CHAPTER 75 - FINAL
*
75
Isang linggo na ang nakalipas mula nang manilbihan si Chanyeol sa pamamahay ng mga Byun, kaya isang linggo na rin siyang hindi nakakapasok sa opisina. Mabuti na lang at nasa company ang noona niya at mga kaibigan niya para gawin ang mga naiwan niyang trabaho.
Okay lang yun Chanyeol, wag mo muna kaming isipin dito. Ang asikasuhin mo muna ay yung kasal niyo ni Baekhyun, okay?
Chanyeol, ako na ang bahala sa mansion. Mag-enjoy ka muna kasama ni Baekhyun. Fighting!
Napangiti si Chanyeol nang naalala niya ang sinabi ng noona niya at ni Yixing sa kanya. Maswerte talaga siya dahil may mga taong nanjan pa rin para sa kanya kahit wala na ang parents niya.
Sa loob ng isang linggo pakiramdam ni Chanyeol, medyo hindi na siya ganun ka hate masyado ni Mr. Byun dahil minsan ay kinakausap naman siya nito habang nagtatrabaho sila sa bukid. Pero piling mga salita pa rin ang sinasabi ni Mr. Byun sa kanya, at lagi namang nag-iingat si Chanyeol sa mga isasagot niya.
"Sa pagkakaalam ko ay may naiwan kang kumpanya sa Seoul," sabi ni Mr. Byun habang nakatingin sa broadsheet na hawak niya. Umayos si Chanyeol ng upo sa couch at pinunas sa pants niya ang namamawis niyang kamay.
"Opo, meron po. Ibinilin po sakin ng Dad ko ang kumpanya bago siya nawala. Pero sa ngayon, ang noona ko ang namamahala ng company namin simula nang.." Nilipat ni Mr. Byun ang dyaryo niya. "nagkasakit ako."
"May sakit ka?"
Nagulat si Chanyeol sa tanong pero nakabawi rin siya agad. "H-hindi naman po malala.. Migraine lang po ito, at minsan sinusumpong ako. Pero wag po kayong mag-alala, umiinom naman po ako ng gamot araw-araw."
"Ganun ba," sabi ni Mr. Byun. "Mabuti naman kung ganun."
Tumango lang si Chanyeol at tumahimik. Gusto niyang magtanong kung payag na ba si Mr. Byun sa pagpapakasal nila ni Baekhyun, kaya lang nauunahan siya ng kaba, at naisip niyang baka isipin ni Mr. Byun na pinangunganhan niya ito. Kailangang lang niyang maghintay.
Sinara na ni Mr. Byun ang dyaryo niya, kaya napatingin na si Chanyeol sa kanya. "Halika, sumunod ka sakin." Tumayo siya at tinawag si Baekhyun na nasa kusina. Sumilip naman agad si Baekhyun nang marinig niya ang tawag sa kanya ng appa niya.
"Baekhyun, halika dito. Samahan mo kami."
Kahit nagtataka ay sumunod naman si Chanyeol at Baekhyun kay Mr. Byun. Dinala sila nito sa likod ng farm, sobrang tahimik, kaya bigla namang natakot si Chanyeol.
"Wag kang matakot, may ipapakita lang siguro siya sayo," sabi ni Baekhyun habang pinipisil ang kamay ni Chanyeol.
Magsasalita pa sana si Chanyeol pero natigilan na siya. Nakita niyang may kinuha sa bulsa ng coat niya si Mr. Byun. Natahimik na lang si Chanyeol nang nakita niya ang hawak nito, habang nakatago naman si Baekhyun sa likod niya.
"Alam mo ba kung ano to?" tanong ni Mr. Byun.
"O-opo."
"Ano to?"
Huminga nang malalim si Chanyeol. "Shotgun po ang hawak niyo."
Nakatingin lang si Chanyeol habang pinupunasan ni Mr. Byun ang baril sa kamay niya. Maraming pumapasok sa isip niya ngayon. Uutusan ba siyang bumaril? Pumatay ng hayop? Pumatay ng kriminal?
O di kaya naman, barilin ang sarili niya?
Napapikit si Chanyeol. Ayaw niya pang mamatay. Masyado pang maaga, masyado pa siyang bata. Ni hindi pa nga nila nagagawa yun ni Baekhyun tapos mamamatay na siya?
"Appa, b-bakit niyo po hawak yan!?" tanong ni Baekhyun, nanginginig na ang boses niya. Takot siya sa baril, at kahit nung bata siya, ni minsan hindi siya naglaro ng baril. Mga kotse at lutu-lutuan lang talaga ang nilaro niya noon.
"Ah, namimiss ko lang kasi itong si Bernardo," sabi ni Mr. Byun nang nakangiti, nakakatakot siya habang hinihimas niya ang shotgun. "Matagal na panahon na rin kasi mula nang mapasakamay ko tong baril na to."
Tahimik lang si Chanyeol.
"Pero appa, sinabi niyo sakin na itatago niyo na habambuhay yang si Bernardo!" sigaw ni Baekhyun, naluluha na siya. "Sinabi niyo pong hindi niyo na ulit ilalabas yan... Muntik na po akong mapahamak nang dahil jan!"
Noong nasa high school pa si Baekhyun, aksidente niyang nagalaw ang baril ng appa niya na nakapatong sa lamesa. Pumutok ito at muntik nang matamaan ang paa niya nang nalaglag ito sa sahig. Akala talaga niya ay katapusan na ng mga paa niya.
"Marunong ka bang humawak ng baril, Chanyeol?" tanong ni Mr. Byun. Hindi niya pinapansin ang mga sigaw ni Baekhyun sa kanya. Dahan dahan namang tumango si Chanyeol.
"T-tinuruan po ako.. ng Dad ko noong nabubuhay pa siya," sagot ni Chanyeol nang seryoso. "Dinadala niya po ako sa shooting range kapag wala siyang trabaho." Nagulat si Baekhyun sa sinabi ni Chanyeol. Hindi niya alam na marunong palang bumaril si Chanyeol.
"Ah, ganun ba." Ngumiti si Mr. Byun. "Tamang-tama pala. Buti na lang at marunong ka, dahil kung hindi, madidisappoint na talaga ako sayo."
Tumalikod si Mr. Byun at kinargahan ng bala ang baril. Nakatingin lang si Chanyeol nang iputok ni Mr. Byun ang baril sa kahoy na nakalawit sa itaas ng puno.
Tatlong sunod-sunod na putok pa ang narinig sa buong paligid at tatlong pagbagsak din sa lupa. Napatakip si Baekhyun ng tenga dahil sa lakas ng putok ng baril.
"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Chanyeol kay Baekhyun na nakaupo na sa lupa habang nakatakip ang tenga. Umupo rin si Chanyeol para maabot niya ito habang hinahaplos niya ang likod nito. "Baekhyun, Baekhyun. Okay ka lang ba?"
Nakasubsob lang si Baekhyun sa tuhod niya, nanginginig na siya sa takot dahil wala yatang planong tumigil sa pagbaril ang appa niya. Nasasaktan si Chanyeol na nakikita niyang ganito si Baekhyun pero wala siyang magawa. Wala siyang alam kung ano bang plano ni Mr. Byun ngayon, pero alam niyang hindi naman ito gagawin ni Mr. Byun para lang takutin si Baekhyun. May iba pang dahilan.
Binaril ni Mr. Byun ang isang lumipad na ibon. Bumagsak ito sa lupa.
Nakatingin lang si Chanyeol at nakatulala na parang bato, gulat na gulat siya dahil sa ginawa ni Mr. Byun. Bakit niya binaril yung ibon? Pinanood niyang maglakad si Mr. Byun para pulutin ang patay na ibon.
"Winakasan ko lang ang paghihirap niya," sabi ni Mr. Byun sabay tanggal ng pana na nakabaon sa likod ng ibon. Naghukay siya ng maliit na butas at nilibing dun ang ibon pagkatapos. Pero kahit ganun, hindi pa rin nawawala ang kabog sa dibdib ni Chanyeol.
"Baekhyun."
Dahan dahang tumunghay si Baekhyun sa pagtawag ng ama niya. Nakita niyang nakababa na ang baril nito sa may gilid niya. "Tumayo ka jan at pumunta ka dito."
"B-bakit po?" tanong ni Baekhyun. "Ano pong gagawin ko?"
"Wag ka nang magtanong at sundin mo na lang ako."
Tumayo si Baekhyun nang tahimik at maingat na naglakad sa harap ni Mr. Byun. Mahangin ang paligid, kaya hinahangin rin ang buhok ni Baekhyun. Halata ni Chanyeol sa mga mata ni Baekhyun na natatakot ito, kaya ngumiti siya kay Baekhyun bilang pagcomfort.
"Tumayo ka lang jan. Wag kang gagalaw." May kinuha ulit si Mr. Byun sa bulsa niya. Pinunas niya ang balat nito sa damit niya bago niya ito ipatong sa ulo ni Baekhyun.
Natigilan si Chanyeol. At nawala ang ngiti sa bibig niya.
"Kapag natamaan mo ang mansanas sa ulo ni Baekhyun, papayag na akong pakasalan mo siya."
Nanlaki ang mata ni Baekhyun sa gulat, samantalang bumuka naman ang bibig ni Chanyeol, gulat na gulat din siya. Hindi siya makapagsalita, naninigas lang siya sa kinatatayuan niya nang iabot sa kanya ni Mr. Byun ang shotgun.
"Sige na. Gawin mo na."
"Appa! Nababliw na po ba kayo!?"
Tinitigan ni Chanyeol ang baril na iniaabot sa kanya, sabay tingin kay Baekhyun na sampung metro ang layo sa kanya. Nagmamakaawa at natatakot na yung mukha ni Baekhyun na nakatingin sa kanya, at ganun din si Chanyeol.
"S-sir, hindi ko po--hindi ko po kayang gawin yung pinapagawa niyo! Delikado, matagal na po yung huli kong hawak ng baril at hindi na po ako sanay! H-hindi ko po kayang barilin-- Matatamaan ko po si Baekhyun, sir--" sabi ni Chanyeol, nanginginig na yung boses niya. "H-hindi ko po kayang barilin yung apple--"
"Natatakot ka?" tanong ni Mr. Byun, walang ekspresyon ang mukha niya. "Hindi mo kaya?"
"Appa! Sumusobra ka kayo, tama na po!" sigaw ni Baekhyun, hinawakan niya ang mansanas sa ulo niya. "Hindi ako magpapabaril! Itigil niyo tong kalokohan niyo! Aalis na kami dito!"
Itatapon na dapat ni Baekhyun sa lupa ang apple nang nagsalita ulit si Mr. Byun.
"Sa oras na itapon mo yang mansanas na yan. Tandaan mo, hinding hindi mo na makakasama ang Chanyeol na to."
Natigilan si Baekhyun. Humigpit ang pagkakahawak niya sa prutas.
"Ano pa bang kulang, appa? Nagawa na ni Chanyeol yung mga inuutos niyo diba? Ano pa bang gusto niyo?" tanong ni Baekhyun, nagtitimpi lang siya pero masama na talaga ang loob niya. "Ano pa bang kailangang patunayan ni Chanyeol!?"
"Sa tingin mo madadala ako sa mga bagay na ginawa niya?" sabi ni Mr. Byun nang nakangiti. "Simpleng bagay lang ang mga ipinagawa ko, lahat ng tao kayang gawin yun, Baekhyun. Pero hindi lahat ng tao may kayang harapin ang kinatatakutan nila." Humarap siya kay Chanyeol. "Takot ka na masaktan mo si Baekhyun, diba? Ngayon, harapin mo ang takot mo. Barilin mo ang mansanas."
Tumingin si Mr. Byun sa anak niya. "Ibalik mo yan sa ulo mo. Ngayon na."
Pumikit si Baekhyun at ipinatong ulit ang mansanas sa ulo niya.
"Dumilat ka."
Hindi dumilat si Baekhyun.
"Narinig mo ako. Dumilat ka."
Dahan dahang dumilat si Baekhyun, at nang dumilat siya may luha nang tumulo sa pisngi niya. Takot na takot siya. Paano kung magkamali si Chanyeol. Paano kung matamaan siya sa noo? Paano kung hindi magawa ni Chanyeol nang tama at siya naman ang masaktan? Pinipigil niya ang iyak niya pero ayaw pa ring tumigil nang luha niya sa pagbagsak. Makita niya pa lang yung baril natatakot na siya, paano pa kung itututok ito sa kanya, at hindi lang kung sino, kundi si Chanyeol pa. Hindi niya kayang makitang tinututukan siya nang baril ni Chanyeol, at alam niyang hindi rin ito magagawa ni Chanyeol.
Pero kung hindi nila malalampasan to, hindi papayag ang appa niya sa pagpapaksal nila ni Chanyeol. Hindi niya maintindihan, bakit kailangan pang gawin ito ng appa niya? Kahit wala namang ganito, alam ni Baekhyun na mahal siya ni Chanyeol, mahal na mahal. Kahit walang ganito, may tiwala siya kay Chanyeol na hindi siya nito sasaktan--
Hindi siya sasaktan ni Chanyeol.
May tiwala siya kay Chanyeol.
Alam niyang hindi siya sasaktan ni Chanyeol kahit kailan.
"Sir, a-ayoko po, hindi ko magagawa. H-hindi ko kaya. Iba na lang yung ipagawa niyo sakin, wag po ito. Please," pagmamakaawa ni Chanyeol. "P-parang awa niyo na Sir, hindi ko kayang barilin si Baekhyun--"
"Gawin mo na."
Natigilan si Chanyeol.
"Sige na, Chanyeol gawin mo na. Barilin mo na yung apple sa ulo ko," sabi ni Baekhyun. "Hindi ako gagalaw. G-gawin mo na.. Kaya mo tong gawin.." Huminga nang malalim si Baekhyun habang nakapikit. "May.. May tiwala ako sayo."
"B-baekhyun.."
"Sige na, ano pang hinihintay mo?" sabi ni Baekhyun, tumutulo pa rin ang luha niya. "Barilin mo na yung apple. Patunayan mo kay appa na hindi ka duwag. Sige na, Chanyeol. Barilin mo na ako! B-barilin mo na ako.. d-dalian mo na.. Bago pa.. bago pa magbago ang isip ko! Gawin mo na!"
Kahit sinasabi niya yan ay alam ni Chanyeol na nagtatapang-tapang lang si Baekhyun. Nanginginig siya.
"H-hindi ko kaya! Hindi ko gagawin to!" sigaw ni Chanyeol. "Paano kung mamatay ka!? Nababaliw ka na ba!? Hindi ako susugal nang isang beses kapalit ng kaligtasan mo! Ayokong mapahamak ka! Hindi.. Hindi ko gagawin to.."
"Wala ka bang tiwala kay Baekhyun?" sabi ni Mr. Byun. "Sa tingin mo ba sasabihin niya sayong gawin mo na yung pinapagawa ko kung hindi siya nagtitiwala sayo?"
Natigilan si Chanyeol.
"Chanyeol, h-hindi mo ako sasaktan diba? Sinabi mo sakin na.. hindi mo ako sasaktan.. Sabi mo kakayanin mo lahat, diba? May tiwala ako sayong magagawa mo to. Gawin mo na.. Hindi mo ako masasaktan.. May tiwala ako sayo.."
Malaki ang tiwala sa kanya ni Baekhyun kaya lalong bumigat ang loob ni Chanyeol. Takot siya, at siya mismo, wala tiwala sa sarili niya. Pero kung hahayaan niya ang sarili niyang matakot na lang, hindi niya to malalampasan. Una pa lang ito sa mga pagsubok na haharapin nila ni Baekhyun nang magkasama, at kung susuko siya agad, walang mangyayari sa kanya. Magiging mag-asawa na sila ni Baekhyun, at kung hindi niya kayang harapin ang takot niya, hindi siya karapat-dapat mahalin ni Baekhyun.
Naiintindihan na niya. Kung bakit ito pinapagawa ni Mr. Byun, naiintindihan na niya.
"Sige na, Chanyeol," sabi ni Mr. Byun sa tabi niya. Inabot nito ang baril sa kamay niya. "Gawin mo na."
"O-opo.."
"Takot ka pa ba?"
Umiling si Chanyeol. "Mas takot akong bumalik sa Seoul nang hindi ko siya kasama." Tumingin siya kay Mr. Byun. "Patawarin niyo po ako kung nag-alinlangan ako.. Ngayon, naiintindihan ko na po. Gagawin ko na po ang pinapagawa niyo, Sir."
"Sige. Kunin na mo na to."
Kinuha ni Chanyeol ang baril, kakaiba sa pakiramdam. Medyo mabigat at magaspang. Kinasa niya ito. Huminga siya nang malalim at dahan dahang inangat ito at tinapat sa ulo ni Baekhyun. Sa mansanas.
Nakatingin lang sa kanya ni Baekhyun. Halata niyang namumutla na ang mukha nito. Pwede pa siyang umatras, pwede niya pang ibaba ang baril at magmakaawang iba na lang ang ipagawa sa kanya. Pero hindi, may tiwala sa kanya si Baekhyun at hindi niya ito sisirain dahil lang sa takot niya.
"Sige na, Chanyeol. Barilin mo na."
Huminga nang malalim si Chanyeol. Nilagay niya ang hintuturo niya sa gatilya at hinawakan ng dalawang kamay ang baril.
"Baekhyun."
Naghintay si Baekhyun nang sagot.
"Kapag nagkamali ako, habang buhay kong sisisihin ang sarili ko dahil nabaril kita. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko."
May ugat na biglang pumitik sa loob ng kamay ni Chanyeol kaya nakalabit niya ang gatilya ng baril. At alam niya sa sarili niyang hindi niya matatamaan ang apple dahil mali ang anggulo niya. Mali rin ang timing. Mali lahat, nagkamali siya. Parang bigla siyang sinaksak sa puso. Hindi na niya pwedeng ibalik ang oras.
Pumutok ang baril.
Tumigil ang paghinga ni Baekhyun.
Nanghina si Chanyeol. Gusto na niyang bumagsak sa lupa.
Dahil walang lumabas na bala.
Pumutok ang baril pero walang lumabas na bala.
Katahimikan.
"A-a-a-appa..." nauutal na bigkas ni Baekhyun sa sobrang gulat. Akala niya mamamatay na siya. "Y-yung.. b-baril... P-p-paanong--"
Ngumiti si Mr. Byun, at sa pagkakataong ito, totoo na talaga ang ngiti niya.
"Anak, sa tingin mo ba hahayaan kong mapahamak ka kung may bala talaga ang baril na yun?"
Nakatulala lang si Chanyeol. Hindi makapaniwala. Gulat na gulat. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Akala niya mapapatay niya na ang taong pinakamamahal niya.
"Magaling ang ginawa mo," sabi ng boses na nagpagising sa kanya. Nakaramdam siya ng mainit na tapik sa balikat niya. "Hindi mo ako binigo, Chanyeol. Napakatapang mo."
Gusto nang maiyak ni Chanyeol dahil sa narinig niya. Tumango siya at hinawakan ang kamay na nakahawak sa balikat niya. "Salamat po..."
Tumakbo si Baekhyun papunta kay Chanyeol at niyakap ito nang mahigpit. Muntik pang matumba si Chanyeol dahil sa pagkakayakap ni Baekhyun sa kanya.
"Chanyeol!" iyak ni Baekhyun habang nakasubsob ang mukha niya sa damit ni Chanyeol. Pumapadyak-padyak pa siya sa lupa habang sinusuntok ang fiance niya. "Nakakinis ka! Mnghm! Mnghm! Akala ko papatayin mo na ako! Mnghm!" Sinutok niya si Chanyeol sa tiyan nang dalawang kamay habang nakatuon ang ulo niya sa dibdib ni Chanyeol. "Arghhh!!! Tanggapin mo to! Mnghm! Ito pa! Nakakainis ka!"
Sabay na tumawa si Chanyeol at Mr. Byun, at nung narealize ito ni Chanyeol, napakamot na lang siya sa ulo sabay iwas ng tingin dahil sa hiya.
"Ibig sabihin po ba nito..." sabi ni Chanyeol. "Pumapayag na kayong--"
"Oo," sagot ni Mr. Byun nang nakangiti. Hindi na siya nakakatakot, mukha na siyang mabait na ama. "Pumapayag na ako."
"Appa!!!" sigaw ni Baekhyun sabay yakap sa appa niya, sumabit siya sa leeg nito na parang unggoy. "Salamat po! Mahal na mahal ko kayo, appa!"
Gusto rin sanang sumigaw ni Chanyeol dahil sa sobra-sobrang kaligayahan, kaya lang ay pinipigilan niya ang sarili niya. Baka mamaya biglang bawiin.
"Salamat po, Sir!" sigaw ni Chanyeol. Kinuha niya ang kamay ni Mr. Byun at nagbow. "Maraming maraming salamat po!"
"Kung ganun, kelan niyo balak magpakasal?"
Nagkatinginan si Chanyeol at Baekhyun at sabay na ngumiti nang malapad. Si Chanyeol na ang sumagot.
"Ah. Pinaghahandaan ko po talaga yung wedding. Marami po akong kinausap na sponsors para asikasuhin yung kasal namin, kaya bali next year pa po--"
"Next year?" tanong ni Mr. Byun na parang hindi makapaniwala.
"Bakit po, appa?"
"Tsk. Tsk. Tsk. Masyadong matagal. Babalik na ako sa Army sa isang buwan," sabi ni Mr. Byun habang umiling. "Kaya malamang hindi ako makakapunta sa kasal niyo kung ganun."
"Ah, ganun po ba? P-paano po kaya yun?"
"Edi imove niyo ang kasal sa lalong madaling panahon," sagot ni Mr. Byun. Ngumiti siya. "Gawin niyong next week."
Natigilan si Chanyeol at Baekhyun.
"NEXT WEEK!?"
"Oo, next week," sagot ni Mr. Byun. "Sa lalong madaling panahon."
"Pero appa! Masyado naman po yatang mabilis--"
"Ayaw niyo ba o gusto?"
"GUSTO!!!" sabay na sagot nina Chanyeol at Baekhyun. Ngumiti si Mr. Byun.
"Next week," sabi niya bago siya naglakad paalis. Naiwan ang dalawa na nakatayo sa gitna nang damuhan.
"Paano yan, next week na tayo ikakasal?" sabi ni Baekhyun na nakangiti nang malapad habang sinisiko si Chanyeol. "Handa ka na ba, Park Chanyeol?"
Tumawa si Chanyeol at inakbayan niya si Baekhyun. "Oo naman! Ako pa," ngumiti siya, "Park Baekhyun."
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro