Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9


*

9

"Nakauwi na ba si Baekhyun?" tanong ni Chanyeol kay Yixing pagkapasok niya ng bahay. Kakagaling niya lang sa trabaho kaya nakasuit pa siya.

"Hindi ko pa siya nakikitang lumabas sa kwarto ni Sehun," sabi ni Yixing. "Baka di pa tulog ang kapatid mo. Alam mo naman yun, ayaw pauwiin si Baekhyun habang gising pa siya."

"Okay, titingnan ko na lang sila."

Umakyat si Chanyeol sa second floor at pumunta sa kwarto ni Sehun na hindi gaanong nakasarado ang pinto. Sumilip siya sa awang ng pinto at nakita niya sa kama si Sehun na natutulog na.

Kasama si Baekhyun.

Lumapit pa si Chanyeol sa pinto, nakakunot ang noo niya habang tinitingnan ang kapatid niya at ang babysitter nito na magkasamang mahimbing na natutulog sa iisang kama na pang-isang tao lang.

Nakaharap si Baekhyun kay Sehun habang ang kamay niya ay walang kahiya-hiyang nakapatong sa pwet ni Sehun. Napataas ng kilay si Chanyeol.

Nakaharap rin si Sehun kay Baekhyun at ang braso niya ay nakayakap sa waist ni Baekhyun. Napaiwas ng tingin si Chanyeol.

Hindi dapat sila matulog nang ganito, sabi ni Chanyeol sa isip niya. Baka may mangyaring... hindi inaasahan.

Isinara na ni Chanyeol ang pinto at pumunta siya sa sariling kwarto para magbihis.

Nagising si Baekhyun bigla at ngayon lang niya narealize na hatinggabi na. Masyado kasi siyang napagod ngayong araw. Bumangon siya sabay tingin sa orasan sa beside table.

"Ugh, 1am na pala! Papatayin ako ni Jongdae nito tsk," bulong niya habang bumabangon sa kama. Nakita niya si Sehun sa tabi niya na natutulog nang mahimbing kaya napangiti siya. Inayos niya ang kumot ni Sehun.

"Good night baby," bulong ni Baekhyun sabay tingin sa paligid na parang tinitingnan kung may nakatingin ba sa kanya. Syempre wala, kaya kiniss niya ang noo ni Sehun nang dahan dahan at nagtiptoe na palabas ng kwarto.

Pagbaba ni Baekhyun ng hagdan, nakapatay na ang lahat ng ilaw bukod sa ilaw sa kusina. Nakita siya ni Chanyeol na nakasandal sa island habang umiinom ng tubig.

"Bakit ngayon ka lang uuwi? Gabing gabi na."

"Nakatulog kasi ako. Hindi ko namalayan ang oras," sagot ni Baekhyun. "So pano, uuwi na ako ha. Good night, Chanyeol."

"Dito ka na matulog. Tingnan mo nga yang itsura mo. Mukha kang makakatulog na habang naglalakad."

"Okay lang ako! Gising na gising ako! Tingnan mo!" sabi ni Baekhyun habang nagjujumping jack pa. "Isa pa, hinahanap na ako ni Jongdae. Nag-aalala na yun sakin kahit lagi niya akong inaaway."

Napataas ng kilay si Chanyeol na parang nagdududa. "Boyfriend mo ba si Jongdae?"

Namula si Baekhyun sabay iling. "Hindi hindi! Besfriend ko siya. Bata pa lang kami magkasama na kami. Siya ang pamilya ko."

Tumango lang si Chanyeol at pakiramdam niya medyo nakahinga siya ng maluwag

"Ako nang bahala kay Jongdae. Dito ka na matulog. Wag ka nang makulit, Baekhyun."

"Wala naman akong... tutulugan. Maliban na lang kung sa guest room?"

"Bakit, guest ka ba?"

"Hindi! Dun na lang ako sa couch," sabi ni Baekhyun sabay turo sa couch sa living room. "Ako ang magbabantay kung may papasok na magnanakaw."

Natawa si Chanyeol. "Mataas ang gate at may security alarm. Walang magnanakaw dito," sabi ni Chanyeol. "Kaya ikaw lang ang posibleng magnakaw dito."

"Hindi ako magnanakaw!" sigaw ni Baekhyun habang nakapout. "Edi sana matagal ko nang binulsa yang telepono niyo, saka yan, yang vase pati na rin yung mga mamahaling display jan."

"Tingnan mo, pinaplano mo talagang pagnakawan ang bahay ko. Binilang ko yan, kulang ng isa yung bato jan."

Katahimikan. Nakatitig lang si Chanyeol kay Baekhyun. Umiwas ng tingin si Baekhyun.

"Fine! Inaamin ko! Ninakaw ko yung kulay blue!"

Tumawa si Chanyeol kaya natawa na rin si Baekhyun. "Ang ganda kasi nung blue. Sorry na."

"Blue pala ang favorite color mo?"

"Kesa naman yellow."

Napairap si Chanyeol at napanasin ni Baekhyun na parang namumula siya? Ang cute niya pag ganito. Hahaha.

"Hindi ka sa couch matutulog."

"Saan?"

"Edi sa kwarto ko."

Napatigil bigla si Baekhyun at tiningnan si Chanyeol na nakatitig lang sa kanya.

"H-ha?"

"Sa kwarto ko. Bingi ka?"

"Hindi," bulong ni Baekhyun nang nahihiya. "Sa kwarto na lang ako ni Yixing-hyung."

"Tulog na siya. Gusto mo ba siyang istorbohin?"

"Edi sa kwarto na lang ni Sehu--"

"Hindi sa kwarto ni Sehun. Hindi pwede dun."

"Bakit naman!?"

"Baka kung anong gawin mo sa kapatid ko. Baka rape-in mo siya."

"Mukha ba akong rapist!?" sabi ni Baekhyun nang namumula. "Baka nga ako ang rape-in mo kapag sa kwarto mo ako natulog!"

Tiningnan ni Chanyeol ang buong katawan ni Baekhyun, mula ulo hanggang paa. Nanlaki ang mata ni Baekhyun sabay takip sa buong katawan niya gamit ang kamay niya na para namang may matatakpan siya.

"Hoy! Don't you dare!"

"Hindi ako interesado."

Tinanggal na ni Baekhyun ang kamay niya sa katawan niya sabay irap. "Fine. Sa kwarto mo na ako matutulog dahil inaantok na talaga ako."

"K."

Naghagis ng pajama at tshirt si Chanyeol kay Baekhyun nang makapasok na sila sa kwarto.

"Magpalit ka ng damit bago matulog," sabi ni Chanyeol sabay higa sa kama niya. "Ayokong marumihan ang kama ko ng dugyot na damit mo."

"Okay po. Ang arte."

Pumunta sa banyo si Baekhyun dala ang damit ni Chanyeol. Naghubad na siya at sinuot ang maluwang na tshirt na hanggang siko niya. Sinuot niya na rin ang pajama na tama lang sa kanya.

Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Suot ko ang damit ni Chanyeol. Sa kwarto niya ako matutulog. Di ba parang mukha kaming mag-asawa nito?

Napangiti si Baekhyun sabay kagat sa labi niya. Eeeh, wag ka nga! Kung anu-anong iniisip mo, Baek, ang landi mo talaga.

Matapos makipag-usap sa sarili, lumabas na siya ng CR. Nakita niyang nakahiga na si Chanyeol sa kama sa left side at may nakalaan nang space para higaan ni Baekhyun sa right side.

Dahan-dahan siyang humiga sa kama at kinumutan ang sarili niya, may malaking space sa pagitan nila ni Chanyeol. Pipikit na sana si Baekhyun nang narinig niyang nagsalita si Chanyeol.

"Good night."

Napangiti si Baekhyun nang malapad.

"Good night rin, Chanyeol," bulong niya. "Sweet dreams."

Hindi nakita ni Baekhyun ang pag ngiti ni Chanyeol sa dilim.

*

Kinabukasan.

Nagising si Chanyeol nang siya na lang ang mag-isa sa kama. Bumangon siya sabay tingin sa orasan sa beside table niya. 7:30.

Bumaba na siya at nakita niya si Yixing na nasa living room na nagbabasa ng newspapaper, at ang kapatid niya na umiinat at humihikab sa kusina. Nakita niya rin si Baekhyun na nagluluto, suot pa nito ang pajama at tshirt niyang maluwang.

Pumunta si Chanyeol sa kusina. Kumuha siya ng baso at uminom ng sparkling water.

"Morning Baekhyun," sabi ni Sehun sa inaantok niya pang itsura.

Sinundan ni Chanyeol ng tingin ang kapatid niya na tumatayo sa upuan niya at pumupunta sa likuran ni Baekhyun. Pinatong ni Sehun ang ulo niya sa balikat ni Baekhyun at inabot naman ni Baekhyun ang buhok ni Sehun gamit ang kanang kamay niya para guluhin ang buhok ni Sehun.

"Good morning, baby," sabi ni Baekhyun. Nakakahawak na siya ngayon sa waist ni Sehun.

Muntik nang maibuga ni Chanyeol ang tubig na iniinom niya nang makita ang scene sa harap niya. Ang aga aga, naglalandian. Ano ba sila, magsyota? Napairap si Chanyeol.

"Hoy hoy hoy," sabi ni Chanyeol habang pinaghihiwalay ang dalawa. "Ano to? Ha? Ano to?"

"Ano ang alin?" tanong ni Baekhyun nang nakataas ang kilay. Nakapout lang si Sehun.

"Good morning, Chanyeol-hyung," sabi ni Sehun sabay yakap sa hyung niya para ilayo kay Baekhyun. Napayakap na rin si Chanyeol sa kapatid niya at nakamilutan na niya ang sasabihin niya.

"Kakain na," sabi ni Baekhyun habang hinahain ang kimchi fried rice, hotdog at itlog. Umupo na si Sehun ay Yixing kasabay ni Baekhyun. Nakatayo lang si Chanyeol.

"Ayaw mo ba ng pagkain?" tanong ni Baekhyun. "Umupo ka na."

"Parang iba ang gusto ko."

"Ano? Gusto mo magluto ako?"

"Gusto ko ng bacon."

Napatingin naman si Sehun at Yixing kay Chanyeol nang kakaiba. Walang reaksyon si Chanyeol.

"Gusto ko rin ng bacon," sabi ni Sehun nang seryoso.

Natawa si Yixing. "Bakit pareho kayo ng gusto? Isa lang ang bacon natin."

"Marami tayong bacon sa ref," sabi ni Baekhyun nang nakangiti na parang walang kaalam-alam sa mundo. "Magluluto pa ako nang marami! Ikaw, Yixing-hyung? Gusto mo rin ng bacon?"

Sabay na tumingin si Chanyeol at Sehun kay Yixing, nag-aabang ng isasagot niya na parang importanteng importante ang sasabihin niya.

Ngumiti lang si Yixing. "Ayoko ng bacon," sabi niya. "Kayo na lang, okay na ako sa pagkain ko."

"Ayaw mo talaga?" tanong ni Baekhyun.

"Ayaw nga niya eh, bat mo ba pinipilit," sabat ni Sehun. "Magluto ka na nga dun nang makakain na. Dalian mo."

*

"Anong ginawa mo sa kaibigan ko!?" sigaw ni Jongdae kay Chanyeol pagkapasok niya ng office. "Bakit hindi siya umuwi kagabi!?"

"Natulog siya sa bahay ko kagabi," sabi ni Chanyeol. Napatingin si Kyungsoo at Junmyeon sa kanya, mga curious ang mukha.

"Talaga?" excited na tanong ni Jongdae. "Ano? May nangyari ba? Ha?"

"Wala."

"Nagdedate na ba kayo?" tanong ni Kyungsoo.

"Hindi."

"Dalhin mo naman dito si Baekhyun minsan," sabi ni Junmyeon habang ginagalaw ang kilay niya.

"Ayoko."

Pumasok na si Chanyeol ng sarili niyang office habang nakatingin lang ang tatlo sa kanya.

"Ano, pustahan tayo magiging in a relationship na sina Chanyeol at Baekhyun." sabi ni Jongdae sabay ngiti nang masama. "Pag nanalo ako, kayong dalawa, magiging alipin ko."

"Sige, sali ako jan," sabi ni Junmyeon nang nakangiti. "Pag nanalo ako, magsusuot kayo ng palda buong linggo."

Napangiti rin si Kyungsoo. "Deal. Kung ako naman ang manalo, magkikiss kayong dalawa sa harap ko."

Katahimikan. Nakatitig lang si Kyungsoo kay Junmyeon at Jongdae. Walang reaksyon si Jongdae samantalang mukha namang nandidiri si Junmyeon.

"Ano? Naduwag na? Wala pala kayo eh. Boo, boo," asar ni Kyungsoo.

"Fine," sabi ni Junmyeon sabay irap. "Pusta ko, 3 weeks sila na."

"Ang tagal naman! 2 weeks lang, silang dalawa na," sabi ni Jongdae na parang confident na confident sa sarili.

"2 weeks? Psh, ano to, sinaunang panahon? Masyadong pakipot," sabi ni Kyungsoo. "1 week lang, may boyfriend na ang bestfriend mo."

Tumingin nang nakakatakot si Kyungsoo sa dalawa kaya naman biglang kinilabutan si Jongdae. Pakiramdam niya, may masamang espirito na pumasok sa office.

"Hindi ka mananalo, Kyungsoo. Tandaan mo yan! Ako ang mananalo at magiging alipin ko kayo!"

Umirap lang si Kyungsoo. "Excited na ako sa kissing scene~"

"Wag kang papakasiguro Kyungsoo dahil mamimili pa ako ng palda na susuotin niyo!" sabi naman ni Junmyeon.

Bago pa bumukas ang pinto ng office ni Chanyeol, tumahimik agad ang tatlo at bumalik sa trabahong hindi naman talaga nila ginagawa.

Napangiti si Chanyeol. "Dapat ganyan kayo lagi, maayos na nagtatrabaho. Keep it up, guys."

Nagkatinginan si Kyungsoo, Jongdae at Junmyeon at mahinang tumawa habang may kausap si Chanyeol sa phone.

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro