Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 74


*

74

"Sa wakas, nagkita na rin tayo."

Tumabi si Baekhyun sa fiance niya at hinawakan ito sa braso bilang pagcomfort. Hinawakan naman ni Chanyeol pabalik ang malambot na kamay na nakakapit sa braso niya.

Nandito kang ako sa tabi mo.

Alam ko, wag mo akong bibitawan.

Hindi, pangako yan.

Nakatingin lang si Mr. Byun sa kanila, at hindi alam ni Baekhyun kung ano ba ang nasa isip ng appa niya. Blanko ang expression ng mukha nito di gaya kanina.

"Totoo nga ang naririnig ko tungkol sayo," sabi ng ama ni Baekhyun habang nagtatanggal ng suot niyang coat. Naisip ni Chanyeol na siguro ay kinukwento siya sa kanya ni Mrs. Byun at Baekhyun. "Matangkad, maitsura, at mukha ring disente. Mukha ka ring matalino at responsable."

"S-salamat po."

"Pero hindi yun sapat para magustuhan kita."

Natigilan si Chanyeol.

"Hindi yun sapat para pumayag akong pakasalan mo ang anak ko."

Bumuka ang bibig ni Baekhyun para sana magsalita, pero natigilan siya ng tiningnan siya ng ama niya. May otoridad ang tingin ni Mr. Byun, kaya natahimik na lang si Baekhyun, pakiramdam niya nanliliit siya.

"Kung inaakala mo na madali mo akong mapapapagag, nagkakamali ka," sabi ni Mr. Byun sa nagbabantang boses. "Wala akong tiwala sayo. Lalo na matapos ng nangyari noong una dapat nating pagkikita."

"Pero yeobo, may aksidenteng nangyari kaya hindi siya nakarating.." bulong ni Mrs. Byun. "Sana bigyan mo pa siya ng isa pang pagkakataon.."

Gustong gusto nang tumango ni Chanyeol at magmakaawang please, bigyan niyo pa po ako ng chance, papatunayan ko sa inyong mahal ko talaga ang anak niyo, please.

"Appa, bigyan niyo pa po ng chance si Chanyeol," sabi ni Baekhyun, nagmamakaawa na yung mata niya. "Papatunayan niya pong karapat-dapat talaga siya para maging son-in-law niyo."

Son-in-law.

Napangiti si Chanyeol pero lalo lang sumama ang tingin ni Mr. Byun. Yumuko na lang si Chanyeol.

"Isang pagkakataon."

Lumapad ang ngiti ni Baekhyun, samantalang hindi naman sigurado si Chanyeol kung ngingiti ba siya o hindi, dahil kinakabahan siya kung ano bang ipapagawa sa kanya.

"Isang pagkakataon lang, at kapag hindi niya nagawa ang mga ipapagawa ko. Wala nang kasunod yun," sabi ni Mr. Byun. "Pwede ka nang bumalik sa Seoul kasama ang kapatid at ang aso mo. Pero si Baekhyun, dito na siya samin titira."

Nanlaki ang mata ni Baekhyun. "Appa.."

"Sir, gagawain ko po ang lahat ng ipapagawa niyo sakin!" sabi ni Chanyeol, determinado talaga siya. "Kahit gaano kahirap, hindi po ako susuko, mapapayag ko lang po kayo, Sir!"

"Marunong ka bang magtrabaho sa bukid?"

Nawala bigla ang ngiti ni Chanyeol.

"Magsibak ng kahoy? Mag-igib ng tubig? Magpastol ng baka? Mag-araro ng palayan at maglinis ng kwadra ng mga kabayo?"

Natahimik lang si Chanyeol.

Sa unang pagkakataon, ngumiti si Mr. Byun.

"Sa tingin ko, nagkakaintindihan na tayo dito," sabi ni Mr. Byun, kinuha ulit niya ang bag niya at naghanda nang umakyat pataas sa kwarto niya. "Magsimula ka na bukas."

Nakatitig lang si Chanyeol sa lumalayong likod ni Mr. Byun nang hawakan ni Baekhyun ang palad niya. Ngumiti ito sa kanya nang malapad.

"Chanyeol, ang dali lang ng ipapagawa ni appa sayo!" sabi ni Baekhyun na mukhang nawalan na ng malaking problema, kabaligtaran naman ng mukha ni Chanyeol.

"Hyung, alam kong kayang kaya mo lahat ng ipapagawa ni ahjussi sayo," sabi ni Sehun na may kasamang tapik sa balikat, at ni katiting hindi man lang nakaramdam si Chanyeol ng ginhawa. Lalo pa yatang bumigat ang loob niya. "Go Chanyeol!"

"Kayang kaya mo naman lahat yun, diba, jagiyaaa?"

Yun na nga eh.

Hindi pa nakakahawak ng palakol si Chanyeol sa buong buhay niya, kutsilyo nga hindi na niya mahawakan nang maayos kapag sinusubukan niyang magbalat ng apple, mas malaki at mas mabigat pa kaya? Hindi pa siya nakakalapit sa totoong baka, maliban na lang sa mga estatwa sa loob ng buildings na pinupuntahan niya. Maglinis? Kwarto nga niya at sarili niyang office hindi niya malinis, kwadra pa kaya. Kung papeles lang din at sales, baka maaaro niya pa agad pero palayan, palayan na sa TV at internet lang niya nakikita. Ilang linggo rin ang ginugol niya masanay lang sa aso, sa kabayo pa kaya, na malalaki at pwede siyang sipain kahit anumang oras.

"Chanyeol, kaya mo naman yun diba? Para sakin gagawain mo naman lahat ng sinabi ni appa, diba?"

Para kay Baekhyun.

Kung para kay Baekhyun, kakayanin ni Chanyeol lahat ng pagsubok. Hindi siya papayag na mawala si Baekhyun sa kanya dahil lang sa nabigo siyang gawin ang mga simpleng bagay na hinihingi ni Mr. Byun. Hindi hadlang na lumaki siya sa siyudad at sa yaman, para lang makasama niya ang taong pinakamamahal niya.

Gagawin niya lahat para kay Baekhyun, kahit ikamatay pa niya.

"Gagawin ko ang lahat para sayo, kahit ikamatay ko pa," sabi ni Chanyeol, inulit niya ang nasa isip niya. "Ganun kita kamahal, Baekhyun."

"Oh tologo," sabi ni Baekhyun nang nang aasar. "Tingnan natin yan bukas kung papaano ka humawak ng sibak."

Natawa naman si Sehun. "Hyung, alam mo ba kung anong itsura nun? At paano yun gamitin?"

Hindi nakasagot ai Chanyeol. Umirap na lang siya sabay iwas ng tingin. "Pag-aaralan ko pa sa internet kung paano yun gamitin, okay."

Napangiti si Baekhyun at niyakap ang fiance niya sa waist, hindi man lang gumaan ang loob ni Chanyeol.

"Wag kang mag-alala, tutulungan kita at tuturuan kita. Hindi ko hahayaang pumalpak ka," sabi ni Baekhyun nang nakangiti.

"Talaga?"

"Oo naman!" sagot ni Baekhyun. "Kasama natin si Sehun!"

"Ayaw," sabi ni Sehun habang umiiling. "Magtatanim na lang ako ng bulaklak sa garden ni eommoni kesa sa magtrabaho sa bukid. Masaya kayang maggarden."

Sumimangot na lang ai Chanyeol at inisip kung kelan pa nahilig ang kapatid niya sa pambabaeng gawain.

*

Kinabukasan.

Nakatitig lang si Chanyeol.

Pakiramdam niya mamamatay na siya.

"Ito po, hawakan niyo, Sir," sabi ng isang boy na may hawak na pala. Kinuha naman ni Chanyeol ang pala nang dahan dahan habang naglalakad nang dahan dahan sa tumpok ng lupa at dumi ng mga hayop. Lumubog ang bota niya nang natapakan niya ang isang malabot, sariwa, at mainit-init pang dumi ng kabayo na kakalabas lang sa pinanggalingan. Shit.

"Oh sige po, maiwan ko na kayo. Kayo na pong bahalang magpala ng lahat ng dumi dito. Ilipat niyo po sa kabila pagkatapos," sabi ng boy sabay takbo paalis. Naiwan si Chanyeol na nag-iisa sa loob ng nangangamoy na kwadra.

"Meee...."

"Mooo...."

"Nyhihihi..."

Dinakot ni Chanyeol ang dumi na nasa harap niya, habang pilit na binabalewala ang napakabahong amoy sa paligid niya. Para kay Baekhyun. Para kay Baekhyun, kakayanin ko to, kaya ko to. Para kay Baekh--

"Meee..."

"MANAHIMIK KA!" sigaw ni Chanyeol sabay harap sa isang kabayo na kumakain ng damo sa kulungan nito. Tiningan niya ito nang masama, pagkatapos ay nagpatuloy na sa pagpapala ng mga dumi.

Isang oras.

May talsik na ng dumi ang pisngi niya, malagkit na rin ang buhok niya at pawis na pawis na siya, pero hindi niya yun pinansin nang makita niyang nangangalahati na niya ang kwadra. Hindi na niya maamoy ang sarili niya dahil sa baho, at naisip ni Chanyeol na hindi naman pala ganun kasangsang pag katagalan. Nilagay niya ang isang tumpok ng dumi sa timba at nilipat ito sa drum, tapos bumalik ulit siya. Nadulas pa siya at sumubsob ang mukha niya sa kainan ng baboy, pero tumayo na lang siya habang sinusumpa ang lahat ng baboy sa mundo.

Dalawa't kalahating oras.

"Sa wakas tapos na..." sabi ni Chanyeol habang nakasandal sa tulog na kambing sa likod niya. Pinunas niya sa mukha niya ang tshirt na hinubad niya, habang tinitingan ang (medyo) malinis nang kwadra. Kita na ang sahig dahil nilinis niya ito ng tubig at sabon, at wala na ring masyadong kalat. "Natapos ko na.."

Napaupo si Chanyeol sa sahig, inamoy niya ang sarili niya. "Sobrang baho ko na." Tatayo na dapat siya nang biglang bumukas ang pinto, maliwanag, kaya nasilaw pa si Chanyeol.

Nakita niya si Mr. Byun, nasa likod nito si Baekhyun.

"Chanyeol!" bati agad ni Baekhyun, at nang lalapit na sana siya, hinarang ni Mr. Byun ang kamay niya. Napatigil na lang si Baekhyun.

"Hm," sabi ni Mr. Byun habang tinitingnan ang buong paligid. Walang reaksyon ang mukha niya kaya lalong kinabahan si Chanyeol. "Walang pinagbago."

Bumagsak ang mukha ni Chanyeol.

"Appa, malinis na po yung buong paligid, hindi niyo ba nakikita?! Nalinis na po ni Chanyeol lahat! Ang galing-galing niya diba?"

"Medyo," sagot ni Mr. Byun, umubo siya at tumingin sa malinis na kulungan ng kabayo, sa maayos na lalagyan ng pagkain ng baboy, at sa wala nang duming sahig. "Mapagtatiyagaan na."

Ngumiti nang malapad si Chanyeol. "Talaga po!?"

"Hindi pa tapos kaya wag ka munang magsaya," sabi ni Mr. Byun, wala pa ring reakasyon ang mukha niya. "Mabuti pa't maligo at kumain ka muna bago mo gawin ang sunod na ipapagawa ko sayo. Ayokong mapadikit sa mabaho si Baekhyun."

"O-opo. Salamat po, Sir," sagot ni Chanyeol, tumayo siya at magalang na nagbow sa papaalis nang si Mr. Byun. Naiwan na sila ni Baekhyun kaya naman lumapit na si Baekhyun sa mabahong fiance niya.

"W-wag," sabi ni Chanyeol, nilayo niya ang sarili niya habang umaatras. Kumunot ang noo ni Baekhyun habang nakasimagot.

"Bakit?" tanong ni Baekhyun. "May problema ba?"

Natawa si Chanyeol at napatakip sa katawan niyang hubad. "Mabaho ako.." Ngumiti siya. "At ganito ang itsura ko.."

Ngumiti si Baekhyun nang malapad. "Kahit ganyan ang itsura mo, mamahalin pa rin kita!"

"Ah, talaga?" tanong ni Chanyeol na parang di makapaniwala. "Sige nga, yakapin mo ako." Binuka niya ang katawan niyang puro talsik ng putik at dumi. Natigilan na lang si Baekhyun at nandiri, nakakunot ang noo at ilong niya habang tinitingnan ang kulay brown na nakadikit sa abs ni Chanyeol.

"Uhm. Next....time na lang siguro," sabi ni Baekhyun habang umaatras. Ngayon lang niya narealize na sobrang baho pala ni Chanyeol. Bakit ba siya pumunta pa dito. Nakakita siya bigla ng hose kaya kinuha niya ito at tinapat kay Chanyeol.

"Yah, anong gagawin mo?" tanong ni Chanyeol nang natatawa. Natatawa rin si Baekhyun nang buksan niya ang gripo. "Yah! Byun Baekhyun!"

"Papaliguan kita!" sigaw ni Baekhyun, inispray niya ang tubig sa mukha at buong katawan ni Chanyeol na parang bumbero. "Hahaha!"

Tinakpan ni Chanyeol ang mukha niyang natatalsikan ng tubig. "Yah!"

"Chanyeol, itaas mo yung kamay mo," sabi ni Baekhyun nang natatawa habang binabasa niya yung dibdib ni Chanyeol. "May naipit na dumi sa kilikili mo!"

"Tigil--ah!--mo na nga yan--isa! Hindi mo papatayin yan!" sigaw ni Chanyeol nang itapat ni Baekhyun ang hose sa baba niya, sa may private part. "Aray! Nasasaktan yung ano ko!"

Tumawa lang nang malakas si Baekhyun na parang walang naririnig, habang pinapaliguan niya si Chanyeol na parang kotse. Lumapit si Chanyeol kay Baekhyun at inagaw niya ang hose, nag-agawan silang dalawa hanggang sa basa na rin si Baekhyun ng tubig. Sabay silang tumawa na parang mga bata.

"Basa na tuloy ako," sabi ni Baekhyun nang nakasimangot. Nakadikit na sa katawan niya ang tshirt niya at hindi ito kumportable sa pakiramdam. "Kakaligo ko lang kanina."

"Edi maligo na lang ulit tayo," sabi ni Chanyeol nang nakangiti nang malapad, at hindi gusto ni Baekhyun ang ngiting yun. Sumimangot lang si Baekhyun at nagcross arms.

"Bakit?"

"Okay. Sabay tayong maligo," sabi ni Baekhyun, inagaw niya ang hose at tinapon sa sahig. "Dun ako sa CR sa first floor ng bahay. Dun ka naman sa second floor."

Bumuntong hininga na lang si Chanyeol. "Hindi ba pwedeng... sabay na lang tayo para tipid sa tubig?"

"Marami kaming tubig," sagot ni Baekhyun. "Dun sa dam, dun sa tangke, dun sa dagat, dun sa ilog, dun sa balon, dun sa kanal."

"Nagsasuggest lang naman ako," sabi ni Chanyeol habang nagkakamot ng batok. Inakbayan niya si Baekhyun. "Sige na nga. Tara na, baka sipunin ka pa."

Ngumiti si Baekhyun at tinulak palayo si Chanyeol. "Layo. Baka nakakalimutan mo, mabaho ka pa rin."

*

Nagising si Baekhyun sa malakas na tunog ng pagpupukpok sa labas ng bahay nila. Bumangon siya at tiningnan ang alarm clock niya. 6:10AM. Maaga pa.

Plock. Plock. Plock.

"Anong ingay yun?" sabi ni Baekhyun, tumayo na siya at kinusot niya ang mata niya. Binuksan niya nang kaunti ang kurtina at sumilip sa labas. Lalong lumakas ang pagpupupok na naririnig niya.

Nakita niya si Chanyeol na nagsisibak ng kahoy sa labas ng bahay nila. May hawak siyang sibak, habang pinuputol niya yung malalaking sanga at piraso ng punongkahoy.

Napangiti si Baekhyun.

"Hi. Good morning," bati ni Chanyeol na nasa labas, pinunasan niya yung pawis sa noo niya habang nakatingin kay Baekhyun. Natawa si Baekhyun at ngumiti rin pabalik, habang iniisip kung kailan pa naging ganito kagwapo at kamacho si Chanyeol.

"Good morning," bati pabalik ni Baekhyun habang nakangiti. "Ang sipag natin ngayon ah."

"Para sa kinabuksan natin to, Baekhyun."

"Ang manly mo tingnan ngayon, Chanyeol. Walang halong biro."

"Talaga?" Sobrang lapad ng ngiti ni Chanyeol habang nakatitig siya sa fiance niya, kaya hindi niya namalayang nabitawan na pala niya ang sibak. Bumagsak ito sa paa niya.

"ARAY!" sigaw ni Chanyeol, napatalon siya sa sakit kaya naapakan niya yung kahoy na sinibak niya. Muntik pa siyang matumba, buti na lang nakahawak agad siya sa puno sa likod niya. Natawa si Baekhyun at napayuko na lang dahil sa itsura ni Chanyeol. Hindi niya alam kung maaawa ba siya sa iyak nito o hindi.

May narinig silang ubo na nanggaling sa kung saan. Natigilan si Baekhyun.

"Ang aga-aga pa ang iingay," sabi ni Mr. Byun na nakasuot ng pang magsasakang damit. May hawak siyang malalaking mga kahoy at binagsak niya ang mga ito sa paanan ni Chanyeol.

"Eto pa," sabi ni Mr. Byun. "Dalian mo, nang may magawa ka pa sa bukid."

"Opo," magalang na sagot ni Chanyeol bago siya magbow. "Salamat po, Sir."

"Bakit ka ngpapasalamat."

"Ah." Napakamot si Chanyeol sa ulo. "Salamat po sa chance na binigay niyo sakin. Hindi ko po sisirain ang tiwalang binigay niyo."

Tumingin si Mr. Byun sa anak niya na nakdungaw sa bintana. Ngumiti nang malapad si Baekhyun sa kanya kaya umiwas na lang ng tingin si Mr. Byun.

"Kumain ka na ba."

"Ah. Hindi pa po--"

"Mag-almusal ka muna. Sabayan mo na si Baekhyun." Umubo si Mr. Byun. "Ayoko namang sabihin mong hindi ka namin pinapakain dito."

"S-salamat po!" Nagbow ulit si Chanyeol. Tumingin lang sa kanya si Mr. Byun at tahimik na umalis.

Binigyan siya ng dalawang thumbs up ni Baekhyun, kaya napayuko na lang si Chanyeol dahil sa saya (at kilig).

*

Natapos na ni Chanyeol tumulong sa bukid, nakapag-igib at nakapag-araro na rin siya. Nangisda nang konti. Tinuro sa kanya ni Baekhyun kung paano, at masaya siya dahil sa ganitong paraan nakakasama nila nang mas matagal ang isa't-isa di gaya sa Seoul. Tinanong niya si Baekhyun kung saan nito gustong tumira kapag ikinasal na sila, sa Seoul ba o dito.

"Sa Seoul," sagot ni Baekhyun. "Kasi nandun ang buhay mo, at kung nasaan ka, dun ako."

Napangiti na lang si Chanyeol habang nilalanghap ang sariwang hangin sa paligid niya. Nakahiga sila ngayon sa damuhan, nasa tabi niya si Baekhyun.

"Chanyeol."

"Bakit?"

"Bakit mo naisipang magpropose sakin?" tanong ni Baekhyun. "Hindi na lang... kagaya nung iba? Alam mo yun, diba yung ibang couple, pinag-uusapan lang nila kung kelan sila ikakasal." Natawa si Baekhyun. "Syempre pag nagpropose ka, oo ang isasagot ko sayo. Pero hanggang ngayon, nagugulat pa rin ako at hindi ako makapaniwala."

"Naimagine mo na ba yung mukha kong puro kulubot na, at yung buhok kong kulay gray na? Naimagine mo na bang uugod-ugod na akong maglakad?"

Napatingin lang si Baekhyun sa fiance niya.

"Ako kasi, naimagine kong ganun ka. At naisip kong... gusto kitang sabayan na maranasan yun. Gusto kitang makasama, Baekhyun. Wala na akong... ibang taong naiisip na pakasalan kundi ikaw. Ayaw na kitang pakawalan kaya.. kaya nagpropose na ako sayo. Para wala ka nang mapupuntahan kundi kay Chanyeol lang."

Natawa si Baekhyun, nakatingin pa rin siya sa kulay blue na langit. "Masaya ako kasi may isang Chanyeol na nag-eexist sa mundo, at yung Chanyeol na yun, para kay Baekhyun lang. Sa kanya lang."

Pumitas si Chanyeol ng mga maliit na daisy sa malapit at nilagay ang mga ito sa buhok ni Baekhyun na parang decoration.

"Tama," sabi ni Chanyeol nang nakangiti. "Sayo lang ako, wala nang iba."

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro