Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE

Epilogue
~6.6 words.

Author's Note:

Maraming maraming salamat sa pagsubaybay sa Call Me Baby mula sa simula hanggang sa dulo. Kung wala kayong mga minamahal kong readers na sumusuporta sa CMB, hindi tayo aabot kung nasaan tayo ngayon.

Para sa inyong lahat na nagmamahal sa ChanBaek ko inaalay ang last part na ito! Alam kong may inaabangan kayong eksena dito, at pinauunahan ko na pong ito ay Rated PG lang magmula pa nung una hanggang sa huli kaya hindi siya nakasulat nang detalyado. Alam kong nagkakaintindihan na tayo dito!

Ang BS ay isusulat ko sa English version gaya ng sa TSCS, kaya abangan niyo sa libro kong EXO OTP's One Shots Collection dahil dun ko siya ilalagay.

Salamat. Mahal na mahal ko kayo!

*****

Hingang malalim.

Pikit.

Lunok.

Dilat.

Exhale.

Ito na ang araw na pinakahihintay ni Chanyeol, ang araw kung kailan sila ikakasal ni Baekhyun. Hindi niya inaasahan na mapapaaga ang kasal nila na dapat sa isang taon pa. Pero wala na siyang magagawa dahil ito na. Wala nang atrasan to, dahil ngayon na, pagkatapos ng isang linggong masusing paghahanda, ang kasal nila ni Baekhyun.

Hingang malalim.

Pikit.

Lunok.

Dilat.

Exhale.

Bumukas ang pinto ng simbahan kaya napalingon lahat ng tao-- si Mr. at Mrs. Byun, ang noona ni Chanyeol na si Yoora, si Sehun, ang lahat ng mga kaibigan nilang si Jongdae, Jongin, Junmyeon. Minseok at Kyungsoo, mga kasambahay na sina Ten, Jaehyun, Yuta at Taeyong, at ilang malalapit na kaibigan at kamag-anak. Nakatitig sila habang masayang nakangiti sa taong papasok ngayon na nababalutan ng liwanag.

Hindi alam ni Chanyeol kung pinaglalaruan ba ng ilaw ang mata niya o sadyang nagniningning lang talaga si Baekhyun sa suot niyang puting tuxedo. May hawak siyang bulaklak sa kamay niya, habang may bulaklak din siya sa buhok. Sobrang ganda niya--ng mata niya, ng ilong niya, ng bibig niya, ng ngiti niya.

Baliw na yata si Chanyeol, sobrang mahal na mahal niya talaga si Baekhyun.

Sa pagkakaalam niya, naghire siya ng orchestra para tumugtog sa kasal nila, pero bakit parang mga boses ng anghel sa langit yata ang mga kumakanta. Wala na yata siyang makita kundi ang mukha ni Baekhyun na nakangiti sa kanya, parang nagblurred na lahat ng tao sa loob ng simbahan. Wala na rin siyang ibang marining ngayon kundi yung kabog sa puso niyang sobrang lakas na parang lalabas na ito sa dibdib niya para magwala sa sahig. Hindi na niya alam ang nangyayari sa paligid dahil sa sobrang kaba.

Isa lang ang alam ni Chanyeol ngayon.

Nahanap na niya ang Forever niya.

Ang Forever niya, na walang iba, kundi si Baekhyun.

"Huminga ka naman," bulong ng boses sa tabi niya na nagpalingon sa kanya. Ngumiti si Yixing sa kanya, ang bestman niya. "Masyado kang tensyonado. Kaya mo yan."

"Salamat."

Pinagpapawisan na ang palad niya, natutuyuan na ang lalamunan, nangangawit na rin ang paa niya, naiihi pa siya. Kumakalam pa ang sikmura niya kahit nag-agahan naman siya. Pero kahit anong gawin niya, hindi na siya pwedeng umalis dahil nakatayo na siya ngayon sa harap ng altar, sa harap ng Diyos na magiging saksi ng pag-iisang dibdib nila ni Baekhyun.

Narinig ni Chanyeol na nagpalit ng music. Kinuha ni Kyungsoo ang microphone at nagsimula na siyang kumanta ng Open Arms by Journey.

(Lying beside you, here in the dark~ Feeling your heartbeat with mine~)

At sa oras na ito, gusto na talagang maiyak ni Chanyeol. Ang ganda ng boses ni Kyungsoo, ang ganda ng tugtog, at higit sa lahat, ang ganda ng taong naglalakad palapit sa kanya ngayon.

Ang perfect ng lahat.

(We sailed on the together~ We drifted apart~ And here you are by my side~)

"Wag kang umiyak," sabi ng bibig ni Baekhyun mula sa malayo na halatang natatawa. Nakakatuwa talaga ang itsura ni Chanyeol. Mukha siyang nadudumi na kinikilig. "Yah, tahan na."

Tumango si Chanyeol at tinakpan ang mukha niya. Natawa na lang si Baekhyun dahil sa itsura ng magiging asawa niya.

(So now I come to you~ With open arms~ Nothing to hide, believe what I say~ So here I am, with open arms~)

Nang makarating na si Baekhyun malapit sa altar, tumayo ang parents niya para halikan at yakapin siya. Niyakap siya ng appa niya nang mas matagal na parang ayaw siyang bitiwan nito.

"Appa.." bulong ni Baekhyun habang hinihimas ang likod ng appa niya.

"Baekhyun, hangad ko ang kaligayahan mo," bulong ng appa niya kaya pakiramdam ni Baekhyun maiiyak na rin siya dahil sa saya. "Magpakaligaya ka kasama si Chanyeol. Magpakaligaya ka, anak."

(Hoping you'll see~ What your love means to me. Open arms~)

Humiwalay si Mr. Byun sa anak niya at hinawakan niya ito sa kamay para ihatid sa harap ng parang tuod na si Chanyeol. Nagbow si Chanyeol kay Mr. Byun at inabot ang nakalahad na palad nito.

"Ipinagkakatiwala ko na sayo ang anak ko. Alagaan at mahalin mo si Baekhyun nang buong puso, dahil kung hindi," sabi ni Mr. Byun habang pinipiga ang kamay ni Chanyeol. Napangiwi si Chanyeol sa sakit, mababali na yata ang mga buto niya bago pa siya maikasal. "babaliin ko ang mga buto mo."

"O-opo, Sir! Makakaasa kayo--ah! Sakin--aray!"

"Appa, tama na po!" sigaw ni Baekhyun habang nakakunot ang noo. "Kasal ko ngayon!"

Umubo si Mr. Byun sabay bitaw sa kamay ni Chanyeol. "Pasensya na." Inilapit niya si Baekhyun sa groom. "Sige na, pwede mo na siyang kunin."

Huminga nang malalim si Chanyeol at dahan dahang kinuha ang kamay ni Baekhyun na nakagloves na puti. Sabay silang naglakad sa harap ng altar. Pagkabitaw ni Chanyeol ng kamay ni Baekhyun, hinawakan ni Baekhyun ang mukha ni Chanyeol at pinunasan ang isang luhang tumulo sa pisngi nito.

"Sinabi ko sayong wag kang iiyak diba?" sabi ni Baekhyun nang nakangiti. Nakatitig lang si Chanyeol kay Baekhyun habang nakapatong ang kamay nito sa pisngi niya.

Gusto sanang sabihin ni Chanyeol na masaya lang ako kasi ikakasal na tayo pero nagsinungaling na lang siya. Ayaw na niyang magdrama.

"Pawis yan," sabi ni Chanyeol. "Ang tagal mo kasing maglakad... At ang init ng suit. At kinakabahan ako. Kaya ayan, pinagpawisan ako."

"Kinakabahan rin ako. Pareho tayo."

"Ano, itutuloy pa ba natin to?" tanong ni Chanyeol. "Bukas na lang kaya?"

Natawa si Baekhyun. "Pero sarado na ang simbahan bukas... Diba holiday bukas?"

"Hmm. Kung sabagay," sabi ni Chanyeol. "O sige na nga, ngayon na lang."

Umubo ang Pari sa harap nila. "Pwede na ba tayong magsimula? Kung okay lang?"

Sabay na tumango si Chanyeol at Baekhyun.

"Magandang araw sa ating lahat na naririto. Ngayon, masasaksihan natin ang pag-iisang dibdib nina Park Chanyeol at Byun Baekhyun, na lubos na nagmamahalan nang tapat at matuwid. Dalawang malinis na puso na naghahangad ng tunay na pag-ibig sa mundong ito.." sabi ni Pari sa mic, nakikinig lang ang lahat ng tao sa loob ng simabahan sa mahabang intro ng Pari.

"Kung sino man sa inyo ang tumututol sa kasalang ito, mangyaring magsalita na ngayon. O kung hindi ay piliing manahimik na lang habangbuhay. May tumututol ba sa kasalang ito?"

Katahimikan.

May umubo.

Katahimikan.

Itutuloy na sana ng Pari ang pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto.

"AKO!"

Napalingon ang lahat ng tao sa boses na nagsalita.

"ITIGIL ANG KASAL!"

Napa-hahh!! ang lahat ng tao, pati na rin sina Chanyeol at Baekhyun. May isang babaeng pumasok sa loob ng simbahan, mukha siyang galit na galit. Nanlaki ang mata ni Baekhyun sabay tingin nang mapanghusga kay Chanyeol na parang nagdududa. Kumunot ang noo ni Chanyeol habang umiiling, sinasabing wala siyang alam at hindi niya kilala ang babae.

"CHOLO! WAG KANG MAGPAPAKASAL!"

Napatingin lahat ng tao kay Chanyeol na siyang tinuturo ng babae. Nakanganga lang si Chanyeol, hindi makapaniwala at gulat na gulat sa mga nangyayari.

"Ako to, si Jodi... Bumalik na ang alaala, ko Cholo... Cholo, wag kang magpapakasal sa kanya."

Napa-haaah!!! ulit ang mga tao habang nakatingin sa babaeng nagpakilalang Jodi.

"S-sino siya, Chanyeol?" tanong ni Baekhyun na parang maiiyak na. "Cholo? Chanyeol? Cholo? Sino siya! Sabihin mo, niloloko mo ba ako? Kilala mo ba siya?"

"Ha? H-hindi ko siya kilala!" sigaw ni Chanyeol na halatang nagpapanic na. "Baekhyun, ikaw lang ang mahalaga sa buhay ko! Hindi ako si Cholo, hindi ko alam sa babeng yun kung bakit niya ako tinawag na Cholo!"

"Bakit hindi mo na ako naalala, ha, Cholo?" sabi ni Jodi na ngayon ay naglalakad na sa red carpet. "Ako to, si Jodi. Ang babaeng pinakamamahal mo... Cholo, nakalimutan mo na ba ako? Pinangakuan mo ako ng Heaven diba!?"

"Chanyeol," sabi ni Baekhyun sabay buntong hininga. "A-ayoko na... tama na. Sa susunod na lang tayo magpakasal.."

"Baekhyun naman eh!" sigaw ni Chanyeol habang nagpapapadyak na sa sahig. "Ngayon ka pa ba aatras? Nandito na tayo, okay? Maniwala ka sakin, wala akong babae. Hindi ko siya kilala. Malamang nagkakamali lang siya."

"HINDI AKO NAGKAKAMALI! IKAW SI CHOLO!"

"Hindi ako si Cholo, Miss!" sigaw ni Chanyeol. "At please, umalis ka na dito!"

"So ito ba si Eunice!?" sigaw ni Jodi habang nakatingin nang masama kay Baekhyun. "Pinagpalit mo ako sa basurang ito!? Kay Eunice!?"

Bang!

May putok ng baril.

Nagsigawan lahat ng tao. Napadapa pa si Sehun sa sahig habang napayuko naman ang iba. Napayakap si Baekhyun kay Chanyeol. Napa-sign of the cross naman ang Pari habang mahinang nagdadasal.

"Hindi ka ba titigil na babae ka!?" sigaw ni Mr. Byun na may hawak na shotgun. "Layas! Nangugulo ka sa kasal ng anak ko!"

"Uncle! Ako po ito, si Jodi--"

Bang!

"AAAAAHHHH!" sigaw ng mga tao.

"Hindi ako ang uncle mo!" sigaw ni Mr. Byun. "Umalis ka na dito bago pa ako magpaputok ng granada!"

Magsasalita pa sana ang babae nang bumukas ulit ang pinto ng simbahan. May pumasok na tatlong lalaking nakaputi at nakafacemask. Hinawakan nila ang babae at kinaladkad ito palabas kaya nagsisigaw ito.

"Bitawan niyo ako! Cholo! Tulungan mo ako! Ah! Saan niyo ako dadalhin! Aaah!"

"Pasensya na po kayo sa gulong ginawa niya, nakatakas po siya sa Mental Institution namin. Humihingi po kami ng paumanhin sa eskandalong ginawa niya," sabi ng lalaki. "Sige na, dalhin na yan sa sasakyan."

Inilabas ng mga lalaki ang babaeng baliw hanggang sa natahimik na ang buong simabahan. Kumalma na ang mga tao matapos ang ilang minuto. Itinago na ni Mr. Byun ang baril sa loob ng coat niya. Butas na ang bubong ng simbahan pero hinayaan na lang ito ni Mr. Byun. Bumuntong hininga ang Pari at umubo.

"Maaari na ba nating ituloy ang seremonya?"

"Opo Father," sabay nasagot ni Chanyeol at Baekhyun nang nakangiti. Magkahawak sila ng kamay nang mahigpit.

Nagpalitan sila ng vows at nagbigay ng message sa isa't isa.

"May isang bagay pa akong hindi nasasabi sayo, Baekhyun," sabi ni Chanyeol na nakatitig sa mga mata ni Baekhyun. "Ang first kiss natin, hindi nung gabing yun. Hindi sa ulan."

Medyo nagulat si Baekhyun. "Anong ibig mong sabihin?"

"Natatandaan mo ba nung sinundo kita pabalik ng Seoul galing Bucheon? Sa kotse.." sabi ni Chanyeol habang nagkakamot ng batok. "Hinalikan kita habang tulog ka."

"Ginawa niya yun!?" sigaw ni Mr. Byun.

"Grabe siya!" sigaw ni Sehun.

"Aww! Ang sweet!" sigaw ni Mrs. Byun.

"Magnanakaw ng halik!" sigaw ni Jongdae.

"At dun ko narealize na... ah, walang duda... Tinamaan na nga talaga ako sayo. Walang duda na... Nagsisimula na akong... Mafall sayo."

Hindi alam ni Baekhyun kung kikiligin ba siya o maiiyak at maiinis sa sinabi ni Chanyeol sa kanya. Basta ang alam lang niya, gusto na niyang yakapin si Chanyeol at hampasin ng bulaklak nang magkasabay.

"Chanyeol, hindi ko alam kung bakit ba ako nagkagusto sayo dahil sobrang sama ng ugali mo noon," sabi ni Baekhyun sabay irap. "Natatandaan mo ba kung ilang beses mo akong sinaktan, pinaiyak, at pinagmukhang tanga? Pinalayas mo ako sa mansion, sinabi mo pa sakin na hindi mo ako mahal, nagsinungaling ka pa sakin tungkol sa sakit mo at hindi mo ako kinausap nang sobrang tagal."

"Ginawa ko ba.... talaga yun?" sabi ni Chanyeol. "I'm sorry... Sorry sa lahat, Baek. Masyado lang talaga akong insensitive noon... At mapride. Pero ngayon wala na, hindi ko na kayang magtaas ng pride dahil lahat ng bagay kaya ko nang isuko basta para sayo."

Ngumiti si Baekhyun. "Akala ko talaga maghihiwalay na tayo noon nung nag-away tayo. Natatandaan mo ba? Hindi ko kayang maghiwalay tayo, Chanyeol.. Kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng ginawa mo para sakin, kasi nandito ka pa rin sa tabi ko. Magkasama pa rin tayo. Pinagtiisan mo ako, at minahal. Tinanggap mo kung sino ako at pinagmalaki mo ako sa lahat ng tao. Nagtiwa ka sakin at hindi mo ako kahit kailang iniwan sa lahat ng bagay," sabi ni Baekhyun nang nakangiti.

"Chanyeol. Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita, Baekhyun," sagot ni Chanyeol sabay pisil sa kamay ni Baekhyun. "Pinapangako kong magiging mabuti akong asawa sayo, mamahalin kita hanggang sa nabubuhay ako. Hindi kita iiwan, papaiyakin, at sasaktan kahit kailan... Ako ang magiging lakas mo, ang protector mo at tagapangtanggol mo sa lahat ng pwedeng manakit sayo. Nandito lang ako sa lahat ng oras na kailangan mo ako, hinding hindi ako aalis sa tabi mo, Baekhyun. Isinusumpa ko yan sa harap ng Panginoon, sa harap ng mga magulang mo, at sa harap lahat ng taong naririto."

Nakatitig lang si Chanyeol kay Baekhyun, kaya kitang kita niya kung paano tumulo yung luha sa pisngi ni Baekhyun. Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya at dahan dahang pinunas ito sa luha ni Baekhyun. "Wag kang umiyak. Sabi mo yun sakin, diba?"

Umiiyak na rin si Mrs. Byun at Jongdae samantalang nagpipigil naman ng luha si Sehun.

"Lahat ng sinabi ko sayo, totoo. At handa akong magpabaril sa appa mo kung nagsisinungaling ako."

Natawa si Baekhyun kahit umiiyak na siya.

"Chanyeol, pinapangako ko ring magiging mabuti akong asawa sayo. Mamahalin kita nang higit pa sa buhay ko, ibibigay ko sayo ang lahat ng kaya ko... Aalagaan kita hanggang sa maging gray na ang buhok mo at uugod-ugod ka na. Sinabi mo sakin yun, diba? Na gusto mo sabay tayong tumanda? Kaya... Kaya pinapangako ko sayo na tutuparin ko yung pangarap mo. Hahawakan ko ang kamay mo.. At sabay nating haharapin ang kinabukasan nang magkasama..."

"Baekhyun naman, wag kang ganyan, naiiyak ako," sabi ni Chanyeol na nakasimangot na.

"Pero ikaw ang nauna," sagot ni Baekhyun nang nakangiti.

Nagpalitan sila ng I-do's, na tinatanggap nila ang isa't na maging kabiyak sa hirap at ginhawa.

Dumating ang singsing at isinuot nila ito sa daliri ng isa't isa. Nanginginig pa ang kamay ni Chanyeol nang isuot niya ang wedding ring sa palasingsingan ni Baekhyun. Buti na lang hindi ito nahulog. Nakatitig lang si Chanyeol sa magandang kamay ni Baekhyun habang sinusuot naman nito ang singsing sa daliri niya.

"Sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng Maykapal," sabi ng Pari, nag-aabang ang lahat ng tao sa sasabihin niya.

"Itinatalaga ko ngayon na kayo ay mag-asawa na. Groom, you may kiss the Bride."

Gusto pa sanang magreklamo ni Baekhyun na hindi naman siya bride kaya lang hinawakan na siya ni Chanyeol sa batok at pinagdikit bigla ang labi nilang dalawa.

Nagpalakpakan ang mga tao habang nakasubsob ang mukha ni Baekhyun sa mukha ni Chanyeol, nanlalaki pa ang mata ni Baekhyun Pinicturan sila ni Minseok, ang photographer.

"Mabuhay ang bagong kasal!!!"

Nang humiwalay si Chanyeol sa kiss, niyakap niya nang mahigpit si Baekhyun at hinalikan niya ito sa noo. Pumikit si Baekhyun at ngumiti.

"One, two, three!"

Hinagis ni Baekhyun sa hangin ang bouquet niya at lumapag ito sa lap ng walang kamalay-malay na si Jongin kaya nagulat naman ito at napasigaw.

"Oh my god! Ako na ang susunod na ikakasal!" Tumingin siya kay Kyungsoo na nasa tabi niya na hindi man lang nagbabago ang reaksyon ng mukha. "Ahhhh!"

"Baekhyun, totoo ba to?" tanong ni Sehun na naluluha na. "Mag-asawa na kayo ng kapatid ko at hyung-in-law na kita!? Hindi ko matanggap!" Niyakap niya si Baekhyun. "Bakit kailangang maging magkamag-anak tayo. Ayaw kitang maging hyung!"

Tumawa si Baekhyun at niyakap si Sehun pabalik. "Kung ganun, magiging eonnie na lang ako para sayo!" Umiyak lalo nang mas malakas si Sehun.

"Pero... Masaya talaga ako para sayo," bulong ni Sehun matapos niyang kumalma. "Congratulations, Baekhyun."

"Yah, totoo ba yan?" tanong ni Baekhyun habang pinapat ang likod ni Sehun. Tumango si Sehun.

"Oo. Totoo!"

Niyakap ni Baekhyun ang noona niya pagkatapos, na ngayon ay sobrang saya dahil sa nadagdag na miyemebro ng pamilya nila.

"Congratulations, Baekhyun! Park Baekhyun," bulong ni Yoora.

"Noona, salamat po sa lahat," sabi ni Baekhyun habang niyayakap nang mahigpit si Yoora.

Ganun din ang ginawa niya kay Yixing, muntik pa siyang maluha habang niyayakap niya ang hyung niya.

"Wag kang umiyak, ano ka ba," sabi ni Yixing nang natatawa. "Masaya ka dapat sa araw ng kasal mo."

"Yixing-hyung, salamat sa mga ginawa mo para sakin. Marami kang naitulong sakin at kay Chayeol. Kung wala ka, wala rin kami dito... Kaya thank you, mahal na mahal kita, Yixing-hyung."

Biglang sumulpot si Chanyeol sa gitna para paghiwalayin ang dalawa. Umubo siya. "Tama na yan."

Humarap si Yixing sa kanya at siya naman ang niyakap nito nang mahigpit. "Chanyeol, good luck," bulong ni Yixing habang nakangiti nang malapad. Busy si Baekhyun sa pakikipag-usap kina Jongdae.

"Good luck saan?"

"Good luck sa Honeymoon niyo ni Baekhyun. Mag-enjoy ka, okay?"

Namula si Chanyeol. Uminit yata ang buong paligid.

"Yung mga tinuro ko sayo at yung mga niresearch natin, wag na wag mong kakalimutan," paalala ni Yixing habang ginagalaw-galaw ang kilay niya. "Alam mo na... Bago niyo gawin... dapat muna... Handa ka... At handa siya... Para hindi masakit ang pagpasok--"

"OO NA!" sigaw ni Chanyeol nang namumula, at nung napansin niyang nagtinginan ang mga tao sa kanya, hininaan niya ang boses niya. Natawa si Yixing.

"Alam ko naman yun, okay?" Umiwas ng tingin si Chanyeol habang niluluwangan ang collar niya. "Pinag-aralan ko talaga nang mabuti kung paano yun gawin kaya..." Umubo siya. "kaya siguradong sigurado akong masasarapan--"

"Masasarapan?" tanong ni Baekhyun na nakabalik na sa tabi ni Chanyeol. Muntik pang matumba si Chanyeol dahil sa gulat.

"Masasarapan sa alin?"

"S-sa pagkain," utal ni Chanyeol habang nakangiti nang kakaiba. "Masasarapan ka sa pagkain sa reception. Kaya tara na sa kotse, Baekhyun, babalik na tayo sa mansion."

Biglang binuhat ni Chanyeol si Baekhyun bridal style nang walang pasabi, kaya napahawak naman ito sa leeg niya. Nagpalakpakan ang mga tao habang pinapanood nilang buhatin ni Chanyeol ang asawa niya at isakay ito sa bridal car. Tumawa si Baekhyun nang isara ni Chanyeol ang pinto nang pabigla sabay kindat.

"Let's go, Baby!"

*

Gabi na nang matapos ang reception at nakauwi na rin ang lahat ng mga bisita. Wala nang tao sa mansion, sinadya nilang umalis lahat para maiwan ang bagong kasal.

Ngayon, nasa kwarto na sina Chanyeol at Baekhyun. Nakaupo sa kama. Tahimik lang silang dalawa. Sa sobrang tahimik, yung tunog ng orasan lang ang maririnig, kabaligtaran ng puso ni Chanyeol. Kinakabahan talaga siya, sobra, dahil lahat ng lakas ng loob na naipon niya kanina, nawala na matapos niyang kumain.

Ano bang gagawin niya? Namental block na siya. Magkwentuhan na lang kaya sila? Manood ng TV? Matulog nang magkatabi?

Pinapakiramdam ni Baekhyun ang asawa niya sa tabi niya. Namamawis na ang kamay niya at kinakabahan na rin siya. Nakayuko lang siya sa lap niya habang naghihintay ng kung anumang himala. Bakit kaya hindi nagsasalita si Chanyeol? Bakit hindi siya gumagalaw? Si Baekhyun na ba dapat ang mauna sa gagawin nila o hihintayin niya si Chanyeol?

Biglang tumayo si Chanyeol.

Napaangat ng ulo si Baekhyun at bumilis lalo ang tibok ng puso niya.

"Baekhyun."

"B-BAKIT!?" sabi ni Baekhyun.

"Uhm. O-okay lang ba kung.. uhh hinaan ko yung thermostat?" tanong ni Chanyeol na nagkakamot ng batok.

"Ah. S-sige," sagot ni Baekhyun at yumuko ulit siya. "Okay lang."

Naglakad si Chanyeol para kunin ang remote. Hininaan niya ang thermostat at umupo ulit sa tabi ng asawa niya.

Katahimikan.

Awkward.

Hindi na alam ni Chanyeol kung gaano katagal na silang nakatunganga sa loob ng kwarto, nakasuot pa rin sila ng tuxedo na pangkasal, at sa totoo lang, makati talaga at mainit ito sa pakiramdam kaya naisip niyang tanggalin na lang muna ito. Tumayo ulit siya at tinanggal ang butones ng tuxedo niya nang biglang napatingin sa kanya si Baekhyun.

"T-teka, a-anong gagawin mo Chanyeol!?" sigaw ni Baekhyun na nanlalaki ang mata. Kinuha niya ang unan at niyakap ito.

"Uhm. Tatanggalin ko lang sana yung coat ko.. Ang init kasi... Kung okay lang.."

"Ah, sige," sagot ni Baekhyun. "O-okay lang. Tanggalin mo na."

"Ikaw? Hindi ka ba.. uhh.. naiinitan?"

"Ah, s-sige tatanggalin ko na rin yung sakin.."

Tahimik silang naghubad ng damit pangkasal hanggang sa half naked na si Baekhyun at nakaboxers naman si Chanyeol.

"Uhm. Gusto mo bang... Mauna? Sa shower," sabi ni Chanyeol, tinuro niya ang banyo. "Susunod ako... pagkatapos mong maligo."

Tumango si Baekhyun at nakayukong naglakad papunta ng banyo, nanghablot siya ng kung anumang towel at nagmadaling sinara ang pinto. Bumuntong hininga si Chanyeol at napaluhod sa sahig habang hawak hawak ang dbdib niya.

"Shit... Hindi ko kaya.. Ayoko na... Aigoo.. Aigoo..." bulong ni Chanyeol sa sarili niya habang nakabaluktot na parang uod. Inuntog niya ang ulo niya sa kama. "Ugh, ayoko na... Kinakabahan talaga ako... Hindi ko kaya... Ayoko na..."

Narinig niyang nakabukas na ang shower. Bumabagsak ang tubig sa tiles na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ni Chanyeol. Bumangon siya sandali at nilagay ang pants at coat niya sa laundry basket. Humiga ulit siya sa kama nang nakaboxers lang.

"Ano nang gagawin ko... pag lumabas na siya..." bulong ni Chanyeol habang nakatitig sa kisame. Naalala niya bigla yung pinanood niyang educational video kung saan binuhat ng lalaki ang partner niya at hinagis ito sa kama bago simulan ang dapat gawin. May ibinuka. May ipinasok. May inilabas. May binayo.

Bumangon si Chanyeol at tumingin sa paligid na akala mo naman ay may makakakita sa kanya. Dahan dahan niyang binuksan ang pinakailalim na drawer ng beside table niya. Kinuha niya ang isang box na may lamang kakailanganin nila ni Baekhyun. Inilabas niya ang isang maliit na bote na may clearless liquid sa loob.

"So ito na yun," bulong ni Chanyeol habang binubuksan ang bagong bagong bote ng lube. Inamoy niya ito. Wala namang amoy. "Yah. Kailangan pa ba talaga nito?"

Oo! Gusto mo bang mamatay si Baekhyun sa sakit? Kailangan mong gamitin to sa kanya bago niyo simulan ang lahat. Dapat dahan dahan para hindi siya masaktan.

Napabuntong hininga si Chanyeol nang maalala niya ang sinabi ni Yixing sa kanya. Kailangan niyang gamitin yun kay Baekhyun gaya ng napanood niya sa educational video sa Internet.

Naglabas rin si Chanyeol ng isang sachet na parang balat ng candy. Binuksan niya ito at sinuri ang parang lobo sa loob.

"Alam ko na to," sabi ni Chanyeol na parang proud na proud pa sa sarili niya. "Hah. Protection."

Gusto natin safe diba? Kaya yan, gamitin mo yan. Dito ka maglalabas. Wag sa loob ni Baekhyun. Okay?

"Okay," sabi ni Chanyeol sa sarili niya habang tumatango. "Dito dapat sa loob. Wag kay Baekhyun."

Naglabas ulit si Chanyeol ng gamit sa loob ng box, at nakakita siya ng blindfold.

Bakit may blindfold?

Para mas sexy. Lagyan mo siya ng blindfold.

"Aaahhhh!" sigaw ni Chanyeol nang naalala niya ang ginagawa ng couple sa video na napanood niya. Namula ang mukha niya nang naimagine niyang si Baekhyun ang nakablindfold na nakahiga sa kama habang ginagawa nila yun.

"Chanyeol?" nag-aalalang tawag ni Baekhyun sa loob ng banyo. "Okay ka lang ba!?'

"O-okay lang ako. Tapos ka na ba?"

"Oo, kaso may problema. Kailangan ko ng tulong mo."

Oh hindi. Anong tulong? Ito ba yung kagaya ng napanood niya sa isa pang educational video na sa shower nila ginawa yun. Kaya ba niyang gawin yun sa shower? Lumunok si Chanyeol.

"Chanyeol!"

"B-b-bakit?"

"Pwede bang... Pumunta ka dito sa loob?"

"HAH!!!?"

"P-pumunta ka dito. Hindi ko maisara yung gripo," sabi ni Baekhyun sa loob ng banyo na ngayon ay iniikot-ikot ang gripo na ayaw tumigil sa pagbuhos ng tubig. Umaapaw na ng tubig ang bathtub.

"Chanyeol! Naririnig mo ba ako!?"

"Oo! Naririnig kita!" sigaw ni Chanyeol pabalik. "N-n-nakadamit ka ba ngayon?"

"Nakalimutan mo na ba? Naliligo ako diba? May nakadamit bang naliligo?" sigaw ni Baekhyun. "Sige na, pumunta ka na dito! Babaha na yung banyo!"

"Pero--"

"Chanyeol!"

Tumayo na si Chanyeol at naglakad papuntang banyo. Dirediretso lang siya sa loob at pumunta sa may bathtub. Inalis ni Baekhyun ang kamay niya at hinayaan na pihitin ni Chanyeol ang gripo. Nababasa na si Chanyeol dahil sa sumisirit na tubig.

"Ayan, okay na," sabi ni Chanyeol sabay buntong hininga. Basang basa na siya pero okay lang dahil nakahubad na naman siya. "Baekhyun--"

Lumingon siya kay Baekhyun na nakatayo sa gilid niya.

Nakita niya.

Sa harap niya.

Mismo sa tapat ng mukha niya.

Ang sausage.

"AAAAHHH! Wag mong tingnan!" sigaw ni Baekhyun sabay takip sa private part niya. Pulang pula na siya.

"Sorry!" sigaw ni Chanyeol sabay takip ng mata niya. "SORRY! HINDI KO SINASADYA!"

Lumabas na agad ng banyo si Chanyeol at nagmadali namang isinara ni Baekhyun ang pinto.

"Shit," sabi ni Chabyeol sa sarili niya habang nakabaon ang mukha sa palad niya. Naiisip niya pa rin ang nakita niya. Ang cute pala nito. Gusto niya itong hawakan.

Nakaramdam na si Chanyeol ng kakaiba sa may ibaba niya. Parang sumisikip na yung suot niyang underwear. Naiinis na siya sa sarili niya. Matagal niyang pinaghandaan ito, at sa mga kinikilos niya, parang sinasayang lang niya ang oras at pagkakataon.

Kailangan na niyang kumilos ngayon, dahil kung hindi, magigising siyang virgin pa rin kinabukasan.

"ASDFGHJKL!" sigaw niya sabay bukas naman ng pinto ng banyo. Amoy citrus ang paligid dahil sa shower gel na ginamit ni Baekhyun. Nakita niya ang husband niya na nagtotowel ng buhok, wala itong suot na kahit ano.

Nakatayo si Baekhyun dun, bagong ligo, at kitang kita ni Chanyeol ang hubad na katotohanan.

Hindi na niya kayang tiisin ito. Tumayo na siya at naglakad papunta kay Baekhyun. Binuhat niya si Baekhyun papunta sa kama. Hinagis niya ito kaya tumalbog si Baekhyun na parang manika sa malambot na mattress.

Nagulat si Baekhyun. Nakatingin siya kay Chanyeol na ngayon ay parang lalapain na siya.

"CH-CHANYEOL! TEKA! TEKA!" sigaw ni Baekhyun nang itulak siya ni Chanyeol pahiga. Hinalikan siya ni Chanyeol sa labi para patigilin siya sa pagsasalita.

Madiin. Malakas. Mabilis.

"Chanyeol!" sigaw ni Baekhyun, nakaibabaw na ang husband niya sa kanya habang hinahalikan naman siya nito sa leeg. "Sandali lang! Chanyeol! CHANYEOL, TIGIL! TEKA MUNA!"

Tinuhod ni Baekhyun ang gitna ni Chanyeol kaya huminto ito at tumingin sa kanya nang nag-aalala. "B-bakit? May... May ginawa ba akong mali?"

Nagkatitigan sila ng ilang segundo. Walang nagsasalita. Lalayo na dapat si Chanyeol nang hilain siya ni Baekhyun pababa para ipulupot ang braso nito sa leeg niya. Ngumiti si Baekhyun sa kanya.

"W-wag kang.... Wag kang magmadali.." bulong ni Baekhyun, hinawakan niya ang pisngi ni Chanyeol. "Dahan dahan lang..."

"Dahan dahan," ulit ni Chanyeol sa sarili niya. Huminga siya nang malalim sabay iwas ng tingin. "S-sorry... k-kinakabahan... kasi ako, Baekhyun."

"Wag kang kabahan," malumanay na sabi ni Baekhyun habang nakatitig siya sa mata ng asawa niya. "Magrelax ka lang, okay? Ienjoy natin to. Hindi dapat tayo magmadali."

"Nag-aalala ako na baka... Baka hindi ko magawa nang tama at masaktan kita," sabi ni Chanyeol nang halos pabulong. "Hindi ko pa yun nagagwa sa kahit sino... Sorry kung.." Umiwas siya ng tingin. "Kung wala pa akong karanasan sa ganitong bagay..."

May kumurot sa puso ni Baekhyun nang narinig niya ang sinabi ni Chanyeol. "Chanyeol, hindi ka dapat magsorry dahil dun. Pareho lang tayo. Hindi ba magandang bagay yun?" Ginulo niya ang basang buhok ni Chanyeol. "Ikaw ang una ko, at ako naman ang una mo."

"Una natin ang isa't-isa," sabi ni Chanyeol.

"Alam kong pinaghandaan mo talaga itong gabing to," sabi ni Baekhyun na ikinapula naman ng mukha ni Chanyeol. "Kaya sige na, ikaw nang bahala sakin. Ibinibigay ko na sayo... ang buong pagkatao ko."

Nang narinig ni Chanyeol ang sinabi ni Baekhyun, hindi niya naiwasang hindi mapangiti. Nandito si Baekhyun ngayon sa harap niya at inaalay nang buo ang sarili niya. Masayang masaya talaga siya dahil alam niyang hindi siya nagkamali ng taong minahal at pinakasalan.

"Baekhyun, sabihin mo sakin kung anong gusto mo. Gagawin ko."

"Gusto kong... Halikan mo ako, hawakan mo ako.. Iparamdam mo sakin kung gaano mo ako kamahal."

Tumango si Chanyeol habang nakangiti. "Masusunod po, mahal na reyna."

Hinalikan ulit ni Chanyeol si Baekhyun sa labi, at sa pagkakataong ito, mabagal at mas mahinahon. Hinalikan din siya pabalik ni Baekhyun. Hinawakan ni Chanyeol si Baekhyun sa lahat ng bahagi ng katwan nito nang maingat habang hinahalikan niya pa rin ito nang puno ng pagmamahal.

Humiwalay sandali si Chanyeol para titigan ang taong nasa ilalim niya ngayon, bago sabihing, "Sobrang ganda mo, Baekhyun."

Tumawa si Baekhyun. "Para sa mga mata mo lang tong nakikita mo."

"Masayang masaya talaga ako dahil ngayon, sakin ka na. At sayo naman ako.." Hinawakan ni Chanyeol ang makinis na tagiliran ni Baekhyun at pinadaan dun ang kamay niya bago ipunta sa ibaba ni Baekhyun.

"I love you."

Tumango si Baekhyun at hinalikan niya ulit si Chanyeol bago niya abutin ang switch ng lampshade para patayin ito.

*

Kinabukasan.

Nagising si Chanyeol sa sikat ng araw na pumapasok sa bintana ng kwarto niya. Bumangon siya at kinusot ang mata niya habang inaalala ang nangyari kagabi.

Napangiti siya nang malapad.

Sobrang saya niya dahil ngayon ang unang araw ng buhay mag-asawa nila ni Baekhyun, at isa pa, nagawa na nila ni Baekhyun yun. Wala siyang kahit anong salita na pwedeng gamitin para ilarawan kung gaano kaganda at kasarap sa pakiramdam ang nangyari kagabi. Perfect. Yun lang ang masasabi niya.

Tumingin siya sa tabi niya, at nakita niya ang isang anghel na mahimbing pang natutulog. Napangiti si Chanyeol habang nilalaro niya ang malambot na buhok ni Baekhyun. Matagal niyang pinangarap to, ang magising katabi ng taong pinakamamahal niya. At ngayong nangyayari na ito, gusto niyang kurutin ang sarili niya para malamang totoo nga ito.

Totoo nga, walang duda. Ito ang realidad. Realidad na nandito si Baekhyun at kasal na sila.

Nagising si Baekhyun sa daliri na tumutusok sa pisngi niya. Pagdilat niya, nakakita siya ng yoda. Si Chanyeol pala, ang husband niya. Ngumiti siya habang humihikab.

"Good morning," bati ni Chanyeol habang nakangiti. "Yeobo."

Natawa naman si Baekhyun sabay bangon, nakita tuloy ang hubad na katotohanan niya. "Magandang umaga rin sayo."

"Kamusta ang pakiramdam mo? Masakit ba yung...?"

Tumango si Baekhyun na parang tuta. "M-medyo.. Pero okay na ako. Kaya ko namang tumayo."

Ngumiti si Chanyeol. "Breakfast in bed?"

"Gusto ko yun!"

Tumayo si Chanyeol para magsuot ng robe. "Dito ka lang, magluluto ako para sayo."

"Chanyeol?"

"Bakit?"

Ngumiti si Baekhyun. "Nakalimutan mo na ba? Hindi ka marunong magluto."

"Ah," natawa si Chanyeol, "oo nga pala. So magpapadeliver na lang ako ng breakfast." Bumalik siya sa pagkakahiga niya sa kama. "Sa ngayon... Ienjoy muna natin ang isa't-isa.."

"Okay."

Hahalikan na dapat ni Chanyeol si Baekhyun nang makarinig siya ng ingay sa baba-- tahol ng aso, boses ni Sehun na nagrereklamo, tawanan ng mga kasambahay, kalansing ng susi at yabag ng sapatos na umaakyat ng hagdan.

"TINGNAN NATIN SINA HYUNG AT BAEKHYUN SA TAAS!" malakas na sigaw ni Sehun na excited na excited. "Tapos na kaya sila!?"

Nagmadaling nagsuot ng wife beater at pants si Chanyeol. Naghagis siya ng long sleeves at boxers kay Baekhyun sa kama kaya sinuot naman agad ito ni Baekhyun.

Pagkabukas ng pinto ni Sehun, nakita niya ang hyung niya na nakaupo sa couch, nagbabasa ng news paper habang si Baekhyun naman ay nakaupo sa kama, nagbabasa ng libro.

Nawala ang ngiti ni Sehun.

"Sehun. Nakarating na pala kayo," sabi ni Chanyeol sabay tanggal ng salamin niya. "Ang bilis niyo naman."

Ngumiti si Baekhyun sa kanya. "Good morning."

"Anong ginawa niyo kagabi?"

Tumawa si Chanyeol. "Wala naman... Kung ano lang. Dito lang.."

Nakatingin lang si Sehun. "Ganun. Wala? Wala kayong ginawa?"

"Wala. Bakit Sehun, may problema ba?" tanong ni Baekhyun.

"Wala naman. Sige, maiwan ko na kayo. Ituloy niyo na ang pagbabasa niyo," sabi ni Sehun sabay irap at bulong. "Akala ko naman maabutan ko sila. Tsh." Sinara na niya ang pinto at umalis na.

"Wala na ba siya?" tanong ni Baekhyun kay Chanyeol na nakikinig sa may pinto. Nilock niya ito nang mabuti.

"Wala na," sabi ni Chanyeol bago siya humarap kay Baekhyun. Ngumiti siya nang malapad at ginalaw-galaw ang kilay niya. "Paano ba yan, Baek. Ituloy na raw natin ang pagbabasa natin?"

Dahang dahang hinubad ni Chanyeol ang damit niya at pinaikot ikot ito sa ere habang gumigiling-giling na parang macho dancer. "Baby?"

Natawa si Baekhyun at napailing. "Grabe ka sakin!"

"Yah, ayaw mo ba? Alam kong gusto mo!" sabi ni Chanyeol na ngayon ay gumagapang na sa kama. Napatili pa si Baekhyun na parang babae nang hawakan ni Chanyeol ang legs niya. Hinimas ito ni Chanyeol pataas pababa.

"Yah! Wag! May mga tao sa bahay!"

"Hindi nila tayo maririnig!"

"Yah! Hahaha--ah! Wag jan-- Chanyeol! Yah-- aray ko! Yung-- teka lang! Hahaha!"

"Hubarin mo na kasi to!"

"Ayoko--haha! Eto na nga, wag mo nga akong--"

"Yan ganyan nga.."

"Ikaw rin, alisin mo na yan..."

"Yan, okay na ba? Hahaha, yah Baekhyun, ang kinis pala talaga ng pisngi mo sa dito sa baba--"

"Kung pupurihin mo, dapat hawakan mo rin!"

Nanlaki ang mga mata ng mga tao na nakatipon at nakikinig sa labas ng pinto. Tinakpan ni Sehun ang bibig niya habang nakatingin siya kay Yixing na nakangiti lang. Nakakunot naman ang noo ni Jongdae na nakikibista lang. Parang mahihimatay naman ang mga kasambay na nakadikit ang mga tenga sa pinto.

May narinig silang pagyugyog ng kama, ilang mga ungol, tawanan at pagsigaw ng mga pangalan at paghinga.

"G-ginagawa na ba nila.... yun!?" tanong ni Sehun.

"Oh hindi, pinagsasamantahan ni Chanyeol ang inosenteng kong kaibigan!" sigaw ni Jongdae.

May umungol ulit, mas malakas habang walang tigil sa pagyugyog ang kama.

"Chanyeol! Chanyeol!" sabi ni Baekhyun na ngayon ay tumatalon-talon sa kama habang may yakap na unan. "Bilisan mo pa! Please! Bilisan mo, ahh!"

"Eto binibilisan ko na!" sabi ni Chanyeol na nanghahampas ng unan sa pader habang nakatayo. "Ah! Ah! Ah!"

Nagpipigil ng tawa si Baekhyun habang sinsipa naman niya ang headboard ng kama. "Jan! Jan! Tamaan mo ako jan! Ahhh! Chanyeol!"

"Dito?" tanong ni Chanyeol na may hawak na alarmclock. Sumampa siya sa kama at hinampas ang alarmclock sa unan. "Dito!? DITO!?"

"Oo! Jan! Sige pa!" sigaw ni Baekhyun na tumatalon pa rin sa kama habang hinahampas niya ng unan ang likod ni Chanyeol nang ilang beses. Nagpipigil ng tawa si Chanyeol. Gusto na niya talagang tumawa nang malakas.

"Ahhh! Hawakan mo ako, malapit na ako--"

Hinawakan ni Chanyeol ang ulo ni Baekhyun at ginulo ang buhok nito. "Hinahawakan na kita! Sabay tayo!"

Nakanganga lang si Sehun. Hindi mapinta ang mukha ni Yixing. Nakatulala si Jongdae. Hindi nila akalain na ganito pala kalalang magmakelove sina Chanyeol at Baekhyun. Grabe sila.

"Iwan na natin yung mag-asawa. Bumaba na tayo," sabi ni Yixing habang kinakaladkad ang natraumang sina Sehun at Jongdae. Sumunod naman ang mga kasambahay na parang mga tinakasan ng kaluluwa.

Nang napagod na sina Chanyeol at Baekhyun sa ginagawa nila at napaalis na talaga nila ang mga tao sa labas ng kwarto, sabay silang tumawa nang malakas. Niyakap ni Chanyeol nang mahigpit si Baekhyun na pawis na pawis na at pulang-pula kakatawa.

"Ang sama natin. Nakakaguilty! Napaniwala natin sila!" sabi ni Baekhyun habang niyayakap niya pabalik si Chanyeol na ngayon naman ay biglang natahimik. Nakatingin lang si Chanyeol sa may pader at mukhang malalim ang iniisip nito.

"Chanyeol? Chanyeol, may problema ba?"

"Sorry, may bigla lang kasi akong naalala ngayon," seryosong sabi ni Chanyeol.

"Ano yun?" Bumangon si Baekhyun. "Sabihin mo sakin."

Hinawakan ni Chanyeol ang kamay ng asawa niya at pinisil ito. "Baekhyun, matagal ko nang iniisip to simula pa lang nung nagdedate tayo. At ngayong kasal na tayo... Gusto ko sanang itanong kung.. Kung pumapayag ka bang.."

Naghintay si Baekhyun ng tanong.

"Tumira dito sa mansion bilang asawa ko?"

Tumitig si Chanyeol sa mga mata niya. "Alam kong parang bahay mo na rin ito dahil babysitter ka ni Sehun. Dito ka na kumakain, dito ka na rin natutulog minsan. Pero iba pa rin kung titira ka dito dahil husband mo na ako. Kaya ngayon... Tinatanong ko kung... Gusto mo bang tumira dito sa bahay ko?"

Nakatingin lang si Baekhyun na parang hindi makapaniwala sa tinatanong ni Chanyeol sa kanya. Tama siya, kasal na sila ni Chanyeol, ibig sabihin nun, iiwan na niya ang apartment nila ni Jongdae para magsama na sila ni Chanyeol sa iisang bubong.

"G-gusto ko na... ikaw yung mag-aasikaso samin ni Sehun tuwing umaga. At pagdating ko naman galing trabaho, makikita kitang naghihintay sakin pag-uwi ko. Tapos sa gabi, magkatabi tayong matutulog dito sa kama ko, para pag gising ko, ikaw ulit yung unang taong makikita ko... Sabay tayong babangon at magtutoothbrush sa harap ng salamin. Sabay din tayong bababa at kakain ng breakfast.."

Napangiti si Baekhyun nang dahan dahan. "Chanyeol..."

"P-pero.. Okay lang naman kung.. kung.. Hindi ka pa handa-- ibig ko sabihin, kung hindi mo pa kayang iwan yung apartment niyo ni Jongdae. Kung sabagay, ilang taon ka na rin namang nakatira dun, at hindi madali kung aalis ka na lang bigla. Pwede namang hindi muna ngayon basta maghihintay ako," sabi ni Chanyeol. "At si eomma, nandito siya sa Seoul at wala siyang makakasama sa apartment kaya maiintindihan ko kung hindi muna tayo magsasama.."

"Pumapayag ako."

Napatingin si Chanyeol kay Baekhyun.

"Titira ako dito kasama mo," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Gusto kong tumira dito, Chanyeol.."

"Baekhyun.."

"Yung mga damit at ilang gamit ko, iisa-isahin ko nang ilipat dito sa mansion. Si eomma, babalik na siya sa Bucheon sa isang araw, at si Jongdae naman, lagi ko siyang dadalawin sa apartment namin kaya wala nang problema yun. Pumapayag akong tumira dito kasama ka, Chanyeol..."

Napangiti si Chanyeol dahil sa kaligayahan. "T-talaga?"

"Oo!" sagot ni Baekhyun. "Itong kwarto mo, icoconvert na nating masters bedroom! Yung closet mo, lalagyan ko na rin ng mga damit ko. Yung picture frames mo, papalitan na natin ng pictures natin nang magkasama! Isasabit natin yung wedding picture natin dun sa living room! Yung mga libro ko, table ko, slippers ko, beanbag ko at lahat ng stuff toy ko ilalagay ko na sa kwarto mo. Ah, at syempre, yung toothbrush ko, itatabi ko na sa toothrush mo!"

Naimagine ni Chanyeol ang toothbrush nilang dalawa na magkatabi kaya napangiti naman siya nang malapad.

"At lahat ng gamit natin, hindi na lang sayo o sakin. Sating dalawa na lahat yun. Share na tayo."

"Pati ba yung mug mong rilakkuma?" tanong ni Chanyeol nang nagpapaawa. "At yung kulay gray mong Supreme hoodie?"

"Oo naman! Pati na rin yung payong mong kulay yellow."

"I-ibig sabihin ba talaga nito, dito ka na talaga titira?"

"Oo, Chanyeol," sagot ni Baekhyun. "Dito na ako titira. Dito na ako titira kasama ang husband ko."

Nang marinig ni Chanyeol ang mga salitang yun, alam niyang siya na talaga ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Hinawakan niya ang pisngi ni Baekhyun at dahan dahan siyang lumapit sa mukha nito para halikan siya sa noo. Ngumiti si Baekhyun sa kiss at pinagdikit ang mga ilong nila.

At kung tatanungin ngayon si Chanyeol kung totoo ngang mayroong forever, isa lang ang isasagot niya.

"Tutulungan mo akong maghakot ng gamit bukas, okay?"

Oo. May Forever.

"Sige, pagkagaling ko sa trabaho, tutulungan agad kita."

Dahil nahanap na niya ang Forever niya dito sa taong nasa harap niya ngayon.

"Baekhyun."

"Hmm?"

"I love you."

At wala na siyang ibang mahihiling pa.

"Mahal din kita."







Fin.

**********************************************************************************

Para kay Chanyeol at Baekhyun.
Ngayon at Magpakailanman.

Copyright © 2015 by ParkBaekkie
All Rights Reserved.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro