HULING KABANATA
YVES
"HAPPY BIRTHDAY YVES!" Bati ng lahat sa akin nang makarating ako sa cottage namin
Lumapit sa akin si Mama na bitbit ang cake. "Blow your candle now."
Nag-wish muna ako bago ito hipan. Nagpalakpakan ang lahat matapos kong hipan ang kandila.
Nasa isang resort kami at cine-celebrate ang aking 24th Birthday. In the past years masasabi kong I'm totally fine.
"Happy Birthday Love." Lumapit sa akin si Vance na may dalang bulaklak. "I love you."
"Ayieeee." Tukso ng lahat na ikinatawa lang namin ni Vance
"Ano pang hinihintay natin? Kainan na." Masayang sabi ni Tita Vina
"Mamaya na po kami." Hinawakan ni Vance ang kamay ko. "May ipapakita lang po ako sa girlfriend ko."
"Sige, mag iingat kayo." Bilin ni Papa
Hinila ako ni Vance patungo sa mabatong bahagi ng daan. Umakyat kami sa matatayog na batuhan. Kitang kita dito ang malawak na dagat na may malalaking alon, kitang kita din ang araw na papalubog na.
"Happy Birthday love." Kinuha nito sa akin ang bulaklak at ibinaba. "Puwede ba kitang maisayaw?"
Tinanggap ko naman ang kamay niya. Inilagay niya ang braso sa dalawang beywang ko. Yung mga kamay ko naman ay ikinawit ko sa batok niya
"You're beautiful as always." Nakangiting sabi nito
"Thank you Handsome." Sabi ko
Ngumiti ito bago ilapit ang mukha niya sa akin. Ilang sandali lang ay nagtagpo ang labi namin na agad ko namang tinugunan
"I love you." Sabi nito nang maghiwalay ang labi namin
"I love you Vance, maraming salamat." Nakangiting sabi ko
Bahagya itong lumayo sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan ako paupo sa dulo kung saan nakatanaw kaming dalawa sa araw na palubog na.
Umakbay ito sa akin kaya isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.
"Mahal mo naman ako pero bakit mo ginawa iyon?" Nagsalita ito. "Kahit na nagawa mo iyon ay hindi ko magawang magalit sa iyo."
Dahan dahan akong lumingon sa kaniya. Kitang kita ko ang unti unting paglalaho ng katawan niya
Nginitian ko siya ng matamis. "Because I'm not the real Yves. Ten years ng patay si Yves."
Ngumiti ito ng malungkot bago tuluyang maglaho. Napatingin ulit ako sa sunset
Then I remember that I'm the one who killed them, I'm the one who killed my Family and I'm the one who killed Vance.
I'm the real killer and I'm not the true Yves. Matagal ng patay si Yves at ginagamit ko lang ang mukha niya ngayon para maitago ang tunay na ako.
I'm happy because I fooled them. I'm satisfied because I play their heart again.
Piper and Isla is just a bait. Uto uto lang ang magkapatid na iyon na madali kong napasunod. Buti na lang at pinatay siya ni Jax bago pa ako mabuko.
And that fool Vance? Pinatay ko siya dito mismo sa puwestong ito noong kaarawan niya. Sinunod ko din ang buong Pamilya ni Yves. I don't know why pero kahit matagal ko silang nakasama ay hindi ako naawa. I'm such a heartless human
"YVES!" Napalingon ako sa sumigaw. "KANINA KAPA DIYAN! HALIKA NA!"
Nakangiting tumayo ako bago lumapit sa mga bagong kaibigan ko. Panibagong grupo na naman ang mamamatay sa mga kamay ko.
I will surely that I will give them a very exciting game.
I'm not Yves, I'm Death Note the Caller....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro