Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 64


*

64

Special ang araw ngayon pero hindi maganda ang mood ni Baekhyun.

"So.."

"So ano?"

Nakatitig lang si Chanyeol sa mukha ni Baekhyun-- sa mata nito na may malaki at itim na eyebags. Siningkit ni Baekhyun ang mata niya sabay cross arms.

"Kakaiba.. yung uh, itsura mo ngayon."

"Papanong kakaiba?" nakasimangot na tanong ni Baekhyun habang kinukusot ang mata niya. "Anong kakaiba?"

"Yung mukha mo--"

"Sinasabi mo bang pangit ako?"

"Huh?" Umiling si Chanyeol nang mabilis. "Hindi ah, sinasabi ko lang na parang may iba sayo. Lalo na sa mata mo.."

"Ito ba?" Tinuro ni Baekhyun ang mata niya kaya tumango naman si Chanyeol. "Dahil to sa nakakainis na horror movie na yun. Hindi tuloy ako nakatulog." Humikab siya na parang tuta, may luha pa sa gilid ng mata niya.

"Matulog ka na ngayon, nasa school naman si Sehun," sabi ni Chanyeol, ginulo niya ang magulo nang buhok ni Baekhyun. Sabay silang bumaba ng hagdan, at nang magkamaling humakbang si Baekhyun ng isang step sa hagdan dahil sa puyat niya, ay hinila agad ni Chanyeol yung maluwang na t-shirt niya kaya hindi siya nahulog.

"Yah! Muntik ka na dun. Dumilat ka nga!"

"Inaantok ako, Chanyeol," sabi ni Baekhyun sabay hikab, tinaas niya ang dalawang kamay niya para magpakarga kaya napataas ng kilay si Chanyeol. Tiningnan niya nang kaduda-duda ang batang nasa harap niya ngayon.

"Uhm. Anong ginagawa mo?"

Nagpout si Baekhyun. "Hindi mo ba ako...?"

"Tatanggalin ko yung t-shirt mo?"

Namula si Baekhyun. "YAH!"

Natawa si Chanyeol. "Fine. Lumapit ka dito."

Lumapit naman si Baekhyun, kaya binuhat na siya ni Chanyeol bridal style hanggang makababa sila ng hagdan. Nakangiti lang nang malapad si Baekhyun magdamag nang makarating sila sa kusina, hindi pa rin siya binababa ni Chanyeol.

Nang nakita ng apat na kasambahay (Yuta, Taeyong, Jaehyun at Ten) ang dalawa, tumakbo na agad sila palabas ng kusina habang nagbubulungan ng magkakalat na naman sila sa kusina bat kasi hindi nalang sila sa kwarto mag--- at binuksan na ni Taeyong ang TV sabay lakas ng volume.

"Pakiramdam ko hindi na maganda yung iniisip nila," bulong ni Baekhyun nang iupo siya ni Chanyeol sa ibabaw ng kitchen island, ginalaw galaw niya ang dalawang paa niya sa hangin. Pinanood niya si Chanyeol na magkalkal ng kung ano sa loob ng ref.

"Hayaan mo sila, nakakatawa nga yung itsura nila," sagot ni Chanyeol, naglabas siya ng plastic container at inilagay ito sa ibabaw ng lababo. Nakatalikod siya kay Baekhyun.

"Anong ginagawa mo?"

"Basta."

"Ano yung amoy na yun?"

"Wala."

Humarap si Chanyeol kay Baekhyun, nakangiti siya nang malapad kaya kumunot ang noo ni Baekhyun. Nakarating siya sa harap ni Baekhyun at pumuwesto siya sa gitna ng legs nito.

"Lumapit ka, itatali ko lang yung bangs mo," sabi ni Chanyeol, may hawak siyang rubber band na kulay pink sa kanang kamay niya. "Masyado na kasing mahaba."

Nang makalapit si Baekhyun, hinawakan ni Chanyeol ang bangs ni Baekhyun at inipon ito sa isang kamay, tapos ipinulupot niya yung rubber band sa buhok hanggang sa matalian ito nang maayos. Mukhang nang may nakatayong sprout sa noo ni Baekhyun.

"Bagay sayo," sabi ni Chanyeol sabay tawa nang nagpipigil. "Maganda ka na."

Kunwari hindi kinilig si Baekhyun. "Yah, para saan ba to, Chanyeol?"

"Para dito," sagot ni Chanyeol at inilabas niya ang plastic container na kinuha niya sa ref. "Siguradong mawawala na yang eyebags mo."

Nanlaki ang mata ni Baekhyun sabay sigaw nang malakas.

"AAAHH!!! ILAYO MO SAKIN YAN!!!"

"Bakit naman!?" tanong ni Chanyeol, inilapit niya pa ang hawak niya kay Baekhyun, kaya umiling ito. "Ayaw mo bang kuminis yung ilalim ng mata mo?"

"Ayoko! Ayoko niyan!"

"Baekhyun," sabi ni Chanyeol sabay dampot ng isang bilog na slice ng cucumber. "Kapag inilagay mo to sa mata mo, bukas, wala na yang eyebags mo."

Umiling nang mabilis si Baekhyun. "Ayoko! Nakakadiri!"

Kinain ni Chanyeol ang slice na hawak niya at nginuya ito nang dahan dahan sa harap ni Baekhyun, nakatitig lang si Baekhyun sa kanya.

"Haaaahhh," sabi ni Chanyeol, binugahan niya ng hininga niya si Baekhyun, at pakiramdam ni Baekhyun mamamtay na siya dahil sa amoy. "Mah-bah-ngoh bahhh."

"Lumayo ka nga, aish!" Tinulak niya si Chanyeol. "Hindi na ako natutuwa!"

"Ilagay natin kahit isa lang--"

"Ayoko!" sigaw ni Baekhyun. "Kaya wag mong ipilit sakin yan dahil kahit kailan, hinding hind ko yan magugustuhan."

"So ayaw mo pala... ng cucumber?"

"Hindi mo alam?"

Natahimik lang si Chanyeol.

"Ang tagal na nating NAGDEDATE pero hindi mo alam."

Bumaba si Baekhyun sa pagkakaupo niya at nagwalk-out siya palabas ng kusina. Naiwan lang si Chanyeol na nakatayo habang ngumunguya ng kinain niyang pipino.

"SORRY HINDI KO--" sigaw ni Chanyeol. "Gusto ko lang namang--"

Sinagot siya ng padabog na sarado ng pinto.

*

Tok tok tok.

Pagbukas ni Baekhyun ng pinto ng kwarto ni Sehun pagkatapos niyang maglinis, may nakita siyang apple na nakapatong sa plato sa gitna ng daanan ng pinto. Lumingon siya sa paligid at nang wala siyang makitang tao, dinampot niya ang mansanas, may nakadikit itong sticky note sa likod:

S o r r y . . :(
- Fr: Mr. Park

Napangiti naman nang malapad si Baekhyun kaya tinakpan na lang niya ang bibig niya. Alam niyang nagtatago lang sa malapit si Chanyeol kaya umubo siya sabay sabing:

"Aigoo. Si Sehun ba ang nagbigay nito!? Sehunnie! Thank you!"

At sinarado na ni Baekhyun ang pinto matapos niyang kagatin ang mansanas.

Bumuntong hininga si Chanyeol sa pinagtataguan niya at sinipa ang karton ng apple na binili niya sa convenience store.

*

Binuksan ni Baekhyun ang pinto nang may narinig ulit siyang katok. Tumingin siya sa sahig at may nakita ulit siyang plato na may isang bar ng malaking chocolate. Medyo nagulat siya, at yumuko siya para kunin ito. May nakalagay na sticky note sa likod:

: ( I'm sorry...
- Mr. Park "CHANYEOL"

Natawa si Baekhyun, malakas, kaya napangiti naman nang malapad si Chanyeol sa pinagtataguan niya.

"Allergic ako sa almonds."

Kaya inilapag na lang ulit ni Baekhyun ang chocolate sa plato at sinarado na niya ang pinto.

Sumimangot na lang si Chanyeol.

*

"Bakit ba ayaw mo pa ring kausapin si hyung?" tanong ni Sehun, kumagat siya sa chocolate na napulot niya sa tapat ng kwarto niya. "Nag-away ba kayo?"

"Hindi," sagot ni Baekhyun sabay buntong hininga. "Nagtatampo lang ako."

"Bakit?"

"Hindi niya kasi alam na ayoko sa cucumber."

Tinaasan siya ng isang kilay ni Sehun. "Yun lang?"

Umiling si Baekhyun, nakatingin siya sa calendar sa may study table ni Sehun.

"So ano pa?"

Umiling lang ulit si Baekhyun at nginitian niya si Sehun nang pilit. Nang may kumatok ulit sa pinto, tumayo si Baekhyun para buksan ito. Wala siyang nakitang chocolate o apple o ano pa man, iba ang nakita niya, at lalo lang siyang nainis sa nakita niya.

May cucumber sa plato.

Isasara na dapat niya ang pinto nang napansin niyang may sticky note ulit na nakadikit sa likod nito. Kaya sa ayaw man niya o hindi, hinawakan niya ang kulay green na gulay at binasa ang nakasulat sa papel:

Happy Anniversary.
- Chanyeol

Dun na ngumiti si Baekhyun, malapad, sabay tingin sa paligid ng hallway. Binitawan niya ang cucumber at naglakad siya papunta sa kwarto ni Chanyeol kung saan nanggagaling ang tugtog ng piano.

"Aish, ayoko ng ganito," bulong ni Baekhyun nang nakangiti naman habang naglalakad papunta sa kwarto ng boyfriend niya.

Tumigil siya sa tapat ng hindi gaanong nakasarang pinto, rinig na rinig na niya ang piano sa loob. Sumilip siya sa awang ng pinto at nakita niyang nakaupo si Chanyeol sa likod ng piano, natatakpan ang mukha niya ng stand kaya humakbang pa palapit si Baekhyun para makita niya si Chanyeol.

Nakayuko si Chanyeol, habang gumagalaw yung kamay niya.

Tumutugtog si Chanyeol ng piano.

Bakit ba ang gwapo niya?

At nagsimula na siyang kumanta.

"Nan~ ganghae boyeodo, utgo isseodo~"

Kinagat ni Baekhyun ang labi niya para pigilin ang kilig na nararamdaman niya nang tumunghay na si Chanyeol para makita siya. Seryoso lang ang mukha ni Chanyeol na nakatingin sa kanya, kaya pakiramdam ni Baekhyun lalo siyang naiinlove sa taong nakatitig sa kanya ngayon.

"The answer is you, my answer is you~"

Tumayo si Chanyeol mula sa pagkakaupo niya sa piano, at hindi alam ni Baekhyun kung maiiyak ba siya sa kilig o inis.

Dahil tumutugtog pa rin ang piano.

"Pwede ba kitang maisayaw?"

"Yah!" sigaw ni Baekhyun, namumula na ang buong mukha niya. "Ano ba yan, Chanyeol!"

Ngumiti si Chanyeol sabay kibit balikat. "Paano kita maisasayaw kung nagpipiano ako?"

"Kaya pinlay mo yung recorded na tugtog."

"Mukha namang totoong tumutugtog ako diba?" Ngumiti si Chanyeol nang malapad. "Halika dito."

Lumapit naman si Baekhyun habang tumutugtog ang My Answer by EXO sa background. Nilahad ni Chanyeol ang palad niya kaya pinatong dito ni Baekhyun ang kamay niya. Hinawakan ni Chanyeol ang waist ni Baekhyun at hinila niya ito palapit sa kanya para magkadikit na sila.

Tumingala si Baekhyun para makita ang mukha ni Chanyeol. "Chanyeol."

"Bakit?"

"Akala ko nakalimutan mo."

"Pwede ba naman yun," sabi ni Chanyeol, inikot niya si Baekhyun nang dahan dahan. "Hindi ko makakalimutang anniversary natin ngayon."

"Pero bakit hindi mo ako binati?"

Ngumiti si Chanyeol. "Kasi nakalimutan ko talaga-- aray!-- sorry na!"

"Sinasabi ko na nga ba!"

Hinawakan ni Chanyeol ang nasipa niyang tuhod. "Pero muntik pa lang naman, hindi ko naman talaga-- aray!-- nakalimutan!"

Umirap si Baekhyun. "Naiinis pa rin ako sayo."

"Patawarin mo na ako," sabi ni Chanyeol, hinawi niya ang bangs ni Baekhyun sa noo nito. "Hmm?"

Binaba ni Chanyeol ang ulo niya para halikan si Baekhyun sa labi, kaya napaatras sandali si Baekhyun. Hinawakan ni Baekhyun ang balikat ni Chanyeol at hinalikan niya rin ito pabalik. Inangat siya ni Chanyeol sa sahig kaya kumapit siya sa leeg ni Chanyeol nang buhatin siya nito papunta sa ibabaw ng piano.

At nagkiss ulit sila.

Tumunog ang piano kaya nagulat si Baekhyun.

"Bakit dito mo ako nilagay?" tanong ni Baekhyun nang nakapout. "Baka masira to dahil sa bigat ko."

Tumawa si Chanyeol sabay pisil sa ilong ni Baekhyun. "Saan mo gusto?"

Lumingon si Baekhyun sa paligid, at ang nakita niya agad ay--

"Sa kama?"

"Yah," sabi ni Chanyeol sabay tawa nang kabado. "May ibig sabihin ba yun?"

Umiling si Baekhyun. "Bakit?"

"Wala."

"Bakit parang namumula ka?"

"H-hindi ah."

"Sabihin mo, may gusto ka bang sabihin?"

"Pwede bang--" Umubo si Chanyeol, at pakiramdam niya kasingpula na ng kamatis ang mukha niya. "Uhm. Tayo--"

"Bakit?"

Huminga nang malalim si Chanyeol, pinagpapawisan na ang kamay niya. "Baekhyun--"

"Ano yun?" tanong ni Baekhyun nang nakakunot ang noo. "May problema ka ba?"

"Gusto kong--" sabi ni Chanyeol nang nakaiwas ang tingin. "Kung.. kung okay lang--"

"Kung okay lang na?"

"G-gawin natin--"

"Hindi ko maintindihan?" sabi ni Baekhyun habang nakatagilid ang ulo niya. "Ano ba kasi yun?"

"Okaylangbasayonagawinnanatinyungbagaynayunngayon."

Sumimangot si Baekhyun. "A... no?"

"Arghh!" sigaw ni Chanyeol sabay sipa sa piano, at sobrang sakit pala talaga nun. "Aray!"

"Chanyeol, anong nangyayari sayo?"

"WALA!!!"

Padabog na pinatay ni Chanyeol ang cassette kaya tumahimik na ang buong paligid.

"Chanyeol, galit ka ba? May ginawa ba ako?"

Umiling si Chanyeol sabay sampal sa noo niya. "Wala.. I'm sorry.."

Bumaba si Baekhyun sa pagkakaupo niya sa piano at naglakad siya sa harap ni Chanyeol.

"Yah, bakit? Anong problema?"

"Wala.." bulong ni Chanyeol, ngumiti siya kay Baekhyun nang pilit matapos niyang iangat ang mukha nito. "Kalimutan mo na yung.. yung sinabi ko."

"Alin? Yung gusto mong may mangyari satin?"

Naubo bigla si Chanyeol sa sarili niyang laway. Sobrang pula na ng mukha niya.

"Masyadong mabilis yung pagkakasabi mo, pero yun yun, tama ba?"

Dahan dahan, tumango si Chanyeol habang nakaiwas ang mata.

"So.." bulong ni Baekhyun. "Kelan?"

"H-ha?"

"Ngayon ba?"

"A-alin?"

"Yun."

"Ngayon na-natin gagawin?"

"Uhm. Oo?"

"Oo?"

Natawa si Baekhyun, pero namumula rin siya. "Dito ba?"

"S-saan ba dapat?"

"E-ewan ko! Bakit sakin mo tinatanong?" sigaw ni Baekhyun sabay iwas ng tingin. "Aish."

"S-so.. okay lang.. sayo?"

"Na?"

Napasampal si Chanyeol sa noo niya. "Teka, alam ba natin yung pinag-uusapan natin?"

"HINDI KO ALAM! Aish ano ka ba, Chanyeol!"

"W-wala akong idea!"

"W-wala rin akong.." bulong ni Baekhyun. "Idea.."

"So.. hindi mo alam yung--"

"Yung.. gagawin natin?"

Tumango si Chanyeol. "H-hindi ka pa ba---?"

"Ah!" sigaw ni Baekhyun. "N-nakapanood na... ako... noon?"

"Uhm," lumunok si Chanyeol. "Eh yung.. uh.. yung totoo?"

Nanlaki ang mata ni Baekhyun sabay iling nang mabilis. "W-wala... pa akong--"

"Ahh.." Tumawa si Chanyeol kahit wala namang nakakatawa habang nagkakamot ng batok. "W-wala rin akong..."

"H-hindi ka rin.. uhm--"

Umiling si Chanyeol sabay takip ng mukha. "Hindi."

Umiwas si Baekhyun ng tingin habang sumisipa ng invisible na bato. "Uhm.. so anong gagawin natin?"

"M-manonood?"

"Ng?"

"Ganun?"

"A-ayokong--" Umubo si Baekhyun. "W-wala akong.. ganung klaseng video.. sa--"

"Ahh! Wala rin akong... ganun. Uhm ano, siguro dapat mag.. mag-ano muna t-tayo.."

"Mag?"

"M-magready?"

"Ah," sabi ni Baekhyun sabay tango. "Tama!"

"Pero.. wala pa akong--"

"Ano?"

"Wala akong 'ganun'.. dito."

Kumunot ang noo ni Baekhyun. "Anong 'ganun' yung tinutukoy mo?"

Umubo si Chanyeol. "Yung... alam mo yun? Yung ganito?" Sinenyas niya sa kamay niya. "Yung uh.. sinusuot sa?"

"Ahh! Alam ko na!" sigaw ni Baekhyun kaya tumango naman si Chanyeol. "Bumili muna tayo.. ng ganun?"

Tumango si Chanyeol. "So.. sinong bibili?"

"Ikaw?"

"Bakit ako!?"

"S-sino ba ang gagamit!?"

"Uhm." Namula lalo si Chanyeol. "Baekhyun, siguro next time na lang.."

Tumango nang mabilis si Baekhyun. "Tama, n-next time na lang."

"Hindi tayo ready."

"Oo, hindi tayo ready."

Tumango ulit si Baekhyun. "Next time na pag uhm.. ready na tayo."

"Sige, next time na pag ready na tayo."

Ngumiti nang malapad si Baekhyun kaya ngumiti rin nang malapad si Chanyeol.

"Sa ngayon ito muna," sabi ni Chanyeol, at binuka niya ang braso niya nang malawak. Lumapit si Baekhyun sa kanya at niyakap siya nito nang mahigpit. Hinimas ni Chanyeol ang likod ni Baekhyun habang niyayakap siya nito nang mahigpit.

"Masarap ba?"

"Mm-mm, mainit. Parang.. heater. Human heater."

"Galit ka pa ba sakin?"

Umiling si Baekhyun. "Hindi na."

Tumawa si Chanyeol. "Mabuti naman kung ganun."

"Chanyeol?"

"Hmm?"

"Wala," sabi ni Baekhyun sabay tawa. "Masaya lang ako kasi nakilala kita.. at nakikilala pa kita habang tumatagal.."

"Ako rin.."

"May regalo ka ba sakin?"

Tumango si Chanyeol. "Syempre, ako pa."

Humiwalay si Baekhyun sa yakap para makita niya ang dinudukot ni Chanyeol sa bulsa niya.

"Ano yan?"

"Talikod ka."

Tumalikod si Baekhyun at yumuko siya para makita ang nilalagay ni Chanyeol sa leeg niya. Napangiti siya nang malapad nang makita niyang kwintas ito na may pendant na singsing.

"Baekhyun, alam mo ba kung ano yan?"

"Singsing?"

"Alam mo ba kung anong klaseng singsing yan?"

Umiling si Baekhyun. "Ano?"

"Future wedding ring natin yan."

"Ch-chanyeol.." bulong ni Baekhyun sabay lingon kay Chanyeol. "Wala akong regalo kagaya nito.."

"Ikaw lang sapat na," sabi ni Chanyeop kaya napairap na lang si Baekhyun. "At sa tamang panahon, isusuot mo na yan sa daliri mo."

Napangiti si Baekhyun. "Sa tamang panahon.."

"Lagi mong isusuot yan para lagi mo akong maaalala. Okay?"

Tumango si Baekhyun habang nakangiti. "Okay."

Tumawa si Chanyeol, ginulo niya ang buhok ni Baekhyun.

"Mahal kita."

"Hindi kita mahal."

Sumimangot na lang si Chanyeol.

"Dahil ba to sa cucumber na yun!?"

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro