Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 62


*

62

Click! Click! Click!

Isa talaga sa mga secret dreams ni Baekhyun ang maging fansite hyung, at ngayon, habang pinapanood niyang sumayaw si Sehun sa stage kasama ng iba pang mga estudyante, kasama ni Jongin, pakiramdam niya natutupad na ang pangarap niya.

"Whoo!!!" sigaw ni Baekhyun, pati na rin lahat ng babaeng nasa concert ground ng school nang magsimulang gumiling si Sehun at Jongin sa stage. Hindi alam ni Baekhyun kung maiiyak ba siya o matatawa o mamamatay dahil sa nakikita niya ngayon.

"Kailangang makita nila to, haha!" sabi ni Baekhyun sabay click sa camera niya. Nakita niyang galit na nakatingin si Sehun sa kanya pagkasilip niya sa lens kaya sumenyas na lang si Baekhyun ng love sign gamit ang kamay niya. (thumb at index finger na magkadikit para magmukhang heart)

Click! Click! Click!

"Aigoo, aigoo, ang gwapo. Aigoo, ang ganda ng kuha ko. Aigoo. Sexy."

"Yah, mukhang enjoy na enjoy ka jan ah?" sabi ng isang boses sa gilid ng tenga ni Baekhyun kaya naman lumingon si Baekhyun. Nakakita siya ng gilagid at puting ngipin.

"Minseok-hyung!" bati ni Baekhyun sabay tapik sa balikat ni Minseok.  Nagkibit balikat lang si Minseok tapos nakipalakpak na rin siya nang nakita niya ang pinsan niya na sumasayaw sa stage.

"Dahil ba kay Jongin kaya ka nandito!?" tanong ni Baekhyun na halos pasigaw para magkarinigan sila ni Minseok. Tumango si Minseok.

"Babysitting duties!" sigaw ni Minseok sa tenga ni Baekhyun. "Alam mo na, busy lahat ng tao sa bahay at ako lang yung available!"

Tumawa si Baekhyun. "Pareho na pala tayo ngayon!"

Nagpalakpakan ang audience pagkatapos nilang magperform. Kumaway si Baekhyun kay Sehun sa stage kaya ngumiti rin si Sehun sa kanya pabalik.

"Halika, puntahan natin sila sa backstage!" sabi ni Minseok sabay hawak sa wrist ni Baekhyun. Hinila niya ito papunta sa gitna ng kumpulan ng mga tao hanggang makarating sila sa likod ng stage.

Nakita ni Baekhyun si Sehun na umiinom ng mineral water, basa yung buhok nito ng pawis pati na rin ang t-shirt niya. At bilang dakilang babysitter ni Sehun, sinalubong agad ni Baekhyun ang alaga niya sabay punas ng towel sa buhok ni Sehun.

"Aigoo, Sehunnie, baka ubuhin ka! Pawis na pawis ka!" sabi ni Baekhyun habang nakatiptoe, pinupunasan niya ang ulo ni Sehun. "Yumuko ka, hindi ko maabot."

"YAH!" sigaw ni Sehun nang namumula, pero nakayuko rin naman siya. Tumingin siya sa mga tao sa paligid. "Nakakahiya! Ano ba naman yan, Baekhyun!"

Hindi siya punansin ni Baekhyun. "Talikod. Pupunasan ko yang likod mo."

Tumalikod na lang si Sehun dahil sa sipa ni Baekhyun sa binti niya nang tumanggi siya nung una. Nakaramdam siya ng makinis at mabango sa likod niya, kaya napasilip siya.

"A-anong--"

"Wag kang malikot! Hindi pa tapos."

"Baekhyun!"

Nakatingin si Jongin sa gilid habang nagpipigil ng tawa sa likod ng kamay niya nang makita niyang pinupulbuhan ni Baekhyun ang likod ni Sehun.

"Hahaha. Nakakatawa talaga ang itsura niya!" sabi ni Jongin sa sarili niya. Nagulat siya sa hampas sa balikat niya kaya tumingin siya sa tabi niya.

"Hyung!" sigaw ni Jongin. "Ano ba?!"

"Hubad. Magpalit ka ng t-shirt mo," sabi ni Minseok habang kumukuha ng damit sa dala niyang backpack. "Sinabi ng eomma mo na bawal kang magpatuyo ng pawis. Dalian mo na!"

"Yah, Minseok-hyung! Nakakahiya!"

"Hindi ka susunod!?"

Naghubad na lang si Jongin nang tahimik habang nakatakip ng palad niya ang nipples niya nang may dumaang dalawang babaeng  nakatingin nang kaduda-duda sa kanya.

Pagkatapos ng kahiya-hiyang pangyayari sa backstage, lumabas na ang apat ng school, nagpaalam si Minseok at Jongin na imimeet nila si Junmyeon sa mall kaya naiwan na lang si Sehun at Baekhyun sa labas ng gate ng university. Umupo sila sa malapit na park bench.

"So, uwi na ba tayo?" tanong  ni Sehun habang bored na nakatingin kay Baekhyun. Okay lang naman sa kanya kung hindi pa sila umuwi. Okay lang naman kung may puntahan pa tayo. Yung tayo lang--

"--ark Sehun! Byun Baekhyun!"

Lumingon ang dalawa sa boses sa likod nila. Napangiti nang malapad si Baekhyun sabay kaway habang nakatingin lang si Sehun, lumaki nang konti ang mata niya.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Baekhyun habang nakatingala sa boyfriend niya na naglalakad palapit sa kanila.

"Para makita kayo?"

Nakatingin lang si Sehun sa hyung niya nang makalapit ito sa kanila. Hinalikan ni Chanyeol si Baekhyun sa cheeks bilang pagbati, kaya tinagilid naman ni Baekhyun ang mukha niya. Iniwas na lang ni Sehun ang tingin niya sa kung saan. Kailangan talaga sa harap ko pa.. Alam naman ni Sehun na kaya lang nandito ang hyung niya ay para makita si Baekhyun, at siguro para makita na rin siya. Pero mas malaki yung part ng kay Baekhyun.

Nakaramdam rin si Sehun ng kiss sa cheeks niya, kaya napaatras na lang siya sabay tingin nang masama sa hyung niya na nakangiti nang malapad sa kanya.

"Syempre meron ka ring kiss galing kay hyung," sabi ni Chanyeol sa sweet na boses na parang gusto nang masuka ni Sehun. Umubo na lang si Sehun, kaya tinapik ni Baekhyun ang likod niya at inayos ang towel sa likod ni Sehun na medyo nahuhulog na.

Bumuntong hininga na lang si Sehun.

"Bakit ka nandito? Akala ko ba hindi ka makakapunta?" tanong ni Sehun nang medyo naiinis. Hindi niya alam kung dahil ba sa pinaasa siya ng hyung niya kaya siya naiinis, o kung dahil nandito ang hyung niya, o kung dahil kay Baekhyun na inaayos ang bimpo niya sa likod sa harap ng mga taong dumadaan.

"Biglaang nacancel ang meeting ko kaya naisip kong pumunta na dito. At saka, wala rin naman akong gagawin ngayon," sagot ni Chanyeol habang nakangiti sa kapatid niya. Umupo siya sa tabi ni Baekhyun.

Matapos ayusin ni Baekhyun ang trabaho niya sa likod ni Sehun, humarap naman siya kay Chanyeol. Nagkalkal siya sa dala niyang (malaking) backpack, at nang makuha na niya ang hinahanap niya sa sulok ng bag, inabot niya ito kay Chanyeol.

"Ang laki ng dala mong bag, ano ka, magcacamping?" tanong ni Chanyeol sabay kuha ng box ng chocolate drink na may nakasuksok nang straw sa kamay ni Baekhyun. Sumipsip siya nang konti.

"Lahat ng kailangan ko nandito na," sabi ni Baekhyun sabay sara ng zipper ng backpack niya matapos niyang maglabas rin ng banana drink na may straw. Nilagay niya yung straw sa bibig niya at sumipsip rin siya.

Nakatingin lang si Sehun sa kanila, sa hyung niya na nakasuot ng suit habang umiinom ng Dutchmill sa straw, at sa babysitter niyang twelve years old na ganun din ang ginagawa.

"Gusto mo?" alok ni Baekhyun, nilapit niya yung drink niya sa bibig ni Sehun. Umiling na lang si Sehun nang makita niyang may mga kagat ni Baekhyun yung dulo ng straw. Parang bata.

"Ako gusto ko pa," sabi ni Chanyeol.

Gusto nang maglaho ni Sehun. Nakakahiya kayo. Hindi ko kayo kilala.

"Kanina ka pa ba dito?"

Tumango si Chanyeol. "Napanood ko yung performance ni Sehun. Ang galing niya." Pumalakpak siya at kumanta ng, "Watch me whip~ watch me nae nae~ watch me--"

"Yah!!!" sigaw ni Sehun, napapahiya na siya. Pinagtitinginan na sila ng mga passersby.

"--whip, whip, watch me nae nae!"

Tinakpan na lang ni Sehun ang mukha niya.

"Hindi ko alam na sobrang talented pala ng kapatid mo," sabi ni Baekhyun tapos binangga niya ang balikat ni Sehun ng balikat niya. Kunwari hindi naflatter si Sehun sa sinabi ni Baekhyun.

"Kanino pa ba siya magmamana?" sabi ni Chanyeol habang nakacross arms. "Edi sak--"

"Edi sa Dad niya."

"Yah."

"Wala ka namang talent eh," sabi ni Baekhyun nang nakataas ang kilay. Sumimangot si Chanyeol. "Ni sumayaw nga hindi ka marunong."

Tumawa si Sehun. "May point ka."

"Marunong akong--"

"At ni mag operate ng microwave hindi ka rin marunong," dugtong ni Baekhyun sabay tawa nang malakas. "Wala yatang bagay na magaling ka!"

Tumawa ulit si Sehun. "Oo nga. Pwera na lang sa pagsusungit."

"HAHAHAHAHAHA. May point ka!" tawa ni Baekhyun sabay tapik sa balikat ni Sehun. "Buti pa si Sehunnie, aigoo, magaling sa kahit saan."

Kumunot ang noo ni Chanyeol. "Magaling akong--"

"Hyung, okay lang. Tanggapin mo na lang dahil tanggap kita."

"Hahahahaha!"

"Magaling akong--"

Pinunasan ni Baekhyun ang luha niya dahil sa katatawa niya. "Ano? Magaling kang?"

"--humalik."

Natahimik ng pagtawa si Sehun at Baekhyun, walang nagsasalita. Nakatingin lang si Chanyeol nang seryoso sa kanilang dalawa.

"Ano?" tanong ni Sehun habang nakataas ang kilay.

"Magaling akong humalik."

Namula na lang si Baekhyun sa gilid sabay bulong sa sarili niya, "Sabagay. May point siya."

Ginalaw-galaw ni Chanyeol ang kilay niya sabay kindat kay Baekhyun na kumindat rin pabalik sa kanya, nagsenyas pa ito ng heart. Napairap na lang si Sehun sabay hampas sa noo niya. Imbis na magselos, mas kinikilabutan at nasusuka pa yata siya.

"Bat kailangan ko pang masaksihan to."

*

"Ano, uuwi na ba tayo?" tanong ni Sehun sa dalawa na nasa unahan niya. Nagdadrive si Chanyeol samantalang nasa tabi naman niya si Baekhyun na nakaluhod sa upuan habang nakadikit ang palad sa bintana, nakakanganga siya habang tinitingnan ang billboard ng SNSD sa tabi ng SBS buliding.

"Oh, oh, oh! Taeyeon-noona!"

Bumuntong hininga na lang si Sehun.

"Hyung, patahimikin mo nga yang batang yan," sabi ni Sehun habang nakapangalumbaba sa bintana ng kotse. "Kanina pa yan."

"Byun Baekhyun. Umayos ka nga ng upo!" sigaw ni Chanyeol nang hindi inaalis ang tingin sa daan. Inihinto niya ang sasakyan nang nagred ang stoplight at nagpapasalamat naman si Baekhyun dahil mas matititigan niya pa ang billboard ng idol niya.

"Yah, nakikinig ka ba? Pag may nakakita sayong traffic enforcer na nakaluhod ka nang ganyan, huhulihin ako."

"Blonde," sabi ni Baekhyun nang nakangiti nang malapad habang nakakagat labi.

"Ano?" tanong ni Chanyeol na nakataas ang kilay.

"Chanyeol, light blonde na ang buhok niya."

"Wala akong pakealam--"

"Bagay sa kanya."

"Feeling ko mas bagay kung kalbo siya," bulong ni Chanyeol sa sarili niya sabay tawa sa sarili niyang joke. Umayos si Baekhyun ng upo, tiningnan niya si Chanyeol nang walang emosyon sabay tingin sa harap na parang wala siyang pakealam sa mundo.

Pinaandar na ni Chanyeol ang kotse nang maggreen light na. Sinilip niya si Baekhyun sa gilid ng mata niya, at nang makita niyang tahimik na si Baekhyun, nagkibit balikat na lang siya.

*

"Ang tagal naman!" sigaw ni Sehun, nakahiga siya sa couch habang nanonood ng TV. "Nagugutom na ako!"

"Ako rin," sabi ni Chanyeol na nakaupo sa tabi ni Sehun. "Yah, Baekhyun, matagal pa ba yan?!"

Walang sagot.

Silang tatlo lang ang tao ngayon, nasa mall ang apat na kasambahay (dahil day off) at nasa hospital naman si Yixing.

"Bat di mo kaya siya tingnan dun?" sabi ni Sehun habang bored na nililipat ang channel sa TV. "Baka kinain na siya ng stove o kung ano."

Tumayo si Chanyeol at naglakad papuntang kusina. Nakita niya si Baekhyun na nakaupo sa may dining table, nakaearphones ito at hawak niya ang Ipad ni Sehun. Tumitili siya nang malakas dahil nanonood siya ng MV ng Lion Heart.

"Hoy."

Namalayan na lang ni Baekhyun na wala na yung isang earphone niya sa kanang tenga niya, napalitan na ng bibig ni Chanyeol na sobrang lapit sa mukha niya.

"Baekhyun," bulong ni Chanyeol sa tenga ni Baekhyun sa malagom na boses, at pakiramdam ni Baekhyun kinilabutan siya bigla.

"Ano?" Nagcross arms si Baekhyun. Nakita niyang nakatingin si Chanyeol sa Ipad na nakapause sa mukha ni Taeyeon.

"So nanonood ka lang pala niyan?"

"Oo?"

"Hindi ka nagluluto?"

"Uhm. Hindi?" Tumaas ang kilay ni Baekhyun. "Walang pagkain, kailangan pang mag grocery. Akala ko ba magpapadeliver na lang kayo?"

"Mas mabilis pa kung magluluto ka na lang kesa magpadeliver," sabi ni Chanyeol nang nakacross arms. "At mas mabuti pa kung papakainin mo na lang ang dalawang pinakamahalagang lalaki sa buhay mo," lumapit siya kay Baekhyun, "kesa sa pagpantasyahan yang babaeng yan na hindi naman--"

"Chanyeol," sabi ni Baekhyun nang nakasingkit ang mata. "Nagseselos ka ba?"

Tumawa si Chanyeol, malakas. "Yah. Ano bang klaseng tanong yan? Ako magseselos? Tsh." Humampas siya sa hangin. "Hindi, no!"

"So bakit ang init ng ulo mo sa kanya!?" Hinarap ni Baekhyun ang Ipad sa mukha ni Chanyeol, nagulat naman si Chanyeol nang makita niya ang pagmumukha ni Taeyeon sa harap niya. "Inaano ka ba niya!? Ha!? May ginawa ba siya sayo!? Ano?! Sabihin mo!? Ayaw mo ba sa kanya? Kung ayaw mo, edi ayoko rin sayo!"

Napalunok si Chanyeol. Galit si Baekhyun, at ayaw na ulit niyang pag-awayan nila ang bagay na to. At higit sa lahat, ayaw na ulit niyang mag-away sila.

"H-hindi naman sa ganun, jagiya," sabi ni Chanyeol sa kalmadong boses, habang inilalayo sa mukha niya ang Ipad. Tumawa siya nang pilit. "Ang sinasabi ko lang... gutom na kami... at gusto naming kumain... ng masarap na luto mo... Hmm?"

Tinaasan ni Baekhyun ng kilay si Chanyeol. "Hindi ka.. naiinis kay Taeyeon...?"

Kunwari nagulat si Chanyeol. "Ha? Akooo? Maiinis sa kanya?" Umiling si Chanyeol habang nakangiti nang pilit. "At bakit mo naman nasabi yan? Kung saan ka masaya, susuportahan kita."

"Talaga?"

"Mm-mm," sabi ni Chanyeol sabay pat sa buhok ni Baekhyun gamit ang naninigas niyang kamay. "Syempre gustong gusto mo siya, diba? Bakit naman ako maiinis sa," lumunok si Chanyeol. "sa Taeyeon mo?"

Tumango si Baekhyun. "Tama yan, Chanyeol. Ganyan ka dapat, okay?" Nginitian niya si Chanyeol nang malapad sabay tapik sa pisngi nito. "Ang swerte ko talaga dahil nakilala ko ang isang tulad mo!"

"At ang swerte ko rin sayo!" sabi ni Chanyeol, hinawakan niya ng dalawang kamay niya ang pisngi ni Baekhyun at kinurot ito (nang may halong gigil at inis). "Mm! Cute cute! Aigoo. AIGOO."

"Gutom na ako." Pumasok si Sehun sa kusina habang nakacross arms. "Kaya kung tapos na kayo jan, kumain na tayo."

"Walang pagkain."

"Hindi siya nagluto."

"Hindi ako nagluto."

Bumuntong hininga si Sehun. "Kumain na lang tayo sa labas."

Tumango si Baekhyun habang nakangiti nang malapad. "Mabuti pa nga. Saan tayo kakain?"

"Sa Max's," sabi ni Chanyeol.

"Arumdaun," sabi ni Baekhyun.

"Max's."

"Arumdaun."

"MAX'S."

"ARUMDAUN."

"MAX'S!!!"

"A-RUM-DAUN!!!"

"Provence."

Napatingin si Chanyeol at Baekhyun kay Sehun. Walang reaksyon si Sehun.

Katahimikan.

"Bakit?"

Katahimikan.

"Magluluto na lang ako," sabi ni Baekhyun sabay tayo sa dining table at punta sa ref para magkalkal ng mailuluto. "Woah, ang daming pagkain, ano kayang iluluto ko?"

Umiwas si Chanyeol ng tingin tapos umubo siya. "Uhm. Tatawagan ko pala si Kyungsoo sa office. May meeting ako."

Napataas ng kilay si Sehun. Alam niyang wala nang pagkain sa ref at wala namang meeting ngayon ang hyung niya. Anong meron?

"Yah! Gutom na ako! Kumain tayo sa labas! Kumain tayo sa Provence, gusto ko dun! Masarap ang pagkain sa PROVENCE!" sigaw ni Sehun habang pumapadyak sa sahig.

Walang pumansin sa kanya.

"Yah. Ayaw niyo ba talaga sa Prov--?" Natigilan bigla si Sehun nang may maalala siya. Ahhhh. Okaaaay...

"Dito na lang tayo kumain." Bumalik na lang si Sehun sa panonood ng TV sa couch.

"SORRY!" sigaw ni Sehun mula sa living room. Narinig naman nina Baekhyun at Chanyeol si Sehun, kaya naman napangiti na lang sila sa kung saan sila naroroon.

*

To be continued.

(A/N: I'm sorry, mag uupdate na ako nang madalas, promise. Salamat sa pagbasa!)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro