CHAPTER 70
70
*
Panglimang araw na ngayon.
"Woof! Woof!"
Umahon sandali si Chanyeol sa tubig sabay tanggal ng goggles niya. Buong araw na niyang nilalangoy ang dagat mahanap lang yung kwintas, pero hindi pa rin niya ito makita. Dumadating na yung puntong halos sumuko na siya, napapagod na siya, sumasakit na yung katawan niya, at iniisip niyang tumigil na lang sa paghahanap at ibili na lang si Baekhyun ng bago. Pero sa tuwing maaalala niya yung mukha ni Baekhyun nung nalunod ito, sinasantabi niya yung pagod at yung pagsuko, dahil alam niyang naghihintay si Baekhyun para sa kanya.
Hinihintay siya ni Baekhyun sa Seoul, at kailangan niyang bumalik dala yung kwintas-- yung pendant.
"Woof! Woof! Woof!"
Kasama niya si Chanbaek, nagpaiwan ang aso at ni katiting hindi nakaramdam si Chanyeol ng takot. Lumutang ito sa tubig at lumangoy palapit kay Chanyeol na naglalakad na papunta sa dalampasigan. Tumingin sandali si Chanyeol sa nakalubog nang araw sa dagat, tapos sa aso. Ngumiti siya.
"Bukas ulit," sabi niya, tumahol si Chanbaek. "Baka bukas suwertihin na tayo."
Sabay silang pumunta sa cabin, naglalakad si Chanyeol nang nakayapak sa buhangin habang sumusunod ang aso sa kanya. Gumagalaw ang buntot nito.
"Woof! Woof!"
Umupo si Chanyeol at dahan-dahang hinimas ang balahibo ni Chanbaek. "Aigoo, namimiss ko na rin siya." Bumuntong hininga siya. "Sobra."
*
"Tumawag na ba siya?"
Nilapag ni Yixing ang tasa ng kape niya sa lamesa. Umiling lang si Sehun nang tahimik at tumingin sa may bintana. Nasa kusina sila ngayon, at nasa labas naman ang mga kasambahay.
"Hindi pa rin niya ako cinocotact, mag-iisang linggo na. Ano na bang nasa isip ng hyung mo?" tanong ni Yixing.
"Hintayin lang natin siya, Yixing-hyung. Naniniwala akong babalik rin siya agad," malungkot na sabi ni Sehun, at mismo sa sarili niya hindi niya alam kung kailan pa ba magtatagal ang hyung niya. Namimiss na niya ito, at pati na rin si Baekhyun.
"Kung anu-anong kasinungalingan na yung nasasabi ko sa tuwing magtatanong si Baekhyun kung nasan na ba si Chanyeol. Hindi naman pwedeng habambuhay na lang sabihin kong nasa trabaho siya..." Tumingin rin si Yixing sa bintana. "Ngayon pa na mukhang nagdududa na si Baekhyun kung nasaan talaga si Chanyeol."
"Sorry.. Dahil kailangan mo pang gawin to, alam kong mahirap yung sitwasyon para sayo, hyung. Kung pwede lang sana nating sabihin sa kanya, edi sana--"
"Hindi pwede," sabi ni Yixing. "Nangako tayo kay Chanyeol. Alam mo yun, Sehun."
Tumango lang si Sehun bilang pagsagot. Naramdaman ni Sehun na nagvibrate ang phone niya sa bulsa kaya sinagot niya ito. Nakatingin lang si Yixing sa kanya.
"Hello?"
[Sehun!!!]
"Oh, Baekhyun," sabi ni Sehun, ngumiti siya nang pilit. "Kamusta. Okay na ba yung pakiramdam mo ngayon?"
[Okay na ako! Still alive and kicking!]
Tumawa si Sehun. "Talaga?"
[Mm! Talagang talaga! Yah, hindi mo naman nakalimutan diba? Naghihintay na ako dito kanina pa.]
Kumunot ang noo ni Sehun sabay tingin kay Yixing. "Ang... alin?"
[Hindi ba nasabi ni Yixing-hyung sayo?]
"Ah," sabi ni Yixing sabay hampas sa noo niya. "Nakalimutan kong ipapaalala sayo, ngayon nga pala ididischarge si Baekhyun sa ospital."
[Sehun! Nanjan ka pa ba?]
"O-oo, nandito pa ako. Sorry, nawala sa isip kong ngayon ka lalabas ng ospital," sabi ni Sehun. "Hintayin mo ako, papunta na ako para masundo na kita. Sige--"
[Teka.]
Binalik ni Sehun ang phone sa tenga niya.
[Kasama mo ba... si Chanyeol?]
Natigilan lang si Sehun.
[Ang hyung mo, Sehun, kasama mo ba siyang susundo sakin? Ilang araw ko na siyang hindi nakikita... Gusto ko na siyang makusap. Ah! Nanjan ba siya!? Pwede ko bang marinig ang boses niya?]
Huminga nang malalim si Sehun bago siya nagsalita. "Wala si hyung dito. Hindi ka niya masusundo."
Tahimik lang sa kabilang linya.
"Pasensya ka na."
Umiwas ng tingin si Yixing sa kanya.
[G-ganun ba? Ah, hahaha. Malamang busy siya! Pero siguro naman alam niyang ngayon ang labas ko sa ospital diba? Sinabi niyo naman sa kanya, diba?]
Binigay ni Sehun ang phone kay Yixing at tahimik na umalis. Pinanood lang ni Yixing na kunin ni Sehun ang susi ng kotse niya sa drawer sabay labas ng mansion.
"Baekhyun, si Yixing to," sabi ni Yixing sa phone. "Hinahanda na ni Sehun yung kotse. Papunta na kami jan sa loob ng fifteen minutes."
[Hyung, si Chan--]
"Magkita na lang tayo mamaya."
Pinatay na ni Yixing ang tawag at sumunod kay Sehun palabas ng bahay.
*
Bumunong hininga si Baekhyun. "Bakit ganun sila? Parang lagi na lang nilang iniiwasan yung usapan kapag itatanong ko kung nasan si Chanyeol." Sinuway niya ang binti niya na parang bata habang nakaupo sa kama. "May tinatago ba sila sakin?"
May kumatok sa pinto kaya napatingin dito si Baekhyun. Pumasok ang isang nurse na may dalang cart na may lamang benda at mga gamot.
"Bago kayo umalis, ibinilin sakin ni Dr. Zhang na palitan ko yung bandage niyo," sabi ng nurse. Tumango si Baekhyun at hinayaan ang nurse na asikasuhin siya. Nakayuko lang siya sa sahig habang pinapalitan ng nurse ang benda niya sa ulo.
Katahimkan.
"Nurse?"
"Bakit?"
"May nakikita ka bang... lalaking bumibisita sakin pag gabi na habang tulog ako?"
Tumigil sandali ang nurse sa pag-iikot ng benda sa ulo ni Baekhyun. "Ano pong itsura niya?"
"Ah, matangakad siya," sagot ni Baekhyun habang iniimagine ang itsura ni Chanyeol. "Gwapo, at maganda yung ngiti niya. Ah, at nakasuot siguro siya ng suit kapag pumupunta siya dito."
"Gwapong lalaking matangkad na nakasuit?"
"Oo, yun nga," sabi ni Baekhyun, tinatali na ng nurse ang benda niya. "Park Chanyeol ang pangalan niya."
"Pasensya na kayo, Sir, pero wala akong nakikitang ganung lalaki dito na matangkad, bukod sa college student na laging bumibisita sa inyo," sabi ng nurse. Tumingin si Baekhyun sa kanya.
"S-sigurado ka ba?"
Tumango ang nurse. "Ako ang nakaassign sa inyo maghapon, at sigurado rin akong walang Park Chanyeol na pangalan sa visiting records niyo."
"P-pwede ko bang--"
"Sandali lang po."
Umalis ang nurse at bumalik matapos ang ilang minuto dala ang kopya ng record book. Tiningnan ito ni Baekhyun, mula taas hanggang baba.
Park Chanyeol...
Hinanap ni Baekhyun, pero--
Ni isa. Wala.
Wala ang pangalan ni Chanyeol.
"Park Sehun at Park Yoora lang po ang nandito. Nag log in sila kahapon ng 9:56 PM, at nag log out ng 10:03 PM."
Nilayo ni Baekhyun ang papel.
"S-salamat."
Pakiramdam ni Baekhyun sumikip ang paghinga niya, sumakit bigla ang puso niya. Nagsasabi ba ng totoo ang nurse? Totoo ba yung record? Nagsisinungaling ba si Yixing at Sehun sa kanya? So kung ganun, wala talaga si Chanyeol. Hindi pala talaga siya binibisita ni Chanyeol, hindi pala siya nito kahit minsang pinuntahan man lang. Masakit. Ang sakit. Wala na bang pakealam si Chanyeol sa kanya?
Nasan na ba siya? Bakit? Bakit...
"May kailangan pa ba kayo?"
"Wala na. S-s-salamat.." bulong ni Baekhyun. "Pwede ka nang umalis."
Nagbow ang nurse. "Nasa labas na po ang susundo sa inyo."
Tumingin si Baekhyun sa pinto at nakita niya ang eomma niya dala ang bag niya. Ngumiti ito sa kanya, kaya ngumiti rin si Baekhyun pabalik.
"Tara na?"
Nakarating na sila sa labas ng ospital matapos ang ilang minutong paglalakad. Nakita ni Baekhyun na naghihintay na ang kotse ni Sehun. Bumukas ang pinto at lumabas si Sehun.
Nagbow siya sa eomma ni Baekhyun. "Ako na po ang magpapasok nito sa loob."
Inabot ni Mrs. Byun ang bag kay Sehun habang nakangiti. "Ikaw ba si... Sehun? Ang kapatid ni Chanyeol?"
"Ah," nahihiyang sabi ni Sehun habang nakalagay ang kamay sa batok niya. "A-ako nga po. Ang pangalan ko po ay Park Sehun." Nagbow ulit siya. "Ako po yung inaalagan ng anak niyo."
Tumunghay si Sehun sabay tingin kay Mrs. Byun na nakatitig lang sa kanya. "Eommoni."
Hindi nagsasalita si Mrs. Byun, at pakiramdam ni Sehun matutunaw na ang tuhod niya dahil sa kaba.
"Palagi kang kinukwento ni Baekhyun sakin," sabi ni Mrs. Byun. "Hindi kita naaabutan sa ospital kaya naman ngayon lang kita nakita. Nameet na rin kita sa wakas."
"O-opo.." sagot ni Sehun, inabot niya ang kamay ni Mrs. Byun habang nakabow.
"Mukha ka namang mabait na bata, di gaya ng hyung mo--"
"Eomma," sabi ni Baekhyun. Umubo lang ang nanay niya.
"Sehun, nasan ang hyung mo? Bakit ikaw ang sumusundo kay Baekhyun at hindi siya?"
"Ah," sabi ni Sehun, umiwas siya ng tingin. "Si-si hyung.." Tumingin siya kay Baekhyun na halata sa mata na sobrang lungkot nito. "N-nasa.. S-si hyung--"
Ano bang sasabihin niya? Sasabihin na ba niya ang totoong wala si Chanyeol dito? Paano na, hindi pwedeng malaman ni Baekhyun yung totoo. Kailangan niyang magsinungaling, mag-imbento--
"Bakit di ka makasagot?"
"Eomma, sumakay na tayo. Gusto ko na pong umuwi," sabi ni Baekhyun, at nauna na siyang pumasok sa kotse. "Gusto ko nang magpahinga. Tara na."
Bumuntong hininga lang si Mrs. Byun at sumakay na rin sa kotse sa tabi ni Baekhyun. Sinara na ni Sehun ang pinto bago siya sumakay sa driver's seat. Nasa tabi niya si Yixing.
"Aalis na po tayo," sabi ni Yixing, at tumango lang si Mrs. Byun bilang pagsagot.
Tahimik lang sa kotse.
Inilabas ni Baekhyun ang phone niya at dinial ang number ni Chanyeol, pangwalong beses na mula kaninang umaga, pero hindi pa rin nito sinasagot ang mga tawag niya. Pumunta siya sa messages at binasa ang mga text niya kay Chanyeol.
Ang dating puro palitan na convo nila sa inbox niya, ngayon puro message na lang niya.
To: Chanyeol
9:01 AM
Salamat sa oranges!
2:34 PM
Tinurukan nila ako ng anestisya kanina. Ang tapang ko kasi hindi ako umiyak!
7:46 PM
Kapag dumalaw ka, pwede bang gisingin mo ako kahit isang beses lang?
6:59 AM
Kamusta yung meeting mo kagabi? Maayos ba?
9:32 AM
Chanyeol..... Chanyeol....? Chanyeol!
12:18 PM
Kumakain ka ba nang maayos? Nagdala si eomma ng seaweed soup. Gusto mo bang ipagtira kita? Masarap to!
5:25 PM.
Salamat sa strawberries! At sa pagpapaligo kay Chanbaek. Proud ako sayo!
9:20 PM
Chanyeol?
9:27 PM
Hindi ako makatulog kakaisip sayo.
10:30 PM
Namimiss na kita.
11:06 PM
Replyan mo naman ako, please?
11:11 PM
Jagiya.
Tumulo na ang luha niya nang di niya namamalayan.
"Baekhyun," tawag ni Mrs. Byun sa tabi niya. Tumunghay si Baekhyun sabay taob ng phone sa lap niya. Pinunasan agad niya ang luha sa pisngi niya.
"Tigilan mo na yan. Wag ka nang makipag-usap sa kanya tutal hindi ka rin naman niya sasagutin."
"Busy lang si Chanyeol kaya hindi niya nababasa yung mga messages ko," sabi ni Baekhyun, tumingin siya sa rear-view mirror ng sasakyan. "At kaya hindi rin siya nakakabisita sakin simula nung maconfine ako."
Natigilan si Yixing na nakatingin kay Baekhyun sa salamin. Ganun din si Sehun.
"Pero kahit ganun..." sabi ni Baekhyun, tumingin siya sa eomma niya nang seryoso. "Kahit ganun, hihintayin ko pa rin siya. Hihintayin ko si Chanyeol kahit anong mangyari."
Pero may pag-aalala pa rin siya sa puso niya na hindi mawala-wala.
*
"Woof! Woof!"
"Chanbaek, may nahanap ka na ba!?" sigaw ni Chanyeol matapos niyang umahon sa dagat. Tumahol ang aso at lumangoy papalapit sa island kung saan nakatayo ang isang lighthouse.
May malaking bato doon na napapaligiran ng mga halaman.
"Woof! Woof!"
Tumingin si Chanyeol sa likuran niya, malayo na ang dalampasigan kung babalik pa siya, at mas malapit naman kung lalanguyin niya ang daan papunta sa lighthhouse. Kaya naisip niyang sundan na lang ang lumalangoy na si Chanbaek.
"Chanbaek!" sigaw niya nang makita niyang tumigil ito sa may bato habang tumatahol nang malakas.
"Woof! Woof! Woof!!!"
Tumingala si Chanyeol.
At nanlaki na lang ang mata niya nang makakita siya ng isang makinang na bagay na nakasabit sa sanga ng halaman.
"Y-yung kwintas.."
Humangin nang malakas, at kitang kita ni Chanyeol kung paano dalhin ng hangin ang kwintas, lalong kuminang ang pendant nito na singsing.
"Woof! Woof!"
Napangiti si Chanyeol, at para na siyang baliw dahil tumutulo na rin ang luha niya.
"N-nahanap na rin natin.." sabi ni Chanyeol sa sarili niya at sa aso, "sa wakas."
*
"Galit ka ba sakin?"
Nakatingin lang si Sehun sa sahig. Nasa tabi niya si Baekhyun na kanina pa tahimik. Mas okay sana kung sinisigawan siya nito at sinasaktan, dahil sa ganung paraan, alam niya kung ano yung nararamdaman ni Baekhyun ngayon.
Pero hindi.
Hindi pa nagsasalita si Baekhyun mula nang makarating sila sa mansion. Nasa living room si Yixing at Mrs. Byun, nag-uusap, samantalang nasa garden naman si Baekhyun at Sehun.
"Ako yung nagsabi kay Yixing-hyung na magsinungaling sayo. Wala siyang kasalanan. Kaya sakin ka dapat magalit."
Katahimikan.
At kapag ganito si Baekhyun, mas gusto na lang ni Sehun na maglaho kasama ng hangin.
"Baekhyun," sabi ni Sehun na parang nagmamakaawa. "Kausapin mo naman ako, please." Tumingin siya kay Baekhyun. "Wag ka namang ganito..."
"Hindi ko na itatanong kung nasaan si Chanyeol," sabi ni Baekhyun matapos ang matagal na katahimikan. "Ang gusto ko lang malaman ngayon ay kung... kung.."
"Kung ano?"
"Kung maghihintay ba ako, babalik ba siya para sakin?"
Bumuka ang bibig ni Sehun pero walang lumabas na salita.
"Kahit hindi ko alam kung nasaan siya, o kung ano ang ginagawa niya, o kung iniisip niya ba ako," sabi ni Baekhyun sa mahinang boses, "kung magtitiwala ba ako, babalik ba siya para sakin?"
Tumango si Sehun.
"Mahal.." bulong ni Baekhyun, at halos di na niya marinig ang sarili niya, "mahal niya pa ba ako?"
Dahan-dahan, tumango ulit si Sehun.
"Alam kong ngayon ka lang nalayo kay hyung nang ganito katagal. Ito yung unang beses na hindi niyo nakita ang isa't-isa kahit isang saglit lang," sabi ni Sehun sabay buntong hininga. "At habang tumatagal na magkalayo kayo, ni minsan ba naramdaman mong hindi mo na siya mahal?"
Umiling si Baekhyun. "Syempre hindi, ano bang--"
"Ganun din si hyung sayo."
Natahimik na lang si Baekhyun.
"Kahit hindi kayo magkita, kung talagang mahal niyo ang isa't-isa, kayo pa rin talaga," sabi ni Sehun nang seryoso. "At kung sasabihin ko sayo, sa totoo lang, Baekhyun.."
"Ano yun?"
Tumingin si Sehun sa kanya.
"Sa inyong dalawa, si Chanyeol-hyung ang mas nagmamahal."
Bumuka ang bibig ni Baekhyun.
Masakit. Yun.
"Hindi mo lang alam kung gaano.." sabi ni Sehun, hinigpitan niya yung kamao niya, "kung gaano ka niya kamahal. Lahat gagawin niya para sayo."
Kung pwede lang sanang sabihin ni Sehun kung ano ang ginawa ni Chanyeol, nagawa na niya, maipaliwanag lang ang punto niya.
"Nahihiya ako sa sarili ko, Baekhyun," sabi ni Sehun sabay yuko. "Sinasabi ko sayong mahal kita, pero kung ikukumapara ko yung pagmamahal ko sayo, sa pagmamahal ng hyung ko, wala na akong laban. Wala akong binatbat."
"Sehun--"
"May mga bagay na hindi ko kayang gawin para sayo na nagagawa niya," sabi ni Sehun, masakit, sobra. Pero kailangan niya itong gawin. "Kaya Baekhyun.."
"Sehun. Ano bang.."
"Sinusuko na kita."
Natigilan si Baekhyun.
"Sinabi ko sayo na mamahalin pa rin kita kahit kayong dalawa na ng hyung ko, at kung hindi rin lang naman ikaw, hindi na ako magmahahal ng iba.. M-masakit saking gawin to, pero. Pero..." Pinipigilan ni Sehun na bumagsak ang luha niya. "Pero panahon na siguro para tumigil na ako."
Tumingin siya kay Baekhyun.
"Kaya simula ngayon, hindi na kita...mamahalin," sabi ni Sehun nang nakatitig lang kay Baekhyun, umiiyak na siya. "K-kakalimutan na kita... At yung.. yung nararamdaman ko para sayo. Para... para hindi na ako m-mahirapan pa."
"S-sehun..."
"Ayoko nang masaktan kaya sinusuko na kita, Baekhyun."
Nung narinig ni Baekhyun ang sinabi ni Sehun sa kanya, pakiramdam niya, lalong pang nawasak ang puso niya.
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro