Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 68

*

68

"Nasan na ba kasi sa yun!!?"

Nahalungkat na ni Baekhyun ang laman ng bag niya, nabaligtad na rin niya ang lahat ng bulsa ng pantalon niya, at naikot na rin niya ang buong cottage na pinagstayan nila pero hindi pa rin niya makita-kita ang nawawala niyang kwintas. Nag-aalala na siya at kinakabahan habang iniisip kung saan niya ba huling nailagay yun, o kung naiwala na ba talaga niya yun o may kumuha.

Pero imposibleng may kumuha ng kwintas niya dahil sila-sila lang naman ang magkakasama, kaya natira na lang ang posibilidad na naiwala niya talaga yung kwintas.

Yung kwintas na bigay ni Chanyeol nung anniversary nila.

Yung kwintas na may pendant na singsing.

Singsing na future wedding ring nila sa tamang panahon.

"Shit," bulong ni Baekhyun sa sarili niya habang nakasubsob ang mukha sa palad niya, lumong lumo na talaga siya. "Hindi ko pwedeng maiwala yun..." Gusto na niyang umiyak sa inis, asar, galit sa sarili at kaba. "Kailangang mahanap ko yun bago dumating si Chanyeol."

Nagpaalam si Chanyeol na babalik siya sa Seoul matapos niyang makatanggap ng tawag galing sa noona niya, at medyo nagpapasalamat si Baekhyun dahil wala si Chanyeol ngayon. May time pa siya para hanapin ang nawawala niyang kwintas.

Bumuntong hininga siya at ibinalik sa bag niya ang mga nagkalat na gamit sa sahig. Babalik siya sa beach para hanapin ang kwintas dahil wala siyang mararating kung magmumukmok lang siya sa cabin. Lalabas na dapat siya sa pinto nang nasalubong niya ang papasok na si Sehun.

"Oh, bat parang ang haggard ng itsura mo?" tanong ni Sehun nang nakakunot ang noo. "Anong meron?"

"SEHUN," sabi ni Baekhyun na parang problemadong problemado talaga siya. Ramdam naman ito ni Sehun kaya bigla siyang nag-alala para sa babysitter niya.

"Yah, may problema ba?" nag-aalalang tanong ni Sehun sabay hawak sa balikat ni Baekhyun. Halata niya sa mukha ni Baekhyun na hindi ito mapakali at konti na lang maiiyak na siya. Para bang may mahalagang nawala sa kanya.

Wag mo sabihing-- Oh hindi.

"B-b-break na kayo ni hyung!?" sigaw ni Sehun na parang di makapaniwala. "Hah!? Oh hindi! Sinasabi ko na nga ba, wala talagang forever." Niyakap niya si Baekhyun kaya nasubsob ito sa dibdib niya. "Wag kang mag-alala, Baekhyun, nandito pa ako. Ako na lang, okay?"

Umiling si Baekhyun habang nakayakap si Sehun sa kanya. "Hindi yun," suminghot siya, "Hindi kami naghiwalay at hindi kami maghihiwalay kahit kailan," sumilip siya sa mukha ni Sehun na nakasimangot sa kanya, "Pero baka mangyari yun kapag hindi ko agad nahanap yung kwintas na binigay niya sakin!"

"Teka, ano?"

"Sehun, nawala ko yung kwintas!" Tinuro ni Baekhyun ang leeg niya na bakante na, at halatang halata talaga ni Sehun na may nawala sa kanya dahil laging suot yun ni Baehyun. "Anong gagawin ko! Kailangan kong makita yun agad!"

Pati si Sehun mukhang problemado na rin. "Paano ngayon yan? Siguradong magagalit si hyung pag nalaman niyang nawala mo yung kwintas." Hinampas niya ang noo niya. "Ibig ko sabihin, hindi siya magagalit sayo, pero sasama talaga ang loob niya at hindi niya yun ipapaalam sayo. Sasabihin niyang okay lang, pero hindi naman talaga." Bumuntong hininga siya. "Ganun si hyung kapag importante sa kanya ang isang bagay."

"Yun nga ang ayokong mangyari," sabi ni Baekhyun, at binaon niya ulit sa kamay niya ang mukha niya. "Ayokong isipin niya na burara ako, o hindi ako mapagkakatiwalaan. At isa pa, mahalaga yung kwintas, hindi lang dahil sa mamahalin yun." Tumingin siya kay Sehun. "Yun yung symbol ng love namin sa isa't-isa!"

"Aish, bakit mo ba kasi hinubad nung una pa lang?"

"Baka kasi mawala kapag nagswimming ako kaya hinubad ko muna siya," sagot ni Baekhyun. "Hindi ko naman alam na mawawala pala yun. Baka naanod na ng alon yun o kaya natabunan na ng buhangin."

Bumuntong hininga si Sehun. "Fine. Tutulungan kitang maghanap. Saan mo ba naiwala?"

Ngumiti nang malapad si Baekhyun. "Tara, puntahan natin!"

*

"So dito?"

Hawak ni Sehun ang sumbrero niya para hindi ito liparin ng hangin. Nakatingin lang siya sa plain at malawak na buhanginan na itinuturo ni Baekhyun sa kanya. May isang starfish at dalawang pink at blue na seashell lang ang nasa buhangin, wala nang iba.

"Dito nga, dito mismo," sabi ni Baekhyun. "Nalibot ko na yung buong paligid pero hindi ko pa rin makita." Tumingin siya sa maalon at asul na dagat. "Maliban na lang sa tubig."

"Baekhyun, parang mahihirapan tayong maghanap kung ganito. Akala ko naman sa cabin o sa sasakyan mo lang naiwala pero dito pala," sabi ni Sehun, hinubad niya ang sumbrero niya at inilipat ito sa ulo ni Baekhyun. "Baka abutin tayo ng magdamag kakahanap sa kwintas mo."

"So anong gagawin natin?" malungkot na tanong ni Baekhyun. "Ayokong madisappoint si Chanyeol. Kahit alam kong papatawarin din naman niya ako... ayokong.. ayokong pabayaan na lang yun, Sehun."

"Ganito na lang," sabi ni Sehun. "Bakit di na lang natin palitan yung kwintas mo na katulad na katulad ng ibinigay ni hyung sayo. Sigurado akong marami namang ganung klaseng kwintas sa mga jewelry store diba? Kung yung pera ang iniisip mo, pwede namang ako muna yung gumastos, tapos bayaran mo na lang ako ng oras at panahon mo."

Natawa nang mahina si Baekhyun. "Ang ganda ng offer mo, at alam kong alam mong tatanggihan ko yan." Tumango si Sehun. "Sorry..."

"Ayaw mo talaga?" tanong ni Sehun.

Umiling si Baekhyun.

"Kapag ganun, para na rin akong nagsinungaling sa kanya. Mas mabuti nang sabihin ko yung totoo kesa naman sa lokohin ko siya diba?"

"Kung sabagay.." sabi ni Sehun sabay kibit balikat. "Nagsasuggest lang naman ako."

Ngumiti si Baekhyun. "Thank you kasi nandito ka, Sehun." Pinat niya sa pisngi si sehun. "Sasabihin ko na lang yung totoo kay Chanyeol na naiwala ko yung kwintas."

"Mabuti pa nga," sagot ni Sehun, hinawakan niya naman ang buhok ni Baekhyun. "At para maibili ka pa niya ng bago."

Tumawa si Baekhyun. "Kahit wag na. Okay na sakin ang--"

"Ano? Pagmamahal nanaman?" Umirap si Sehun.

"Psh. Sinong nagsabi sayong pagmamahal?" sabi ni Baekhyun nang nakacross arms. "Mas okay kung bibigyan niya ako ng kotse. Sports car, yung red."

"Napakademanding mo naman."

"Mayaman naman kayo kaya dapat lubos-lubusin ko na, diba!?"

Natawa so Sehun. "Gold digger!" At nakatanggap siya ng suntok sa tagiliran. "Aray!"

"WOOF! WOOF!" tahol ni Chanbaek na nagmula sa kung saan. Gumagalaw-galaw ang buntot niya habang umiikot siya. "Woof! Woof!"

"Chanbaek!" sigaw ni Baekhyun, hindi mapakali ang aso, napakalikot niya.

"Sebaek!" tawag naman ni Sehun sabay karga sa aso. Kumawala ang aso at tumalon ulit kay Baekhyun. "Bad Sebaek, bad!"

"Ayaw niya kasi ng pangalan na yun," biro ni Baekhyun habang hinihimas ang puting balahibo ni Chanbaek. "Hindi cute!"

"Excuse me?" sabi ni Sehun nang nakataas ang kilay. "Mas cute kaya ang pangalang Sebaek kesa sa Chanbaek!"

"Fine. Kung gusto mo talaga yun, ipangalan mo na lang ang Sebaek sa magiging anak mo. Okay?"

Umirap si Sehun. "Psh. Ipapangalan ko talaga."

"Woof! Woof!" tahol ng aso habang tumatalon-talon. Umupo si Baekhyun para maabot niya ito. "Woof! Woof!"

"SEHUN!" tawag ni Yixing mula sa malayo, kumakaway siya. "Pwede bang halika muna dito!?"

Lumingon si Sehun sa kanya. "Sandali lang, hyung!" Tumingin siya kay Baekhyun. "Papasok na ako sa loob, tinatawag ako ni Yixing-hyung. Ikaw ba?"

"Dito muna ako, ang likot kasi ni Chanbaek. Baka magbabanyo siya," sabi ni Baekhyun at ngumiti siya kay Sehun. "Mauna ka na sa loob, susunod na ako."

"Okay, sige." At tumakbo na si Sehun paalis.

"WOOF! WOOF! WOOF!" tahol ulit ni Chanbaek, mas malakas habang pilit na tumatakbo papunta sa dagat pero pinipigilan siya ni Baekhyun. "WOOF!"

"Bakit ba ang likot mo? Ano bang gusto mo?" tanong ni Baekhyun, binuhat niya si Chanbaek pero dahil medyo malaki na ito ngayon, nakawala agad siya sa braso ng amo niya. "Yah! Chanbaek!"

"Woof! Woof!" tahol ni Chanbaek sabay takbo papunta sa dalampasigan. Bumuntong hininga na lang si Baekhyun at sinundan ang aso niya.

"Ano ba kasing gusto mo? Magswimming?" tanong ni Baekhyun na akala mo naman ay may sasagot sa kanya. "Pero tapos na ako kanina pa."

"Woof! Woof!" Tumakbo pa si Chanbaek hanggang sa mabasa na ang paa niya ng alon. Basa na rin ang paa ni Baekhyun kaya tinupi niya pataas ang pants niya hanggang tuhod. Lumalakas na ang alon at ang hangin at medyo dumidilim na ang langit.

"Chanbaek, bumalik na tayo," sabi ni Baekhyun nang napansin niyang may humampas na malaking alon sa binti niya. "Hindi ka na pwedeng magswimming ngayon."

"WOOF! WOOF!" tahol ni Chanbaek, at sumuong pa rin siya sa dagat hanngang sa nakalutang na siya sa tubig. Marunong siyang lumangoy pero natakot pa rin si Baekhyun nang makita niyang nakalitaw ang ulo nito.

"CHANBAEK!" sigaw ni Baekhyun nang makita niyang lumalangoy ito papunta sa isang malaking bato. "Bumalik ka na dito, ngayon na!!!"

Dahil aso, hindi siya nito naiintindihan kaya hindi siya nito pinakinggan.

"Chanbaek!" tawag ni Baekhyun, at lumusong na rin siya palapit sa aso niya hanggang sa hanggang dibdib na niya ang tubig.

Lumakas ang hampas ng alon.

"Chanbaek!" sigaw ni Baekhyun, tumigil siya sa posisyon niya nang hanggang leeg na niya ang tubig. Tinuruan na siya ni Sehun na lumangoy kanina, pero kanina lang yun, at hindi pa siya ganun kagaling lumangoy.

Humapas ang alon sa mukha niya. Masakit.

"K-kailangan ko nang bumalik..." bulong ni Baekhyun sa sarili niya, pero natigilan siya nang nakita niya kung nasaan na ang aso niya.

Nasa may bato ito, nakaupo, habang nasa bibig niya ang kwintas ni Baekhyun.

Natigilan si Baekhyun.

"Y-yung.. kwintas ko.."

Nakatitig lang Baekhyun sa kinang ng kwintas habang naglalakad siya palapit sa bato kung nasaan si Chanbaek. Hindi na niya inalintana ang hampas ng alon, makalapit lang sa kwintas niya.

Kailangan kong makuha yun. Nandun lang pala yun. Nakay Chanbaek lang pala yun. Malapit na. Malapit na---

"Woof! Woof!" tahol ni Chanbaek, na parang binabalaan niya si Baekhyun na wag nang lumapit. "Woof woof!"

Tatalon na dapat ang aso pero sinenyas ni Baekhyun ang kamay niya para patigilin ito. Naintindihan naman ng aso ang senyas kaya naupo lang siya at matiyagang naghintay habang kagat sa bibig ang kwintas ni Baekhyun.

Tumataas na ang tubig, kaya nagtiptoe si Baekhyun para nakaangat pa rin ang ulo niya.

"Ch-chanbaek..." bulong ni Baekhyun, napapasukan na ng tubig ang tenga at bibig niya. "W-wag kang aalis jan..."

May paparating na isang malaking alon kaya napatingin dito si Baekhyun, at nanlaki ang mata niya.

Pero bago pa siya makalayo ay natabunan na siya nito.

Wala na siyang narinig at nakita. Hindi na siya nakahinga.

Tubig na ang buong paligid.

"WOOF! WOOF! WOOF!!!"

*

"Parang kanina pa si Baekhyun sa labas," sabi ni Yixing matapos nilang buhatin ang pang limang box sa loob ng cabin. Nagsisimula nang dumilim sa labas, pansin ni Yixing sa bintana. "Nakita mo ba siyang pumasok na?"

"Hindi pa nga eh," sagot ni Sehun, pinagpag niya ang kamay niya sa likod ng shorts niya. "Ano na kayang nangyari dun?"

"Tingnan natin, baka naligaw na naman yun o kung ano."

Sabay na lumabas si Sehun at Yixing ng cabin at naglakad papunta sa cottage sa labas.

Wala si Baekhyun. Wala rin si Chanbaek.

"Nasan na sila?"

"Baka nasa dagat?"

"Pero ang lakas ng alon at--" Natigilan si Sehun nang makakita siya ng lumulutang na puti sa gitna ng dagat.

Si Chanbaek yun.

Nanlaki ang mata ni Sehun at bigla siyang kinabahan. "Hyung--"

Tumingin si Yixing sa dagat kung saan nakatingin si Sehun, at hindi na siya nagsayang ng oras na tumakbo nang mabilis nang nakita niyang kagat-kagat ni Chanbaek ang damit ng walang malay na si Baekhyun habang inilalangoy nito ang amo niya papunta sa dalampasigan.

"BAEKHYUN!" sigaw ni Yixing habang tumatakbo. Tumakbo rin si Sehun, umiiyak na siya dahil sa halong takot at pag-aalala.

"BAEKHYUN!!!!" sigaw ni Sehun habang umiiyak, tumigil siya sa dalampasigan at hinyaan na si Yixing ang lumangoy para kunin si Baekhyun. "A-anong n-nangyari sayo!!!!!?"

Sinabit ni Yixing ang braso ni Baekhyun sa leeg niya bago siya lumangoy nang mabilis papunta sa baybayin. Nakasunod na lumalangoy ang aso. Tiningan ni Yixing ang walang malay na si Baekhyun, at pakiramdam niya nanghihina at nanlalambot na siya nang makita niyang maputla na ang labi nito.

"Shit, Baekhyun. W-wag. Please--"

Nang makarating siya sa dalampasigan, chineck agad ni Yixing ang pulso ni Baekhyun sa leeg. Pumikit siya at dinama ang pulso nito pero wala siyang maramdaman.

Bumuntong hininga siya, hindi siya pwedeng magpanic sa ganitong pagkakataon. Kailangang kalmado.

Inilapit ni Yixing ang tenga niya sa bibig ni Baekhyun at pinakiramdaman kung humihinga pa ito.

"YIXING-HYUNG! ANONG-- ANO NANG NANGYAYARI KAY BAEKHYUN!!!?" sigaw ni Sehun, niyuyugyog niya si Yixing habang humihikbi siya. "Iligtas mo siya! Please!"

Dinama ulit ni Yixing ang pulso ni Baekhyun sa wrist. Mahina. Sobrang hina.

Nagsagawa na siya ng CPR.

Binuksan niya ang bibig ni Baekhyun at hiningahan ito, tapos nilagay niya ang magkapatong na kamay niya sa ibabaw ng diaphragm ni Baekhyun at pinump ito nang ilang na beses.

"Baekhyun," tawag ni Yixing habang nagcCPR. "Please."

Inulit niya ang proseso at dinama kung humihinga na ba si Baekhyun.

Hindi pa rin.

"H-hyung..." sabi ni Sehun, umiiyak na siya at namamanhid na ang buong katawan niya. "W-wag mo siyang hayaang mamatay..."

"BAEKHYUN! GUMISNG KA NA!" sigaw ni Yixing, at kahit siya mismong doktor nawawalan na kalma at tiwala sa sarili niya. "Baekhyun!" Binugahan niya ulit ng hangin ang bibig ni Baekhyun bago niya ipump ang tiyan nito.

Tumatagal na. Hindi pwede, hindi maari to--

"HYUNG!!!"

"Ginagawa ko na lahat ng makakaya ko!!!" sigaw ni Yixing, at naiinis na siya sarili niya dahil bakit ayaw pa ring bumalik ng panghinga ni Baekhyun!?

Tahimik na pinanood ni Sehun ang eksena sa harap niya, at masakit sa kanyang nakikitang nag-aagaw-buhay si Baekhyun. Wala man lang siyang magawa kundi manood at umiyak. Tumutulo nang walang katapusan ang luha niya, maalat ito kagaya ng tubig dagat.

Hinawakan niya ang malamig na kamay ni Baekhyun at binuksan ito.

Hawak ni Baekhyun sa loob ng palad niya ang isang seaweed.

At pakiramdam ni Sehun lalong sumikip ang dibdib niya. Nang dahil lang dito sinugal niya ang buhay niya. Seaweed.

"Baekhyun, gumising ka!" sigaw ni Yixing, at pag-angat niya ng ulo niya, nakita niyang nakatayo na pala si Chanyeol ilang metro ang layo sa kanila.

Nakatingin lang si Chanyeol sa kanila.

Gulat na gulat ito at di makapiniwala, nabitawan na niya ang dala niya sa buhanginan. Tumulo na rin ang luha sa pisngi niya nang di niya namamalayan.

"B-baekhyun.."

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro