Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 8


*

8

"Hoy Baekhyun," tawag ni Jongdae sa kaibigang nakahiga pa rin sa kama. "Tanghali na, bumangon ka na jan. Wala ka bang balak pumasok sa trabaho?"

Nagtalukbong si Baekhyun ng kumot at tinalikuran si Jongdae. "Hindi maganda ang pakiramdam ko, Jongdae."

"Himala. Ngayon ka lang yata tinablan ng sakit ah? Teka, may sakit ka ba talaga o tinatamad ka lang pumasok?"

Inalis ni Jongdae ang blanket na nakakumot sa katawan ni Baekhyun kaya walang nagawa si Baekhyun kundi magpout na lang sa bestfriend niya.

"Jongdae, ano ba! Akin na yang kumot ko."

Tiningnan siya ng kaduda-duda ni Jongdae. "May problema ka ba? Wala ka namang sakit eh."

"Wala akong sakit. Hindi lang talaga maganda ang pakiramdam kong pumasok ngayon."

"So sino ang nag-aalaga kay Sehun ngayon?"

I like you, Baekhyun. Gusto talaga kita.

Umiling si Baekhyun. Naaalala nanaman niya yung sinabi ni Sehun sa kanya. Hindi niya alam kung pano ba niya haharapin si Sehun ngayon matapos ng ginawa niya kagabi.

/flashback/

Naghihintay si Sehun ng sagot ni Baekhyun matapos niyang magconfess. Hindi alam ni Baekhyun kung ano ba dapat ang sabihin niya kaya nag-isip na lang siya ng paraan para makatakas sa sitwasyon.

Pumikit si Baekhyun sabay hawak sa tiyan niya kaya nag-aalalang lumapit si Sehun sa kanya.

"B-baekhyun, okay ka lang?!"

"A-ang... sakit..."

Hinawakan rin ni Baekhyun ang pwet niya sabay tingin kay Sehun nang nagmamakaawa.

"Masakit...."

"Anong masakit!? Saan?!"

"Ang tiyan ko, Sehun! L-lalabas na... LALABAS NA!!!"

"Shit," sabi ni Sehun habang nanlalaki ang mata na parang nandidiri. "Pumunta ka na sa CR ngayon na!"

"O-oo na!" sagot ni Baekhyun bago siya tumakbo paalis papuntang CR, hawak-hawak ang tiyan niya na kunwari ay masakit.

Pagkapasok niya ng CR, huminga na siya nang malalim at tiningnan ang sarili sa salamin habang inuuntog ang ulo sa pader.

"Anong.... gagawin ko..."

/flashback ends/

"Ano, sino nang nag-aalaga kay Sehun?"

"Nandun naman si Yixing eh, at saka nagpaalam naman akong hindi ako papasok ngayon."

"Hmm, okay. Pero seryoso, anong dahilan at umabsent ka ngayon? Nag-away ba kayo ng alaga mo?"

Umiling si Baekhyun. "Jongdae..."

"Oh bakit?"

"....si Sehun."

"Si Sehun?"

"Sinabi niyang gusto niya ako."

Tumingin si Baekhyun sa kaibigan niyang nakatitig lang sa kanya at nakakunot ang noo.

"Sinabi... niya yun? Nagconfess siya sayo?"

Tumango si Baekhyun.

"Uhm, ano. Baka naman, nagbibiro lang siya? Baka pinagtitripan ka lang niya?"

"Sana nga, pero hindi eh. Nakita ko sa mga mata niyang seryoso siya! Jongdae, anong gagawin ko?"

"Gawin mo? Edi... uhm, sabihin mo yung totoo. Na si Chanyeol ang gusto mo at hindi siya."

Binato ni Baekhyun si Jongdae ng unan habang namumula ang mukha niya. "Hindi ko gusto si Chanyeol!"

"Tayong dalawa na nga lang ang magkasama sa buhay MAGLOLOKOHAN PA BA TAYO HA BAEKHYUN! Kilala kita, kaya wag mo akong pinagsisinungalingan!"

"Hindi ako--"

"SHUT UP!"

"Pero hindi ko nga--"

"MANAHIMIK KA!"

Tumahimik na lang si Baekhyun habang nakasimangot. Yakap niya ang dalawang tuhod niya sa dibdib niya.

"Hindi ko kayang saktan si Sehun," sabi ni Baekhyun habang nakayuko. "Nangako ako kay Chanyeol."

"Chanyeol nanaman," bulong ni Jongade sabay irap. "Edi kung ayaw mong ireject si Sehun, anong gagawin mo?"

"Hindi ko alam... Ewan ko, Jongdae."

*

Pagkatapos ng tatlong araw ng absent, naisip ni Baekhyun na pumasok na sa trabaho dahil baka masesante na siya pag pinagpatuloy niya pa ang pag-iinarte.

Pagkapasok niya ng mansion, nakita niya si Chanyeol at Sehun na kumakain sa dining room habang si Yixing naman ay nasa kusina.

"Sorry!" sabi ni Baekhyun sabay bow sa harap ni Sehun at Chanyeol. "Ngayon lang ako pumasok!"

Tumingin si Chanyeol sa kanya mula ulo hanggang paa. Napayuko si Baekhyun.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Chanyeol nang mahinahon. Ang ineexpect ni Baekhyun ay sigawan siya ng boss niya kaya naman nagulat siya sa sinabi ni Chanyeol.

"H-huh?"

"Tinatanong ko kung okay ka na? Sinabi ni Yixing na masama raw ang pakiramdam mo. Sabi ni Sehun na baka may LBM ka."

Tumingin si Baekhyun kay Sehun na hindi nakatingin sa kanya. Nakatungo lang ito sa plato niya ng spaghetti.

"Okay na ako, Chanyeol! Promise, magaling na magaling na ako!"

"Mabuti naman kung ganun." Ngumiti si Chanyeol. Natulala si Baekhyun.

"Malilinis mo na ang kwarto ni Sehun at malalabhan mo na rin ang damit niya. Sige na, magstart ka na."

"Hindi pa ako kumakain. Pwede bang kumain muna?"

"Hindi."

"Bakit?!"

"Mamaya na. Hindi pa tapos magluto si Yixing kaya wala kang makakain. Sa ngayon, gawin mo muna ang trabaho mo."

Napangiti si Baekhyun. Papakainin naman pala siya.

*

Naglilinis si Baekhyun ng kwarto nang may narinig siyang tatlong katok sa nakabukas nang pinto.

"Bakit?" sagot ni Baekhyun nang hindi tumitingin sa kumatok dahil busy siya sa pagvavaccum, at alam rin niyang si Sehun yun. At dahil awkward.

"Baekhyun, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Sehun sa nakatalikod na si Baekhyun.

"Mamaya na yan, mag-usap muna tayo."

Pumasok si Sehun at umupo siya sa kama. Lumayo si Baekhyun habang pinagpapatuloy ang paglilinis niya. Lumapit si Sehun. Lumayo si Baekhyun.

"Baekhyun!"

"A-ano?"

"Itigil mo yan at pansinin mo ako!"

Itinigil ni Baekhyun ang paglilinis niya at dahan dahan siyang humarap kay Sehun. Bumuntong hininga siya habang nakatitig lang si Sehun sa kanya.

"Yung... nangyari nung gabing yun... Baekhyun..."

Tahimik lang si Baekhyun na nakayuko at nakatingin sa sahig.

"Pinagtitripan lang kita."

Tumunghay bigla si Baekhyun.

"Niloloko lang kita. Joke lang yun. Gusto ko lang makita ang reaksyon mo."

"ANONG SINABI MO?! ARGHHH! NAKAKAINIS KA SEHUN!"

Lumapit siya kay Sehun at sinakal ang leeg nito. "Akala ko kung ano na! Akala ko totoo! Pinakaba mo ako! Nakakainis kang bata ka!"

"Uto-uto ka kasi!" sigaw ni Sehun nang tumatawa. Tumawa rin si Baekhyun habang hinahampas si Sehun sa dibdib.

"Wag mo na ulit gagawin ang birong yun! Hindi nakakatawa!"

"Sorry na! Ouch! Hindi ko na uulitin!"

"Dapat lang!"

"So, okay na tayo?!"

Ngumiti si Baekhyun nang malapad sabay tapik sa pisngi ni Sehun.

"Okay na tayo," sabi ni Baekhyun. "Basta ikaw ang maglinis nitong kwarto mo!"

Napairap na lang si Sehun. Ayaw man niyang gawin, gagawin niya para sa babysitter niya.

"Fine. Basta dito ka lang."

Kinuha ni Sehun ang vaccum cleaner sa kamay ni Baekhyun at tumalikod siya.

Hindi nakita ni Baekhyun ang lungkot sa mga mata niya.

*

"Hindi ako makapinawalang nagawa mong sabihin yun," sabi ni Jongin habang tinatapik sa likod ang lumong-lumong si Sehun. "Grabe ka, Sehun."

"Alam ko naman kasing iniiwasan niya ako kaya hindi siya pumasok matapos kong magconfess. At ayokong maging awkward ang lahat sa pagitan namin."

"Kaya mo sinabing joke lang yun. Iba ka rin eh ano."

"Okay lang, at least kagaya pa rin kami ng dati. Okay na ako dun. Isa pa," Bumuntong hininga siya. "Alam kong may iba siyang gusto at hindi ako yun."

Natahimik na lang si Jongin at nagpapasalamat si Sehun dahil nandito lang sa tabi niya ang kaibigan niya.

"Magpapatatalo ka na lang ba dun... Kung sino man yung gusto ni Baekhyun?"

Tumawa si Sehun. "Syempre hindi. Mas gwapo kaya ako kesa sa kanya."

*

"Baekhyun, halika muna dito."

Lumingon si Baekhyun kay Chanyeol na nakaupo couch. Pumunta siya sa harap ni Chanyeol habang tinitingnan ang ginagawa ng boss niya.

"Bakit Chanyeol?"

"Pahiram nga ng kamay mo."

Kinuha bigla ni Chanyeol ang kamay ni Baekhyun nang walang paalam bago pa maibulsa ni Baekhyun ang kamay niya. Nagulat siya ng hawakan ni Chanyeol ito.

Mainit... ang kamay niya.

"A-ano bang gagawin mo!?"

"Wag kang gumalaw."

May kinuha si Chanyeol na red box sa ilalim ng coffee table at binuksan niya ito. Nanlaki ang mata ni Baekhyun habang namumula ang buong mukha niya.

Magpopropose ba siya sakin!? Chanyeol, ang bilis mo naman! Hindi pa nga tayo eh!

"Steady ka lang," sabi ni Chanyeol habang isinusuot sa kamay ni Baekhyun ang isang silver bracelet, na sobrang ganda at mamahalin. Nanlaki lalo ang mata ni Baekhyun.

"Ch-chanyeol, ano--"

"Bagay sayo Baekhyun," sabi ni Chanyeol habang tinitingnan ang gawa niya. "Mukha kasing pangbabae ang kamay mo. At ang ganda ng napili kong bracelet."

Aalisin na dapat ni Baekhyun ang kamay niya dahil sobrang nahihiya na siya pero pinigilan siya ni Chanyeol. Nagpout na lang si Baekhyun.

"Yixing! Halika muna dito!"

Lumabas si Yixing galing sa kwarto. "Bakit?"

"Tingnan mo, tamang tama lang diba?"

Tumango si Yixing. "Bagay sa kamay niya. Sigurado, bagay rin kay Dara-noona yan."

"Tingin mo?"

"Oo! Tingin ko hindi sila nagkakalayo ng itsura ng kamay ni Baekhyun."

Nakatingin lang si Baekhyun sa dalawa. Hindi naman pala sa kanya ang bracelet na to kaya medyo nalungkot siya. Para pala ito dun sa Dara. At sino naman si Dara? Girlfiend ni Chanyeol!?

"Sino si... Dara?"

"Ah, hindi pa pala namin nasasabi sayo," sabi ni Yixing nang nakangiti. Inaalis naman ni Chanyeol ang bracelet sa kamay ni Baekhyun.

"Bibisita siya dito bukas. Si Dara-noona ay--"

"Yixing! Tulungan mo nga ako dito. Ayaw matanggal sa kamay niya."

"Baka kasi napamahal na siya sakin," sabat ni Baekhyun nang nakangiti nang mapang-asar. "Kaya ayaw na niyang umalis sa kamay ko."

"Maghanda ka ng 500,000 won kapag hindi naalis to sayo. O puputulin ko ang kamay mo."

"Wala akong pera! Alisin niyo na to! Dali! Alisin niyoooo!"

Matapos ng ilang try, naalis rin ang bracelet kaya nakahinga na nang maluwag si Baekhyun, o akala na niya lang, dahil nakakasikip ng dibdib pag nakikita niyang nakangiti na parang baliw si Chanyeol sa bracelet. Natawa na lang si Yixing.

Napairap si Baekhyun. "So, kung wala na akong silbi dito, aalis na ako."

"Buti naman alam mo. Sige layas na," sabi ni Chanyeol. "Pero bago yun, pakilabas ng basura, dadaan yung truck mamaya."

Napapapikit na lang si Baekhyun habang nagpiligil ng inis sabay walk out.

"Ang sama mo naman sa kanya," bulong ni Yixing nang makaalis si Baekhyun. "Bakit ba ang sungit mo kay Baekhyun, mabait naman siya ah?"

"Kaya ko siya sinusungitan," sabi ni Chanyeol nang hindi nakatingin sa kausap. "Masyado kasi siyang mabait."

Natawa na lang si Yixing. "Alam ko na yata kung bakit," bulong niya sa sarili niya.

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro