CHAPTER 69
*
69
Tumakbo agad si Chanyeol sa dalampasigan kung saan nakahiga ang walang malay na si Baekhyun. Halos itaboy na nga niya si Yixing, mahawakan lang si Baekhyun. "Baekhyun!! Gumising ka!"
"Chanyeol," awat ni Yixing, at pati siya hindi makapaniwala sa boses niyang sumusuko na. "T-tama na.."
Hindi pa rin nagigising si Baekhyun kahit anong gawing pagCPR ni Yixing sa kanya. Umiiyak lang si Sehun, humahagulgol, wala siyang magawa habang pinapanood niyang yakapin ng hyung niya ang katawan ni Baekhyun.
"Anong sinasabi mong tama na!?" sigaw ni Chanyeol. "Nawala lang ako saglit ganito na ang nangyari kay Baekhyun!!?" Tahimik lang si Yixing. "Sabihin mo, patay na ba siya!?"
"Chanyeol!"
Natigilan si Sehun sa sinabi ng hyung niya, at pati rin si Chanyeol napahinto sa sarili niyang salita.
Patay na si Baekhyun?
Hindi. Hindi siya pwedeng mamatay. Hindi matatanggap ni Chanyeol yun. Ni minsan hindi sumagi sa isip niya na mawawala si Baekhyun sa kanya, dahil marami pa silang gagawin nang magkasama. Masyado pang maaga, at isipin pa lang ni Chanyeol ang ideyang wala na si Baekhyun, na nalunod siya at namatay, ay parang pinapatay na rin siya.
Hindi niya kayang mabuhay nang wala si Baekhyun. Hindi.
Pero. Pumikit si Chanyeol. Ramdam niyang malamig na.
Hindi na siya. Humihinga.
"Baekhyun!"
Walang sagot. Hampas ng alon at iyak lang ni Sehun ang maririnig.
"BAEKHYUN, SAGUTIN MO AKO, PLEASE!!!"
Katahimikan.
"Byun Baekhyun!" sigaw ni Chanyeol, niyakap niya si Baekhyun sa braso niya nang mas mahigpit. Wala na siyang pakealam kung basa na siya, dahil sobrang sakit na ng puso niya. Parang binibiyak. Winawasak.
"Baek.. Hyun.." bulong niya, napapaos na siya. "W-wag kang.. m-mawawala.. H-hindi ko kaya.. H-hindi--" Tumulo na ang luha niya sa pisngi niya. "Ko na alam ang mangyayari sakin pag nawala ka, B-baekhyun.. Parang awa mo na, gumising.. G-gumising ka na.. Please."
Hindi na kayang tingnan ni Sehun ang nangyayari sa harap niya kaya tinakpan na niya ng palad niya ang mukha niya habang umiiyak. Kung wala na si Baekhyun, wala na siyang dahilan para sumaya. Dahil si Baekhyun lang, siya lang, yung taong pinakamahalaga sa kanya pagkatapos ng hyung niya. Mahal niya si Baekhyun. Mahal na mahal.
"Chanyeol, ipasok na natin siya sa loob," sabi ni Yixing, pinipigilan niyang umiyak, dahil hindi siya pwedeng maging mahina. Hindi siya pwedeng umiyak kahit gustong gusto na niyang bumagsak sa buhangin at humagulgol. Kailangan niyang maging matatag dahil siya na ang parang tumatayong magulang nila, kahit alam niya na..
Na wala na--
Pumikit si Yixing.
"Mahal na mahal kita," bulong ni Chanyeol habang umiiyak. "G-gumising ka.. Baekhyun.. D-dahil hindi ko pa nasasabi sayo na.." Niyakap niya si Baekhyun nang mas mahigpit. "Na.. Hindi ko pa nasasabi sayong.."
May umubo.
Biglang napatingin si Chanyeol sa braso niya, at magkahalong tuwa, takot at pag-aalala ang naramdaman niya nang nakita niyang umuubo ng tubig si Baekhyun.
Sabay na nagulat si Yixing at Sehun, nakatingin lang sila kay Baekhyun na bumubuga ng tubig sa bibig niya habang nakahawak siya sa braso ni Chanyeol.
"B-b-buhay ka.." sabi ni Chanyeol na parang di makapaniwala. "Buhay ka!!!"
"Ligtas na si Baekhyun!" sigaw ni Sehun sabay yakap kay Yixing.
Unti-unting dumilat si Baekhyun, at nakita niya sa paningin niya ang malabo nang mukha ni Chanyeol, kulob na rin ang tunog sa paligid. Naririnig niyang tumatahol si Chanbaek at ang boses ni Chanyeol na paiyak na, at dahan-dahan na siyang nanghina at nawalan na ulit ng malay.
"Dalhin na natin siya sa loob para makapagpahinga na siya," sabi ni Yixing, nawala na yung tinik sa dibdib niya ngayong ligtas na si Baekhyun. Hindi niya alam kung ano ba ang eksaktong nangyari kung bakit bumalik ang paghinga ni Baekhyun, at kung himala man yun ay nagpapasalamat talaga siya.
"K-kunin mo siya, Yixing.." sabi ni Chanyeol nang nakaiwas ang tingin. "H-hindi ko kayang... B-baka si Baekhyun... H-hindi ko na kakayanin kapag--"
"Chanyeol, buhay si Baekhyun," sabi ni Yixing, binuhat niya si Baekhyun sa braso niya. "Wag ka nang mag-alala.. Magiging okay din siya."
"Salamat.."
"Dadalhin ko na siya sa loob. Aalis na tayo mamaya para mailipat na natin siya sa ospital sa Seoul."
Tumango si Chanyeol. Pinunasan ni Sehun ang luha niya sabay tingin sa hyung niya. "Hyung.."
Tumingin si Chanyeol sa kanya. "Bakit."
"Sorry.." Pinunasan ni Sehun ang luha na tumulo ulit sa mata niya. "A-ako yung," nanginginig ang boses niya, "m-may kasalanan k-kung bakit nalunod si Baekhyun."
"Sehun, ano bang sinasabi mo?"
"K-kung h-hindi ko lang.. sana siya," humikbi si Sehun, "i-iniwang mag-isa.. K-kung hindi sana ako umalis agad, kung kasama ko lang siya nung mga oras na yun, hindi siya mapapahamak!"
"Wala kang kasalanan.." sabi ni Chanyeol, tumayo na siya at itinayo na rin niya ang kapatid niya. "Hindi mo kasalanan yung nangyari. Tahan na..."
"Pero hyung!" sigaw ni Sehun. "Dapat binantayan ko siya! Dahil bago pa to mangyari, pumasok na sa isip ko na baka hanapin niya yung kwintas sa dagat! Pero wala akong ginawa!" Umiyak ulit siya. "Hinayaan ko lang na mangyari to!"
"A-ano?" tanong ni Chanyeol. "Nawala... yung kwintas?"
"Oo, nawala yung kwintas," sagot ni Sehun. "Dahil ayaw niyang magalit ka, hinanap niya pa rin yung kwintas kung saan-saan. Pero wala rin siyang napala." Sumakit ang puso niya nang maalala niya kung ano yung laman ng palad ni Baekhyun kanina. "Kung sana napigilan ko siya... H-hindi sana siya magkakaganito.."
Hindi makapaniwala si Chanyeol.
Wala siyang pakealam sa kwintas. Hindi mahalaga yun kung ikukumpara sa buhay ni Baekhyun na muntik nang mawala. Ang bagay napapalitan, pero si Baekhyun. Si Baekhyun, hindi. Nag-iisa lang siya sa buhay ni Chanyeol, at hindi nakapaniwala si Chanyeol na dahil lang sa kwintas na nawala, muntik pang mawala ang taong pinakamamahal niya.
Hindi na niya kayang mawalan ulit ng mahal sa buhay. Lalo na kung ito ay si Baekhyun.
"Sobrang halaga sa kanya nung binigay mo, kaya siguro nagawa niyang pumunta sa dagat mahanap lang yung kwintas na yun."
Natigilan si Chanyeol.
Ganun ba talaga kahalaga yung kwintas na yun para sa kanya?
"Sehun, mauna ka na. Tulungan mo si Yixing sa loob," sabi ni Chanyeol, at naghubad na siya ng coat at jacket niya. "May tatapusin lang ako."
"Teka, anong gagawin mo?"
Nakatingin lang si Sehun nang tumakbo na si Chanyeol papunta sa dagat. "HYUNG!!!"
"Sehun, makinig ka sakin!" sigaw pabalik ni Chanyeol. "Pumasok ka na sa loob!"
"Pero hyung, paano ka!?"
"Babalik din ako agad!" Humarap na si Chanyeol sa dagat sabay bulong sa sarili, "May hahanapin lang akong mahalaga."
*
Dumilat si Baekhyun. Kumurap siya.
Beep. Beep. Beep. Beep--
Maliwanag.
P-patay.. na ba ako?
Pumikit ulit siya.
Biglang nagflashback sa isip niya ang isang malaking alon na lumamon sa kanya, at ang tahol ni Chanbaek habang pinupuno ng tubig ang baga niya na naging dahilan ng pagkalunod niya. Natandaan niya bigla yung kinang ng kwintas, natandaan niya bigla yung dagat, yung tubig na hanggang leeg na niya, natandaan niya bigla yung pakiramdam ng paglutang ng paa niya sa lupa.
Natigilan si Baekhyun. Hindi siya makahinga. Huminga siya nang malalim at dumilat ulit.
Natatandaan na niya kung anong nangyari. Natatandaan na niya yung mukha ni Chanyeol noong umiiyak ito habang tinatawag ang pangalan niya.
Si Chanyeol, gusto niyang makita si Chanyeol.
"Ch-chan--"
Sobrang sakit ng ulo niya, parang binibiyak ito sa gitna. Dahan-dahan niyang kinapa ang likod ng ulo niya, at nakaramdam siya ng kirot sa loob ng benda na nahawakan niya.
"A-aray.."
At natandaan niyang nabagok ang ulo niya sa bato.
Hinawakan niya ang ulo niya ng dalawang kamay niya at mahinang umiyak dahil sa sakit.
"Doc!" sigaw ng nurse sabay labas ng pinto. "Dr. Zhang! Gising na po ang pasyente!"
Mayamaya ay pumasok sa kwarto ni Baekhyun ang nagmamadaling si Yixing kasama ang tatlong nurse. Pinuntahan niya si Baekhyun sa kama at hinawakan ang balikat nito para dahan-dahang ihiga.
"Baekhyun, sa wakas nagising ka na!" Hinawakan niya ang braso ni Baekhyun. "Kamusta na ang pakiramdam mo?"
"H-hyung.." halos pabulong na sabi ni Baekhyun habang hawak ang ulo niya. "M-masakit.. Y-yung ulo ko.."
"Nagkaroon ng crack yung bungo mo dahil sa pagkabagok mo sa bato, pero wag kang mag-alala," sabi ni Yixing habang hinahawi niya ang bangs ni Baekhyun. "Ligtas ka na. Sa ngayon, may tahi yung ulo mo kaya wag kang gumalaw nang gumalaw."
Tumango si Baekhyun. "Salamat, dahil niligtas mo ang buhay ko, Yixing-hyung," hinawakan niya ang kamay ng doktor, "Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka.."
"Trabaho ko yun," sabi ni Yixing habang nakangiti. "At isa pa, mahalaga ka sakin kaya hindi kita pwedeng hayaang mamatay na lang nang basta-basta." Ginulo niya ang buhok ni Baekhyun.
"Sorry.."
"Kalimutan mo na yun. Ang mahalaga, okay ka na. Kailangan mo na lang magpagaling." Tumingin si Yixing sa nurse na tumawag sa kanya. "Ah, oo nga pala, Baekhyun. Nandito ang eomma mo at si Jongdae, nasa labas sila. Tinawagan ko na sila nung inilipat ka dito sa ospital."
Namimiss na ni Baekhyun ang eomma niya, at alam niyang sobrang nag-aalala na ito sa kanya pati na rin si Jongdae. Hindi niya maiwasang di maluha nang sumilip ang dalawa sa may pinto.
"Sige, maiwan ko muna kayo. Tumawag ka lang ng nurse kung may kailangan ka."
Aalis na dapat si Yixing nang pigilan siya ni Baekhyun, hawak nito ang dulo ng lab coat niya.
May nakalimutan si Baekhyun.
"N-nasan si Chanyeol?"
Hindi nakasagot si Yixing.
Tumingin sa kanya si Baekhyun.
"Hyung, nasan si Chanyeol?"
"Si Chanyeol," sabi ni Yixing sabay iwas ng tingin. Hindi pa rin nakakabalik si Chanyeol tatlong araw na ang nakakalipas. Wala siyang balita kay Chanyeol, ibinilin nito na wag siyang balikan sa resort na yun hangga't di niya sinasabi o wala siyang pahintulot.
At alam ni Yixing, na hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ni Chanyeol yung kwintas ni Baekhyun. Pero hindi pwedeng malaman ni Baekhyun yun, dahil hindi ito mapapanatag pag nalaman niyang matiyagang sinisisid ni Chanyeol ang dagat maghapon magdamag mahanap lang ang kwintas.
Ganun niya kamahal si Baekhyun.
"Hyung," tawag ni Baekhyun, may pag-aalala na sa boses niya, "tinatanong kita. Nasan si Chanyeol?"
Umiwas ng tingin si Yixing. "N-nasa trabaho," pagsisunungaling niya. "M-medyo natambak kasi yung trabahong naiwan niya sa company kaya.. Kaya medyo naghahapit siya ngayon. Kailangan niyang mag-overtime mula ngayon.." Nalungkot ang mata ni Baekhyun. "Pero wag kang mag-alala! Dinadalaw ka naman ni Chanyeol pag tulog ka. Sinisigurado niyang okay ka bago siya umalis."
Nagsisinungaling si Yixing. Hindi pa nakikita ni Chanyeol si Baekhyun mula noon. At alam niya kung gaano na kagusto ni Chanyeol na makita ang boyfriend niya, pero hindi pa siya pwedeng bumalik hangga't di pa niya--
"Talaga?" tanong ni Baekhyun na mukhang nabuhayan naman ng loob, lalong nasaktan si Yixing. "Binibisita niya ba ako araw-araw?"
"O-oo naman.."
"May iniwan ba siyang message sakin? Galit ba siya dahil naiwala ko yung kwintas?" tanong ni Baekhyun, at parang nawala bigla yung sakit sa ulo niya nang malaman niyang pinupuntahan pala siya ni Chanyeol.
"Hindi siya galit, okay lang daw yun, sabi niya." Ngumiti nang pilit si Yixing. "At bilin niya na magpalakas ka, at kumain ka ng maraming gulay at prutas para gumaling ka na agad. Para makalabas ka na ng ospital."
"Sige, gagawin ko yun! Aigoo, salamat naman hindi siya galit sakin, akala ko hihiwalayan na niya ako dahil dun eh," pabirong sabi ni Baekhyun. Humiga ulit siya sa hospital bed niya. "Pakisabi kay Chanyeol miss na miss ko na siya, Yixing-hyung."
"S-sige.." Umiwas ulit si Yixing ng tingin. "Pag-uwi ko sa bahay, sasabihin ko sa kanya." Wala si Chanyeol sa bahay, hindi siya macontact kahit anong gawin ko. "At namimiss ka na rin niya nang sobra."
"Si Chanyeol talaga," nakangiting sabi ni Baekhyun. "Ah, si Sehun nga pala?"
"Nasa school siya ngayon, pero bibisitahin ka rin niya mamaya. Sinabi kong pumasok siya alang-alang sayo kahit ayaw niya," sabi ni Yixing. Alam ni Sehun ang ginawa ng hyung niya, at sinabi niyang wag nang sabihin kay Baekhyun ang tungkol kay Chanyeol. Hintayin na lang nilang makabalik ito na parang walang nangyari.
"Sige na, naghihintay na si eommoni sa labas," sabi ni Yixing sabay tingin kay Mrs. Byun. Ayaw na niyang magtanong pa si Baekhyun dahil baka kung ano pang kasinungalngan ang masabi niya. "Mauuna na ako."
Tumango si Baekhyun at nagsabi ng thank you bago lumabas si Yixing ng kwarto niya. Pumasok naman ang umiyak na si Mrs. Byun at ang galit na si Jongdae sabay sigaw ng:
"BAEKHYUN!!!"
Nakatanggap si Baekhyun ng mahigpit na yakap mula sa dalawa habang pinapagalitan siya ng eomma niya tungkol sa pagiging careless niya at pabigla-bigla.
"Sa susunod, mag-iingat ka naman! Hindi mo alam kung gaano ako sobrang nag-alala sayo!" sigaw ni Mrs. Byun. "Halos atakihin ako sa puso nang malaman ko yung kalagayan mo! Aigoo! Ikaw bata ka!"
"Eomma, sorry na po. Wag na kayong magalit--"
"Tumahimik ka!" sabat ni Jongdae. "Lagi ka talagang dikitin ng disgrasya! Ilang beses ka na bang napahamak, ha, Byun Baekhyun!? Ingatan mo nga yang sarili mo! Alam mo, simula nang magdate kayo ni Chanyeol--"
Natigilan bigla si Jongdae sa sinabi niya nang marealize niya yung binitawan niyang salita. Natahimik lang si Baekhyun nang tumingin si Mrs. Byun kay Jongdae.
"So, yung lalaking yun pala ang may dahilan kung bakit napahamak ang anak ko?"
Alam ni Baekhyun na hindi na maganda ang tingin ng mga magulang niya kay Chanyeol mula nang di ito nakarating sa date nila noong gabing yun. Nasira na ang tiwala nila kay Chanyeol, at kahit anong gawing pagpapaliwanag niya sa eomma niya ng dahilan ng di pagsipot ng boyfriend niya, ay hindi siya nito pinakikinggan. Sarado na ang isip ni Mrs. Byun.
"Sinasabi ko na nga ba, walang magandang maidudulot sayo ang Chanyeol na iyon," sabi ni Mrs. Byun sabay iling. "Puro lang siya magaling sa salita. Puro pangako. Pero ni isa, ni hindi naman niya magawa."
"Eomma, walang kasalanan si Chanyeol dito. Wag mo siyang sisihin, kasi ako yung dapat na--"
"Alam kong pinagtatanggol mo siya, pero Baekhyun," sabi ni Mrs. Byun sabay buntong hininga, "kung talagang mahal ka niya, at may paggalang siya sa aking magulang mo, nandito sana siya ngayon para bantayan ka at batiin man lang at makita ako."
Tahimik lang si Baekhyun, at ramdam ni Jongdae na nasasaktan na ang kaibigan niya.
"Pero ano? Nasaan na si Chanyeol? Bakit wala siya dito ngayong kailangan mo siya?"
Bakit nga ba wala siya? Nasa trabaho? Pwede bang sabihin ni Baekhyun yun sa eomma niya, na nasa trabaho ni Chanyeol-- trabaho nanaman? Ayaw mag-isip ng kung ano ni Baekhyun. Walang issue sa kanya yun, naiintindihan niya si Chanyeol, pero ang nanay niya, hindi. Gusto niyang ipaintindi pero--
"Eomma, tama na po yan," sabi ni Jongdae. "Kailangan nang magpahinga ni Baekhyun. Bumalik na lang tayo bukas, okay?"
Bumuntong hininga si Mrs. Byun. "Sige. Babalik ako bukas. Magpahinga ka na, Baekhyun."
"Opo.." mahinang sagot ni Baekhyun. "Mag-iingat kayo. Jongdae, ikaw nang bahala kay eomma."
Tumango si Jongdae at ngumiti sa kaibigan niya. Lumabas na sila ng kwarto kaya nahiga na ulit si Baekhyun sa kama niya. Nakita niyang dumating na pala si Sehun, nakasuot pa ito ng bag habang nakikipag-usap sa nurse sa labas. Tumingin sandali si Sehun sa kanya, at halata ang pagkagulat at saya sa mukha ni Sehun nang makita niyang gising na si Baekhyun.
Masaya si Baekhyun dahil ramdam niyang maraming nagmamahal sa kanya. Pero may kulang pa rin talaga, dahil ano bang saysay ng saya niya kung wala naman dito sa tabi niya si Chanyeol, yung unang taong gusto niyang makita mula nung nagising siya.
"Chanyeol.." bulong ni Baekhyun sa sarili niya habang nakatingin sa bintana ng ospital. "Gusto na kitang... makita..." Humawak siya sa leeg niya gaya ng nakasanayan niya, sa kwintas na wala na ngayon kundi hangin na lang. Pakiramdam niya lalo siyang nalungkot, pakiramdam niya sobrang layo talaga ni Chanyeol sa kanya.
"Namimiss na kita, Chanyeol. Sobra."
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro