Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 66


*

66

Parang may kakaiba. Hindi alam ni Chanyeol kung ano pero parang may kakaiba talaga. Isang araw, bigla na lang na parang may nagbago kay Baekhyun, na para bang may tinatago siya.

Na parang bang may tinatago sila. Silang dalawa ni Sehun.

Matagal nang napapansin yun ni Chanyeol, pero hinahayaan niya lang dahil ayaw niyang mag-isip ng kung ano. Una, napapansin niya na laging nag-uusap nang pabulong yung dalawa, na para bang may isa silang lihim na silang dalawa lang ang may alam.

Sunod naman, napapansin ni Chanyeol na lagi silang may pinupuntahan nang sila lang dalawa, at mukha pang lagi silang patakas kung umalis, na akala mo ba ay may pinagtataguan. Sa tuwing tatanungin ni Chanyeol kung saan pupunta si Baekhyun, ang sasabihin lang nito ay 'jan lang' o kaya 'may gagawin lang.'

Jan lang? May gagawin lang? Napaisip si Chanyeol. At ano naman kaya yung bagay na 'gagawin' niya sa 'jan lang'?

At kung tatanung naman niya ang kapatid niya kung saan ba sila nagpupunta ni Baekhyun, ang isasagot naman ni Sehun ay 'mag-aano lang kami jan lang sa may ano sige bye hyung' saka siya tatakbo na parang may kasalanang hindi niya maamin.

At ano namang aanuhin nila sa may ano? tanong ni Chanyeol sa sarili niya habang pinapanood na maghagikhikan ang dalawa palabas ng pinto, nagtutulakan pa at nagbubulungan.

Kagaya na lang ngayon.

Napansin ni Chanyeol na maagang gumising si Sehun, na hindi naman talaga niya gawain. Naglinis agad siya ng kwarto niya na ipinagtaka ni Chanyeol. Dumating si Baekhyun thirty minutes pagkatapos ng gawain ni Sehun. Binati niya ang boyfriend niya sandali, sabay pasok sa kwarto ni Sehun na akala mo ay excited na excited.

Hindi na natutuwa si Chanyeol. Nagsisimula na siyang magduda.

At ano naman kayang 'pinagkakaabalahan' nila sa loob? Nagcross arms siya habang nakaabang sa tapat ng kwarto ng kapatid niya. May naririnig siyang mahihinang tawa mula sa loob.

"Ano kayang nakakatawa?" bulong ni Chanyeol sa sarili habang lumalapit sa nakalock na pinto. Dahan dahan, idinikit niya ang tenga niya sa kahoy at pinakinggan ang boses ni Baekhyun at Sehun sa loob.

"Hihihi~ Sehun, pahawak ako!"

Kumunot ang noo ni Chanyeol.

"Kakahawak mo lang hahawak ka na naman?"

Natigilan siya.

"Dali na, hahaplusin ko lang naman yung alaga mo!"

Nanlaki ang mata ni Chanyeol, napatakip siya sa bibig niya.

"Fine, basta pahawak rin ako kapag ikaw na."

Lumunok si Chanyeol. Hindi na yata niya kayang pakinggan to. Bukod sa sumasakit ang puso niya, sumasakit na rin ang tenga at paa niya, matigas ang pinto at nangangawit na rin siya.

"Ang laki na niya! Maliit pa siya nung una ko siyang nakita."

"Wag mong pisilin, naninigas siya."

Napamura na si Chanyeol.

"Pero malambot siya at mataba. Hindi ba ang cute niya?"

"Oo. Tama ka. Ang cute niya, lalo na yung ulo."

Putangina. Pakiramdam ni Chanyeol masisira na niya ang pinto sa halu-halong emosyon na nararamdaman niya. Galit, sakit, lungkot, poot, paghihinagpis. So ito pala yun? Ito pala yung lihim niyong dalawa. Akala ko pa naman mahal niyo ako, mga walang hiya kayo!

"Aaarrghhhh!!!" sigaw ni Chanyeol sabay kalabog ng pinto. May narinig siyang-haaaah! sa loob na para bang nagulat. "Sehun! Baekhyun! Anong ginagawa niyo jan! Buksan niyo tong pinto!"

Sa loob ng kwarto, nagkatinginan si Sehun at Baekhyun nang nag-aalala, yakap ni Baekhyun ang bago nilang aso.

"S-saan ko siya itatago!?" bulong ni Baekhyun habang tumitingin sa buong paligid.

"Sa ilalim ng kama!" bulong ni Sehun, at tinutulak na niya si Baekhyun pailalim. Umiling si Baekhyun.

"May multo sa ilalim ng kama!"

"Aish! Sa closet! Dun mo siya ilagay!"

"Pero hindi siya makakahinga!"

"SEHUN! BAEKHYUN! ITIGIL NIYO NA YANG GINAGAWA NIYO NGAYON KUNDI SISIRAIN KO TONG PINTO!"

Bumuntong hininga si Sehun. "Galit na si hyung, Baekhyun. Sabihin na natin sa kanya ang lahat."

"Pero pag nalaman niyang may tinatago tayong aso, siguradong papaalisin niya--"

Bumukas na ang pinto.

Tumigil ang paghinga ni Baekhyun at Sehun. Tumakbo agad si Baekhyun sa loob ng bathroom bago pa makita ni Chanyeol ang hawak niya.

Lumunok si Sehun.

"H-hyung--"

"Anong ginagawa niyo?" tanong ni Chanyeol habang nakatingin sa magulong bedsheets ng kama, "habang nasa labas ako?"

Tiningnan ni Chanyeol ang istura ni Sehun-- pawis siya at gusot ang damit niya, na parang bang nagmadali siyang magbihis.

"W-wala.. hyung, w-wala naman kaming," umiwas si Sehun ng tingin, "g-ginagawa."

"Ah talaga? Talaga lang ha? Nasan si Baekhyun? Baekhyun! BAEKHYUN!"

Pupuntahan na sana ni Chanyeol si Baekhyun sa banyo nang hawakan ni Sehun ang braso niya, kaya napatingin si Chanyeol sa kamay ni Sehun.

"Hyung, wag. W-wag kang pumunta sa loob. N-na-naliligo si Baekhyun."

"Naliligo?"

"Oo, kaya wag--"

"At bakit naman hindi pwede?" tanong ni Chanyeol nang naiinis na. "At bakit hindi ko pwedeng puntahan si Baekhyun eh boyfriend niya ako?"

Medyo natigilan si Sehun sa sinabi ng hyung niya. Umiwas na lang siya ng tingin sabay bitaw sa braso ng hyung niya.

"I'm sorry.." sabi ni Sehun. "Oo nga pala.."

Nang nakita niyang mukhang nasaktan talaga si Sehun sa sinabi niya, biglang naguilty si Chanyeol. Hindi naman niya sinasadyang sabihin yun at ipamukha kay Sehun na nagdedate sila ni Baekhyun. Hindi niya yun sinasadya, nabigla lang siya kaya niya nasabi yung bagay na yun dahil sa biglang galit niya.

"CHANYEOL!"

Napalingon si Chanyeol sa pinto ng banyo kung nasaan si Baekhyun, nakatayo ito habang nakangiti nang malapad. At parang may kakaiba sa kanya.

"B-bakit ka nandito? May sasabihin ka ba sakin?" malambing na tanong ni Baekhyun habang nakahawak nang mahigpit sa malaki niyang sumbrero na kulay itim.

Sumbrero niyang pangmagician na mahaba (na kay Sehun, ginamit niya yung costume nung high school nang gumanap siyang Wizard of Oz). Nanlaki ang mata ni Sehun, nakatitig siya sa sumbrero sa ibabaw ng ulo ni Baekhyun, at naiimagine na niya sa utak niyang isiniksik ni Baekhyun sa loob nun ang aso.

"Baekhyun, parang... may kakaiba sa sumbrero mo," sabi ni Chanyeol nang nakakunot ang noo habang nakatitig sa sumbrero ni Baekhyun. "Bakit mo.. suot yan?"

"Ah eto ba, ha-ha-ha-ha!" tawa ni Baekhyun nang pilit. "Naglalaro kasi kami ni Sehun! Kunwari ako yung magician! Tapos may lalabas na maraming rabbit sa loob nito kapag nag magic ako! Ha-ha-ha-ha!"

Napatakip ng mukha si Sehun, gusto na niyang naglaho.

"Ah g-ganun ba. So..." umubo si Chanyeol, "yung rabbit ba yung, uh.. yung hinahawakan mo kanina.."

"R-rabbit?" Naramdaman ni Baekhyun na gumalaw ang aso sa loob ng sumbrero at nakita naman yun ni Sehun at Chanyeol. "Ah, oo! Y-yung rabbit nga! Yun yung pinaglalaruan namin!"

Nakahiga naman ng maluwang si Chanyeol, kaya ngumiti na siya. "Ah, yun lang pala. Rabbit. Haha." Tinuro ni Chanyeol yung sumbrero sabay hawak. "So may rabbit ngayon dito sa loob? Gumagalaw siya."

"OO, MAY RABBIT!" Gumalaw pa nang gumalaw ang aso sa loob kaya hinawakan ni Baekhyun nang mahigpit ang sumbrero niya para hindi makawala ang aso. "Aigoo! Ang daming rabbit! Ang lilikot nila! Ugh!"

Nanlaki ang mata ni Sehun nang lumabas ang isang paw ng aso sa sumbrero, kaya inakbayan niya agad ang hyung niya sabay talikod kay Baekhyun na ngayon ay ibinabalik ulit ang aso sa loob ng sumbrero.

"Ah! Hyung, ano, ang alam ko may meeting ka ngayon? H-hindi ka ba papasok sa office?" sabi ni Sehun habang nag-aalalang pasulyap-ulyap kay Baekhyun na gumugulong na sa kama habang nakikipagwrestling sa aso, ayaw nitong pumasok sa sumbrero.

"Hindi? Wala akong meeting. Linggo ngayon, diba," sagot ni Chanyeol na pilit lumilingon pero laging hinaharangan ni Sehun ang view niya. "Yah, bakit ka ba paharang-harang?"

Nakawala ang aso, tumalon ito sa may kama at sumuot sa ilalim ngbedsheets kaya gumapang naman si Baekhyun para kunin ito.

"H-huh? Wala! A-ano, sumasayaw lang ako! Hooh! Yeah! Uhuh!"

Kumunot ang noo ni Chanyeol. Nakita niyang nasa loob ng bedsheets si Baekhyun na parang bulate na inasinan, gumugulong-gulong ito at tumatalbog-talbog.

"Anong nangyayari kay Baekhyun!?"

"Ah! Hahaha! A-ano!" sigaw ni Sehun, nakita niyang lumabas ang puting buntot ng aso kaya itinalikod niya ulit ang hyung niya. "WALA! Nagzuzumba lang siya kaya ganyan siya! Diba, Baekhyun!"

"Woof! Woof!"

"Ano yung ingay na yun!?" sigaw ni Chanyeol sabay harap sa kama.

Natigilan si Sehun.

Natigilan si Baekhyun. Nakalabas na siya sa kumot habang magulo ang buhok at damit niya. Nakaupo sa lap niya ang Siberian husky na kulay puti na nakatingin lang kay Chanyeol.

"Uhm--"

Natigilan si Chanyeol.

"Hyung--"

Napaatras siya habang nakatitig pa rin sa aso.

"WOOF! WOOF! WOOF!"

Tumalon ang aso at dinamba si Chanyeol sa dibdib, kaya nagulat si Sehun at Baekhyun nang natumba si Chanyeol sa sahig. Nanlaki lang ang mata niya habang nanginginig ang buo niyang katawan, nasa dibdib niya ang aso na nakatingin sa kanya habang gumagalaw-galaw ang buntot nito.

"I-i-ila..ilayo.." utal ni Chanyeol, pinagpapawisan na siya nang malamig at sobrang bilis na ng tibok ng puso niya, "n-niyo.. a-ang.. a-a-song t-to..."

"WOOF! WOOF!" tahol ng aso habang tumatalon, dinilaan niya ang mukha ni Chanyeol, at nakita ni Chanyeol sa alaala niya kung paano siya dinamba ng malalaking aso noon, kung paano bumaon sa laman niya ang matatalas nilang ngipin, kung paano umagos ang dugo sa binti niya.

"ILAYO NIYO TONG ASO NGAYON DIN!!!!"

Tumayo agad si Baekhyun at kinuha ang aso sa dibdib ni Chanyeol. Lumapit si Sehun para tulungang tumayo ang hyung niya.

Nakatingin lang si Baekhyun nang malungkot kay Chanyeol, yakap niya ang aso sa braso niya. "Ch-chanyeol.. I'm sorry. H-hindi ko naman sinasadyang itago sayo tong aso, pero kasi--"

"Baekhyun," sabi ni Chanyeol, at kilalang kilala na ni Baekhyun ang ganitong tono ng pagbanggit niya ng pangalan niya. "Ilabas mo yan sa mansion ngayon na."

"P-pero Chanyeol!"

"Please." Umiwas ng tingin si Chanyeol. "Please."

"Hyung, ako nang bahala sa kanya," sabi ni Sehun, napansin niyang namumutla na ang labi ni hyung niya. "Bumalik ka na sa kwarto mo."

"Chanyeol, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Baekhyun.

Tumango si Chanyeol, pansin ni Baekhyun na nanginginig yung kamay niya. "Okay lang ako. Please, Baek.. ilayo mo na ang asong yan. Dalhin mo siya kung saan, wag lang dito. Please."

"Chanyeol.."

"Please."

Lumabas na si Chanyeol ng kwarto ni Sehun kaya naiwan si Baekhyun at Sehun sa loob kasama ang aso.

"Baekhyun.." tawag ni Sehun sa nakayukong si Baekhyun.

Umiiyak si Baekhyun.

"N-nakakainis na l-luha to," sabi ni Baekhyun sabay punas sa luha niya habang nakangiti nang pilit. "B-bigla na lang t-tumutulo. A-ang babaw lang ng dahilan, iniiyakan k-ko na.."

"Baekhyun.."

"S-sige na, k-kunin mo na siya.. i-ipamigay mo na siya," iyak ni Baekhyun, pumapangit na ang mukha niya. "O-okay l-lang.. na-naman eh.. H-hindi naman a-ako... m-malulungkot.."

Bumuntong hininga si Sehun. Kinuha niya sa braso ni Baekhyun ang aso. Umiyak pa nang mahina ang aso, na parang alam niya na ipamimigay na siya.

"A-ayokong m-magalit si.. si Chanyeol sakin.." Kinusot ni Baekhyun ang mata niya. "K-kaya sige na, i-ilayo mo n-na siya.."

"Woofff.. wooofff..." malungkot na tahol ng aso habang inistretch ang paws niya kay Baekhyun. Umiling si Baekhyun sabay talikod sa aso.

"Sige na Sehun," sabi ni Baekhyun nang nakatalikod. "Ilayo mo na siya bago pa magbago ang isip ko."

"I'm sorry," sabi ni Sehun bago siya lumabas ng kwarto dala ang aso.

"Ibibigay na lang kita kay Jongin." Binuhat ni Sehun ang aso, nakahawak siya sa tiyan nito habang nakatingin sa cute nitong mukha. "Siguradong maaalagaan ka niya. Gusto mo ba yun?"

Yumuko lang aso at mahinang umiyak.

"Aish, bakit ako pa kasi ang kailangang gumawa nito!?"

*

Nakatingin si Chanyeol sa binti niya, sa may marka ng kagat ng aso sa balat niya. Nangilabot siya nang maalala niya nung lapain siya ng mga malalaking aso nung bata pa siya. Ayaw na niyang maalala pa yung pangyayaring yun sa buhay niya. Takot na takot siya noon, walang kalaban-laban.

Ibinaba niya ang pants niya nang makarinig siya ng katok sa pinto ng kwarto niya.

"Pasok."

Tahimik na pumasok si Baekhyun. Nakita niyang nakaupo si Chanyeol sa couch kaya tumabi siya dito.

Katahimikan.

"Sinabi sakin ni Sehun na... may phobia ka sa aso."

Tumango lang si Chanyeol.

"Sorry, Chanyeol.. H-hindi ko alam.. Kung sana nalaman ko nang mas maaga, hindi ko na dapat dinala ang aso dito."

"Okay lang. Wag mo nang isipin yun."

"Masama ba.. yung loob mo sakin dahil nagsinungaling ako sayo?"

Tumango si Chanyeol. "Akala ko, may nilihim kayong dalawa ni Sehun sakin."

Kumunot ang noo ni Baekhyun. "Nililihim? Ano naman yun?"

"Akala ko.." Umiwas ng tingin si Chanyeol. "May ginagawa na kayo sa likod ko nang hindi ko alam."

"Yah!" Hinampas ni Baekhyun si Chanyeol, namumula siya. "Bakit ka ba nag-iisip ng ganyang bagay!?"

"Eh pano kasi, lagi kayong magkadikit at nagbubulungan. Lagi kayong umaalis nang palihim. Tapos nasa kwarto pa kayo palagi, malay ko ba kung ano nang ginagawa niyo dun."

"Hindi, no. Inaalagaan namin yung aso, nakatira siya sa box sa garahe," sabi ni Baekhyun nang nakangiti nang malungkot. "Napulot ko siya sa may gasoline station. Tapos nung umulan, inampon na namin siya ni Sehun kasi wala na siyang matutuluyan."

Nakatingin lang si Chanyeol sa kanya.

"Kaya kami umaalis ni Sehun," bumuntong hininga si Baekhyun, "ibinibili namin siya noon ng dog food at collar niya. Iginagawa rin namin siya ng malilipatan niyang dog house para hindi na siya ginawin kapag umuulan."

"At bakit niyo naman yun ginagawa."

"Dahil matagal ko nang gustong magkaroon ng aso.." bulong ni Baekhyun. "Allergic si Jongdae sa aso kaya hindi ako makapag-alaga. Pero gustong gusto ko talaga ng aso."

"Kaya ka siguro mukhang aso," biro ni Chanyeol.

Sinamaan siya ni Baekhyun ng tingin.

"Mukha akong... aso?"

Tumango si Chanyeol habang nakangiti. "Yung mata mo.. kapag ngumingiti ka, parang mata ng tuta. At yung ilong mo kapag gumagalaw, parang asong may inaamoy. At kapag bumabahing ka, yung tunog, parang maliit na asong tumatahol. At kapag natutulog ka naman, gumagawa ka rin ng ingay na parang iyak ng aso."

Napangiti si Baekhyun. "Pero hindi ka takot sakin, Chanyeol."

"Psh. Ano bang sinasabi mo?"

"Sinabi mo mukha akong aso, diba? Pero bakit hindi ka takot sakin?"

Tinaasan siya ng kilay ni Chanyeol. "Hindi ako takot sayo dahil alam kong hindi mo naman ako sasaktan gaya nung mga malalaking asong nanakit sakin nung bata pa ako." Kinuyom niya ang kamao niya. "Takot ako sa kanila. Kinamumuhian ko sila."

Tumango si Baekhyun. Kinuha niya ang kamay ni Chanyeol. "Chanyeol?"

"Bakit?"

"Gusto kong malagpasan mo yung phobia mo," sabi ni Baekhyun habang hinahaplos ang palad ni Chanyeol. "Na kapag nakakita ka ng aso, hindi na yung masamang pangyayaring nangyari sayo nung bata ka pa ang maaalala mo," Tumingin siya kay Chanyeol at ngumiti siya dito. "Kundi ang maalala mo na, ay si Baekhyun."

"Baekhyun, ano bang--"

"Na kapag tiningnan ka ng aso, ang makikita mo ay yung mata kong mukhang tuta," sabi ni Baekhyun, nilagay niya ang daliri nya sa pagitan ng space ng daliri ni Chanyeol. "Na kapag tinahulan ka ng aso, ang maririnig mo ay yung cute na tunog ng bahing ko."

Tumingin sa kanya si Chanyeol.

"At kapag dinamba ka naman ng aso, ang maaalala mo at mararamdaman mo," pinulupot ni Baekhyun ang braso niya sa waist ni Chanyeol habang nakasandal siya sa balikat nito. "ay yung yakap ko sayo." Tumingala siya kay Chanyeol at ngumiti. "Kagaya nito."

Tahimik lang si Chanyeol habang dinadama ang yakap ni Baekhyun sa kanya.

"Pwede mo ba... yung gawin para sakin?"

"Baekhyun--"

"Chanyeol.."

Bumuntong hininga si Chanyeol.

"Sige, s-susubukan ko.."

"Thank you," sabi ni Baekhyun, nilapit niya sa bibig niya ang magkahawak nilang kamay ni Chanyeol at hinalikan ang knuckles ng boyfriend niya. Napangiti naman si Chanyeol.

"So," Umubo si Baekhyun. "Pwede bang.. dito na lang si Taenggu?"

Kumunot ang noo ni Chanyeol. "At sino naman si Taenggu!?"

"Yung aso!"

Tinulak ni Chanyeol si Baekhyun kaya nasubsob ito sa sahig.

"Chan--"

"HINDI! ITAPON MO NA YUNG ASONG YUN, NGAYON NA!"

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro