Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 73


*

73

Nagising si Chanyeol sa ingay ng mga ibon. Pagdilat niya, nakakita agad siya ng malawak na farm sa tapat niya, kaya bumangon na siya sa pagkakasandal ng ulo niya sa bintana ng kotse. Nasan na ba ako?

"Hahahaha! S-sehun! Wag mong bilisan ang pagbabike, baka mahulog ako!" sigaw ng boses sa labas kasama ng malakas na tawa. "Yah, yah, may bato! Babangga ka!"

"Humawak ka kasi ng mahigpit!" sigaw ni Sehun pabalik. "Oh, ayan ka na naman!"

Napangiti si Chanyeol. Ah, oo nga pala, nakarating na sila sa Bucheon ngayon. Dalawang beses na siyang nakapunta dito. Naaalala pa ni Chanyeol yung unang beses ng pagpunta niya, noong hindi pa sila nagdedate ni Baekhyun. Pumunta siya dito para sunduin si Baekhyun at pabalikin sa mansion, at nung nakumbinsi niya si Baekhyun na sumama sa kanya sa Seoul, dito rin sa mismong kotse na to, nagsimula ang lahat.

Hinalikan niya si Baekhyun habang tulog ito. First kiss nila.

At hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Baekhyun na ginawa niya yun.

"Aish, ginawa ko ba talaga yun," bulong ni Chanyeol sa sarili niya. Kung hindi niya ginawa yun, malamang kaya hindi sila magkakatuluyan ng fiance niya ngayon?

Fiance.

Totoo bang magpapakasal na sila? Para kasing panaginip lang ang lahat, hindi pa rin makapaniwala si Chanyeol na makakasama na niya si Baekhyun bilang asawa niya. Nakangiti nanaman siya nang malapad, at kapag ganito, nakakatakot na ang itsura niya para sa mga bata.

Binuksan ni Chanyeol ang pintuan para bumaba na ng kotse, sariwang hangin agad ang bumungad sa kanya di gaya sa Seoul. Ang sarap ng pakiramdam ng ganito.

Naglakad siya malapit sa isang puno habang pinanonood si Sehun na magbike nang pagewang-gewang habang nakaangkas si Baekhyun sa likod niya. Natawa siya nang biglang iniliko ni Sehun ang manibela, kaya napakayakap agad si Baekhyun sa kanya.

Nagbike sila palibot ng farm, ang ganda nila panoorin. Napatingin si Chanyeol kay Baekhyun na nakangiti at nakastretch ang isang kamay habang hinahangin ang buhok nito.

Ang ganda niya.

"Hyung!" sigaw ni Sehun sabay kaway kay Chanyeol na masayang nanonood sa kanila. Ngumiti si Chanyeol sa kapatid niya at kumaway rin pabalik.

"Gusto mo ikaw naman?"

"Ako?" tanong ni Chanyeol, tinuro niya ang sarili niya. Tumingin sa kanya si Baekhyun at ngumiti nang malapad.

"Napapagod na kasi ako, at nagugutom," sabi ni Sehun, bumaba siya sa mountain bike pati na rin si Baekhyun. "Ikaw muna, hyung. Papasok na ako sa loob."

"Ah," sabi ni Chanyeol sabay kamot sa batok. "Sige, pumasok ka na." Ngumiti si Sehun at excited na tumakbo papasok sa loob ng bahay nila Baekhyun, naamoy na niya yung pagkain na niluluto ni Mrs. Byun.

Hawak ni Baekhyun ang manibela ng bike nang naglakad palapit si Chanyeol sa kanya, tumutunog pa ang damo kapag naaapakan ng sapatos ni Chanyeol.

Tumingin sa kanya si Baekhyun.

"Hi," bati ni Chanyeol nang nakangiti.

"Hello," sagot ni Baekhyun na nakangiti rin.

Katahimikan.

Umubo si Chanyeol.

"Anong ginagawa mo?"

"Eto, nagpapahangin lang." Ngumiti si Baekhyun.

"Ah. Ganun ba?"

"Mm-mm."

May ibon na lumipad.

"Ikaw?"

"Eto, nakatayo."

Sabay silang tumawa.

"Uhm--" Sinipa ni Chanyeol ang isang ligaw na bato.

Napangiti si Baekhyun. "Bakit?"

"Gusto mong magbike?"

"Iaangkas mo ba ako?"

Natawa si Chanyeol, tapos tumango. "Okay lang ba yun sayo?"

Natawa rin si Baekhyun at napatingin sa malaking kahoy na may nakasulat na Home Sweet Home.

"Bakit naman hindi," sabi ni Baekhyun nang nakangiti pa rin. Natatawa siya sa itsura ni Chanyeol na hindi mo alam kung maiihi ba o mapapadumi. "Honey?"

Natawa nang malakas si Chanyeol at tinakapan niya ng palad ang mukha niya na parang kinikilig. "Grabe ka sakin, ayoko na."

Tumawa rin si Baekhyun. "Darling?"

"Ayoko na talaga. Aalis na ako dito."

"Sweetheart?"

"Hindi kita kilala, umalis ka," sabi ni Chanyeol na tinutulak ang nakakainis na mukha ni Baekhyun na pilit na sinisilip ang nakatakip niyang mukha.

"Love?"

"Baekhyun, isa pa tingnan mo--"

"Baby?"

"Tumigil ka na seryoso," sabi ni Chanyeol nang natatawa pa rin, gusto na niyang isako si Baekhyun at ihagis sa pinakamalapit na ilog. "Naiinis na ako!"

"Namumula ka, nakakatuwa yung itsura mo," sabi ni Baekhyun, sinipa niya yung stand ng bike. "Kinikilig si Chanyeol! Kinikilig! Kinikilig! Ha-ha-ha!"

"Sino ba kasing hindi kikiligin sayo, masyado kang maganda," sabi ni Chanyeol sabay irap. Inagaw niya ang bike kay Baekhyun at sinakyan ito. "Aish. Tara na nga, sumakay ka na."

Nagpout na lang si Baekhyun at umangkas na siya sa likod ni Chanyeol. Nakaupo siya patagilid sa maliit na upuan habang nakahawak naman siya sa waist ni Chanyeol. Sinandal niya yung ulo niya sa likod ni Chanyeol.

Napangiti si Chanyeol at nagsimula na siyang megpedal.

"Chanyeol?"

"Bakit?"

"Pwede bang.."

"Hm?"

"Pwede bang.. matulog ako sa likod mo?" sabi ni Baekhyun nang nakapikit. Nagbabike sila ngayon sa gilid ng ilog. "Mainit.. yung likod mo. At kumportable.."

"Baekhyun, mahuhulog ka kapag nakatulog ka," sagot ni Chanyeol nang natatawa, ramdam niya yung buhok at noo ni Baekhyun na nakasandal sa likod niya. Nakakapit lang si Baekhyun sa waist niya. "Humawak ka nang mabuti, okay? Bibilisan ko."

"Kapag ba nahulog ako, sasaluhin mo ako?" tanong ni Baekhyun matapos ang ilang minutong katahimikan.

"Syempre naman," sabi ni Chanyeol nang nakangiti. "Sasaluhin kita, para hindi ka masaktan."

*

Bago pa sila pumunta ng Bucheon, sinabi na ni Baekhyun sa nanay niya na engaged na sila ni Chanyeol via Skype, at nang nalaman ito ng nanay ni Baekhyun, hindi niya naiwasang hindi mapaiyak.

"Baekhyun," sabi noon ng nanay ni Baekhyun, "Sigurado ka na bang magpapakasal ka kay Chanyeol? Hindi ba parang masyado pang maaga?" Suminga siya sa tissue na hawak niya. "Baekhyun. Anak, hindi biro ang pagpapakasal."

"Eomma, siguradong sigurado na po ako," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Alam ko pong nag-aalala kayo sakin, pero ako na po ang nagsasabi sa inyong hindi ako sasaktan ni Chanyeol. Mahal na mahal ako ni Chanyeol. At isa pa, nasa tamang edad no po ako. Twenty five na kaya ako!" Pinakita ni Baekhyun ang kamay niyang naka-lima, at parang ayaw maniwala ni Mrs. Byun na 25 na ang anak niya, dahil mukha talaga siyang 18. Parang kailan lang nung nilalagyan pa niya ng diaper si Baekhyun at pinagtitimpla niya ito ng gatas. Lalong lumakas ang pag-iyak ni Mrs. Byun.

"Hindi po ba kayo masaya para sakin?" nag-aalalang tanong ni Baekhyun.

"Masaya ako para sayo, masayang masaya," sabi ni Mrs. Byun, "Malungkot lang ako na mawawala ka na sakin.. Mag-aasawa ka na.."

"Hindi ako mawawala," sabi ni Baekhyun. "Eomma, lagi lang akong nandito para sa inyo ni Appa. Kahit kasama ko na si Chanyeol, hindi ako magbabago. Hinding-hindi ako makakalimot sa mga taong nagpalaki at nag-alaga sakin na parang tunay nila akong anak." Lumapit si Baekhyun sa screen para makita niya ang namumula nang mata ng nanay niya.

"Eomma, I love you. Lagi niyo pong tatandaan yun."

Humagulgol na si Mrs. Byun at hindi na siya nakapagsalita sa kabilang linya. Nakangiti lang si Baekhyun habang pinapanood niya ang eomma niya na sisihin siya dahil nasisira na daw ang make up nito.

"Bibisita kami ni Chanyeol jan next week, kasama namin si Sehun," sabi ni Baekhyun. "Gusto kayong makausap ni Chanyeol, marami siyang sasabihin sa inyo."

Tumango si Mrs. Byun. "Hihintayin ko kayo."

Pero hanggang ngayon, hindi pa rin nagkakausap si Mrs. Byun at si Chanyeol.

Habang kumakain silang apat ngayong pananghalian, (Baekhyun, Chanyeol, Sehun at Mrs. Byun), tahimik lang si Chanyeol at nakayuko lang sa plato niya. Nakikinig lang siya habang nagkukwentuhan ang tatlo tungkol sa paborito nilang Korean drama, at kahit gusto niyang makisali, nahihiya siya kay Mrs. Byun, baka hindi siya nito kibuin.

"Gumanda na po yung farm mula nung umalis ako," sabi ni Baekhyun. "Inaalagaan talaga ni Ahjussi nang mabuti ang farm. Ang dami nang puno at ang linis na rin."

"Sinong Ajhussi?" tanong ni Sehun.

"Kapatid ko," sabi ni Mrs. Byun kay Sehun. "Siya ang may ari ng lahat ng nakikita niyo. Nasa ibang bansa siya ngayon dahil sa trabaho kaya hindi siya makakasama satin ngayon."

"Pero aattend si Ahjussi sa kasal namin ni Chanyeol! Diba eomma?"

Umubo si Mrs. Byun. Umubo rin si Chanyeol.

Nakatingin lang si Sehun sa kanila.

Katahimikan.

"Ah, eommoni, napansin ko lang po na ang ganda ng mga halaman sa garden niyo," biglang sabi ni Sehun. "Ang gaganda at ang lalaki ng mga bulaklak. Kagaya sa mansion! Ganun din yung mga bulaklak na inaalagaan ni Yixing-hyung."

"Mahilig maggardening si eomma," sabi ni Baekhyun. "Kaya inaalagaan talaga niya yung mga daffodil at poinsettia na binigay ni Chanyeol sa kanya nung pasko." Tumingin siya sa eomma niya. "Diba eomma?"

Umubo ulit si Mrs. Byun. Tahimik na hinigop ni Chanyeol ang miso soup niya.

"Maiba ako," sabi ni Mrs. Byun matapos niyang punasan ng napkin ang bibig niya. "Yung asong kasama niyo..."

"Ah, si Chanbaek!" sigaw ni Baekhyun. "Napulot namin siya ni Sehun noon sa may gasoline station, at simula noon, samin na siya tumira. Ilang buwan na rin yung nakalipas kaya ngayon, ang laki-laki na niya." Tumingin siya sa gilid nila, kay Chanbaek na behaved na nakaupo sa sulok.

"Ang cute cute niya, diba eomma?"

"Woof! Woof!" tahol ni Chanbaek kasabay ng pagtaas ng ulo niya.

"Oo, at mukhang matalino rin ang aso niyo," sabi ni Mrs. Byun. "At mabait."

"Opo," sagot ni Sehun. "Tinetrain po siya ng hyung ko kapag wala siyang trabaho. Marunong po siyang magplay dead. Chanbaek, play dead!"

Humiga si Chanbaek at kunwari namatay.

"Roll over!"

Gumulong si Chanbaek sa sahig.

"Wiggle!"

Ginalaw ni Chanbaek ang buntot niya habang umiikot.

"Gayahin mo si hyung sumayaw!"

Tumayo si Chanbaek at nagtatatalon habang nakataas ang dalawang kamay nito.

"Oh! Ang galing galing niya, diba?!"

Tinakpan ni Chanyeol ang mukha niya dahil sa kahihiyan. Natawa naman Mrs. Byun. "Aba, mukhang magaling magturo itong si Chanyeol, ah?"

Gumalaw ang tenga ni Chanyeol.

"Opo! Si Chanyeol rin ang nagturo kay Chanbaek na life-saving tips," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Kaya nung nalunod po ako, nilangoy ako ni Chanbaek papuntang dalampasigan, tapos dumating na si Yixing-hyung para iligtas ako."

"Nakakatawa ang itsura ni hyung nun kapag naalala ko, humagulgol talaga siya, sobrang pangit niya!"

"Yah, ikaw rin naman ah! Mas pangit ka pa nga umiyak kesa sa hyung mo."

Napatingin si Mrs. Byun kay Chanyeol.

"Chanyeol."

Tumunghay agad si Chanyeol. "P-po?"

"Mag-usap tayo."

Tumango si Chanyeol at tahimik na tumayo paalis ng dining room kasunod ng eomma ni Baekhyun. Nag-fighting! si Baekhyun sa fiance niya kaya ngumiti naman si Chanyeol kahit kinakabahan na siya. Ano kayang sasabihin niya, baka magkamali siya pag tinanong siya. Baka mamaya may masabi siyang hindi maganda at--

"Pwede ka namang huminga."

Huminga si Chanyeol.

Umupo sila sa table sa harap ng garden. Nakatingin lang si Mrs. Byun sa mga halaman niya.

"G-galit pa rin po ba kayo sakin?" tanong ni Chanyeol.

Umiling si Mrs. Byun. "Hindi ako galit sayo, ang totoo niyan nagpapasalamat talaga ako sayo sa pag-aalaga mo kay Baekhyun." Ngumiti si Mrs. Byun. "Pasensya ka na, nahihiya ako sayo Chanyeol dahil hindi ko pinakinggan yung side mo, at hinusgahan agad kita. Pero sa nakikita ko ngayon.." Tumingin siya sa mata ni Chanyeol. "Mahal na mahal mo talaga ang anak ko, at ganun din siya sayo. Kaya sino ba naman ako para pigilan kayo sa kaligayahan niyo, diba?"

Dahan-dahang napangiti si Chanyeol, pakiramdam niya maiiyak na siya dahil sa saya. "I-ibig sabihin po ba nito eommoni, pumapayag na kayong magpakasal kami?"

Tumango si Mrs. Byun habang nakangiti. "Oo. Payag na payag."

"YES!!!!!!"

Napalingon bigla si Baekhyun sa garden dahil sa sigaw ni Chanyeol, nakita niyang hawak ng eomma niya ang pisngi ni Chanyeol. Tumango si Chanyeol sa sinabi ni Mrs. Byun.

"Pinapangako ko po, eommoni, mamahalin ko si Baekhyun nang higit pa sa buhay ko," sabi ni Chanyeol, at natawa pa siya dahil sobrang cheesy ng sinabi niya. "Mamahalin ko siya kagaya ng pagmamahal ng Dad ko sa eomma ko... bago sila namatay.."

Ngumiti si Mrs. Byun at pinunasan ang unang luhang tumulo sa pisngi ni Chanyeol. "Umiiyak ka.."

"Masaya lang po ako.. at.." Napatigil si Chanyeol. "At.. nalulungkot kasi wala na sila. Hindi nila makikilala yung pinakamahalagang tao sa buhay ko. Hindi nila makikita na magpapakasal na ako. Kung sana nandito pa sila, sigurado akong magugustuhan nila si Baekhyun.."

"At sigurado rin akong kung nasaan man sila ngayon, masayang masaya sila para sayo," sabi ni Mrs. Byun, kumuha siya ng tissue at pinunas ito sa mata ni Chanyeol. "Wag mong isipin na nag-iisa ka, kasi nandito lang ako para sayo. Magiging eomma mo na rin ako, diba? Kaya sige na, tahan na."

Tumango si Chanyeol. "Salamat po, eommo...ni."

"Wag ka nang umiyak," sabi ni Mrs. Byun sabay tawa. "Ang ganda mong lalaki pero umiiyak ka."

"Kung si Baekhyun lang rin naman po ang dahilan, bakit naman hindi?"

Napailing na lang si Mrs. Byun habang nakangiti.

"Anong kayang pinag-uusapan nila?" tanong ni Sehun na nakasilip sa balikat ni Baekhyun. "Bakit umiiyak si hyung!?"

"Hindi ko alam," sabi ni Baekhyun na nakasimangot habang nakatingin pa rin kina Chanyeol. "H-hindi ko alam, Sehun."

Bumuntong hininga si Sehun. "Wag ka nang malungkot. Nandito pa rin naman ako eh. Ako na lang yung pakasalan mo! Park din naman ako.."

"Pero wala ka pang twenty-one," malungkot na sabi ni Baekhyun.

"Yun lang ba? Malapit na akong magtwenty-one! Hintayin mo ako!" seryosong sabi ni Sehun.

"At estudyante ka pa lang.."

"Hintayin mo akong gumraduate!"

"At wala ka pang trabaho.."

Natahimik na lang si Sehun at bumuntong hininga ulit. "Kung sabagay, tama ka..."

"Sa tingin mo kaya maghihiwalay na kami ni Chanyeol? Kung magtanan kaya kami pag hindi sila pumayag sa pagpapakasal namin?" sabi ni Baekhyun. "Mabubuhay naman kami sa hirap, diba?"

Umirap si Sehun. "Bakit kaya hindi mo tigilang mag-isip ng kung anu-ano."

Tumunog ang doorbell sa front door kaya napatingin dun si Baekhyun. Tumayo siya para buksan ang pinto kaya sumunod naman si Sehun sa kanya.

"Sandali lang po," sabi ni Baekhyun nang tumunog ulit ito. Pagbukas niya ng pinto, nakakita siya ng combat boots sa tapat niya kaya dahan-dahan siyang tumingala para makita ang taong nasa harap niya. Nakatingin lang si Sehun na nasa likod niya.

Nanlaki ang mata ni Baekhyun, at gusto na niyang umiyak nang ngumiti ang appa niya sa kanya. "Appa!"

"Kamusta, Baekhyun?" sabi ni Mr. Byun, niyakap niya ang anak niya at ginulo ang buhok nito. "Namiss kita, anak. Masaya ako at nakita ulit kita. Totoo bang magpapakasal ka na?" tanong agad niya

"Namiss ko rin po kayo nang sobra!" sagot ni Baekhyun. "At opo, magpapakasal na ako. Magpapakasl na po kami ni Chanyeol.."

Tumingin nang masama si Mr. Byun kay Sehun na naninigas lang sa pagkakatayo nito. Nakatitig lang si Sehun sa nakakatakot na ahjussi sa harap niya.

"Ito na ba si Chanyeol."

Nanlaki ang mata ni Sehun at bumuka ang bibig niya para magsalita pero walang lumabas.

"Ikaw na ba si Chanyeol?"

"S-sir--"

"Sumagot ka kapag tinatanong ka!" sigaw ni Mr. Byun, kaya nanginig na si Sehun sa takot, gusto na niyang tumakbo at magtago.

"Appa!"

"Ikaw ba ang magiging asawa ng anak ko!? SAGOT!" nilapag ni Mr. Byun ang malaki niyang bag sa sahig, at nung may dukutin siya sa loob ng coat niya, nasindak na si Sehun. "Ikaw na ba si Chanyeol!?"

"HINDI PO, HINDI PO, hindi po!" sigaw ni Sehun habang nakayuko, takot na takot na talaga siya. "Hindi po ako si Chanyeol wag niyo po akong sasaktan parang awa niyo na hindi po ako si Chanyeol! Ako po si Sehun hyung ko po si Chanyeol. SORRY PO SIR PATAWARIN NIYO AKO SA GINAWA KO. Hindi na po mauulit!"

Nagbow si Sehun kaya inangat ni Baekhyun ang katawan niya. "Appa! Wag nga kayong manakot! Siya po si Sehun, kapatid ni Chanyeol."

"Ah, ganun ba." Umubo si Mr. Byun. "Kung hindi siya eh nasaan na si Chanyeol?"

"Yeobo!" bati ni Mrs. Byun sa asawa niya na kararating lang. Kasunod niya si Chanyeol sa likod, na nagulat nang makita niya sa may pintuan ang ama ni Baekhyun.

Napalunok si Chanyeol dahil sa kaba, natigilan siya nang makita ang baril na nakasabit sa balikat nito.

"Chanyeol, batiin mo ang asawa ko. Kababalik lang niya galing Pyeongyang," sabi ni Mrs. Byun nang nakangiti, kaya agad na nagbow si Chanyeol sa harap ng sundalo.

"K-kamusta po, Sir. Ako po si Chanyeol."

Tumunghay na si Chanyeol sa pagkakabow niya habang nag-aalalang nakatingin si Baekhyun sa kanya. Nakatingin lang si Mr. Byun sa kanya nang tahimik.

"Sa wakas, nagkita na rin tayo."

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro