na tayo?" Tanong ko
"Pupuntahan ko ang power room ng hotel." Sabi ni Vance. "Kayong dalawa na muna ang bumalik sa kanila."
"Sige, mag iingat ko."
Ngumiti lang ito ng tipid bago umalis, naramdaman ko naman ang paghawak ni Jax sa balikat ko.
"Tara na." Aya nito
Hinawakan niya ang kamay ko na pinabayaan kona lang.
Nasa gitna kami ng paglalakad nang bigla na lang may sumulpot na tao, nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa gulat.
"Tangina!" Mura ni Jax dito. "Ano bang problema mo!?"
Isa ito sa mga kaibigan ni Vance na hindi ko pa alam ang pangalan.
"Nasaan si Vance?" Tanong nito
"Pinuntahan ang Power room." Sagot ni Jax dito. "Ikaw? Diba sinabi namin na wag kayong aalis doon?"
Hindi kona sila pinansin, nilapitan ko ang cellphone kong nasa lapag at pinulot.
"Patay na si Mark, nakatanggap siya ng tawag kanina." Sabi nito. "Si Tim din wala na."
"Ang mga kaibigan namin, nasaan?" Tanong ko dito.
Nagkibit balikat ito bago ngumisi. "Basta ang alam ko, sinunod ko yung isang lalaki kay Tim."
"Anong..."
Mabilis akong hinila ni Jax ng biglang sumugod sa'kin itong kaibigan nila Vance na may hawak na kutsilyo.
"Yves, takbo!" Sabi ni Jax
"Hindi kita iiwan dito." Umiling iling pa ako.
"Mamatay kayong dalawa!" Sumugod sa'min yung lalaki na agad namang nahawakan ni Jax sa kamay.
"Yves, takbo!"
Imbis na sundin siya ay naghanap ako ng pwedeng magamit para ipanghampas sa lalaking yun. Binuksan ko ang pintong nasa tabi namin at pumasok doon.
Ginala ko ang flashlight ko at huminto ito sa isang baseball bat, agad ko namang kinuha yun at lumabas ulit.
Nadatnan kong nakapatong kay Jax ang lalaki at pilit siyang sinasaksak, agad ko naman itong hinampas sa ulo na ikinabagsak nito.
Tinulak ito ni Jax paalis sa ibabaw niya at hingal na hingal na hinarap ako.
"Tigas ng ulo mo." Tumayo ito at hinawakan sa kamay ang lalaki
Kinaladkad niya ito papasok sa pinasukan kong kwarto, sinara niya ang pinto at hinarap ako.
"Kailangan na natin silang makita." Sabi nito at kinuha sa'kin ang baseball bat. "Mas mahihirapan tayo kapag dumilim."
Alas tres pa lang naman pero kahit ganoon ay madilim pa rin sa hotel dahil nawalan ng ilaw, may kaunti mang liwanag na nanggagaling sa labas pero kailangan pa din naming gumamit ng flashlight.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko dito
"Malakas ako Yves." Tugon lang nito at naunang maglakad
Agad ko naman siyang sinundan. Nagtungo kami sa fire exit at bumaba ng second floor.
Saktong pagbukas ni Jax ng pinto ay ang paglitaw nila Kate, muntik na silang mahampas ng baseball bat.
"Jax!" Agad yumakap si Kate at Isla sa kaniya.
"Mabuti ayos lang kayo." Sabi dito ni Jax
Humiwalay sa yakap ang dalawa at nilapitan ako.
"Nasaan si Piper?" Tanong ko sa kanila
"Humiwalay siya, hinanap niya si Gio." Tugon ni Isla. "Yung isang kaibigan ni Vance, pinatay niya si Tim at gusto niya kaming isunod dahil nakatanggap siya ng tawag."
"Sinugod niya nga kami kanina." Kwento ko. "Pero wag kayong mag alala wala na siyang malay."
"Mabuti pa hanapin na natin sila Piper." Sabi ni Isla na agad naming sinang ayunan.
PIPER
GIO NASAAN kana ba? Pakiusap tuparin mo ang promise mo na hindi ka mamamatay
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero napatigil ako ng may natanggap akong text.
FROM: UNKNOWN
I'm watching you
Nanginginig na naibaba ko naman ang cellphone ko at nagpalinga linga sa paligid pero walang tao.
"Kyahh!!!!" Tili ko ng may humawak sa balikat. "Wahhhh!!!!"
"Hoy, Piper!"
Napatigil naman ako at napatingin sa nagsalita, agad ko itong niyakap ng mahigpit.
"Gio."
"Nasaan sila Kate?" Tanong nito. "Bakit mag isa ka lang?"
"Hinanap kita." Humiwalay ako sa yakap. "Napano ka? Bakit may pasa ka?"
"Ayos lang ako." Sabi lang nito. "Ikaw, matigas ang ulo mo, sinabing sama sama lang kayo eh."
Napatingin ako sa braso nitong maraming dugo.
"Gio, hindi ka maayos." Hinawakan ko siya sa kamay.
Binuksan ko ang pinto sa tabi namin na agad namang bumukas, buti na lang hindi naka-lock. Hinila ko papasok doon si Gio at pinaupo sa kama.
"May sugat ka." Sabi ko dito. "Gagamutin ko muna yan."
"Ayos lang ako, ang mahalaga ngayon ay mahanap natin sila."
Hindi ko siya pinansin, nangalkal ako sa drawer at may nakita akong betadine at bulak. Pumwesto ako sa likuran ni Gio at agad ginamot ang sugat niya
Malalim ang sugat niya at kailangang tahiin pero wala akong gamit kaya patitigilin kona lang muna ang pagdurugo.
Pinunit ko ang kumot at pinantali sa sugat niya..
"Kailangan natin makapunta sa Clinic dito, kailangang matahi ng sugat mo." Sabi ko dito
"Hanapin muna natin sila." Tumayo ito. "Malapit ng dumilim, kailangang sama sama tayo."
"Kaya mo ba?" Alalang tanong ko dito
Ngumiti ito at inakbayan ako. "Malakas kaya ako atsaka nandiyan ka naman para sa'kin."
"Hindi kita pababayaan Gio, akong bahala sayo Pogi."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro