CHAPTER 67
*
67
Masaya si Baekhyun. Masayang masaya.
Nakaupo siya sa couch sa living room habang nasa lap niya ang bago niyang aso, samantalang nasa kabilang ibayo naman ng mansion si Chanyeol, nakatanaw lang nang masama kay Baekhyun habang umiinom ng coffee. Sigurado ang apat na kasambahay na may itim na aura nang namumuo sa kusina.
"Yah, Baekhyun," tawag ni Yixing sabay upo sa tabi ni Baekhyun. Pinat niya ang malambot na ulo ng aso, kaya pumikit ito at nag-purr nang mahina. "Si Taenggu ba--"
"Hindi Taenggu ang pangalan niya, Yixing-hyung.." sabi ni Baekhyun nang nakapout. "Ayaw ni Chanyeol ng pangalan na yun." Tinaas niya sa hangin ang aso at ginalaw-galaw ito. "Kaya wala muna siyang pangalan sa ngayon."
"Hmm. Ganun ba? Gusto mo bang isipan kita?"
"Talaga!?" tanong ni Baekhyun nang nagliliwanag ang mukha.
"Oo," sagot ni Yixing, nilagay niya ang kamay niya sa ibabaw ng baba niya. "Hmm, ano kayang magandang pangalan ng aso.."
"Gusto ko yung simple lang, yung cute, yung madaling matandaan, ah at yung maiksi lang."
"Teka, lalaki ba siya o babae?"
Nakatingin lang si Chanyeol mula sa malayo kina Baekhyun at Yixing na sinisilip sa ilalim ang kasarian ng aso. Hawak ni Baekhyun ang katawan ng aso samantalang si Yixing ang tumitingin.
"Lalaki siya!"
Napairap na lang si Chanyeol sabay tawa nang mahina. Taenggu pala ha. Psh.
"G-ganun ba! Akala ko babae siya!" sigaw ni Baekhyun. "Sayang naman yung mga pangalang naisip ko!"
"Ano bang mga pangalang naisip mo?"
"Joy, Irene, at Wendy," sabi ni Baekhyun nang nakangiti nang malapad.
"Hindi ba parang pamilyar yung mga pangalang yun? Saan ko na nga ba narinig yun..." sabi ni Yixing. Nakatingin lang si Chanyeol mula sa malayo, nakikinig.
Sino naman kaya yung mga yun?
"Pangalan yun ng mga," nagcross arms si Baekhyun habang nakangiti pa rin, "naging ex-girlfriend ko noon."
Napabuga ng kape si Chanyeol.
Napaubo ng kape si Chanyeol.
"Ah! Oo!" sigaw ni Yixing, tinapik niya ang balikat ni Baekhyun. "Naikuwento mo nga pala sakin yun noon nung stay-in pa ako dito."
Nakasimangot si Chanyeol.
"Pero sayang kasi hindi ko magagamit yung pangalan nila.."
"Bakit kasi yun pa ang ipapangalan mo sa aso mo, marami namang iba pang name jan."
"Pero wala akong maisip!"
Pumalakpak si Yixing ng isa sabay tayo. "Ah! Alam ko na! May naisip na ako!"
Pinunasan ni Chanyeol ang bibig niya ng tissue pagkatapos niyang uminom ng tubig na malamig. Kumuha siya ng cookies sa cookie jar at kinain ito habang nakatingin pa rin sa living room.
"Ano yun, Yixing-hyung!?"
Ngumiti si Yixing. "Gusto mo yung madaling matandaan, simple at maiksi lang diba?"
Tumango si Baekhyun. "Anong pangalan ang naisip mo?"
"The dog."
Nakatingin lang si Yixing nang seryoso. Sabay na kumurap si Baekhyun at ang aso.
"The dog...?"
"Oo. The dog."
Hindi alam ni Chanyeol kung iiyak ba siya o matatawa.
"The... dog."
"Maganda... hindi ba?"
"Ah, eh--"
"The dog."
"Uhm--"
"THE DOG."
"Hyung--"
"Bakit? Ayaw mo ba ng naisip ko?"
Umiling si Baekhyun. "H-hindi naman sa ganun, pero kasi, uhm, m-may naisip kasi akong pangalan na mas madaling tandaan!"
"Talaga? Ano naman yun?"
"CHANNIE!"
Nabilaukan si Chanyeol ng cookies.
Nabulunan si Chanyeol ng cookies.
"Woof! Woof!" tahol ng aso sa braso si Baekhyun.
"Hyung! Nagustuhan niya yung bago niyang pangalan!"
"Woof! Woof!"
"Hmm, so simula ba ngayon, siya na si Chan--"
"HINDI! AYOKO!!!" sigaw ni Chanyeol mula sa kusina. "Ibahin niyo ang pangalan niya, wag," umubo si Chanyeol, "wag Channie."
"Bakit naman?" tanong ni Baekhyun.
Namula si Chanyeol. "B-basta.."
"Bakit nga!?"
Tumawa si Yixing. "Dahil yun yung palayaw niya nung bata pa siya. Nung ganito pa siya," sinenyas ni Yixing ang kamay niya, "kataba."
"YIXING!"
"At ang tawag sa kanya, alam mo ba kung ano?"
"Ano? Ano?" excited na tanong ni Baekhyun.
"Channie tabachoy!"
"HAHAHAHAHA!"
"TABA-- Pfft!"
"Hahahahahaha!"
"Yah! Tumigil nga kayong dalawa jan!"
Magbabato na sana si Chanyeol ng kung anong nahawakan niya (saging) nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Sehun, kakagaling lang niyang school.
"Nandito na ako.."
"Woof! Woof!"
Tumalon ang aso sa lap ni Baekhyun at sinalubong niya si Sehun. Napangiti nang malapad ang kaninang nakasimangot na si Sehun, sabay karga sa aso sa braso niya.
"JUSTIN!"
"Jus... tin?" tanong ni Baekhyun.
"Woof! Woof!"
"Justin!" Kinarga ni Sehun ang aso niya (nila ni Baekhyun) habang pinapat ang likod nito. "Namiss mo ba ako?"
"Woof! Woof!"
"Yah, hindi siya si Justin!" sigaw ni Baekhyun kay Sehun. "Siya si--"
"Justin ang pangalan niya, napangalanan ko na siya kahapon kaya Justin na ang pangalan niya."
Umirap si Baekhyun. "Channie ang pangalan niya."
"YAH!" sigaw ni Chanyeol.
"Justin!"
"Channie!"
"Justin!"
"Channie!"
Tumingin ang aso pabalik-balik sa mukha ni Sehun at Baekhyun.
"Justin!"
"Channie!"
"JUS. TIN!"
"CHA. NNIE!"
"The dog."
Napatingin silang lahat kay Yixing.
Katahimikan.
"The dog...?"
"Woof! Woof!" tahol ng aso habang umiiling.
Napabuntong hininga na lang si Yixing. "Siguro mas maganda kung Whitey na lang yung sinabi ko."
*
"So ganito. Para hindi tayo mag-away, pipili tayo ng bagong pangalan ng aso natin dito sa 'The Book of Dog Names' tapos kung ano yung mapagkasunduan natin, yun na yung magiging pangalan ng aso natin."
Tumango si Sehun. "Okay sige."
Binukasan ni Baekhyun ang maliit na librong hawak niya na ibinigay ni Chanyeol kahapon. Hindi niya akalain na mag-aabala pa si Chanyeol para lang dito.
Oh.
Ano to?
Diba nahihirapan kayong mag-isip ng pangalan ng aso, kaya naisip kong dumaan sa bookstore kaya ayan.
Chanyeol! Thank you!
Aish, oo na. You're welcome.
Hinawakan ni Baekhyun ang buhok niya na pinat ni Chanyeol kahapon habang nakangiti siya nang malapad. Umubo si Sehun sa harap niya kaya sinimulan na ni Baekhyun maghanap.
"Hmm.. Tingnan natin," sabi ni Baekhyun habang nililipat ang page. "May Korean, Japanese, Chinese at Western names dito! Saan mo gusto?"
"Yung Chinese," sagot ni Sehun.
"Okay teka," tinuro ni Baekhyun ng index finger niya ang mga pangalan. "Fu Tsu?"
"Ayaw."
"Yinyang?" Umiling si Sehun. "Shaolin?"
"No."
"KUNGFU!"
"Ayoko!"
Umirap si Baekhyun."Zitao, Xiao Lu, Wufan--"
"Teka."
"Bakit?"
"Pwede bang... Ulitin mo yung pangalawa?"
"Zitao?"
"Yung sunod."
"Xiao Lu?"
"Hmm. Xiao Lu." Hinimas ni Sehun ang baba niya.
"Bakit?" tanong ni Baekhyun. "Gusto mo ba ang pangalan na yun?" Tumingin ulit si Baekhyun sa libro. "Ah! Meron pa dito."
"Ano?"
"Lu Han."
"Luhan?" tanong ni Sehun.
"Oo, diba ang cute ng pangalan!?"
"Hmm.."
"Ayaw mo ba?"
Umiling si Sehun. "Parang--" sabi ni Sehun sabay cross arms, umiling ulit siya. "Ah basta, ayoko."
"Bakit naman?" tanong ni Baekhyun. "Ano bang meron ang Luhan na ayaw mo?"
"Para kasing," sabi ni Sehun sabay buntong hininga, "pangalan siya ng tao. Sigurado ka bag dog names lahat ng nanjan? Magi-isip ka na lang ng iba."
"Okay." Bumuntong hininga si Baekhyun at sinara na niya ang libro. Ngumiti siya. "May naisip na ako."
*
"Nasan na si Baekhyun?" tanong ni Yixing na naglalagay na ng mga babaunin sa loob ng trunk ng kotse. Kinuha niya ang picnic basket na inabot sa kanya ni Taeyong. "Aalis na tayo."
"Susunod na raw siya, hyung-nim," sagot ni Taeyong, ipinasok niya sa loob ng sasakyan ang isang malaking cooler. "Inaasikaso niya pa kasi yung aso."
Pupunta sila sa beach para mag-outing ngayon, nasa loob na ng van ang tatlo nilang kasambahay, kasama ni Sehun, at nasa loob pa rin ng mansion sina Chanyeol at Baekhyun. Isinara na ni Yixing ang trunk at sumakay na sa driver's seat ng van.
"Baekhyun!" sigaw ni Chanyeol, tinaas niya ang shades niya habang nakapamewang. Nakatanaw siya kay Baekhyun na nasa may gitna ng garden na parang may hinahanap. Nakashirt siyang white at litaw na litaw siya sa gitna ng kulay green. "Halika na, aalis na tayo!"
"Oo, sandali lang, hahanapin ko lang siya!" sigaw ni Baekhyun pabalik kay Chanyeol.
"Ha!? Sino!?" sigaw ulit ni Chanyeol, binalik niya ang shades niya dahil sa sikat ng araw.
"CHANBAEK!!!!!" sigaw ni Baekhyun sa malawak na bermuda grass. "CHU~ CHU~ CHU~!"
"WOOF! WOOF!" tahol ng aso sabay talon sa braso ni Baekhyun, kaya tumawa naman si Baekhyun at niyakap ang excited at malikot na si Chanbaek sa braso niya. "Woof! Woof!"
"Halika na, aalis na tayo," sabi ni Baekhyun habang hinihimas ang aso niya, naglakad siya papunta kay Chanyeol.
"T-teka, ano nga uling pangalan niyang aso mo?" tanong ni Chanyeol na parang di makapaniwala, sabay silang naglakad ni Baekhyun papunta sa sasakyan na nakahanda na sa labas ng gate.
Ngumiti nang malapad si Baekhyun sabay lapit ng aso sa mukha ni Chanyeol, napaatras si Chanyeol. "CHANBAEK!"
"Chanbaek?"
"Mm! Chanbaek!" ulit ni Baekhyun habang nakangiti pa rin. "Chanyeol," tinuro niya si Chanyeol sa dibdib, "plus Baekhyun," at tinuro niya naman ang sarili niya, "equals Chanbaek. Yun ang pangalan niya."
"Ah." Umiwas ng tingin si Chanyeol, pinipigilang ngumiti nang sobrang lapad. "Ang ganda ng pangalan niya, ha." Umubo siya. "Chanbaek. Gusto ko yun, gusto ko yun."
Kung nakita man ni Baekhyun na namula ang pisngi ni Chanyeol, hinayaan na lang niya yun. Hinawakan na lang ni Baekhyun ang dalawang kamay ni Chanbaek at binuhat ito palapit kay Chanyeol. "Yah! Anong ginagawa mo, ilayo mo nga yan!"
"Anong 'yan'?" sabi ni Baekhyun nang nakataas ang kilay. "Anak natin to, tapos tinatawag mong 'yan!?"
"Anak?"
"Oo!"
"Woof! Woof!" tahol ni Chanbaek bilang pagsang-ayon.
Kunwari hindi kinilig si Chanyeol sa sinabi ni Baekhyun. "A-alam mo namang... hindi pa ako," umubo siya, "sanay sa presence niya. Kaya wag mo muna siyang ilapit sakin, okay?"
"Okay," sagot ni Baekhyun nang nakangiti. Bigla niyang inilapit sa mukha ni Chanyeol ang aso sabay sigaw ng, "RAWR!!!!"
"AAAAHHHH!" sigaw ni Chanyeol sabay takbo papasok sa loob ng van. Tumawa nang malakas si Baekhyun, at sumakay na rin ng van kasunod ni Chanyeol. Umupo siya sa tabi ni Sehun na nasa gitna nila ni Chanyeol.
"Aalis na ba tayo? Wala na bang naiwan?" tanong ni Yixing.
"Wala na," sagot ni Sehun habang hinahaplos si Chanbaek na ngayon ay nakahiga na sa lap niya. "Tara na sa beach!"
"Beach! Beach! Beach!" sigaw ni Yuta at Jaehyun sa likod ng van. "BEACH BEACH BEACH!" sigaw rin ni Baekhyun at Ten. "Tara na sa beach!"
"Woof! woof!"
"BEACH!" sabay na sigaw ni Sehun at Baekhyun kaya napairap na lang si Chanyeol sa upuan niya.
"Bakit ba puro bata ang nandito," bulong na lang ni Chanyeol sa sarili niya habang hinahayaan na dilaan ni Chanbaek ang dulo ng kamay niya.
*
Beach.
Nasa tubig na si Sehun na may suot na salbabidang rubber duckie kasama si Yixing na may sheep na salbabida.
"Hahaha! Hyung, wag mo akong-- ah, basain!"
"Pero basa ka na talaga!"
Naghahanda ng pagkain ang apat na kasambahay habang nakaupo lang si Baekhyun sa ilalim ng malaking payong, masayang pinapanood si Yixing at Sehun na magbasaan ng tubig sa mababaw na parte ng dagat.
"Hindi, hindi," sabi ni Chanyeol sa phone niya habang nakatalikod sa dagat. "Kung hindi nagustuhan ni Mr. Jung yung project natin, kailangan baguhin yung-- oo, lahat. Ha? Anong imposible?" Bumuntong hininga siya habang nakahawak sa noo. "Kyungsoo, nanjan si Junmyeon, alam niya yung gagawin. Oo, sinabi ko na ngang--" Napatigil siya nang napansin niyang nakatingin na pala si Baekhyun sa kanya. Hininaan niya ang boses niya. "Day off ko ngayon, diba?"
Ngumiti si Baekhyun nang konti kay Chanyeol kaya nginitian niya rin si Baekhyun pabalik, tapos bumalik ulit siya sa phone niya. Ibinalik na lang ulit ni Baekhyun ang tingin niya sa kulay blue na dagat at puting buhangin.
"Woof, woof, woof. WOOF."
"Okay lang yun, trabaho niya yun kaya dapat lang na yun ang unahin niya."
"Woof, woof?"
"Hindi. Hindi ako galit, ano ka ba?" Tumawa si Baekhyun at ginulo ang balahibo ni Chanbaek. "Okay lang ako."
"Woof, woof?"
"Psh. Oo, hindi nga!"
"So, marunong ka na palang kumausap ng aso ngayon?"
Tumingala si Baekhyun at nakita niya si Chanyeol na nasa likod niya. Umupo ito sa tabi niya kaya umusod pakaliwa si Baekhyun.
"Pwede bang makiupo?"
Tumawa si Baekhyun. "Syempre naman."
"Baek."
"Mm?"
Dumakot si Chanyeol ng buhangin at pinadaan ito sa palad niya. "Sorry."
"Para saan?" tanong ni Baekhyun nang hindi nakatingin sa boyfriend niya. "Bakit ka nagsosorry?"
"Kasi ako tong nagyaya pero lagi naman akong busy. Kunin mo na tong phone ko," sabi ni Chanyeol sabay abot kay Baekhyun ng phone niya. "Tanggalin mo yung battery at yung sim card para hindi na mahati yung atensyion ko." Umiwas siya ng tingin. "Para sayo lang ako nakafocus."
"Talaga?"
"Mm. Sayong sayo na."
"Yah." Habang tumatawa, kinuha naman ni Baekhyun ang phone at binuksan ang lockscreen. Bumati agad sa kanya ang picture niyang nakawacky, at pakiramdam ni Baekhyun lalo siyang naconcious sa itsura niya. "Ano to? Ang pangit ko dito, Chanyeol. Palitan mo to!"
Picture yun ni Baekhyun na nakasimangot dahil sinubukan noon ni Chanyeol na subuan si Baekhyun ng cucumber.
"Yan kaya yung paborito kong picture mo." Ngumiti si Chanyeol. "Bali pang-six pala yan sa 34 na paborito kong picture mo sa gallery ko."
"Stalker ba kita o ano?"
"Fanboy mo ako."
Natawa si Baekhyun. "Okay, dahil fanboy kita, icoconfiscate ko muna tong phone mo." Nginitian niya si Chanyeol, at pakiramdam ni Chanyeol nanalo nanaman siya sa lottery sa ika-61 na pagkakataon. "Okay?"
Tumango si Chanyeol. "Opo, Baekhyun-ssi."
Pinat lang ni Baekhyun ang buhok ni Chanyeol na parang aso, sabay sabi ng Good boy. Tinawag siya ni Sehun at Yixing na nasa dagat na kaya kumaway rin si Baekhyun pabalik.
"Halika na dito, Baekhyun!!!" sigaw ni Yixing. "Masarap sa pakiramdam ang tubig ngayon!"
"Baekhyun!" tawag ni Sehun. "Halika, dali, may seashells dito!"
Ngumiti nang malapad si Baekhyun, bigla siyang naexcite sa seashells. Tumingin siya kay Chanyeol na nakatingin rin sa kanya. "Chanyeol! Chanyeol! Gusto ko nang magswimming, pwede mo ba akong payagan?"
"Oo naman, pwedeng pwede," sagot ni Chanyeol, at nang napansin niyang nakatingin sa kanya ang aso, bigla siyang nagsisi sa sinabi niya "Yah! T-teka, paano tong aso!?"
"Bantayan mo muna siya!" sagot ni Baekhyun na nagtatanggal na ng slippers niya. "Hindi naman siya malikot, basta tabihan mo lang siya, okay?"
"A-a-ayoko! Ayoko nga!" sigaw ni Chanyeol habang umiiling. "Mamaya kagatin pa ako nito eh!"
"Chanyeol, hindi nangangagat si Chanbaek. At saka kung kagatin ka man niya, wala siyang rabies. Kumpleto siya sa bakuna at malinis siya." Tumayo na si Baekhyun at naghubad ng jacket niya, nakabeach shorts na siyang kulay green. Nakatingin lang si Chanyeol kay Baekhyun at mukhang maiiyak na siya habang pinanonood niyang alisin ni Baekhyun ang beanie, watch, phone, wallet at kwintas sa katawan niya. Pinatong ni Baekhyun ang mga gamit niya sa tabi ng stand ng payong.
"P-pero," sabi ni Chanyeol, nakatitig sa kanya ang aso. "Ayoko, Baekhyun--"
"Chanbaek, behave kay Daddy," sabi ni Baekhyun sa aso, pinat niya ang ulo nito. "Okay?"
"Woof! Woof!" tahol ni Chanbaek, at binalewala na lang ni Chanyeol ang pagtalon ng puso niya nang narinig niya yung Daddy.
"Pag ako nilapa ng aso na to, ikaw ang may kasalanan!" sabi ni Chanyeol nang nakacross arms. "Sige na, magswimming ka na dun."
"Thank you!" sagot ni Baekhyun sabay hubad ng shirt niyang white at bato sa mukha ni Chanyeol. Bumuntong hininga na lang si Chanyeol at inalis sa mukha ang damit ni Baekhyun. Nakita niyang tumatakbo na si Baekhyun papunta sa dagat na parang batang ngayon lang nakalabas ng bahay.
"Aigoo." Sumulyap siya kay Chanbaek. "Paano ba yan, tayo na lang."
"Woof. Woof. Woof."
Lumunok si Chanyeol at umatras pakaliwa malayo sa aso. "Okay. Uh. Wag mo akong tahulan."
"Woof." Tumayo ang aso at naglakad palapit kay Chanyeol. Tumabi siya dito, magkadikt na sila, at humarap ulit sa dagat. "Woof."
"Lumayo ka sakin, Chanbaek."
"Woof." Hindi gumalaw ang aso.
Lalayo na dapat si Chanyeol nang biglang tumunog ang phone niya. Wala siyang planong sagutin ito, pero nang makita niyang noona niya ang tumatawag, kinuha na agad niya ang nagriring niyang phone at sinagot ito.
[CHANYEOOOLLLL!!!!]
Nilayo agad ni Chanyeol ang phone sa tenga niya sabay tayo. "Noona! Wag ka ngang sumigaw!" Sinulyapan niya ang aso na nakaupo lang sa may picnic blanket. "Oo, sa beach-- ha? Ano? Hindi kita marinig, teka."
Tumingin siya sa may dagat kung nasaan si Baekhyun na nakakarga sa balikat ni Sehun habang hinahabol si Yixing at Taeyong na nakasakay sa floater.
"Sandali, pupunta lang ako sa cottage. Oo, teka, maingay dito, yung alon kasi--"
Naglakad si Chanyeol papunta sa cottage kaya hindi niya napansing umalis na ang aso dala sa bibig nito ang kwintas ni Baekhyun.
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro